Share

Chapter 29

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-03-18 18:25:34

"Ni-ninong--" halos hindi makagalaw si Hannah habang nakaluhod sa harapan ni Edward.

Hindi naaalis ang mga mata nila sa isa't isa.

Hindi bago kay Hannah ito, kung si Dexter ang nakatingin sa kanya, subalit dahil si Edward iyon, nagkaroon siya ng ibang pakiramdam.

"Ang ganda ganda mo.. bakit nakuha ka pang lokohin ng isang gaya ni Caleb.." mahina, paos at mapang akit ang tinig na iyon. Habang ang mga daliri nito ay bumabaybay sa hugis ng kanyang mapupulang labi.

Ang galaw na iyon.. iba ang dating sa kanya. Pakiramdam ni Hannah, isa iyong uri ng panunukso. Ang paghaplos nito sa kanyang bibig ay parang sa isang lalaki na pinagnanasahan ang isang babae.

"Maaari ba.. na.." dahan dahang lumapit ang mukha ni Edward sa walang kakurap kurap na mukha ni Hannah.

Dumampi ang labing niya sa labi ng kanyang asawa. Magaan na halik lang iyon. Sinusubukan niya, kung tatanggi ito o hindi.

Subalit ang babae ay nanatiling nakaluhod, tinatanggap ang kanyang halik.

Si Hannah ay tila nawala sa sarili. Hin
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
ang baboy ni Caleb..
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Nabaliw nah ata c caleb at leona
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 30

    "NAIS makipagkita ni Caleb sayo?" nakakunot ang noo na tanong ni Edward kay Hannah. Ito ang araw ng Auction. Ang awkward moment nila noong nakaraan, ay tila ipinagsawalang bahala na lang nila. Kinalimutan at hindi na muling pinag usapan pa."Oo, ninong.." tugon ni Hannah, "nagulat nga ako, kasi di ba, sabi mo, abala siya at hindi makakapunta sa auction kaya pinapasabay niya sayo si Leona, tapos biglang ako ang kakausapin niya?""Mukhang may iba talagang plano si Caleb.." napahawak sa baba si Edward.Nitong nakaraang araw, panay ang message nito sa kanya, at nagsasabing wag kalimutan ang kanilang naging usapan.Makulit ito at mapilit, na kailangan niyang pagbigyan, para malinis at mabilis na makapasok si Hannah sa kumpanya nito.Si Leona naman ay panay ang update sa kanya at send ng mga larawan, na nagpapaapprove sa kanya ng susuotin nitong damit.Nakakabahala ang pagiging agresibo ng dalawang iyon.Base sa mga balita,lumulubog ang kumpanya, at kailangan ng mga ito ng cash cow. May m

    Huling Na-update : 2025-03-19
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 31

    Ang totoo.. nasa likuran si Hannah. Unang ihahatid sina Edward, saka naman ito ihahatid ng driver para makipagtagpo kay Caleb."Isuot mo to.." inilagay ni Edward ang isang diamond necklace sa leeg ni Hannah."Hindi na kailangan," tanggi niya."Kailangan.." sabi ni Edward. "Saka ito," isang earpiece ang inilagay nito sa kanya tainga."Para saan ba ito?" naguguluhan niyang tanong."Babantayan ka ni Carl, iba kasi ang kutob ko kay Caleb. Camera ang nasa diamond necklace na yan. At ang earpiece ay para marinig mo si Carl. Ayokong may gawing masama sayo si Caleb. Desperado na sila. Hindi na maganda ang plano nila. Masyado ng nalulugmok ang kumpanya at kailangan mo ng makapasok kaagad."Matapos bumaba nina Edward, ibinaba na rin ni Carl ang partition ng sasakyan. Tiningnan siya ng lalaki."Miss Hannah, maririnig ko ang bawat pag uusap niyo. Mas mabuting maging mahinahon ka at wag magpadala sa galit. Para sakaling may gawin siyang hindi maganda, may ebidensiya tayo.""Salamat, Carl."Ang res

    Huling Na-update : 2025-03-19
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 32

    Napangiti si Caleb, ngunit halatang hindi niya inaasahan ang sagot ni Hannah. Nagdadalawang-isip siyang inumin ang tubig na iniaabot niya."Huwag ka namang ganyan," pilit na ngiti ng lalaki. "Tutulungan mo ako pero wala kang tiwala sa akin?"Hindi sumagot si Hannah. Sa halip, mataman niyang tinitigan si Caleb, sinusuri ang bawat kilos nito. Alam niyang may binabalak ito, at hindi siya maaaring maging pabaya."Sige," sabi ni Caleb sa wakas, pilit na iniiwas ang tingin ni Hannah. Ininom niya ang kalahati ng tubig, ngunit kitang-kita ni Hannah kung paanong hindi nito nilulunok ang inumin at agad itong idinura sa kanyang panyo nang palihim.Muntik nang mapangisi si Hannah. Kaya tama nga ang hinala niya. May inilagay si Caleb sa tubig. Sa kabilang linya, narinig niya si Carl na may kasamang paghanga sa boses.'Matalino ka talaga, Miss Hannah.'Mabilis niyang hinawi ang buhok niya, waring hindi nag-aalala. "Salamat sa tubig, Caleb. Pero aalis na ako.""Hannah, sandali naman—"Tumayo siya at

    Huling Na-update : 2025-03-19
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 33

    SAMANTALA..."Mr. Ignacio.. parang nahihilo ako.." si Leona iyon na kumapit sa braso ni Edward."Gutom ka ba?" kunwari ay concern si Edward dito, subalit alam na niya ang taktika na ito."Parang nais kong magpahinga, at matulog.." sagot nito sa kanya, "maaari mo kaya akong ikuha ng kwarto sa itaas upang makapagpahinga ako ng maayos?""Ha?" natatawa si Edward sa sinabi nito. Talagang maduming maglaro sina Caleb at Leona. Gagawin ang lahat para lang makuha ang mga gusto."Kailangan ko kasi itong ihiga.. iligo," saka hinihimas himas nito ang kanyang dibdib.Napalingon si Edward sa kabuuan ng auction hall. May mga taong nakatingin sa kanila at palihim na kumukuha ng larawan. Mahirap ito, magkaka issue pa sila.Inalalayan niya paupo si Leona at binigyan ng tubig.Saglit lang, hahanap lang ako ng pwedeng magbook ng room," malambing niyang sabi kay Leona.ihim na ngumiti ang babae, saka tiningnan si Edward."Huli ka sa bitag!" bulong niya.Kinuha ni Edward ang kanyang cellphone at nagdial..

    Huling Na-update : 2025-03-19
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 34

    "ANONG nangyari?" umikot ikot ang paningin ni Leona habang sinusuri ang paligid."Nag pass out ka daw," sagot ni Caleb. "Ano bang nangyari sayo? di ba, sabi ko, akitin mo siya? bakit ikaw ang nawalan ng malay.""Hindi ko din alam eh," sagot nito, "ang alam ko lang, nahilo ako. Wala na akong maalala.""Ano bang sinabi mo sa kanya?""Nais kong magpahinga muna, iakyat niya ko sa kwarto, ngunit sa halip, naupo siya, pinainom ako ng tubig, at doon unti unti akong nahilo," paliwanag nito sa kanya.Kumunot ang noo ni Caleb. Hindi kaya.."Hindi kaya nakahalata siya sa ginagawa mo?" tanonhg niya dito, "kasi kung hindi.. paanong--""Imposible. Malinis akong kumilos.." naiiling na sagot nito."Eh, bakit parang nakahalata siya sayo?""May iba pa naman akong option.." nakangiting sabi ni Leona, "madaming picture namin na kinuha ng mga paparazzi sa event, magpakalat na lang tayo ng balita about sa amin.. Maginoo si Mr. Ignacio, kaya for sure, hindi siya magsasalita, at isisettle ito ng palihim.""B

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 35

    "HINDI ako pwede.." sagot niya sa tawag ni Caleb. "May meeting ako, di ba, tutulungan kitang mapabalik at magdagdag ng investors?"Huminga si Caleb. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman, at biglang inaya na makipagkita sa kanya si Hannah.Bigla niyang naalala kung paano ito mag alaga. Paano ito maghain ng kanyang pagkain, at kung paano siya liguan, lalo na kapag nakakainom siya. Ibang tao ba ang kausap niya?Noon, kapag aalis siya ng bahay, agad na sumasalubong sa kanya ang kanyang asawa.Sa halimuyak ng masarap na pagkain sa hapag, hindi niya maiwasang umalis ng busog.Laging sinasabi nito, na ang pinakamahalagang pagkain ay ang almusal.Totoong mahal niya ito.. noon.Subalit..Ang kanyang kasakiman at ang tukso ang naglugmok sa kanya sa ganitong kalagayan.Nagpadala siya sa sulsul.Magsisi man siya, huli na.Si Hannah na nakikita niya ngayon, ang totoong babaeng minahal niya. Hindi niya alam kung bakit nag iba ito habang magkasama sila sa iisang bubong.Nakakaboring na itong kau

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 36

    "YEAH, it's me," nakangiting sabi ni Leona, "nakipag meeting sila sa akin, and then, ayun, pumayag naman sila to invest," masayang sabi ni Leona sa kanya.All of a sudden, parang bumagsak ang pag asa niyang maging okay sila ni Hannah. Akala ni Caleb, tutulungan siya ng kanyang dating asawa na makakuha ng investors, pero sa huli, si Leona pa rin ang gumawa ng lahat.Umasa siya masyado sa pangako ni Hannah. Kaya ba ayaw na nitong makipagkita sa kanya?Kaya ba umiiwas si Hannah?Dahil hindi nito kayang matulungan siya?Ngunit.. nakausap pa niya ito noong nakaraan. Nakipagkita pa ito sa kanya.Tandang tanda niya ang malambing na pagsasalita ni Hannah.Akala niya, namamalikmata lang siya..."Try this..." inaro ni Hannah sa kanya ang steak na nasa tinidor. Napatingin si Caleb doon, "ayaw mo ba?""'Ah.. " ngumanga siya at isinubo iyon. Kita pa niya kung paano isinubo ni Hannah ang tinidor sa bibig nito ng walang laman."That's good?" tanong ng babae sa kanya na may malambing na tinig.Napat

    Huling Na-update : 2025-03-21
  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 37

    "HANNAH!" tawag ni Renzelle sa kanya. Kumakaway ito mula sa malayo na tila ba tinatawag siya."Kanina ka pa?" yumakap siya sa kanyang kaibigan. Dalawang linggo din silang hindi nagkita."Oo," inilayo siya nito saka tinitigan, "okay ka lang ba?""Bakit?" nakangiti niyang tanong, "may sakit ako? paano mo naman nasabi yan?""Maputla ka.. kung hindi dahil sa lipstick at blush on mo, halatang halata na ang kaputlaan mo." nag aalala si Renzelle habang sinusuri siya."Ano ka ba? maayos lang ako," nakangiti niyang tugon dito. Ayaw niyang mag alala ang kanyang kaibigan tungkol sa kanyang kalagayan. Wala pa siyang napagsasabihan ng tungkol dito."Halika na nga.. may nakita akong kainan sa banda ron.." inakay siya ng kaibigan sa kabilang panig ng mall.Sa kanilang paglalakad, nakasabay nila sina Leona at Miraflor. Nakahawak si Miraflor sa braso ni Leona na parang napaka close nila.Napansin ng mga ito ang presensiya niya, subalit hindi niya binati o kahit tingnan ang matandang babae."Ganyan ka

    Huling Na-update : 2025-03-22

Pinakabagong kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   76. SPG...

    Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 75

    "Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 74

    Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 73

    Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 72

    "Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 71

    "Totoo nga!?" halos mabasag ang speaker ng cellphone sa lakas ng boses n i Miraflor, "anong katangahan ang iniisip mo at sinaktan mo siya? talaga bang nababaliw ka na?""Ma-- ma-- makinig ka nga muna sakin.. hindi mo naiintindihan! hindi ko kagustuhan ang nangyari! siya-- siya ang may nais na gawin ko iyon sa kanya!" pangangatwiran niya sa ina."Talagang nababaliw ka na! sinong babae sa inaakala mo ang magnanais na saktan mo ng ganoon? humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!" bulyaw ni Miraflor sa kanya.Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang mas ninais pa ng ina niya na paniwalaan si Leona kesa sa kanyang anak nito.Hindi niya mawari kung nagayuma ba nito ang kanyang ina, o ano.Hindi din niya maintindihan kung ano ang palabas na ito ni Leona at tila ba ginigipit siya.Ang akala niya, maayos na ang naging usapan nila, ngunit bakit umaarte na naman ito na parang biktima, gayong ginusto naman nito kung ano ang nangyari..Wala siyang matandaang nag away sila

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 70

    "Talaga ,mommy?" gulat na gulat si Leona sa ibinalita ni Miraflor sa kanya."Oo, nakita ko sila.." kumunot ang noo ng matandang babae at doon napansin ang mga pasa niya, "anong-- nangyari sayo, hija?"'Ah--" ibinaba niya ang jacket na napangat sa kanyang braso.. Sdaya niya iyong ipinakita sa matanda, "wa--wala po ito.""Patingin nga!" hinila nito ang kanyang braso, saka tiningnan ang mga pasa, "sinong may kagagawan nito?""Wag na lang po nating pag usapan, mommy," namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nais niyang makuha ang simpatiya ng matadang babae upang kampihan siya nito. "Ayoko pong magkaroon pa kami ng problema ni-- ni Caleb.. Pinagbibintangan niya kasi ako mommy na pinatay ang bago niyang babae.. hindi ko nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?""Ang walang hiyang yun at nagkaroon pa ng lakas ng loob na saktan ka. Humanda sa akin ang lalaking yan!" naniningkit ang mga mata ni Miraflor habang nakatingin sa bintana.Sa malayang mga mata ni Leona, mababanaag ang tagumpay. Hindi si

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 69

    Magkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 68

    "Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status