"CALEB, sigurado ka ba talaga na aalisin mo ako sa kumpanya?" nag aalalang tanong ni Leona sa lalaki. Hindi pa sila nagsasama sa iisang bahay, subalit umuuwi minsan si Caleb sa kanyang condo.Kailangan. Pero.. wag kang mag alala.. kapag settle na ulit ang kumpanya, ibabalik kita. Sa ngayon, kailangan muna na hindi ka makita ni Edward doon.." hinawakan ni Caleb ang kanyang balikat."Ano ba ang dahilan at ayaw niya sa akin na nasa kumpanya?" nakakunot ang noo niya, "imposible naman na dahil lang sa magkarelasyon tayo..""Baka may gusto na siya sayo.." nakangiting sabi ni Caleb, "baka ayaw niyang makita na kasama kita, dahil nagsiselos siya.""Ha? paano naman mangyayari yun? eh di ba nga, noog mawalan ako ng malay, mas inuna pa niyang tawagan ka kaysa ikama ako? hindi mo ba naaalala iyon?"Hindi na nagsalita si Caleb. Kahit siya, hindi niya din mahulaan kung ano nga ba ang dahilan ni Edward Ignacio at ipinaalis nito sa kumpanya si Leona.Okay sa kanya ang offer ni Hannah, mapapalapit pa
Halos mabali ni Edward ang ballpen na nilalaro niya sa kanyang kanang kamay ng marinig ang sinabi ng kausap. Makapal nga pala talaga ang mukha ng lalaking ito. Binabaliktad ang lahat, makuha lang ang kanyang nais."Si Hannah, ay isang babaeng nasa loob ang kulo. Hindi ko nga alam kung saan siya pumupunta kapag umaalis ako. Sabi ng mga kasambahay namin, lagi daw siyang umaalis at---" natigilan si Caleb ng mapagtanto na masyado nhg personal ang kanyang sinasabi, "pasensiya ka na, Mr. Ignacio. naiopen ko pa sayo ang naging problema ko sa aking buhay pag aasawa.""Hindi, okay lang," bahagyang ngumiti si Edward."Nagtataka lang kasin ako kung saan nanggaling ang kanyang mga kayamanan.. Ang sabi nga sa akin ng isang kakilala, kinatawan lang daw siya ng Rich well, at ang may ari daw nito ay isang maedad ng lalaki. Kaya ngayon ko napatunayan, na may iba talaga siyang lalaki, kaya pinili niyang iwanan ako.." kunwari ay naging malungkot ang tinig ni Caleb, "kung sakaling niloko ka ng asawa mo,
"SIR ako po ang bagong hired na secretary," nakangiti ang isang maganda at matangkad na babae kay Caleb.Napatingin siya dito. Maganda talaga ang babae. Nakangiti ito ng maluwang sa kanya, na parang kaaya ayang kausapin."Ilang taon ka na?" tanong niya matapos ilapag nito ang kape sa kanyang harapan.“Twenty five na po ako, sir,” tugon nito sabay ngiti, sabay ayos ng kanyang blouse na bahagyang nalilis sa balikat.Napansin iyon ni Caleb pero hindi niya ipinahalata. Umayos siya ng upo at kinuha ang kape mula sa mesa.“Anong pangalan mo?” malamig pero kalmado ang tanong niya, habang nakatitig sa babae.“Francesca po, pero pwede niyo akong tawagin na Cheska,” sabay kindat ng babae. Hindi ito nakalagpas kay Caleb.Napakunot ang noo niya. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pakikitungo mula sa mga empleyado—lalo na sa isang bagong hire. Medyo kampante. Medyo... flirty?Pero pinili niyang hindi ito pansinin.“First day mo ngayon. Asahan kong magiging propesyonal ka. Hindi ko kailangan ng
NAKASANDAL si Hannah sa headboard ng kama, habang kumakain ng chocolate at nagbabasa ng libro.Bahagya pang basa ang kanyang mahabang buhok, kakatapos lang niyang maligo.Habang tumatawa sa binabasa, bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa si Edward.Nakasalamin ang lalaki at naka coat. Hindi ito nag sasalita. Pumasok ito ng tulot tuloy. Hinubad ang coat saka ibinato sa couch na naroroon.Siya naman ay natulala at nakatingin lang sa lalaki sa ginagawa nito. Nakalutang sa ere ang kanyang kamay na may hawak na chocolate. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.'Anong ginagawa niya? bakit siya naghuhubad?' nagtataka ang kanyang isipan.Niluwagan ng lalaki ang kanyang tie, hanggang tuluyan niya itong alisin.Hinubad pa nito ang sapatos at medyas, saka binuksan ang buttones ng suot niyang polo.Inalis din nito ang suot na sinturon at basta na iyon inihagis sa kung saan.Inalis din nito ang suot na salamin at inihagis iyon kasama ng coat.Tinumbok ni Edward ang kanyang kinalalagyan. K
"CONGRATS po Mr. Ignacio, buntis ang inyong asawa, mahigit dalawang buwan na.." ngumiti ang doctor saka kinamayan si Edward.Matapos iyon, nagpaalam na ito sa kanya at tuluyang lumabas sa kwarto.Kumunot ang noo niya ng marinig ang balitang iyon. Buntis? sinong ama? siya ba?Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Kung buntis ito, magiging tatay na ba siya?Madami pa siyang plano, at hindi ito kasali dun. Akala niya, gumagamit ng protection ang babae gaya ng pills, kaya nga hindi ito nabuntis ni Caleb.Marami pa siyang nais gawin, at hindi kasama dun ang habambuhay napakikisama niya kay Hannah. Alam naman niyang iyon din ang nais ng babae. Subalit.. bakit hindi ito nag ingat? pati siya? bakit hindi man lang niya iyon naisip?Kapag nahahalikan niya ito at naaamoy ang lahat, lalo na ang mabangong halimuyak ng katawan nito, parang nawawala siya sa kanyang sarili.At ngayon nga.. may isang buhay ang nabuo sa sinapupunan nito.. Kung sa kanya ang bata, kailangan niyang maging responsabl
"OH? talaga? sinabi niya iyon? napakawalanghiya talaga, sige, salamat.." nagpaalam na si Edward sa kanyang kausap.Iba din ang pagiging tuso ni Caleb. Marami itong pakulo. Hindi niya akalaing matalino pala ito mag isip, at nakakapagplano ng mga bagay na higit pa sa kanyang inaasahan.Magaling pala ito sa mga ganoong taktika. Marahil, iyon ang dahilan kaya naloko nito si Hannah.Marami siyang itinuro kay Hannah sa loob ng ilang buwan, at ang galit nito sa dating asawang si Caleb ang naging motivation nito.Naiisip niya noong una, na madali naman ata niyang mababago at mapagpapalit ang sitwasyon nina Hannah at Caleb sa kumpanya, ngunit nagkakamali siya. Masyado niyang in-under estimate ang kakayahan ni Caleb.Napatingin siya sa kanyang lamesa, at napansin ang isang envelope na kuha ng ultrasound ni Hannah. Nilapitan niya iyon, saka tiningnan.Hindi niya alam, kung saan nagmumula ang damdaming iyon na umahon sa kanyang puso. Naiinis siya.Bakit anak pa ni Caleb ang dinadala ni Hannah, ku
"ANONG nangyayari, Caleb?" tanong ni Leona sa kanya pagkapasok niya pa lang sa pinto, "bakit hindi ka na nagpapakita sa akin?""Busy lang ako.." sagot niya dito, saka ibinaba ang hinubad na coat."Busy? saan ka naman magiging busy? sa pambababae mo ha?" nakasimangot na sabi ni Leona sa kanya, "ang kapal naman ng mukha mo, para lokohin ako!""Anong lokohin ka? kailan ko iyon ginawa?" tanong niya sa babae. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito."Wala? wala ha?" gigil na tugon ni Leona sa kanya, "tingnan mo nga!"Ipinakita nito ang cellphone sa kanya, at nanlaki ang kanyang mga mata, matapos makita ang nasa larawan. Si Cheska.. at siya. Naghahalikan!Sunud sunod siyang napalunok matapos iyong makita..Hindi niya alam kung paano iyon nangyari, subalit noong minsang puntahan siya ni Edward, pinalagyan niya ng dr*ga ang inumin nito. Ngunit hindi niya akalaing siya ang makakainom noon. Hindi niya inakalang mangyayari ang bagay na iyon.Kinarma siya sa sarili niyang patibong, at ngayon, w
HINDI pumasok si Cheska, ng sumunod na araw, at hindi na naman ito pumasok, hanggang umabot ng isang linggo.Nangunot ang noo si Caleb ng maisip na wala doon ang babae, ano kaya ang nangyari?Tumawag siya sa HR upang magtanong, at sinabing si Cheska nga daw ay nag awol na ng ilang beses.Binalewala niya ang mga bagay na iyon, hanggang may mapanood siya sa isang balita sa telebisyon...KALUNOS LUNOS ANG SINAPIT NG ISANG BABAENG HINIHINALANG BIKTIMA NG SALVAGE. WALANG SAPLOT SA KATAWAN ANG NAAAGNAS NG BANGKAY NA HINIHINALANG GINAHASA MUNA BAGO KINITIL ANG BUHAY. AYUN SA MGA SAKSI, MAY NAKASABIT NA BAG SA LEEG NITO NA MAY LAMANG BATO, AT NAROROON ANG PAGKAKAKILANLAN. HINDI MUNA INILABAS NG KAPULISAN ANG MGA DETALYE TUNGKOL SA BABAE. MAGKAKAROON DAW MUNA SILA NG MALAWAKANG IMBESTIGASYON.Bigla niyang nakita ang bracelet sa kamay nito at inaalala kung saan iyon nakita."Sir.. ito na po ang kape niyo," ibinaba ni Cheska ang kape sa kanyang harapan.Bahagyang dumungaw ang mahabang hiwa ng cl
Nakatalikod si Hannah sa pinto, at bahagya lang ipinilig ang ulo, matapos maramdaman ang kanyang presensiya. Bukas ang shower, na naghahatid ng kakaibang init sa lugar na iyon.Hinubad ni Edward ang kanyang sapatos, saka sumama kay Hannah sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa dutsa na kaunti na lang ay abot na ng ulo niya.Hinawakan niya ang mga balikat ng babae, saka ito hinalikan sa leeg. Mainit ang dampi ng kanyang mga labi sa mala niyebeng kulay ng kutis nito."Hmmm.." ungol ni Hannah habang nakahawak sa pader ng banyo na parang ninanamnam ang bawat lapat ng mainit na hiningang iyon sa kanyang makinis na balat.Iniyakap naman ni Edward ang kanyang mga braso sa baywang ng nakatalikod na babae, habang patuloy ang pagdampi ng kanyang dila sa balat nito. Unti unting nagkakaroon ng pulang marka ang balat ni Hannah.Dahan dahan siyang iniharap ni Edward. Sa basang mukha, nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan at hinaplos ni Edward ang makinis na mukha niya, saka dahan dahang ibinaba a
"Hannah.." tawag ni Edward ng makita ang asawa na nakatingin sa labas ng bintana at tila ba malalim ang iniisip."Bakit ninong?" hindi man lang niya nilingon ang lalaki at nanatiling nakatitig sa mga sumasayaw na bulaklak sa labas."Bakit hindi mo ako isinasama sa mga check up mo?" tanong nito sa kanya, "maaari naman kitang alalayan? nakakahiya na kay Renzelle kung siya lagi ang hinihila mo..""Ninong.." doon pa lang niya naisipang tingnan ang lalaki,l "pakiramdam ko, may nagmamanman sa akin.. ayokong masira ang plano natin at ayokong madamay ka.. nais kong lutasin ito ng unti unti ng hindi nasisira o nababatikan ang iyong pangalan," bahagya pa siyang ngumiti sa lalaki.Bigla naman ang daloy ng sinabi ni Hannah sa isipan ni Edward. 'Ganoon ba niya pinapahalagahan ang pangalan ko at ayaw niyang madamay ako sa mga ginagawa niya?'"Pero-- baka nahihirapan kayo," nag aalalang tanong niya s ababae. Ganito na lang, pasasamahan kita sa dalawang bodyguard, at kapag may napansing kahina hinala
Nag-iisa siyang nakaupo sa harap ng salamin. Wala na ang make-up na lagi niyang ipinagmamalaki. Ang buhok niyang laging maayos, ngayon ay magulo at nakalugay. Halos hindi na siya ang Leona na banidosa, maalaga sa sarili at maganda.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Caleb. Tahimik. Wala pa ring katiyakan ang kanyang damdamin, pero may dala siyang pagkain at gamot. Kahit naman papaano, ayaw naman niyang may mangyaring hindi maganda kay Leona.“Leona… kumain ka muna.” alok niya sa babae, na sa tingin niya ay isa ng bruha sa hitsura nito.“Huwag mo akong alukin ng pagkain,” matalim ang tingin ni Leona. “Pagkatapos mong sabihin sa’king si Hannah pa rin ang mahal mo, aakto ka ngayon na parang nagmamalasakit ka? Ganyan ka ba kasama, Caleb?”“Leona…” buntong-hininga ni Caleb. “Hindi kita kayang saktan pa. Pero hindi ko rin kayang ipilit ang sarili ko sa relasyon na hindi totoo. Marami na ang nangyari, hindi ko na kayang ipaliwanag pa.”“Hindi totoo?! Lahat ng taon natin? Hindi totoo?!” Pumatak
Natigilan si Leona sa narinig. Para siyang sinampal ng isang mapait na katotohanan. Ang lalaking akala niya'y pag-aari na niya, ang lalaking pinaglaban niya sa lahat—ay may iniibig pa ring iba. Hindi lang basta ibang babae, kundi si Hannah. Ang dating asawa, ang "mahinhing babae" na minamaliit nila noon."Caleb..." anas ni Leona. Nanginginig ang kanyang labi habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Ginamit mo lang ba ako?"Hindi sumagot si Caleb. Nakayuko lang siya, pinipigilan ang sariling magalit, malito, at maluha sa iisang pagkakataon. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Hindi niya sinasadyang saktan si Leona, pero maliwanag sa kanyang puso: si Hannah pa rin ang kanyang mahal."Sumagot ka, Caleb!" sigaw ni Leona. "Anong akala mo sa akin? Basahan? Rebound?!"Tumitig siya sa babae, at bagama’t galit ang kanyang mga mata, may bakas ng pagod at pagsisisi sa kanyang mukha. “Alam mong may iniwan akong sugat sa nakaraan. Pero pinilit kong lumigaya, pinilit kong paniwalaan na
"Wala akong sinabi," tumalikod si Leona, subalit nakangisi."Ulitin mo ang sinabi mo!" hinila ni Caleb ang kanyang braso."Nasasaktan ako, Caleb!" inis na sagot ni Leona. Inalis niya ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Buntis ba siya?" ulit niya sa kanyang katanungan. Kung buntis si Hannah.. mas pabor iyon para sa kanya..Ang kanyang isipan ay umiikot sa dati niyang asawa nitong nakaraang araw. Halos nahihirapan siyang matulog, at naiimagine ang mga nakakas*x niya na si Hannah.Parang nakikita niya ang mukha nito kay Leona, at kahit pa nga kay Cheska. Talagang hindi niya tinitingnan ang mga ito bilang sila, kundi bilang si Hannah.Hindi niya malaman sa kanyang sarili subalit para siyang naghahallucinate. Kinokonsensiya na ba siya sa kanyang nagawang kasalanan? o mahal niya lang talaga ang knayang dating asawa?Kung iisipin niya ang bawat pagkakataon at araw na lumilipas, walang nakakapantay dito sa paglalabas ng init sa kanyang katawan. Kinkailangan pa niyang maligo matapos ni
"Totoo nga!?" halos mabasag ang speaker ng cellphone sa lakas ng boses n i Miraflor, "anong katangahan ang iniisip mo at sinaktan mo siya? talaga bang nababaliw ka na?""Ma-- ma-- makinig ka nga muna sakin.. hindi mo naiintindihan! hindi ko kagustuhan ang nangyari! siya-- siya ang may nais na gawin ko iyon sa kanya!" pangangatwiran niya sa ina."Talagang nababaliw ka na! sinong babae sa inaakala mo ang magnanais na saktan mo ng ganoon? humingi ka ng tawad sa kanya, ngayon din!" bulyaw ni Miraflor sa kanya.Napahilamos siya ng kamay sa kanyang mukha. Hindi makapaniwalang mas ninais pa ng ina niya na paniwalaan si Leona kesa sa kanyang anak nito.Hindi niya mawari kung nagayuma ba nito ang kanyang ina, o ano.Hindi din niya maintindihan kung ano ang palabas na ito ni Leona at tila ba ginigipit siya.Ang akala niya, maayos na ang naging usapan nila, ngunit bakit umaarte na naman ito na parang biktima, gayong ginusto naman nito kung ano ang nangyari..Wala siyang matandaang nag away sila
"Talaga ,mommy?" gulat na gulat si Leona sa ibinalita ni Miraflor sa kanya."Oo, nakita ko sila.." kumunot ang noo ng matandang babae at doon napansin ang mga pasa niya, "anong-- nangyari sayo, hija?"'Ah--" ibinaba niya ang jacket na napangat sa kanyang braso.. Sdaya niya iyong ipinakita sa matanda, "wa--wala po ito.""Patingin nga!" hinila nito ang kanyang braso, saka tiningnan ang mga pasa, "sinong may kagagawan nito?""Wag na lang po nating pag usapan, mommy," namuo ang luha sa kanyang mga mata. Nais niyang makuha ang simpatiya ng matadang babae upang kampihan siya nito. "Ayoko pong magkaroon pa kami ng problema ni-- ni Caleb.. Pinagbibintangan niya kasi ako mommy na pinatay ang bago niyang babae.. hindi ko nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?""Ang walang hiyang yun at nagkaroon pa ng lakas ng loob na saktan ka. Humanda sa akin ang lalaking yan!" naniningkit ang mga mata ni Miraflor habang nakatingin sa bintana.Sa malayang mga mata ni Leona, mababanaag ang tagumpay. Hindi si
Magkasamang naglalakad sina Renzelle at Hannah sa pasilyo ng ospital, ng matanaw sila ng isang hindi kaaya ayang tao, si Miraflor!Hindi nila napansin ang babae, na sumusunod sunod sa kanila."Sasamahan kita sa loob.." nakangiting sabi ni Renzelle sa kanya."Sige.. kinakabahan nga ako eh.. sana okay lang ang baby ko." tugon niya sa kaibigan, "nakakatuwa.. magiging nanay na ko. Matagal ko ng pangarap ito.. ""Pero.. sino ba talaga ang tatay niyan?" alanganin ang ngiti na tanong ni Ellaine. "Si Edward ba talaga?""Pati ba naman ikaw?" nakangusong sagot niya sa kaibigan, "hindi ako nabuntis ni Caleb, baka hindi talaga kami para sa isa't isa.. Kaya noong makilala ko si Edward, siya ang ibinigay ni Lord sa akin na maging tatay ng anak ko.. Isa pa.. mahigit dalawang buwan na akong hindi ginagalaw ni Caleb.""Hindi kaya baog yung dati mong asawa?" biro ni Renzelle, "kasi, biruin mo, sa tagal niyo ng naging mag asawa, hindi ka niya nabuntis..""Hmmm, hindi ko masasagot yan," naiiling na sagot
"Magaling!!!" bati ni Edward sa kanyang kausap. Natuloy na ang plano nila na unang hakbang, ang magkasira sina Leona at Caleb.Nakatanaw si Edward sa glass wall ng floor to ceiling niyang opisina. Ang tamis ng ngiti sa kanyang labi, ay hindi maalis.Masyadong madali ang bagay na ito kung tutuusin. Hindi man lang siya pinawisan.Tama lang naman na palabasin nilang patay na si Cheska, at magbayad sa mga telibisyon para ipalabas iyon.Alam niyang si Caleb ay hindi totoong bato ang puso, lalo na at naging mabait dito si Cheska.Natatawa siya kapag iniisip na nakuha niya si Cheska sa online booking bilang professional clone. Ibig sabihin, lahat ng ipapagawa sa babae ay may katapat na presyo. Kaya nitong gawin ang kahit anong propesyon. At ngayon, naging sekretarya ito.Iniiwasang ipaalam ni Cheska ang kanyang totoong pangalan, para na rin sa kanyang siguridad. Madali niya itong makokontak kung sakaling kailanganin niyang muli ang serbisyo nito.Hindi niya akalaing madali lang mapaikot si Ca