Pagkatapos ng kwentuhan naming dalawa ni lola kanina sa third floor, naisipan na rin naming kumain. Bumaba kaming dalawa papunta ng hapagkainan at nahagilap ko agad ang tingin ng dalawang magkapatid saaming dalawa.
Nakailang kurap pa ako bago umupo. Naaasiwa ako sa tingin ni Deon. Inabala ko ang sarili ko sa mga pagkaing inihanda ng mga kasambahay ni Lola Alexandra.Saan kaya siya kumukuha ng pera pangsweldo sa mga trabahador niya? Matagal nang hindi nagtatrabaho si Lola. Isa raw siyang teacher noon at nagresign siya agad dahil nagkasakit ang asawa niyang si Lolo Anselmo.Walang imikan sa pagitan ni Deon at David. Pati ako ay napatahimik na rin, paano ba naman ay hindi ako kinakausap ni David.Aba! Whatever! I don't care! Panis na ang Wrangler niya kotse ng asawa ko."Pahinga na po kayo, lola. Uuwi na rin kami maya-maya," ani ko at marahang hiniga si lola sa kaniyang kwarto. Nakamasid saamin ang nurse niya habang ginagawa ko 'yon.Perlm Marie Olavin"Ma'am Perlm, goodluck and congratulations po sa kauna-unahan niyong trabaho!" si Manang na mas excited pa saakin. Tinulungan niya akong ayusin ang unipormeng susuotin ko. Hindi naman talaga siya uniform. Isang pencil skirt at itim na blazer ang suot ko at masasabi kong nakakapanibago dahil hindi naman ako nagsusuot ng ganitong damit. Limang pares ang ganito kong damit at iba-iba ang kulay. I look different. How it hugged my delicate little body. It looks good on me. Mukhang masaya ang maging secretary, palaging magaganda ang suot. "Tama na tama po ang pinili kong size sainyo, Ma'am," ani manang at hinaplos ang mahaba at umaalon kong buhok."Salamat po pala sa pagpili, manang. Buti na lang po talaga at nakapabait niyo. Perlm na lang po ang itawag niyo saakin, tutal para ko na rin kayong magulang," humalakhak ako at hinawakan siya braso. Mabilis na napailing si manang sa sinagot ko. "Naku! Ma'am! Nakakahiya
Tumagal sa opisina si Deon. Mga ilang oras din bago niya nagpagpasyahan na pumunta sa nasabing lugar ng meeting. Ako naman ay hindi mapakali sa gahamak na papel na binigay niya saakin. Hindi ko alam ang mga ito..."Basahin at pag-aralan mo," tanging saad niya nang makapasok kami sa kotse. Epekto na rin siguro ng hindi ko pakikinig sa klase ang nangyayari ngayon. Nagbunga ang lahat ng katamaran ko, wala tuloy akong maintindihan kahit na basahin ko nang paulit-ulit ang mga documents na pinasa niya saakin. Bahala na si batman. "What do you think?" tanong niya at nakatuon lang ang paningin sa labas. "I-i think—""It's a good deal, right? Dapat ay alam mo 'yan dahil pinag-aralan mo ng apat na taon sa university ko 'yan, Perlm." Kinamot ko ang tungki ng aking ilong at sumangayon na lamang sakaniya. "M-maganda nga." Lumipas pa ang isang oras. Napakalayo naman pala ng Realos Company. Dalawang oras ang byahe mula sa university, nainip tuloy ako dahil pip
Perlm Marie Olavin"What the fuck are we gonna do, Deon? We are fucking stranded!" singhal ko sakaniya. I hate flood, rains or anything na basa! Nakakairita! Paano nito kami makakauwi? Pagod na ako at gusto ko nang kumain, ni hindi pa nga kami naglu-lunch tapos ito pa ang mangyayari?!Kung hindi lang sana siya nagpadala sa bugso ng damdamin at galit, baka nakauwi na kami ngayon at tinatahi ko na 'yung damit niya. Imbis na maging bayolente, pinili niyang maging kalmado at nag-isip ng kung anu-ano. Nasa gilid kami ngayon ng highway, walang dumadaang kotse ni isa, titigil din sila kapag makikita nila kung gaano kalaki ang baha pababa ng highway. Bigla pumasok sa utak ko na magcheck-in kami sa isang hotel. Mas maganda na 'yun kaysa maghintay rito."Magcheck-in tayo?" I asked him.Bahagyang umawang ang labi niya at lumunok ng ilang beses."Are you sure?""Sige nga! Saan mo gustong matulog? Dito sa kotse? Hihintayin mong bumaba ang baha? At saka, look oh!
WARNING: MEDYO SPG Nang makarating kami sa sarili naming unit, binuksan ni Deon ang kwarto gamit ang susi. Hindi malaki ngunit hindi rin masikip. King size ang kama at may mga palamuti ang kwarto. It's not my thing. The design and the theme is just not it. Mukhang kaming couple na maghohoneymoon at gagawa ng milagro rito. Haler! Wala ngang nangyayari saamin! Baka pumuti na ang buhok ko pero matigas pa rin siya saakin. Dumiretso ako sa banyo at inayos ang sarili. Basang-basa kaming dalawa at walang pamalit. Siguro ay matutulog kaming ganito ang suot! Walang bathtub at tanging shower lamang ang mayroon sa cr ng kwartong ito. Minabuti kong maligo muna at mamaya na alalahanin pa ang damit na pantulog. After my shower, someone knocked in the door. It was Deon. "What?""Open the door for me," rinig kong sabi niya.Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong nilock ang pintuan upang hindi siya makapasok.
Perlm Marie OlavinThe three of us became quiet. When Deon's brother showed up in our hotel room, my fantasy was shattered.Si David pala iyong katok nang katok sa kwarto namin. Nalaman niyang nagcheck-in kami sa motel dahil na-track niya ang phone ko! Sinira niya ang lahat nang pagpapantasya ko. Iyon na sana ang pagkakataon namin ni Deon na pagbuklurin ang isa't isa. Na maramdaman ang bawat saya. Ang kaso panira siya! I felt terrible about it. Ni hindi ko magawang tumingin kay Deon dahil kasalanan ko pala!"Is he saying the truth?" walang ganang tanong ni Deon nang makarating kami ng bahay. "Oo. H-hindi ko naman sinasadya. 'Di ba nga nawalan na ako ng pag-asa na makapagcheck-in tayo kanina, kaya naisipan kong tawagan si David at nagbakasakaling matulungan niya tayo. Ang kaso nakaramdam ako ng hiya kaya nang sagutin niya ang tawag, pinatay ko at naghintay na lang sa'yo," nakanguso kong saad. Umupo ako sa sofa at nakita na naman iyong picture fram
Huminga ako ng malalim, sinuot ang apron at sinumulan ang ginagawa.Tama. I began going through YouTub* in search of recipes or delectable delicacies because I had no idea what to prepare!Mukhang hindi pa ako nagsisimula ay talo na agad ako. Sa mga tingin pa lang ni Deon na nangangain, mas lalo akong walang maisip.I suddenly realized... I'm not good at cooking. Ang alam ko lang ay magprito ng itlog at hotdog. Kahit ang grade school kid ay kayang gawin iyon. To he honest, baka nga itlog hindi ko kayang lutuin."Any progress?" tanong ni Deon at hindi ako tinantanan ng tingin, bantay na bantay siya saakin. I bit my lip, making it faster to scroll down on YouTub*. Nag-search ako ng kung ano at nakahanap ng nakakatakam na pagkain. "Ha!" Itinaas ko ang tablet sa sobrang saya at tinarayan ang lalaking nasa counter."Huwag kang masyadong excited, magsisimula pa lang ako!"Pinanood ko ito at kinuha sa fridge ang mga
Perlm Marie OlavinSa araw ng linggo ay nakabalik rin si manang sa bahay. Kinamusta ko ang lagay ng anak niya at sinabi niyang maayos na raw ito. Ngayong araw din ang pahinga naming dalawa ni Deon sa pagtatrabaho. Sa totoo nga niyan, ayaw niya. Pinilit ko lang talaga dahil isang linggo akong magtatrabaho? Without any day off? It's too much! Hindi kaya ng katawan ko 'yon, no! Dumiretso ako sa kusina pagkagising. Nadatnan kong naghahanda ng pagkain si manang, nilalagay niya ang mga pagkain at inuman sa isang tray. "Para kanino po 'yan, manang?" takang tanong ko. Lumingon siya saakin nang matanto niyang nasa kusina na ako. "May mga bisita si sir, mga private investigator daw. Kumain ka na, Perlm, pinaghanda kita ng kare-kare." sabi niya, sabay lakad papuntang common room. Humikab ako at binuksan ang kalderong may lamang paborito kong ulam. Naglalaway na ako sa sobrang pagka-gutom nang bumalik muli si manang sa kusina kaya napat
I attempted to calm him down by holding his hand. I couldn't take any of his insults. Pagod na akong makarinig ng insulto at paninigaw mula sakaniya. "C-calm down, Deon. Article lang n-naman 'yon."Tinaboy niya ang kamay ko. Lumayo siya saakin at kinuha ang laptop sa table niya. "Yes, it's just a fucking article! Pero hindi mo alam kung ano ang impact nito saatin! Pagpipiyestahan tayo sa internet, Perlm Marie. Hindi ka nag-iisip!" "Ayaw mo ba no'n? Maraming makakakilala saatin? Maraming—" naputol ako nang ihagis niya ang laptop. Napatalon ako sa gulat at hindi na muli pang nagsalita.Mapupula ang mga mata niya at mariing pumikit. "Hindi ako bayolenteng tao, pero nagiging bayolente ako dahil sa mga katangahan mo..." Nagulat ako sa sinabi niya. Yumuko ako at hindi pa nagawang sagutin siya. Hindi ko alam kung anong masama roon. Gusto ko lang magkaroon ng spotlight pati na rin ang FU."You wanna know my reason?"
Pagkatapos kong mawalan ng malay ng gabing iyon ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong nakaratay sa hospital cot.The room is white, dull, clean, and silent.I stared at the ceiling for a few minutes. Walang tao. Ang akala ko bubungad saakin si Deon pagkagising ko... ngunit wala, kahit sila mommy at daddy ay wala. Have they found out the truth? What am I going to do if they find out? Will they be able to separate me from him? Hindi ko kaya... I love him to the point where I would give up everything just to be with him. In him, I see my future. I want us to have a big family and a great life together. I want to ... be his partner in life.Alam ko na ngayon. Noong una, iniisip ko kung bakit patay na patay ako kay Andy. Why can't I put him out of my mind? Why did it hurt so much when he broke up me and replaced me with his best friend? Maybe it's because I love him.'Yun ang akala ko. I thought I was in love with him, but I wasn't. I simply enjoy the concept of having a boyfriend.
Perlm Marie Olavin"Contractual marriage, huh?" nakangising sambit ni David. Bahagya akong napaatras. No, this isn't happening. Hindi nila... p'wedeng matuklasan ang totoo lalo na ngayong maayos na ang lahat. "Bakit, Perlm? Ano ba 'yung contractual marriage?" I couldn't respond since my gaze was locked on David, who didn't take his gaze away from me."Want to know what contractual marriage is, manang?" David asked, his gaze is still focused on me."David..." I warned him."Ang alam ko 'yung ikakasal kayo pero may kontrata. Tama ba ako?" Humalakhak si manang."Ah-uh, and why did they have a contract?" His lips curved even more. "Because they don't love each other. They marry for money or other reasons."Mas lalo akong napaatras. Pakiramdan ko'y bibigay ang katawan ko sa sobrang takot na aking nararamdaman. "What's more exciting is... sila Perlm at Deon ay kinasal ng may kontrata. Isn't that surprising, manang?" David added. "Stop!" I cried. Tumingin ako kay manang, gulat na gulat
"Miss Dorothy, uhm, here's mine." I give Miss Dorothy the papers.Nakangiti siya habang kinuha iyon saakin. Sinimulan niyang i-check ang mga papers na ginawa ko ng ilang oras. A lump formed in my throat as I watched her reaction. She appears to be dissatisfied with my work."You're... pretty fast.""Yes po, pero I did my best Miss Dorothy." "I see..." Muli siyang tumingin sa papel at napahilot sa sentido. "Well, you can have your lunch, Miss Fernandez. Wala na sila, ikaw na lang ang natitira. Join them," aniya at tinuro ang office palabas."I w-will. Thank you."Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi bumuntong hininga sa harap niya. Pag-alis na pag-alis ko ay nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at pumuntang muli sa cubicle ko. "What did I do? Mali ba ang computation at designs ko?" malungkot kong sabi sa sarili at napa-upo na lamang. She didn't say anything. Kahit sabihin niya lang sana na "not bad" or "you can do better next time", kaso wala... siguro hindi ak
Perlm Marie Olavin My first day. Pinagmasdan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa sa salamin. I can't believe that I'm a certified office worker. It's a good start for me. Paniguradong marami akong matututunan. You can do it, Perlm Marie. Tutal ay binigyan ako ni Deon ng mga tips sa pagiging assistant manager sa isang department kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi niya dahil wala naman iyong kinalaman sa trabaho niya, sinunod ko na lang at tinatak sa isip ang mga dapat gawin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto ay kaagad na akong bumaba. Kita ko agad si Deon na nag-aabang sa living room. Mukhang malalim ang iniisip niya ngunit kaagad niyang napansin ang presensiya ko kahit na nasa hagdanan pa lamang ako. "How are you feeling?" tanong niya nang makalapit ako. He lightly tapped the sofa. I smiled as I sat down. He is staring at me while waiting for my response. Dahil sa ginagawa niyang iyon, mas lalo lang akong kinabahan. "Its not a big deal, Deo
Dapit hapon at araw na ng Biyernes. Diretso kusina si Deon nang makauwi kami, nagtanong kay manang kung ano ang ulam. Bago siya tumungo roon ay napansin kong nilapag niya ang phone niya sa mini table dito sa living room. Susundan ko sana siya sa kitchen ngunit biglang tumunog ang phone. Suddenly something entered my mind to pick up the phone and see what was inside Deon’s phone. There's nothing wrong with that, right?I move over to the small table and take his phone to examine it... I'm surprised it doesn't have a password. Mukhang wala naman siyang tinatago.Una kong pinuntahan ang messages, may message si Sir Andrei pero hindi ko 'yun pinansin, bagkus ay nagscroll-up ako upang tingnan ang past conversations niya sa ibang tao.'Private Investigator'Nagtaka ako roon. Ito 'yung investigator noon na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Meghan. Hindi pa rin ba siya tumitigil sa paghahanap kay Meghan?Nanginginig ang kamay kong pinindot iyon at binasa ang past conversations nila. Ngunit na
Perlm Marie Olavin"Nakauwi na rin tayo!" Nagmamadali kong nilapag ang mga bag at iba pang gamit sa sahig at umupo muna sa sofa upang magpahinga. Masusuka pa yata ako. Sobrang haba ng byahe pauwi!Prente akong umupo ng sofa at pumikit sandali upang langhapin ang amoy ng buong bahay. Nag-iba ang pang amoy ko sa van na iyon. Hindi ko type ang freshener ng sasakyan. Nang namulat ang mata ko ay kaagad dumapo ang tingin ko sa picture frame nilang dalawa ni Meghan. Walang pasabing umawang ang bibig ko at bumaling kay Deon na kinukuha ang mga gamit sa sahig. "H-hindi mo tatanggalin 'yun?" Pasimple kong nginuso ang litrato sa taas ng TV. He fastened his gaze on me. When he noticed the frame, he took a big swallow. My mouth fell open as he took it out of the wall right away."Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko. "I'm gonna throw it later," sabi niya at nilapag sa sahig. Ako naman ang napa-arko ang kilay. "Ako na, inaayos mo pa 'yang mga gamit, e." "Sure," he replied, not even looking at m
Pumungay ang mga mata ko nang makita ko siya. Hinintay ko siyang makarating saaming dalawa ni David at pinagmasdan ng mabuti. "You really don't know your limits, huh?" he said while smirking. Gumalaw ang panga ni David at napatawa ng mahina. "Nagsisimula pa lang ako, Fernandez. Marami pa akong alas, marami pa akong baon. Hindi pa ako tapos sa'yo!" Muli akong nagtaka sa kilos at pagsasalita ni David. Malalim at buo ang boses niya habang nagtatagalog. Kita rin sa mga mata niya ang sukdulang galit. Umigting ang panga ni Deon. Nahuli ng mata ko ang kamay niyang dadapo sana kay David pero mabilis ko iyong nakuha at napigilan siya. "You are drunk, let's just go to our room."Bumaling ang tingin niya saakin. "Perlm, I'm not drunk. I've been trying to keep myself from hurting this jerk. Hindi na ako makapagpigil pa," bulong niya.Mariin akong pumikit at marahang umiling. "Let's talk, Deon. About this. About us..." I murmured.David burst out laughing. "Do it, Perlm! Sabihin mo sa asawa
Perlm Marie OlavinMabibigat ang aking paghinga. Dinig na dinig ang bilis ng tibok ng puso sa sobrang kaba na aking nararamdaman. All I can do is remain mute while observing his silence.I could kill myself right now. Nandidiri ako. Nagpahawak ako kay David. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam.... I'm such a fool. Being cheated is painful... But it hurts even more when your husband thinks you are cheating on him. Parang guguho ang mundo ko.My eyes are starting to tear up."I'm sorry, Deon..." sa wakas ay may lumabas na sa bibig ko, ngunit mahina lang iyon at malayo ako sa kaniya. Nasa gilid ako ng pintuan, nakaupo. Naroon siya sa dulo, nakasandal sa pader habang nakapikit. Matagal ko siyang pinagmasdan. Tinitigan. Gusto kong lumapit, gusto ko siyang hawakan, gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ko iyon gusto. Gusto kong linawin sa kaniya na pagkakamali iyon... ngunit paano? Natatakot ako. Natatakot akong mainsulto ulit. Natatakot ako sa gagawin niya kapag nagpaliwanag ako. Nang
"Let's go!" "Be careful, Amy! Kitang kita na kaluluwa mo sa suot mo na 'yan!" pagbawal ni Rosie kay Amy. Si Amy naman ay walang tigil sa pagtatalon, parang batang nakawala sa kulungan. Narito kami ngayon sa pampang ng dagat. Napag-isipan naming lumabas lalo na't sumilay na ang araw at excited na kaming magtampisaw sa dagat.Kaming dalawa ni Mildred ang naiwan dito dahil sinamahan na ni Rosie si Amy. Lumingon ako kay Mildred. Ngumisi ako nang maalala ang mga kinwento niya kagabi. Seriously, Manong was fantastic because he was able to win Mildred's heart. Hindi ako makapaniwala noong una pero ngayon... totoo nga. Sila ngang talaga! "Sorry, Perlm. Ang dami kong chika kagabi, hindi ka tuloy nakatulog sa kuwarto niyo ni Deon," aniya. "It's fine. Nag-enjoy nga ako..." tumawa ako ng mapakla, mas mabuti nga iyong natulog kaming dalawa ni Mildred sa ibang kuwarto, natakasan ko si Deon sa kung ano mang gusto niyang gawin saakin. Bahala siya, mag-isa siya roon sa kuwartong iyon! Wait? Baki