Six months later… Santillian’s Villa - Beijing
Palakad-lakad sa labas ng kwarto ni Denise si Brent, halatang balisa ito at hindi mapakali. Ngayon ang araw na naka-schedule si Denise ng cesarean section dahil kabuwanan na nito. Tila isang himala at nabuhay sa loob ng sinapupunan niya ang sanggol kahit pa hindi pa rin nagising ang dalaga.
Dala na rin sa maayos na pag-aasikaso ng doctor at ob-gyne nito naitawid ni Denise hanggang siyam na buwan ang sanggol. Si Shantal lamang ang pinapayagan sa loob ng kwarto upang saksihan ang pagluwal ng anak nila sa sanggol nito.
Sa loob ng ilang buwan hindi na rin dumalaw si Brielle sa mansyon at subsob ito sa trabaho na tila ba doon na lamang nito ibinuhos ang lahat ng oras. Hindi rin nito sinundo ang pamilya sa London. Simula ng malaman nito ang pagkamatay
HE wanted to curse, yell and throw all the things around him to appease his anger. How could his parents easily let go of the painful and tragic event that happened to his sister? Naroon pa rin ito at wala pang malay hanggang sa mga sandaling ito.Ayaw niyang magtanim ng galit habambuhay ngunit paano nga ba niya mapapatawad ang taong gumawa ng pang-iinsulto sa pamilya niya at lumapastangan sa kaisa-isa niyang kapatid? Ang masaklap pa kahit nawala ito nag-iwan pa ito ng isang alaala na hindi niya kayang tanggapin. Marahil nga naging masama na siya sa paningin ng ama ngunit hanggat sariwa sa utak niya ang ginawang kalapastanganan ni Reymond Yun na naging sanhi sa pagkamatay ng matalik niyang kaibigan walang puwang sa puso niya ang salitang - KAPATAWARAN.He is still in a painful agony up to this moment when he remember his best friend. Carl is a good
Umangat ang munting kamay nito at hinawakan ang kamay ng Ivana. Tumingala ito sa kanya at tiningnan siya nito sa mga mata. Tila napapaso si Ivana sa paraan ng tingin ni Kyree at parang nanuot sa kaiburan niya ang titig nito.She squatted down and gently pinched Kyree’s face. “I’m sorry if I wake you up, darling!”“I heard you scream,” Kyree touched Ivana’s hand.Hindi niya alam kung paano ipaliwanag sa anak ang inasal niya ngunit kailangan niyang sagutin ang tanong nito dahil titig na titig ito sa kanya.“Hahaha! May naalala lang akong movie at nadala ako sa eksena,” pagsisinungaling niya.Halatang di ito naniniwala sa paliwanag niya, bagamat
HALOS magkapanabay na umupo silang dalawa ni Samantha. Naglagay na rin siya ng pagkain habang may isang kasambahay na lumapit sa kanya at nagtanong.“Sir, ano pong gusto ninyong inumin? Juice or Coffee?”He raised his head, “I want a black coffee with creamer and half-teaspoon of sugar,”“Noted, sir!”Tumalikod na ito at gumawa ng kape para sa kanya. Nag-umpisa na rin siyang kumain. Maya-maya pa bumalik na ito sa tabi niya at inilapag ang umusok na kape na hiningi niya rito.“Kape niyo po,” anang katulong habang nakayukod ito.Naiilang siya sa pakikitungo ng mga ito dahil sanay siyang laging solo lang sa
NAPAPANGITI siya sa pagiging kwela ng pamangkin at pansamantalang gumaan ang pakiramdam niya habang narito ito sa tabi niya.“It’s a gesture of pampering, didn’t you like it?” He smiled at Nate.Nate pursed his tiny lips, “I don’t like it because it seems to pet me like a tiny poppy,”Hindi na niya mapigilan ang sarili, natawa siya ng tuluyan. At tiningnan naman siya nito na tila nabubugnot ng mga sandaling ito dahil sa malakas niyang tawa.“Ayaw mo ba noon? Ibig sabihin natutuwa kami sa’yo,” kapagkuwan tugon niya. Ibinaba na rin niya ang kamay at inangat ito sabay kandong.Tumingala si Nate sa kanya, “Uncle, bakit ka po malungkot?
Lalong siyang namula sa ginawa nito at kaya't bahagya niyang siniko ito sa tagiliran kahit hirap siyang gumalaw dahil karga niya si Andrei."Tingnan mo ang apo natin kahit hindi pa gaanong nakakakita parang nakatingin sa ating dalawa habang naglalambingan tayo," bulong ni Brent sa punong taenga niya.Nakakakiliti sa pandama niya ang ginawa nito dahil dinagdagan pa nito ng pagbuga ng hangin nito mula sa bibig."Umayos ka nga may mga taong nakatingin sa atin, nakakahiya naman sa kanila," muling paalala niya rito.Dumukwang si Brent at tiningnan ang apo, "aba, tingnan mo naman titig na titig sa mukha ko. Nagagwapuhan sa lolo o, naalala ko tuloy si Denise noong maliit pa, sobrang ligalig panay karga lang lagi ang gusto pero itong anak niya tahimik at mabait
BRIELLE felt guilty when he heard no response from his father. The words that slipped his mouth can’t be undone, and he regretted uttering them.Lalo siyang nakaramdam ng pagkabalisa ng hindi pa rin ito kumibo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumagot siya ng pasigaw dito, kahit kalmado naman ang pagsasalita ng ama. Si Brent naman sa kabilang linya ay hindi rin mapakali ng marinig niya ang sigaw ni Brielle.Pinagsisihan niyang pinilit pa ito na dumalo sa binyag ng apo nila dahil ito pa marahil ang maging sanhi upang bumalik ang dating sakit ng anak. Balisa siya at palakad-lakad sa hardin, na siya namang unang napansin ni Shantal ng bumalik siya rito matapos iakyat si Andrei sa kwarto nito.Palapit na siya rito at ni hindi man lamang napansin ni Brent ang presensya niya at namumutla pa ang
MATAMAN lamang siyang tiningnan ni Brielle at hindi na ito kumibo. Laking pasalamat na rin ni Brielle na sa tuwing kailangan niya ng kasama natataon na narito si Harold. Kusa nitong nahuhulaan na kailangan niya ng kasama habang ganito ang pakiramdam niya.Marahil nga dahil sa tagal nitong pagtatrabaho sa kanya bilang assistant kabisado na nito ang takbo ng isip niya. He finished his tea and stood immediately. He walked back to his working table, while Harold left behind.Pagkaupo niya sa lamesa saka lamang siya nagsalita. “Hindi ka ba natatakot sa akin kapag hindi maganda ang mood ko?”Napaangat ng mukha si Harold, umiling, “Sanay na po ako sa inyo. Alam ko namang kailangan ninyo ng karamay kapag tensyunado ang pakiramdam niyo. Saka kahit di naman kayo nagsasalita okay lang din pa
BRIELLE stood akimbo, staring at Harold’s pale face. He can only scold him but dared not to fire him as his assistant. Aminin man niya’t sa hindi magaling ito sa trabaho at hindi na siya makakahanap ng kapalit pa nito, iyong taong masipag at mapagkakatiwalaan dangan nga lamang minsa lumalampas ito sa mga bagay na dapat ay hindi na nito pakikialaman. Bagay na minsan o mas madalas niyang kinakainisan.Tiningnan ni Brielle ang relong pambising, halos mag-aalas-dose na ng tanghali. Biglang kumalam ang sikmura niya.“Ano pang hinintay mo dyan, ayusin mo na ang pagkain nagugutom na ako,”Napaangat ng mukha si Harold, alanganing tumingin at ngumiti kay Brielle. “O- Opo- Opo!” kandautal nitong tugon at inilang hakbang lamang nito ang center table. Inisa-isang inihain ang