NATAHIMIK siyang lalo at nakaramdam ng labis na konsensya dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit dumanas ng ganitong paghihirap si Denise.
Lumingon sa kanya si Brent ng mapansin nitong tahimik siya, “Pasensya na kung tingin mo masyado kaming overprotected sa anak namin. Nag-iisa lang kasi siya at tulad nga ng sabi ko hindi siya sanay na nahihirapan. She lived her life to the fullest before the tragedy occured.”
Napilitan siya tumingin rin kay Brent, “Okay lang po sir. Naintindihan ko naman kung bakit mahigpit kayo sa mga taong nakakasalamuha ng anak ninyo dahil magulang po kayo. Napakaswerte nga po ng mga anak ninyo kasi ganyan ka lalim ang pagmamahal na binibigay niyo po sa kanila.”
Umangat ang kamay ni Brent at tinapik siya sa braso, “Huwag kang masindak sa panganay kong
SHE gave him her sweetest smile, leaning her head on his shoulder.“Iyon naman talaga ang pakay ko ang i-sorpresa ka.”Nag-umpisa ng sumubo si Brielle ng muling nagtanong sa kanya, “Bumalik pa doon sa hospital iyong Drake Yin?”Nabitin sa ere ang kutsara ni Ivana at tiningnan siya nito, nakaangat ang isang kilay, “Oo. Maaga silang dumating nong driver niya. Bakit ba parang galit ka doon sa tao? Mukha naman siyang mabait at saka nakita naman natin magkasundo sila ni Andrei.”Umingos si Brielle, “Syempre pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko. Palagay mo pakikipagkaibigan lang ang pakay niya kay Denise? Hindi ako pinanganak kahapon.”Natawa si Ivana s
AWA at galit ang nararamdaman ni Ivana ng mga sandaling ito. Awa dahil sa kalagayan ni Reymond, at galit dahil sa kasinungalingan nito at sa kasalanang ginawa nito sa matalik niyang kaibigan.“Reymond, nababaliw kana talaga. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko? Papatayin ka ng asawa ko! At ayokong mabahiran ng dugo ang mga kamay niya. Utang na loob ako naman ang makikiusap sa’yo, tigilan mo na sila. Magpakalayo-layo kana habang maaga pa. Kakalimutan ko ang pagkakatong ito na nag-usap tayo.” nababakas ang kaba at takot sa boses ni Ivana habang binibitawan ang mga katagang ito. Iba’t-ibang masamang pangitain ang agad na pumasok sa utak niya ng makompirma niyang buhay nga si Reymond.Sunud-sunod na iling ang ginawa ni Reymond, at ilang patak ng luha ang bumuhos mula sa mga mata niya, “Ivana, kahit anuman ang tingin mo sa akin, oka
SUMIMANGOT agad ito at daig pa ang inaargrabiyado ng marinig ang bilin ng ina. Salubong ang kilay ng muling tumingin kay Ivana.“Mommy, just one hour, please?”“Don’t say yes, Mom. She will wake up until midnight if you allow her,” Brendon suddenly interrupted them, grinning.Handa nang sumugod ni Brianna sa kuya niya para awayin ito ngunit mabilis na nagsalita si Ivana. “Brianna, tigilan mo iyan. Maldita ka talaga. Kapag sinabi kong matulog kana ng maaga, sundin mo.”Parang maiiyak ito ng ibinaba nito ang kamay. Mariing kinuyom nito ang kamao at tiningnan ng masama ang kuya niya. Bigla na lamang itong humakbang at nagdadabog, patungo ito sa ikalawang palapag.
ERICK’S face turned gloomy. He tried to act calm earlier before heading to this room. Si Aya naman nasa tabi lamang ni Diana at hinahagod ang likod nito na halatang nakikisimpatya ito sa dalaga.Pakiramdam ni Carl bigla siyang iniwan sa ere ng Mommy niya gayong ito madalas ang kakampi niya kapag may hinanakit siya o may dinamdam laban sa ama.“Young man, watch your words!” Erick’s voice came like thunder, shaking the two ladies near him.“Watch my words? Hahaha! Really? You’re good at acting, dad. I’m pretty sure you plan this big trap for me to choose that woman!” He pointed his fingers at Diana. His jaw clenched, and he ground his teeth.Hindi niya matatanggap ang nangyaring ito. Hindi kailanman dahil an
NANG magising na silang pareho mula sa maikling kasiyahan pumalit naman ang malaking gulo. Nanghihina siyang humakbang papasok ng silid na inuukopa niya.Pagpasok niya agad na ibinagsak ang pagod niyang katawan sa kama. Paglapat ng likod niya sa malambot na kama saka lamang siya unti-unting nakaramdam ng bahagyang ginhawa ngunit napalitan din ito ng labis na lungkot.She gave her virginity to Carl without thinking about the consequences. She was raised by the conservative parents and they're having an old beliefs. Thinking about her parents, she suddenly burst into tears. Magagalit sa kanya ang mga ito at tiyak niyang hindi rin papayag ang mga magulang na hindi siya pananagutan ni Carl. Subalit, paano nga ba nila pipilitin si Carl na pakasalan siya gayong alam nitong sinet-up lamang nila ito.Nakat
KAYA’T napagdesisyunan ni Erick na tuluyang tuldukan ang ugnayan nila sa pamilya ng matalik nilang kaibigan. Ang buong akala nito pinili na rin Brent na kalimutan silang lahat at naghanap na lamang ito ng ibang lalaki para sa anak nitong si Denise.Humugot ng malalim na buntong hininga si Aya, “Anak, alam kong sobra mong minahal si Denise pero wala na rin siya eh. Hindi ko kinakampihan ang daddy mo pero dapat nga siguro mag-move on kana rin. Balang araw makikita mo nalang ang sarili mo na unti-unting nahuhulog ang loob mo kay Diana. Mabait naman talaga ang batang iyon.”Marahas na napatingin ulit si Carl sa ina, “Pati ba naman ikaw, itutulak mo rin ako sa kanya.”Nagulat man sa sinabing ito ni Carl, marahang tumango si Aya bilang kompirmasyon sa tanong ng anak, “
TININGNAN niya ng masama si Brielle. Tantiya niya masaya ang umaga nito dahil nagawa na naman nito ang gusto kanina. Hindi nga siya nito sinipingan kagabi ngunit ngayong umaga naman nito ginawa.“Ay, ewan ko sa’yo. Tumigil ka! Halika na, bumaba na tayo at kumain,” agad na nagmartsa patungo sa labas ng kwarto nila si Ivana.Dali-dali namang sumunod si Brielle sa kanya. Nang makaalis na si Brielle patungong opisina agad ding umalis si Ivana, ang destinasyon niya ay ang hospital na pinagdalhan kay Denise. Hindi siya nakatulog ng maayos magdamag dahil natatakot siya para kay Reymond.Kahit binalaan na niya ito alam niyang ipipilit nito ang gusto. Pakiramdam niya lalong magiging komplikado ang lahat kapag nalaman ni Brielle at Brent na buhay na buhay si Reymond at muli itong nagbalik.&
NANLULUMONG bumalik sa loob ng sariling sasakyan niya si Reymond. He felt all his energy was draining after his conversation with Ivana. Panay ang dasal niya na sana nga ay huwag muna nitong isiwalat ang tunay niyang pagkatao hanggat di niya napagaling si Andrei.Nang mahimasmasan na siya umuwi na rin siya ng bahay. Pagpasok niya sa sala nadatnan ulit niya ang mag-asawang Mang Ramon at Manang Carol.Kapwa nagulat ang dalawa ng mapuna nilang namumula ang kanang pisngi ni Reymond. Hindi nakatiis si Manang Carol nagtanong ito, “Sir, may sumampal po sa inyo?”Umiling agad siya, “Wala naman po.” Alam niyang hindi naniniwala ang mga ito sa sagot niya.“Ipaghahanda ko na po kayo ng hapunan,” iniba ni Manang Carol ang u