TAHIMIK na umupo na rin siya sa harapan ng dining table. Nakalimutan na niyang ipagluto ang bunsong anak tulad ng pinangako niya kanina rito bago sila bumaba. Lutang ang isip niya ng mga sandaling ito dahil sa maagang pag-alis ng magulang niya.
Nakasimangot ang mukha ni Kyree ng marinig ang sinabi ni Yaya Santina.
“Umalis agad sila hindi pa nga kami nakakapaglaro ni Andrei,”
Tumingin si Brianna sa bunsong kapatid na nakaupo sa ibayo niya, “Kumain ka nalang ang aga na naman ng reklamo mong iyan. Pwede naman natin silang tawagan mamaya at magpahatid nalang tayo sa driver doon sa mansyon,”
Namilog bigla ang mata ni Kyree, “Talaga ate? Sasama ka sa akin?”
Tahimik l
WALANG tugon mula kay Brielle. Nakatingin lamang ito sa screen ng laptop nito at nilaro-laro sa kamay nito ang sign pen.“A penny on your thoughts?” Adela tried to call Brielle’s attention.Nag-angat ito ng mukha at bakas pa rin sa gwapong mukha nito ang tila sama ng loob.“My family had returned yesterday,” Brielle uttered.Nanlaki ang mga mata ni Adela. Inaarok niya kung seryoso ba ang sinabi ni Brielle o nagbibiro lamang ito. Naumid din ang dila niya dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Ilang beses silang nag-uusap ni Ivana sa messenger nitong nakaraang linggo pero wala naman itong binanggit sa kanya na babalik na ang mga ito sa Beijing.“What, did the
TININGNAN siya ni Denise sa mga mata. May lungkot at kalituhan na bumalatay sa maamo nitong mukha.“Babe, kahit anuman ang sasabihin mo, makakaasa kang makikinig lang ako. Kailangan ko ng tulong mo dahil ikaw ang halos nakakasama ko noong panahon ng pag-aaral ko sa London sabi ni Mommy,”Humugot ng malalim na buntong huminga si Ivana. “Sige, ikukwento ko sa’yo lahat pero dapat siguro kumain ka muna. Kagigising mo lang,”Tumango si Denise at tumayo na ito mula sa sofa, “Hintayin mo nalang ako rito sa loob ng kwarto. Maliligo lang ako at sabay na tayong bumaba sa dining hall. Samahan mo na rin akong kumain,”“Okay. Kasama ko pala ang mga pamangkin mo. Ang ligalig kasi ni Kyree, hindi talaga tumigil sa kakapa
UMANGAT ang mukha ni Denise, hilam ng luha ang mga mata at bakas ang takot.“Babe, bilisan mo na. Baka may mangyari sa anak ko. Ang hina na ng hininga niya,” umiiyak na pakiusap ni Denise kay Ivana.Lalong nagbigay ito ng balisa kay Ivana. Mariin niyang inapakan ang silinyador ng kotse at humarurot ito sa kahabaan ng highway. May nadanan silang hospital sa ilang milya mula sa remote area ng mansyon. Mabilis na bumaba agad si Denise at patakbong sumugod sa emergency room.Naiwan sa sasakyan si Ivana. Hinamig muna niya ang sarili at laking tuwa niya ng nakita niyang naiwan pala sa loob ng kotse ang handbag niya. Agad niyang hinagip ito at sumunod na rin siya kay Denise matapos masigurong nakalock na ng maayos ang kotse niya.Nadatnan niy
TIME is running and it’s already past three o’clock in the afternoon. Wala pa rin ang test result ni Andrei at nakatulog na ang dalawang anak ni Ivana. Nakalimutan na rin nilang mananghalian. Pasado alas-tres ng hapon nagising si Kyree.Kandong pa rin ito ni Ivana. “Mommy, nagugutom na po ako,” bulong nito sa tenga ng ina.Napatingin agad si Ivana sa maamong mukha ng anak. “Sorry, nakalimutan na ni Mommy bumili ng pagkain. Sandali lang mag-order nalang ako sa mobile app ko,”Narinig ni Brent ang ungot ng apo kaya’t mabilis siyang tumugon at lumapit sa inupuan nilang nag-ina.“Ako na ang bababa para bumili ng pagkain natin,”“Okay lang po ba sa
HUMINTO sa eksaktong tapat ni Shantal ni Doctor Zheng. Ibinaba nito ang gamit sa bedside table sa gilid ng kama na hinihigaan ni Andrei. Bawat galaw nito ay tila daang karayom na tumutusok sa puso ni Shantal.Inangat nito ang hawak na medical record ni Andrei. Pinasadahan nito ng tingin maging ang test result. Napuna ni Brent na balisa si Shantal at namumutla ang mukha nito. Hindi rin ito makatingin sa mukha ni Doctor Zheng. At lalong ni wala man lamang itong kibo kahit huminto na sa harapan nito ang doctor.Maging si Denise ay sobrang balisa rin, at pinagmamasdan ang bawat kilos ng doctor. Naiinip na siya at gusto na niyang marinig ang sasabihin nito.“Doctor Zheng ano po ang test result ng anak ko?” di na makapaghintay si Denise kaya’t nagsalita na agad siya.
BRENT was silent, his mind was filled with worries. Ngayon lamang niya narinig ang tunay na saloobin ni Brielle sa nakalipas na tatlong taon mahigit. Saka lamang niya napagtanto na napabayaan na nila ang panganay na anak dahil naibuhos nilang mag-asawa ang lahat ng panahon nila kay Denise at sa anak nito.He stared at his son gradually, looking at him full of sympathy, “I’m sorry, Brielle, if you felt neglected and if you felt being left behind. We just thought you’re strong enough to face the trials that came along your way,”Mapait na ngiti ang isinukli ni Brielle sa ama, “Minsan nga Dad dumating ako sa pagkakataon na kulang nalang tumakas ako at magpakalayo-layo muna sana pero sa bawat pagtitig ng mga mata ko sa mga empleyado natin na umaasa sa maayos na pagpapatakbo at pamamahala ng kompanya hinihila akong pabalik p
KYREE’s eyes dimmed for a while, and his face looked sad. Finally, he threw his eyes to Andrei’s bed, face a little bit contorted.“He seemed not breathing, though,” Kyree’s gentle voice came again.Napadilat bigla si Ivana at napalingon sa mag-ama. “Hush, anak, huwag mong sabihin iyan. Malulungkot ang tita mo,” bulong niya rito.Sumimangot itong bigla, at umismid sa ina, “Sinasabi ko lang naman ang nakita ko, bawal ba iyon?” bubulong-bulong ito.Gustong matawa ni Ivana sa inasal nito ngunit ayaw din niyang makakaagaw sila ng atensyon ni Denise. Nag-aalala siyang lalo itong lumungkot kapag nakarinig ng hindi magandang komento patungkol sa anak nito. Hanggat maaari ayaw nilang dagdagan ang alala
IVANA raised her eyebrows and stared at him, wearing a naughty smile. She suppressed herself to laugh out loud while seeing his expression.“Don’t look at me like that, I will devour you alive if you remain to do that,” His voice sounded annoyed; however, a teasing stare was visible.Biglang umangat ang kamay ni Ivana at ipinupulupot niya sa batok ni Brielle. Kinabig naman siya nito at siniil ng halik sa labi. Mabilis na gumapang sa katawan nila ang nakakapasong pagnanasa. Bawat halik na binibigay ni Brielle sa kanya ay parang humihila sa kanya sa ibang lupalop ng daigdig.Naramdaman nalang niyang sumayad ang likod niya sa mahabang sofa na inupuan nila kanina. Titig na titig si Brielle sa kanya habang isa-isa nitong tinatanggal ang saplot sa katawan. Natilihan siyang bigla at pina
HER hands shivered while tightly gripping the whip and the high-power laser. Her jaw locked and she greeted her teeth. Naglaho lahat ng paghanga niya sa pekeng Drake Yin. Napalitan ng galit ang pagmamahal na sana unti-unti na niyang naramdaman dito.Marahang umangat ang duguang kamay ni Reymond para sana punasan ang mga luha ni Denise ngunit mabilis niya itong tinabig.Mahinang yugyog ng balikat sanhi ng marahang tawa ang naging tugon ni Reymond. Alam niyang ito na ang huling mga sandali niya at gagamitin niya na lang ito para humingi ng kapatawaran dito.“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa’yo?” malakas na sigaw ni Denise kay Reymond.Marahang nag-angat ng mukha si Reymond. Puno ng pasa at sugat ang katawan
IN a quick reflexes Reymond tried to escape from their grasp but he was too tired to make it. Pumihit paharap sa kanya si Brent at unti-unting naglakad palapit sa kanya.“Sir, ano po ang ibig sabihin nito?” kalmadong tanong ni Reymond kahit may nakaambang panganib ayon na rin sa hinala niya.Hindi sumagot si Brent at nang huminto ito sa harapan niya bigla itong nagtanong, “Nakalimutan mo na ba na ako si Brent Santillian? At malinaw kong sinabi sa’yo noon na aalagaan mo ang anak ko kapag ipagkakatiwala ko siya sa’yo? Ha ha ha! Ang laki kong hangal dahil naniwala ako sa panlilinlang mo!”Bago pa man nakasagot si Reymond malakas na hinila ni Brent ang suot niya maskara. Sinundan agad nito ng malakas na suntok sa sikmura niya.
NAMULA lalo ang mga mata ni Reymond. Ang salitang binitawan ng anak niya ang tanging natitirang pag-asa niya para maitama lahat ng kasalanan niya pagkatapos niyang isagawa ang heart surgery nito.Marahan siyang tumango, “Oo naman. Hindi ako aalis hanggang sa gumaling ka ng tuluyan.”Nag-angat ng mukha si Andrei at pinahid ang mga luha ni Reymond, “Bakit ka umiiyak?”“Nalungkot lang ako dahil tayo lang dalawa ang narito eh. Wala ang Mommy mo na sana inasahan kong dadatnan siya rito. Marahil nga masaya na siya na bumalik si Carl,” madamdaming tugon niya.Umiling si Andrei, “Tulog pa si Mommy nang umalis kami. Late na rin kasi siyang umuwi kagabi, pero tiyak ako kapag nagising na iyon mamaya susunod siya rito
NAPANSIN ni Brent na tulala ang manugang niya at saglit itong namutla. He snapped his finger in front of Ivana.“Penny, on your thoughts, Ivana?” Brent gazed at her daughter-in-law with a bit of doubt.“Ah-- I was just shocked with the news, dad. Who is the good doctor that will perform the surgery?” She queried calmly, avoiding Brent’s eyes.Brent smiled lightly, “It’s Drake Yin!”Lihim na naikuyom ni Ivana ng mariin ang kamay dahil tulad ng inasahan niya si Reymond nga ang tinutukoy ni Brent. Gustong magalit ni Ivana kay Reymond ng mga sandaling ito dahil pinapairal nito ang katigasan ng ulo.“Wow, I can’t believe Drake will do that!”
SAGLIT na natigilan si Brielle. Hindi niya inasahan ang ganitong sitwasyon na kinalalagyan ng matalik niyang kaibigan. Ngunit hindi niya rin masisisi ito na tumakas sa poder ng magulang dahil niloko rin ito ng sariling ama.Bahagya siyang nakadama ng awa para rito at tulad ng pinangako niya noon kay Carl, mananatili siyang magtuturingang magkapatid.“Don’t worry, I will be at your back. Just make sure to win back my sister’s trust. Lately, I could sense her anxious thoughts about you.” Brielle said, trying to console his best friend.“Yeah. Actually, a minute ago, we had a bit of a hateful confrontation, no… it’s an argument. I think she was typing a message for Reymond, so I came to her angrily, telling her that she was cheating on me.” Carl let out
MAHIGIT dalawang araw na ang nakalipas ngunit hindi na muling nagpakita si Reymond kay Denise. Hindi rin nag-abalang mag-message ang dalaga sa kanya kaya’t nagmumukmok lamang siya loob ng kanyang kwarto.He tried to comfort himself and preparing for Andrei’s surgery but deep inside his heart there was an emptiness he could barely bear. Halos hindi siya makatulog sa loob ng dalawang araw at iba’t-ibang imahe nina Denise at Carl na masayang magkasama ang paulit-ulit na naglalaro sa utak niya.Ilang beses na rin nagdala ng pagkain si Manang Carol sa silid niya ngunit ni hindi niya ito halos galawin. Nawalan siya ng ganang kumain at lalo itong ikinabahala ng mga kasambahay niya.He jolted when his phone suddenly rang.“Reymond,
SA bawat salitang naririnig niya mula sa anak ibayong tuwa ang hatid nito. Mabilis na gumaan ang pakiramdam niya at nanumbalik ang determinasyon niya sa sarili.“Anak, salamat sa mga sinabi mo. Kung alam mo lang gaano mo pinawi ang hinanakit ko.”“It’s okay, dad. Take care of yourself, okay?”“I will. I love you. Bye for now!”He ended the call. Saka lamang niya napansin na madilim na ang paligid. Tinawagan na rin niya ang restaurant kung saan nag-book sana siya ng dinner date nila ni Denise. Bayad na niya ito at hindi rin napakinabangan ngunit nagpasya na lamang siyang palipasin ang nangyari. Bumalik na siya sa sariling bahay at natulog na lamang.Samantala, k
MABILIS na lumuwag ang kamay ni Reymond na nakahawak sa kamay ni Denise bago pa man makapag-react ang dalaga. Binitawan na rin ni Reymond ang bouquet ng bulaklak at nalaglag ito sa harapan nilang magnobyo.Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Reymond at agad na pumasok sa loob ng kotse nito. His car galloped away from the parking area, leaving heavy pain in Denise's heart. Gusto niyang magpaliwanag dito ngunit tila nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita kanina dala ng matinding pagkabigla.Akma na siyang dudukwang para damputin ang bulaklak mula sa lupa ngunit pinigilan siya ni Carl.“Bakit mo pa dadamputin iyan? Pwede naman kitang bilhan ng mas maganda dyan mamaya kapag may nadaanan tayong flower shop sa highway,” sita ni Carl.Gigi
SHE gently pulled herself away from him. Carl could sense Denise’s bothered reaction but he tried to understand her. Nasabi na ni Brielle sa kanya na madalas nitong kasama si Reymond na akala nito ay ibang tao ngunit sa pagkakataong ito hindi na rin siya makakapayag na aagawin pa ni Reymond ang nobya niya at sisirain ang buhay nilang dalawa.“Kailan ka pa dumating?” seryosong tanong ni Denise kay Carl, matapos nitong bitawan siya.Hinawakan nito ang braso niya at inakay siya patungo sa tabi ni Brielle. Tahimik naman siyang nagpahila rito.“Kaninang madaling araw lang. Umalis ako sa bahay namin kagabi. Marami pa akong sasabihin sa’yo pero sa ngayon hindi na muna natin pag-uusapan dahil ang mahalaga nagkabalikan na tayo ulit at buhay pareho,” nakangiting tugon ni C