Share

Love and Curse
Love and Curse
Author: iamsimple

Chapter 1

Author: iamsimple
last update Huling Na-update: 2022-12-27 15:29:45

Sherra's POV

Dala ang tinimpla kong kape ay pumasok ako sa opisina ng boss kong si Cheng Mo na isang forty-five years old Chinese National ngunit sa Pilipinas na naninirahan dahil dito naka-base ang kanyang business. First day ko ngayon as his secretary at masasabi kong maayos naman siyang mag-handle ng kanyang mga employee. I just graduated ftom college two days ago and I graduated with flying colors. After my celebration with my best friend, Amy, and my boyfried, Jared, I received a call from Mr. Cheng. Sinabi niya na inirekomenda raw ako ng isa sa mga naging college professor ko para magtrabaho sa kanya. Inalok ako ni Mr. Cheng na maging secretary niya with a proper amount of salary. Kailangan ko ng trabaho kaya agad kong tinanggap ang alok niya.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang magtrabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya. Madalas ko kasing napapanuod sa mga palabas na ang mga secretary ay palaging naka-make up, maganda ang suot at naka-heels pa ng sapatos. Ganyan ka-simple ang aking dahilan kung bakit ko gustong maging secretary. Habang lumalaki ako ay napagtanto ko na hindi lang naman pala ang mga secretary ang pumapasok sa trabaho ng naka-make up, maganda ang damit at nakasuot ng sapatos na may takong. Pero kahit alam ko na ang katotohanang iyon ay hindi pa rin nawala ang kagustuhan kong maging secretary kaya nga ang kursong kinuha ko ay Computer Secretarial na tinapos ko sa loob ng apat na taon. Hindi naman ako nagsisisi na ito ang kinuha kong course sa kabila ng maraming nagsasabi sa akin na mas bagay raw sa akin na maging flight attendant dahil mataas daw ako at maganda. Para sa akin, kung ano ang itinuturo ng aking puso ay iyon ang susundin ko.

Hindi baleng hindi ako sinusurportahan ng aking mga kamag-anak at iba pang malalapit na kaibigan dahil full support naman sa akin ang best friend kong si Amy at ang boyfriend kong Jared. Sabay kaming nag-graduate ni Amy samantalang nauna ng isang taon si Jared na maka-graduate sa aming tatlo at ngayon ay maayos ang posisyon niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Hindi alam ng dalawa na may trabaho na ako dahil itinago ko muna sa kanila. Gusto ko kasi na kapag sinabi ko na sa kanila na may trabaho na ako ay sigurado na talaga at hindi ako aatras. At ngayong nakita ko naman na magiging maayos ang aking trabaho ay ipagtatapat ko sa kanilang dalawa na may trabaho na ako. Gusto ko silang surpresahin. Natitiyak ko na masusurpresa sila at magiging masaya sila para sa akin dahil finally, natupad ko na ang dreams ko na maging secretary sa isang malaking kompanya.

After ng work ko ay tinawagan ko si Amy para papuntahin sa bahay ni Jared para doon ko na lamang sila sabay na susurpresahin sa aking dala na magandang balita. Ilang beses ko siyang tinawagan sa cellphone niya ngunit hindi siya sumasagot.

"Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ito at hindi sinasagot ang tawag ko?" kausap ko sa aking sarili matapos kong makapag-send sa knya ng message na pumunta siya sa bahay ni Jared. Naisip kong tawagan din si Jared para ipaalam na pupunta kami ni Amy sa bahay niya ngunit biglang nagbago ang isip ko. Mas mabuting i-surprise ko siya para mas masaya.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na simbahan para saglit na magdasal at magpasalamat sa biyayang aking natanggap. Weekdays ngayon kaya konti lamang ang nasa loob ng simbahan at taimtim na nagdarasal. Pumili ako ng upuan na walang tao at doon lumuhod. Nagpasalamat ako sa Diyos sa mga biyayang natatanggap ko mula sa kanya. Na kahit wala na akong mga magulang at itinaguyod ko lamang ang aking sarili para makapagtapos ako ng pag-aaral ay hindi pa rin niya ako pinabayaan dahil binigyan niya ako ng dalawang taong nagmamahal sa akin. Para sa akin, wala man akong mga magulang na tulad ng iba ay may dalawang taong nagmamahal at sumusuporta naman sa akin ng walang sawa. Kaya masaya at kuntento na ako kung ano ang meron ako ngayon.

Habang taimtim akong nagdarasal ay bigla kong naramdaman na tila ba may mga mata na nakatingin sa akin. Pagpasok ko pa lamang kanina sa simbahan ay naramdaman ko nang tila may mga matang sumusunod sa aking bawat galaw ngunit inignora ko lamang ang pakiramdam na iyon. Pero ngayon ay malakas ang kutob ko na talagang may mga matang nakatingin nga sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at inilibot sa kabuuan ng simbahan ngunit wala naman akong nakitang tao na nakatingin sa akin o maski tao na kahina-hinala ang kilos. Biglang nanayo ang aking mga balahibo sa kakaibang pakiramdam na iyon. Napabuntong-hininga ako at mabilis na tinapos ang aking pagdarasal.

Paglabas ko ng simbahan ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na cake shop para bumili ng cake para sa gagawin naming celebration. Nagpahintay na lamang ako sa taxi at ito na rin ang sinakyan ko papunta sa bahay ni Jared dahil hindi lang naman ako magtatagal sa pagbili ng cake. At isa pa ay mukhang mahirap makasakay ng taxi sa banda rito dahil mga punuan na ang mga public vehicle na nagdaraan.

Pagdating ko sa bahay ni Jared ay napangiti ako nang makita kong nakaparada sa labas ng bahay nito ang kotse ni Amy. Nauna na pala sa akin na makarating sa bahay ni Jared ang best friend ko. Siguro ay agad na itong dumiretso rito nang mabasa ang message ko. At natitiyak ko na nagtataka na sila ngayon kung bakit ko pinapunta si Amy sa bahay ni Jared. Excited na akong sabihin sa kanila ang magandang balita na hatid ko para sa kanila. At natitiyak ko na ikatutuwa nila kapag nalaman nilang may trabaho na ako.

Akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla kong marinig ang boses ni Amy na tila hinihingal. Nagtaka ako kung bakit hinihingal ang boses ng kaibigan ko. Ano ba ang ginagawa niya at hingal na hingal siya? Nang makita kong bahagyang nakaawang ang pintuan ay hindi na ako kumatok at itinulak ko na lamang ng mahina ang pintuan. At hindi ko inaasahan ang aking makikita. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong parehong walang saplot sa katawan ang aking best friend at boyfriend habang may ginagawang milagro. Nasa ibabaw ni Amy si Jared at umiindayog ang katawan na para bang isang hinete na nakasakay sa kabayo. Pawis na pawis ito at mukhang pagod na ngunit halatadong sobrang nag-eenjoy naman ito sa ginagawa.

"Oh, Jared! Faster! Malapit na akong makarating," nakikiusap ang tinig na sabi ni Amy kay Jared habang nakasalikop sa baywang ng aking boyfriend ang dalawa nitong mga hita.

"Malapit na rin akong makarating, Sweetheart. Lalabas na," ungol naman ni Jared na lalong bumilis ang pag-indayog ng katawan sa ibabaw ni Amy. Sa malas ay parehong hindi nila napapansin ang aking presensiya. Nakatutok lamang kasi ang pansin nila sa kanilang makamundong nararamdaman.

Gusto kong masuka sa kanilang ginagawa. Gusto ko rin tumakbo palapit sa kanila, sugurin sila at pagbuhulin ngunit tila wala akong lakas para gawin iyon. Nanginginig ang aking buong katawan sa matinding galit at nanlalambot naman ang aking mga tuhod sa aking natuklasan. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanila para ganituhin nila ako. Ang buong akala ko ay tunay at tapat ang suporta at pagmamahal na ibinigay nila sa akin ngunit lahat pala ay pawang pagkukunwari.

Tila may sariling isip ang aking mga paa na kusang umatras at naglakad palayo sa bahay ni Jared habang umiiyak. Naglakad ako sa kalsada na hindi alam kung saan ako patungo. At nang makakita ako ng mga batang lansangan ay ibinigay ko sa kanila ang cake na binili ko. Sayang naman kung itatapon ko lamang dahil sa galit ako sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko ngunit niloko lamang ako.

Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang nalalakad ko bago ako nagpasyang sumakay sa taxi. Ngunit hindi pa kami nakakarating sa bahay ko ay biglang tumirik ang sinasakyan kong taxi kaya ipinasya ko na lumabas na lamang at maglakad. Ilang bahay na lang naman ay nasa tapat na ako ng bahay ko.

Mukhang nakikisimpatya sa akin ang panahon dahil biglang umambon hanggang sa tuluyang umulan. Hindi ko alintana ang malakas na buhos ng ulan sa halip ay natuwa pa nga ako dahil walang makakakita na umiiyak ako habang naglalakad. Kahit nagdurugo ang puso ko ay nakuha pa rin ng aking atensiyon ang tila kaguluhan na nangyayari sa bahay ng nadaanan kong kapitbahay ko. Bukas kasi ang pintuan ng bahay nila pati na rin ang gate kaya kitang-kita ko mula sa labas ang nangyayaring gulo sa loob ng bahay. Pinahid ko ang aking mga luha at lumapit sa may gate para mas makita ko ng maayos kung ano ng nangyayari sa loob ng bahay na iyon. May ilang kalalakihang nakaitim ang nasa loob ng bahay at hawak ang aking kapitbahay na mag-asawang doktor at tila may itinatanong sa kanila. Ngunit hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil malakas ang buhos ng ulan.

Gusto kong matawa sa aking sarili. Heto na nga at nagdurugo ang aking puso ay nagawa ko pang makiusyoso sa ibang tao. Ganito pala kapag tsismosa. Hindi nawawala ang curiosity kahit na may sariling problema. Pakiramdam ko ay biglang lumaki ang aking ulo at mga mata nang makita ko ang lalaking matangkad at mukhang siyang pinuno ng grupo na bigla na lamang dinukot ang puso ng mag-asawa. Halos maduwal ako nang makita kong tumitibok pa ang puso ng aking mga kapitbahay. Ngunit ang mas nakakarimarim ay bigla na lamang kinain ng lalaki ang mga puso. Doon na ako hindi nakatiis at nagduduwal na ako. Ngunit sa malas ay naramdaman yata ng lalaki ang aking presensiya kaya biglang lumingon sa aking kinaroroonan. On instinct, bigla akong napatakbo ng mabilis. Alam ko naman kasi na papatayin nila ako dahil sa aking nasaksihan. At sa sobrang takot ko ay lumampas ako sa aking bahay. Ngunit natatakot akong bumalik dahil baka sinusundan ako ng mga taong iyon. Ayokong malaman nila ang aking bahay. Siguro naman ay hindi ako namukhaan ng taong iyon dahil natatakpan ng basang buhok ko ang aking mukha at mga isang segundo lang naman yata niya akong nakita.

Ngayon ako naniniwala sa kasabihang "curiosity kills the cat" dahil mukhang ang pagiging tsismosa ko pa yata ang magiging sanhi ng aking kamatayan. Sa takot na baka sinusundan ako ng mga misteryosong lalaking iyon ay bigla na lamang akong pumasok sa nakabukas na gate ng isang malaking bahay. Ngunit naglaho na yata ang aking suwerte dahil ang gate na napasukan ko ay may-ari pala ng isang nakakatakot na nilalang. Isang nilalang na parang tao ngunit may makapal na balahibo sa kanyang buong katawan na tulad ng isang aso. At base sa mga palabas na nakita ko na may ganitong hitsura ng halimaw ay masasabi ko na isang werewolf ang nasa harapan ko. Ngunit hindi pa tapos ang surpresa sa akin dahil ang nakakatakot na halimaw ay unti-unting naging normal na tao. Isang napakakisig na lalaki na pinag-aagawan at pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan sa bansa.

Kurt Contreras! nanlalaki ang mga matang hiyaw ko sa aking isip.

Kaugnay na kabanata

  • Love and Curse   Chapter 2

    Sherra's POVPabiglang iminulat ko ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Nagtaka ako kung bakit naroon ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Ngunit saglit lamang ang aking pagtataka dahil agad na bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. Hinimatay pala ako matapos kong masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Kurt Contreras. Nang maisip ko ang nakakatakot na anyo ng lalaki ay tarantang sinuri ko ang aking katawan dahil baka nabawasan na ang aking laman. Sinuri ko ring mabuti ang aking leeg dahil baka may tusok o kagat ng pangil na nakita ko sa bibig ng lalaki. Nakahinga ako ng malalim nang masiguro kong intact pa ang katawan ko. Walang sugat at walng pingas kahit na maliit lamang. Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako kinain samantalang may chance siya nang hinimatay ako. O baka gusto niya ng taong gumagalaw kaya hindi muna niya ako kinain. Mabilis akong napailing-iling. Ayokong maging agahan ng guwapong halimaw na iyon. Ay teka, paano naging guwapo an

    Huling Na-update : 2022-12-27
  • Love and Curse   Chapter 3

    Sherra's POVMalayo pa lamang ako ay natatanaw ko na ang nakaparadang sasakyan ni Jared sa tapat ng bahay ko. Hindi ko na huhulaan kung sino ang babaeng kasama niya na nakayakap sa kanya dahil natitiyak ko na ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang haliparot kong ex-best friend. Agad na naglayo ang dalawa nang mapansin nilang may parating na taxi. Ang taxi na kinalululalan ko.Agad na kumulo ang dugo ko sa kanila. Ang kapal ng mukha nila para magpakita pa sa akin. Akala nila ay maloloko nila ako forever. Saglit na kinapa ko ang aking dibdib. Wala na akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa kanilang dalawa bilang boyfriend at best friend ko dahil galit na lamang ang natitira sa aking dibdib para sa panlolokong ginawa nila sa akin. Masyado nilang inapakan ang aking pagkatao. Bakit hindi na lang nila sinabi sa akin na may relasyon sila? Maiintindihan ko naman kung bakit nahulog ang loob nila sa isa't isa at magiging masaya pa ako para sa kanilang dalawa. Handa akong magpara

    Huling Na-update : 2022-12-27

Pinakabagong kabanata

  • Love and Curse   Chapter 3

    Sherra's POVMalayo pa lamang ako ay natatanaw ko na ang nakaparadang sasakyan ni Jared sa tapat ng bahay ko. Hindi ko na huhulaan kung sino ang babaeng kasama niya na nakayakap sa kanya dahil natitiyak ko na ang babaeng iyan ay walang iba kundi ang haliparot kong ex-best friend. Agad na naglayo ang dalawa nang mapansin nilang may parating na taxi. Ang taxi na kinalululalan ko.Agad na kumulo ang dugo ko sa kanila. Ang kapal ng mukha nila para magpakita pa sa akin. Akala nila ay maloloko nila ako forever. Saglit na kinapa ko ang aking dibdib. Wala na akong nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa kanilang dalawa bilang boyfriend at best friend ko dahil galit na lamang ang natitira sa aking dibdib para sa panlolokong ginawa nila sa akin. Masyado nilang inapakan ang aking pagkatao. Bakit hindi na lang nila sinabi sa akin na may relasyon sila? Maiintindihan ko naman kung bakit nahulog ang loob nila sa isa't isa at magiging masaya pa ako para sa kanilang dalawa. Handa akong magpara

  • Love and Curse   Chapter 2

    Sherra's POVPabiglang iminulat ko ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Nagtaka ako kung bakit naroon ako sa silid na hindi pamilyar sa akin. Ngunit saglit lamang ang aking pagtataka dahil agad na bumalik sa aking isipan ang mga nangyari. Hinimatay pala ako matapos kong masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Kurt Contreras. Nang maisip ko ang nakakatakot na anyo ng lalaki ay tarantang sinuri ko ang aking katawan dahil baka nabawasan na ang aking laman. Sinuri ko ring mabuti ang aking leeg dahil baka may tusok o kagat ng pangil na nakita ko sa bibig ng lalaki. Nakahinga ako ng malalim nang masiguro kong intact pa ang katawan ko. Walang sugat at walng pingas kahit na maliit lamang. Nagtataka ako kung bakit hindi niya ako kinain samantalang may chance siya nang hinimatay ako. O baka gusto niya ng taong gumagalaw kaya hindi muna niya ako kinain. Mabilis akong napailing-iling. Ayokong maging agahan ng guwapong halimaw na iyon. Ay teka, paano naging guwapo an

  • Love and Curse   Chapter 1

    Sherra's POVDala ang tinimpla kong kape ay pumasok ako sa opisina ng boss kong si Cheng Mo na isang forty-five years old Chinese National ngunit sa Pilipinas na naninirahan dahil dito naka-base ang kanyang business. First day ko ngayon as his secretary at masasabi kong maayos naman siyang mag-handle ng kanyang mga employee. I just graduated ftom college two days ago and I graduated with flying colors. After my celebration with my best friend, Amy, and my boyfried, Jared, I received a call from Mr. Cheng. Sinabi niya na inirekomenda raw ako ng isa sa mga naging college professor ko para magtrabaho sa kanya. Inalok ako ni Mr. Cheng na maging secretary niya with a proper amount of salary. Kailangan ko ng trabaho kaya agad kong tinanggap ang alok niya.Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang magtrabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya. Madalas ko kasing napapanuod sa mga palabas na ang mga secretary ay palaging naka-make up, maganda ang suot at naka-heels pa ng sapatos. Ganyan

DMCA.com Protection Status