Sherra's POV
Pabiglang iminulat ko ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Nagtaka ako kung bakit naroon ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Ngunit saglit lamang ang aking pagtataka dahil agad na bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. Hinimatay pala ako matapos kong masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Kurt Contreras. Nang maisip ko ang nakakatakot na anyo ng lalaki ay tarantang sinuri ko ang aking katawan dahil baka nabawasan na ang aking laman. Sinuri ko ring mabuti ang aking leeg dahil baka may tusok o kagat ng pangil na nakita ko sa bibig ng lalaki. Nakahinga ako ng malalim nang masiguro kong intact pa ang katawan ko. Walang sugat at walng pingas kahit na maliit lamang.
Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako kinain samantalang may chance siya nang hinimatay ako. O baka gusto niya ng taong gumagalaw kaya hindi muna niya ako kinain. Mabilis akong napailing-iling. Ayokong maging agahan ng guwapong halimaw na iyon. Ay teka, paano naging guwapo ang halimaw? Ano ba itong pumasok sa isip ko? Guwapo lang naman ang Kurt na iyon kapag hindi siya nagiging halimaw. Pero kapag nasa anyong halimaw siya ay talagang nakakapanindig balahibo ang hitsura niya. Lahat ng buhok ko sa katawan ay tumayo yata kagabi nng makita ko ang halimaw niyang anyo. Pati yata nakatago kong buhok sa kili-kili at sa ibaba ay hindi rin napigilang tumayo dahil sa sobrang takot. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakakita ng werewolf. Nakakatakot pala. Akala ko ang hitsura ng werewolf sa tunay na buhay ay tao ang pang-itaas at tulad sa aso naman ang pang-ibabang katawan. Ngunit hindi pala.
Nagmamadaling bumaba ako sa kama para umalis dahil baka maabutan pa ako ni Kurt at makita niyang gising na ako ay bigla akong gawing almusal. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa pintuan nang bigla akong huminto at matigilan. Ngayon ko lang kasi napansin na iba pala ang suot kong damit. Isang maluwang na t-shirt na pang-lalaki ang suot ko na muntikan lamang umabot hanggang sa kalahati ng aking tuhod ang haba.
Nasaan ang mga damit ko? Sino ang nagbihis sa akin? nanlalaki ang mga matang tanong ko sa aking isip. Ipinilig ko ang aking ulo. Saka ko na lamang iisipin kung sino ang nagbihis sa akin kapag nakaalis na ako sa bahay na ito. Ngunit konting galaw ko lamang ay makikita na agad ang aking puwit kaya bumalik ako sa kama at hinanap ang aking mga damit. Nakita kong nasa may paanan lang pala ang kama ang mga damit ko at hindi na basa. Sa pagmamadali kong makalabas sa silid na ito ay hindi ko tuloy napansin ang aking mga damit.
Kinuha ko ang aking suot na skirt at mabilisang isinuot. Hindi na ako nag-aksayang magpalit ng damit pang-itaas. Basta ko na lamang binitbit ang damit ko pati na rin ang aking shoulder bag palabas ng silid. Iniwan ko na rin ang aking sapatos na may takong na pinag-ipunan ko pa namang bilhin. Ngunit hindi bale na. Makakabili pa naman ako niyon basta buhay pa ako.
Walang tigil ang aking pagdarasal habang palinga-lingang naglalakad ako papunta sala. Dinadalangin ko na sana ay hindi ako mahuli ni Kurt habang tumatakas. Sobrang lakas ng kabog nang aking dibdib at para bang nais lumabas sa kanyang kinalalagyan ang aking puso sa sobrang lakas ng pagkabog. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako sa bahay ng halimaw nang hindi niya nalalaman. Ngunit mas makakahinga ako ng maluwag kapag tuluyan na akong nakalabas sa gate at makabalik sa aking bahay.
"Thank you, Lord. I'm safe," pasalamat ko sa Diyos nang tuluyan na akong nakalabas ng gate. Nagtatakbo ako palayo sa bahay na iyon at ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na ako dadaan pa sa bahay na iyon.
"HOY! Bakit ka nakatulala diyan?" panggugulat sa akin ng katrabaho kong si Agnes. Lunch time na kaya nasa canteen kami ng kompanya para mag-luch. Ngunit wala akong ganang kumain. Iniisip ko kasi ang mga nangyari sa akin kagabi. Hindi lamang ang tungkol sa pagkatao ni Kurt bilang halimaw na aksidente kong natuklasan ang aking iniisip kundi pati na rin ang mga misteryosong tao na nakita kong pumatay sa mag-asawang doktor na aking kapittbahay. "May sakit ka ba, Sherra? Ang tamlay mo kasi. Mag-half day ka na lang kaya muna ngayon," may concern sa boses na sabi ni Agnes sa akin. Sa lahat ng mga katrabaho ko ay kay Agnes lamang tila magaan ang aking loob. Mabait kasi ito at kuwela kaya madaling makagaanan ng loob.
"Mag-half day? Gusto mo bang sisantehin ako ng boss natin? Pangalawang araw ko pa nga lang ngayon sa aking trabaho tapos mag-half day kaagad ako? Ano ako pa-VIP?" naiiling na sabi ko sa kanya.
"Nag-aalala lang naman kasi ako sa'yo. Ang tamlay mo kasi. Tingnan mo at hindi mo ginalaw ang pagkain mo. Para tuloy kumakaway sa akin ang chicken wings na nasa pinggan mo."
Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi niya. Ang takaw talaga nitong kumain at halatado naman sa laki ng katawan niya. Inilapit ko sa kanya ang aking pinggan para kunin na lamang niya ang gusto niyang kainin. Mukhang hindi naman kasi ako makakakain dahil pakiramdam ko ay masusuka lamang ako kapag kumain ako. Masyado pa kasing fresh sa aking isip ang ginawang pagdukot ng misteryosong lalaki sa puso ng mag-asawang doktor pagkatapos ay kinain habang tumitibok-tibok pa.
"Kainin mo na para hindi masayang. Wala talaga akong ganang kumain."
"OMG! Thank you, friend," abot-tainga ang ngiti na sabi niya sa akin. "Pero bakit nga ba ang tamlay mo, Sherra? Kahapon ay sobrang energetic mo tapos ngayon naman parang wala kang lakas. Naubos ba kahapon ang lakas mo? Hindi ka ba nakapag-charge?" pabirong pag-uusisa ni Agnes habang pinapapak ang chicken wings na ibinigay ko.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago magsalita. "Natuklasan ko kasing niloloko pala ako ng aking boyfriend at ng aking best friend. May relasyon pala silang dalawa," pagtatapat ko kay Agnes. Mabilis na ikinuwento ko sa kanya ang eksenang nakita ko sa loob ng bahay ng aking boyfriend este ex-boyfriend pala.
Totoo naman ang aking sinabi. Isa sa mga dahilan kung bakit ako matamlay ay dahil sa natuklasan kong iyon. Ngunit himala na hindi ako nasasaktan ngayon. O baka mas nangingibabaw sa aking damdamin ang nakakatakot na natuklasan ko kagabi kaya walang lugar ang sakit at lungkot sa aking damdamin ngayon dahil sa ginawang panloloko sa akin ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko ng lubos.
"Talaga? Puntahan natin after work ang bahay ng boyfriend at best friend mo tapos kakalbuhin ko sila," matapang na sabi ni Agnes. Sa laki nito ay tiyak na walang laban si Jared kahit pa lalaki ito at lalong-lalo naman si Amy na payat dahil masyadong conscious sa sarili kaya palaging nagda-diet.
"Huwag na, Agnes. Hahayaan ko na lamang sila kung saan sila masaya. Ngunit tinatapos ko na ang pagkakaibigan namin na nabuo ng maraming taon," sagot ko sa aking bagong kaibigan. Nawala nga ang aking best friend ngunit may pumalit namang bago at mukhang mas maaasahan kong kaibigan.
"Ang bait mo naman, Sherra. Kung sa akin ginawa ang ginawa sa'yo? Naku, puputulin ko ang kinabukasan ng lalaking iyon at ipapakain ko sa haliparot kong best friend," galit na sabi ni Agnes. Hindi ko napigilang matawa sa kanyang sinabi. Hindi ko ma-imagine na gagawin nga niya ang bagay na iyon.
"Nakakatakot ka pa lang maging girlfriend. Mawawalan ng kinabukasan ang boyfriend mo sakaling lokohin ka,"natatawang sabi ko sa kanya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanyang mga pagbibiro.
"Don't worry, Sherra. Magmula ngayon ay ako na ang magiging best friend mo. At kahit magkaroon ka man ng boyfriend na sobrang guwapo at hot ay hinding-hindi ko siya aagawin sa'yo. Ay hindi pala ako papatulan ng hot and handsome mong boyfriend dahil sa laki ng katawan ko. Baka isipin niya na umakyat sa lupa si Dugong at naghanap ng makakaing tao."
"Grabe ka naman. Maganda ka naman kahit mataba. Magpapayat ka lang siguradong pipilahan ka ng mga manliligaw," natatawang sabi ko sa kanya. Masarap palang magkaroon ng joker na kaibigan. Si Amy kasi ay katuladni Jared na seryoso sa buhay. Ako lang naman ang nagpapatawa sa aming tatlo dahil ako ang kuwela. Masayahin kasi ako kahit na may problema pa akong kinakaharap. Nakukuha ko pang ngumiti. Ngunit mas masaya pala kapag ako ang pinapatawa ng kaibigan ko at hindi lamang ako ang nagpapatawa sa mga kaibigan ko.
"Don't worry at magpapapayat ako ng bonggang-bongga kapag may nagustuhan akong lalaki. Pero sa ngayon ay sasamantalahin ko munang kumain ng masasarap na pagkain dahil kapag nakahanap na ako ng lalaking mamahalin ko ay gagawin ko talaga ang sinabi mo."
"Oo na. Bilisan mo nang kumain at malapit nang matapos ang break natin."
Wala pang dalawang minuto ay natapos na ni Agnes na kainin ang dalawang chicken wings na ibinigay ko sa kanya. Napailing na lamang ako. Puwedeng isabak sa food eating contest ang babaeng ito dahil mabilis makaubos ng pagkain. At tiyak na hindi ito malulugi kapag kumain sa mga restaurant na unli food at per head ang bayad.
"I'm done. So let's go," sabi nito na nauna nang tumayo sa upuan.
Akmang tatayo na rin ako sa aking kinauupuan nang bigla kong maramdaman na tila may nakatingin sa akin mula sa kung saan. Pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito. Ganito rin ang naramdaman ko kahapon habang nasa loob ako ng simbahan. Ngunit nang iginala ko ang aking paningin sa paligid ay wala namang nakatingin sa akin maliban kay Agnes na nagtataka dahil hindi pa ako tumatayo sa aking kinauupuan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Imagination ko lang ba ito o talagang may taong nakatingin sa akin?
Sherra's POVMalayo pa lamang ako ay natatanaw ko na ang nakaparadang sasakyan ni Jared sa tapat ng bahay ko. Hindi ko na huhulaan kung sino ang babaeng kasama niya na nakayakap sa kanya dahil natitiyak ko na ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang haliparot kong ex-best friend. Agad na naglayo ang dalawa nang mapansin nilang may parating na taxi. Ang taxi na kinalululalan ko.Agad na kumulo ang dugo ko sa kanila. Ang kapal ng mukha nila para magpakita pa sa akin. Akala nila ay maloloko nila ako forever. Saglit na kinapa ko ang aking dibdib. Wala na akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa kanilang dalawa bilang boyfriend at best friend ko dahil galit na lamang ang natitira sa aking dibdib para sa panlolokong ginawa nila sa akin. Masyado nilang inapakan ang aking pagkatao. Bakit hindi na lang nila sinabi sa akin na may relasyon sila? Maiintindihan ko naman kung bakit nahulog ang loob nila sa isa't isa at magiging masaya pa ako para sa kanilang dalawa. Handa akong magpara
Sherra's POVDala ang tinimpla kong kape ay pumasok ako sa opisina ng boss kong si Cheng Mo na isang forty-five years old Chinese National ngunit sa Pilipinas na naninirahan dahil dito naka-base ang kanyang business. First day ko ngayon as his secretary at masasabi kong maayos naman siyang mag-handle ng kanyang mga employee. I just graduated ftom college two days ago and I graduated with flying colors. After my celebration with my best friend, Amy, and my boyfried, Jared, I received a call from Mr. Cheng. Sinabi niya na inirekomenda raw ako ng isa sa mga naging college professor ko para magtrabaho sa kanya. Inalok ako ni Mr. Cheng na maging secretary niya with a proper amount of salary. Kailangan ko ng trabaho kaya agad kong tinanggap ang alok niya.Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang magtrabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya. Madalas ko kasing napapanuod sa mga palabas na ang mga secretary ay palaging naka-make up, maganda ang suot at naka-heels pa ng sapatos. Ganyan
Sherra's POVMalayo pa lamang ako ay natatanaw ko na ang nakaparadang sasakyan ni Jared sa tapat ng bahay ko. Hindi ko na huhulaan kung sino ang babaeng kasama niya na nakayakap sa kanya dahil natitiyak ko na ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang haliparot kong ex-best friend. Agad na naglayo ang dalawa nang mapansin nilang may parating na taxi. Ang taxi na kinalululalan ko.Agad na kumulo ang dugo ko sa kanila. Ang kapal ng mukha nila para magpakita pa sa akin. Akala nila ay maloloko nila ako forever. Saglit na kinapa ko ang aking dibdib. Wala na akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa kanilang dalawa bilang boyfriend at best friend ko dahil galit na lamang ang natitira sa aking dibdib para sa panlolokong ginawa nila sa akin. Masyado nilang inapakan ang aking pagkatao. Bakit hindi na lang nila sinabi sa akin na may relasyon sila? Maiintindihan ko naman kung bakit nahulog ang loob nila sa isa't isa at magiging masaya pa ako para sa kanilang dalawa. Handa akong magpara
Sherra's POVPabiglang iminulat ko ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Nagtaka ako kung bakit naroon ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Ngunit saglit lamang ang aking pagtataka dahil agad na bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. Hinimatay pala ako matapos kong masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Kurt Contreras. Nang maisip ko ang nakakatakot na anyo ng lalaki ay tarantang sinuri ko ang aking katawan dahil baka nabawasan na ang aking laman. Sinuri ko ring mabuti ang aking leeg dahil baka may tusok o kagat ng pangil na nakita ko sa bibig ng lalaki. Nakahinga ako ng malalim nang masiguro kong intact pa ang katawan ko. Walang sugat at walng pingas kahit na maliit lamang. Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako kinain samantalang may chance siya nang hinimatay ako. O baka gusto niya ng taong gumagalaw kaya hindi muna niya ako kinain. Mabilis akong napailing-iling. Ayokong maging agahan ng guwapong halimaw na iyon. Ay teka, paano naging guwapo an
Sherra's POVDala ang tinimpla kong kape ay pumasok ako sa opisina ng boss kong si Cheng Mo na isang forty-five years old Chinese National ngunit sa Pilipinas na naninirahan dahil dito naka-base ang kanyang business. First day ko ngayon as his secretary at masasabi kong maayos naman siyang mag-handle ng kanyang mga employee. I just graduated ftom college two days ago and I graduated with flying colors. After my celebration with my best friend, Amy, and my boyfried, Jared, I received a call from Mr. Cheng. Sinabi niya na inirekomenda raw ako ng isa sa mga naging college professor ko para magtrabaho sa kanya. Inalok ako ni Mr. Cheng na maging secretary niya with a proper amount of salary. Kailangan ko ng trabaho kaya agad kong tinanggap ang alok niya.Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang magtrabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya. Madalas ko kasing napapanuod sa mga palabas na ang mga secretary ay palaging naka-make up, maganda ang suot at naka-heels pa ng sapatos. Ganyan