NAISIPAN niyang tanggalin ang suot nitong maskara ngunit naroon din ang takot sa dibdib niya. Nag-aalangan siyang gawin ang balak niya ngunit may mga munting boses na tila naririnig niyang nag-udyok sa kanya na isagawa ang plano.
Umangat ang kamay niya at unti-unting bumaba sa mismong batok ni Reymond, dahil nakadapa ang binata napansin niya ang bakas ng maskara nito. Ilang hibla nalang ang pagitan ng biglang dumilat ito at pumihit paharap sa kanya.
Shocked was written on her face. Reymond drowsily raised his body. Umupo ito at tiningnan siya ng seryoso.
He sneered at her, “You think you can do your plan? Do you think I’m not sober yet? Bumukas pa lang ang ilaw kanina alerto na ang pandama ko,”
She wanted to punch him, but she co
SHE shouldn’t tolerate his begging, but there’s a strong force drowning her senses to give in. Hindi niya alam kung paano ito tanggihan dahil tila nalulunod siya sa init ng yakap nito at malamyos na boses.Weird, but she can’t deny the feelings deep inside her heart, something she hasn't had before. Halos ilang taon na rin silang magkasintahan ni Carl ngunit ang ganitong pakiramdam ay ni hindi niya naranasan sa kabila ng ilang beses na siya nitong hinalikan.Their cuddling position right now makes her feel comfortable. Wait? This isn't right! The small voices awakened her mind. Tumikhim siya ng ilang beses upang kunin ang atensyon ni Reymond na ngayon ay nakabaon ang mukha sa buhok niya. Naaamoy nito ang mabangong amoy ng malambot at makintab niyang buhok.Di ito gumalaw at tila b
AGAD na inabot ni Camela kay Graciela ang bitbit nitong brown envelope.“Nariyan na po ang lahat ng detalye ng bank accounts ni Reymond Yun. Buksan at basahin niyo nalang Madam,”She accepted the envelope, opened it, and read all the details. “Reymond had three bank accounts? One in Beijing and two were here in London? And he had a huge withdrawal three months ago. Bakit hindi ito nakuha ng tauhan ni Brielle?” nagtatakang tanong ni Graciela.“That are restricted information Madam, as we all know that bank has this kind of policy to protect their depositors. Kaya ko lang nakuha naman iyan dahil katakot-takot na panunuhol ang ginawa ko. Umm… katunayan nga malaking pera ang inilabas natin para lang ibigay iyan. Ilegal nga kung tutuusin pero kailangan nating gawin,&
TAHIMIK lamang nakikinig si Brielle sa sinabi ng lola nila. He still remembers that Reymond had graduated with a dual degree. He was a licensed professional doctor and a pharmaceutical scientist, which gave that man a good credential. Nakuha ni Brielle ang lahat ng impormasyong ito noong nakalipas na tatlong taon dahil pinaimbestigahan niya ang magkapatid na YUN. Katunayan nga, naalala pa niyang may pinatayong pharmaceutical laboratory sa Hainan Province si Simon noon at mismong ang bunsong kapatid nito ang lihim na nagpapatakbo nito ngunit inabandona nito ang nasabing laboratoryo matapos pumalpak ang paghihiganti na ginawa noon ni Simon.Nang panahon ding iyong bigla nalang nawala ang kapatid nitong si Reymond, na buong akala ni Brielle ay pinili nitong lumayo dahil natakot itong madamay sa gulong pinasok ng kuya nito. Kung tutuusin, sadyang matalino si Reymond at lihim ang pagkatao nito. Maging ang
IVANA rolled her eyes and giving her husband a snort, “Yeah, you always have a good reason to tell,”“Bakit, totoo naman ang sinabi ko ah,” muling tukso niya rito.“O siya, bumaba kana at bumalik rito agad,” aniya at tinulak na ito papuntang pinto.Hinagip ni Brielle ang beywang niya sabay bulong, “Hintayin mo nalang ako, sabay tayong maligo,” bakas ang pilyong ngiti sa gwapo nitong mukha.Bahagyang tinulak ni Ivana ang asawa, “Ikaw talaga panay iyan lang ang nasa isip mo. Umayos ka nga, pinagod mo na ako kagabi, uulit ka pa talaga,” sa mahinang boses tugon niya rito.Kinindatan lang siya ni Brielle at agad na itong tumalikod. Paglabas n
NAGULAT pa si Brianna ng mabungaran ang ama sa pintuan. Niluwagan nito ang pinto para makapasok si Brielle.“Morning dad!” bati nito habang naglakad pabalik sa kama.“Morning princess,” sa mahinang boses balik-bati ni Brielle sa anak. Agad niyang napansin ang tulog pa sa kama na si Brendon. Kahit madalas nag-aaway ang kambal hindi naman ito naghihiwalay sa higaan. Tanging isang malaking kama lamang ang nasa loob ng kwarto ng kambal.Sumampa ulit ng kama si Brianna at humiga. Sumunod si Brielle dito at umupo sa gilid ng kama. Dumukwang siya at hinalikan sa pisngi ang anak.“Daddy, naman ang aga mong nanggulo, inaantok pa ako,” reklamo ni Brianna habang nakapikit ang mata.
NAMUMUTLA si Brendon matapos lumabas sa kwarto ng magulang. Lalo pa siyang nagulat ng makasalubong si Brianna sa punong hagdan.“Saan ka galing? Umakyat ako ulit kasi inutusan ako ni Daddy Lo na tawagin ka,” tiningnan niya ito ng pailalim.“May… may pinaayos si Daddy sa akin sa mismong laptop niya,” dumulas sa bibig ni Brendon.“Eh, ano iyon?” tila imbestigador itong nagtanong sa kuya niya at napuna pa nito ang namumuong pawis sa noo ni Brendon.“Halika na, bumaba na tayo,” hinila na ni Brendon si Brianna.“Ang weird ninyo ngayong araw. Kanina si Daddy ang agang nanggising tapos may inutos sa iyo,” angil nito habang hila-hila ito ni Bre
HALOS mapugto ang hininga nilang pareho bago naghiwalay ang labi nila.“Bakit sobrang lambing mo ata nitong mga nagdaang araw?” puna ni Ivana sa kanya. Sinusundan niya ang bawat kilos nito.Umahon na mula sa bathtub si Brielle at kinuha ang towel sa lagayan.Nagpunas muna siya, nagsuot ng roba, bago lumingon sa gawi ni Ivana. Nakangiting bumalik sa tabi nito. Pinisil ang magandang mukha ng asawa, “Bakit ka naman nagtatanong ng ganyan? Ayaw mo bang lambingin kita,”Bahagya siyang natawa sa tanong nito, “Wala lang napansin ko lang sobrang lambing mo talaga,” ulit niya sa sinabi niya rito.Brielle gently pinched her chin and then kissed her lips again, “I ju
“Three months ago. He even stays at the house Simon gifted him. But after a month, Reymond disappeared without a word. Ang akala ko naman bumalik na siya ng London at di na nagawang magpaalam sa akin,” tugon ni Samantha.“Paano naman naisagawa ni Reymond ang pagtangay sa anak ni Brent? Bakit wala namang balita tungkol sa pagkawala nito?” nagtatakang tanong ni Catherine.“Sa araw mismo ng engagement party, biglang naglaho ang anak ni Brent Santillian. Naroon din ako ng araw na iyon, at kumbinsido rin akong si Reymond nga ang salarin, nakita siya ng anak kong si Nate sa mismong comfort room ng venue. Binilinan pa niya ang anak ko na huwag banggitin na nagkita sila,” paliwanag ni Samantha.“My god! What had Reymond done this time? Hindi ko lubos maisip na may
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,
SA bawat salitang naririnig niya mula sa anak ibayong tuwa ang hatid nito. Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya at nanumbalik ang determinasyon niya sa sarili.“Anak, salamat sa mga sinabi mo. Kung alam mo lang gaano mo pinawi ang hinanakit ko.”“It’s okay, dad. Take care of yourself, okay?”“I will. I love you. Bye for now!”He ended the call. Saka lamang niya napansin na madilim na ang paligid. Tinawagan na rin niya ang restaurant kung saan nag-book sana siya ng dinner date nila ni Denise. Bayad na niya ito at hindi rin napakinabangan ngunit nagpasya na lamang siyang palipasin ang nangyari. Bumalik na siya sa sariling bahay at natulog na lamang.Samantala, k
MABILIS na lumuwag ang kamay ni Reymond na nakahawak sa kamay ni Denise bago pa man makapag-react ang dalaga. Binitawan na rin ni Reymond ang bouquet ng bulaklak at nalaglag ito sa harapan nilang magnobyo.Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Reymond at agad na pumasok sa loob ng kotse nito. His car galloped away from the parking area, leaving heavy pain in Denise's heart. Gusto niyang magpaliwanag dito ngunit tila nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita kanina dala ng matinding pagkabigla.Akma na siyang dudukwang para damputin ang bulaklak mula sa lupa ngunit pinigilan siya ni Carl.“Bakit mo pa dadamputin iyan? Pwede naman kitang bilhan ng mas maganda dyan mamaya kapag may nadaanan tayong flower shop sa highway,” sita ni Carl.Gigi
SHE gently pulled herself away from him. Carl could sense Denise’s bothered reaction but he tried to understand her. Nasabi na ni Brielle sa kanya na madalas nitong kasama si Reymond na akala nito ay ibang tao ngunit sa pagkakataong ito hindi na rin siya makakapayag na aagawin pa ni Reymond ang nobya niya at sisirain ang buhay nilang dalawa.“Kailan ka pa dumating?” seryosong tanong ni Denise kay Carl, matapos nitong bitawan siya.Hinawakan nito ang braso niya at inakay siya patungo sa tabi ni Brielle. Tahimik naman siyang nagpahila rito.“Kaninang madaling araw lang. Umalis ako sa bahay namin kagabi. Marami pa akong sasabihin sa’yo pero sa ngayon hindi na muna natin pag-uusapan dahil ang mahalaga nagkabalikan na tayo ulit at buhay pareho,” nakangiting tugon ni C