Chapter 37Panay ang silip ni Monica sa labas ng pinto at hindi niya mapigilan ang humagikhik sa tuwing nakikita niya si Jack na masama ang tabas ng mukha habang sumasandok ng kanin mula sa malaking kaldero.They are now at the foundation that she and Sena used to go to be a volunteer when they were still studying at university. SAVING ANGELS ay tahanan ng mga batang ulila at mga batang sinagip mula sa biktima ng karahasan, abuso at ang pinakamasaklap ay biktima ng rape. Kadalasan sa mga batang narito ay wala ng mauuwian at mga palaboy-laboy na lang sa lansangan o hindi na kayang buhayin ng sariling magulang at basta na lang iniwan sa kung saan-saan.Kahapon ng umaga ay tumawag siya kay Mother Cecelia upang kumustahin ito at alamin ang kalagayan ng mga batang inaalagaan ng foundation.Monica found out that there was an event to be held today, the birthday celebration of one of the children living in the foundation."M-a m-ma k-ko!" Napalingon siya sa kaniyang hita nang may maliit na b
Chapter 38The four of them sat quietly in the spacious living room. Kasalukuyang magkatabi sa isang sofa sina Monica at Jack samantala sa katapat nilang sofa ay magkatabi naman sina Jonas at Sena. There was only a small center table between the four of them.Hindi mapakali si Monica sa kinauupuan dahil sa tensiyong namumuo sa pagitan ng dalawang lalake. Tila ba mga bulkan na nag-aalburuto at nagbabadyang sumabog anumang oras.She glanced at the man next to her his arms crossed against his chest as he leaned back in his seat and had a sharp eye staring at the person in front of him.Tumikhim si Jonas at nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa ni Sena. "Senalyn, I don't remember you mentioning to me that Monica had a boyfriend." His jaw and teeth were gritted tightly. Then he turned to Jack again. "And the worst is, she just settles with a rude man.""I believe they have no responsibility to report to you everything they do. Most especially in my girlfriend's personal life. So y
Chapter 39Hapon na nang makabalik si Monica sa opisina mula sa mga meeting na kaniyang pinuntahan. Pagtapak ng kaniyang mga paa sa lobby ng hotel ay ramdam niyang may kakaiba. There was something strange in the way they stared. Anong mayroon? Bakit ganiyan ang mga tingin nila? Hindi siya komportable ngunit hindi niya pinahalata nagpatuloy pa rin siya sa paglakad.Nag-aabang siya sa tapat ng employees elevator nang maramdamang nag-vibrate ang cellphone niyang hawak. Sinilip niya ang screen niyon at nakitang may text message mula kay Jack.Kapreng Manyakis: "Damn! I miss you already sweetkiss."Wala sa sariling natawa siya dahil sa message ng lalake. Mahigit isang linggo pa lang ang lumipas nang sumama si Monica sa paghatid sa kaniyang boyfriend papunta sa airport. Kinakailangan dumalo ng lalake sa launched ng business partner at kaibigan nitong nasa bansang France.Opportunity na rin iyon ng binata upang mabisita at kumustahin ang hotel nitong nakabase sa nasabing bansa. Sa loob ng m
Chapter 40Naiilang si Monica habang nakaupo sa dining chair at halos hindi niya magalaw ang pagkain na nakahain sa kaniyang harapan. Lumingon siya sa binatang katabi at napansin niyang maganang kumakain ito ng hapunan.Muli siyang sumulyap kay Mrs. Ricafort sa pangatlong pagkakataon. Tahimik itong kumakain at pasimpleng nagmamasid sa kaniyang kilos. Naiilang siya tuwing tinititigan siya ng ginang at panandalian na matutulala.Nang dumating ang mommy ni Jack ay pinagpawisan siya ng malapot at pakiramdam niya lalabas sa dibdib niya ang puso niyang nanginginig sa kaba.Pinakilala siya ni Jack bilang Girlfriend at malugod siyang tinanggap ng ina nito. Mrs. Queen Eloisa Ricafort was kind and a gentle woman but for some inexplicable reason Monica felt as if the lady already knew her.Base sa mga tingin at kakaibang titig ng ginang tila ba'y matagal na siyang kakilala. Humugot ng malalim na hininga si Monica at pinilit iwinaksi ang nararamdaman."Finally, I've met you personally Monica." Mrs
Chapter 41"Ano?! Totoo ba 'yan Monica? Susmaryosep naman!" Bulalas ng matalik na kaibigan. "Napaka-wild naman pala ng ex-fiancé ng jowa mo!"Kasalukuyan silang nasa café ni Sena at nagmemeryenda. Break time nila sa trabaho sa loob ng isang oras kaya heto nagkayayaan silang dalawa lumabas.Napairap si Monica sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan. "Normal na lang ngayon ang ganiyang mga klaseng babae bes. Huwag ka na magulat." Tukoy niya sa ex-childhood lover slash ex-fiancé ng kasintahan.Naikuwento lahat ni Monica sa matalik na kaibigan ang naganap sa bahay ni Jack dalawang linggo na ang nakakaraan. Kahit ang encounter niya kay Mrs. Ricafort ay nabanggit niya rin dito.Hanggang ngayon palaisipan pa rin kay Monica ang kakaibang kilos at titig sa kaniya ng ginang. Naisip niya na siguro ganoon lang talaga si Mrs. Ricafort dahil nga kasintahan siya ng anak nito."Pero sandali, nalaman mo ba ang family name no'ng Margareth na 'yon? Kung model siya sa bansang France ibig-sabihin ay sikat at
Chapter 42Naalimpungatan si Monica dahil sa naririnig na mga boses na tila nagtatalo. Masakit ang kaniyang ulo at nanghihina ang katawan. Pakiramdam niya ay para siyang tatrangkasuhin sa bigat ng pakiramdam.Hindi niya matandaan kung anong oras na siya nakauwi sa bahay nila kagabi. Sumikdo ang puso niya nang bumalik sa isipan ang nangyaring tagpo sa tapat ng bahay ni Jack.Matapos ang naganap kagabi sa pagitan niya at sa dalawang magpinsan ay dali-dali siyang naglakad paalis. Hindi alintana ni Monica ang madilim at tahimik na kalsada. Hindi niya matandaan kung saan-saan siya sumuot at nagkandaligaw-ligaw pa sa loob nang napakalawak na subdivision na iyon.Umiiyak siya habang naglalakad at paminsan-minsan ay napapahinto sa gitna ng kalsada sa tuwing naninikip ang dibdib dahil sa pag-iyak. Hindi niya rin alintana ang patak ng ulan na paminsan-minsan ay lumalakas at humihina.Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatayo sa gitna ng kalsada at umiiyak lamang nang maulinigan niyang ma
Chapter 43Ang nakangiting mukha ng dalagang si Queen Eloisa ang bumungad sa paningin ng binatang si Edmond nang ito ay magising mula sa mahimbing at masarap na tulog. Ramdam ng isa't isa ang init na nagmumula sa mga hubad nilang katawan sa ilalim nang makapal na kumot."Good morning Edmond, What do you want for breakfast? Ipagluluto kita." Malambing na wika ng dalaga.Pilyong ngumiti ang binata at kumindat sa kasintahan. "Maaari bang ikaw na lang ang gawin kong agahan mahal kong reyna?"Agad na sinunggaban ni Edmond ng isang mariin at malalim na halik ang mapula at malambot na labi ng kasintahan. Muli, sila ay nagpadala sa agos ng pagmamahal at pag-iisa ng katawan. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling pinatunayan ng magkasintahan kung gaano nila kamahal ang isa't isa.Kasalukuyan silang nasa isang beach resort sa Batangas. Ipinagdiriwang kahapon ng dalawa ang unang taon ng anibersaryo ng kanilang relasyon at nagpasya silang tumungo sa tahimik at magandang beach sa Batangas.It
Chapter 44Nagising mula sa himbing na tulog ang dalagang si Queen Eloisa at agad nitong kinapa ang katabing higaan. Nang mapagtantong wala itong katabi ay marahas siyang bumangon at nilibot ang paningin sa loob ng maliit na kuwartong tinuluyan nila kagabi ng kasintahan. "E-dmond! Edmond!" Bulalas ng dalaga sa pangalan ng kasintahan.Humahangos naman na tumatakbo ang binatang si Edmond mula sa labas ng bahay nang marinig ang takot at sigaw ng boses ng kasintahan. Agaran nitong binuksan ang pinto ng maliit na silid."Eloisa! Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo mahal?" Nag-aalalang bulalas ng binata.Umiiyak na yumakap nang mahigpit sa kaniya ang kasintahan ramdam ng binata ang panginginig nito dahil sa takot. Mabining hinaplos ng binata ang likod ng dalaga at pinatahan."A-akala ko iniwan mo ako Edmond. P-paggising ko wala ka sa aking tabi." Garagal ang boses ng dalaga habang nakabaon ang mukha nito sa dibdib ng binata."Narito ako Eloisa, hinding-hindi kita iiwan, tahan na mahal. H