Maxine's POV
AGAD akong tumayo ngunit marahas ako nitong hinila pababa dahilan upang muli na naman akong mapaupo sa kahoy na upuan. "Maxine, handa kitang pautangin. Basta ba'y katawan mo ang ibabayad mo hanggang sa magsawa ako sayo!" Nagawa pa nitong humalakhak kaya naman ay masamang tingin ang ipinukol ko rito.Agad itong pumunta sa aking harapan at inilapag sa mesa ang libo-libo n'yang pera. "Mataas pa naman ang respeto ko sa inyo, dahil kaibigan ka ng ama ko. Ngunit, hindi ko alam na ganito ka pala-" "Lalaki lang ako hija. May pangangailangan rin sa katawan at isa pa ay hindi ako santo! Lumapit ka sa akin upang humingi ng tulong kaya ang kapalit ay ang katawan mo." Nakangising saad nito. "Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo?"Napakuyom na lamang ako ng aking kamao at marahas na tumayo. Malamig ko itong tiningnan. "Hindi bale na lang ho." Tugon ko rito ngunit pagak lamang itong natawa. "Mapagmataas!" Komento nito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.Agad akong lumabas sa bahay nito at dali-daling nagtatatakbo palayo. Hindi ko maisip ang sarili kong nakikipagtalik sa isang matanda o kung kanino man.Tsk. H'wag na h'wag s'yang makalapit-lapit sa amin lalo na sa mga pamangkin ko at baka kung ano pa ang gawin n'ya!Agad akong umuwi sa bahay na kumakalam pa ang sikmura. Naabutan ko ang dalawang pamangkin ko na natutulog lamang sa sahig na sinapinan nang manipis na kumot.Marahan kong hinalikan kanilang mga noo upang hindi sila magising at saglit kong pinagmasdan ang inosente nilang mga mukha.Bakit ba kailangan ng dalawang ito ang maranasan ang hirap?Napahinto ako nang makarinig ng mahinang kalabog. Awtomatikong napakunot ang aking noo ng masundan ang ingay na iyon ng impit na mga ungol.Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang tapat ng kwarto nila inay. Saglit ko pang pinakinggan ang mga ungol at nanlaki ang mga mata kong makumpirma na boses nga iyon ni inay!Kung gayon, sino ng lalaking kasama n'ya?!May naririnig pa akong kakaibang ingay. Mas lumalakas ang ingay nilang dalawa kaya patakbo akong pumasok sa aking kuwarto!Lumipas ang mahigit isang oras ay narinig ko ang boses ni inay sa labas ng kanilang kuwarto na tila ba masaya. Nagawa pa nitong magpasalamat kaya libo-libong emosyon ang nadarama ko sa aking dibdib!Sumilip ako sa bintana upang makita kung sino nga ba ang lalaking kalantari n'ya at doon ko nakitang ang ninong Ignacio ko pa man din ito.Pakiramdam ko ay niloko ako ng mahabang panahon. Paano si papa?Napakuyom na lamang ang aking kamao sa isiping pinagtaksilan ng magaling kong nanay ang tatay kong nakaratay pa sa ospital!Ang taas pa naman ng tingin ko sa nanay ko- ipinagmamalaki ko pa s'ya sa mga kakilala ko dahil ang akala ko ay hindi s'ya tulad ng ibang babae na kayang lokohin ang asawa.Mali pala ako.Gusto kong magwala! Gusto kong ilabas ang lahat ng galit na nararamdaman nang puso ko sa mga oras na ito.Agad na naglandas ang aking mga luha at napatingin sa litrato ng aking ama sa dingding nang aking kwarto.Ano na lang ang sasabihin ni papa kapag nalaman ang bagay na ito? Tsk.Takip-silim na at narinig ko si mama na tinatawag ang dalawa kong pamangkin kaya naisipan kong lumabas na rin ng kwarto.Tamad ko itong tiningnan at mukhang nagulat pa ito ng makita ako na galing sa mismong kwarto ko. "Oh, Maxine? Kanina ka pa ba nakauwi? Bakit hindi ko namalayan?" Nagtataka nitong tanong ngunit hindi ko s'ya kinibo at nilampasan lamang.Sa tuwing titingin ako sa mga mata n'ya ay mas naaalala ko lang ang mga ginawa n'ya kasama ang lalaking naging traydor sa aking ama.Inis kong kinuha ang baso at padabog na kumuha ng tubig. Matapos ay agad kong inubos ang tubig na aking kinuha at nilingon s'ya na naghahanda nang pagkain sa hapagkainan. "Nagpunta rito ang ninong mo.. sayang lang at hindi kayo nagkita." Nakangiting saad nito kaya napairap na lang ako sa kawalan. "Mabuti nga at may dala s'yang mga pagkain. Tingnan mo, pati gatas nitong mga pamangkin mo ay sinagot na rin n'ya!" Dagdag pa nito kaya inis akong napabuntong hininga.Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko. Ano na lang ang sasabihin ni papa kapag nalaman n'ya 'to? Nakakahiya sila.Lumingon pa sa direksyon ko si mama. Marahil ay nagtataka s'ya kung bakit hindi ako nagsasalita. Nanatili lamang akong nakasandal sa pader habang pinagmamasdan s'ya kasama ang mga anak ni Lutcho. "Oh, bakit hindi ka naman nakibo d'yan? Ano may desisyon ka na ba sa alok ng mga Francisco?"Hindi pa rin ako kumibo at tamad na naglakad palapit sa kinaroroonan nila. "Kung ako sayo ay tanggapin mo na ang kasal na inaalok sayo ni Lawrence. Makakalaya pa ang kapatid mo at mabibigyan nang magandang trabaho at mailalabas pa nila sa ospital ang tatay mo." Ani nito kaya mas lalong tumindi ang nararamdaman kong inis. "Kung talagang gusto nilang tumulong- gagawin nila iyon kahit na walang kapalit." Malamig kong saad at napahinto naman ito.Tumingin ito sa akin bago muling nagsalita."H'wag ka namang makasarili, Maxine. Isipin mo rin ang sitwasyon natin dito! Sa tingin mo ba ay papayag ang mga 'yon na walang magiging kapalit sa pagtulong at paglaya ng kapatid mo kung sakali? Mag-isip ka naman!"
Sinong makasarili? Ako? Ako pa? "Ngayon ay naging makasarili pa ako? Iyong tatlong taon kong paghihirap sa Maynila- makasarili pa ba ang matatawag do'n ma? H'wag mo naman akong itulad sayo!" Inis kong saad at agad na nangunot ang noo nito dahil sa narinig.May halong pagtataka sa mga mata nito at mukhang hindi inaasahan ang kanyang narinig. "Anong pinagsasasabi mo ha?!" Galit nitong tanong at hindi pa nakuntento ay marahas na inilapag ang hawak n'yang sandok sa lamesa. "Hindi ba at totoo naman? Sarili mo lang ang iniisip mo ma-"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad na dumapo ang palad nito sa aking pisngi. "Ang kapal ng mukha mo! Anak lang kita! Binuhay kita! Pinalamon kita pagkatapos ay ano?! Wawalanghiyain mo lang ko ha, Maxine?!" Nanggagalaiti ito sa galit.Sabay sabay pang nag iyakan ang mga bata dahil sa takot dahil napakalakas ng boses ni mama. "Wala ka talagang modo! Wala ka na ngang silbi!" "Kailan mo pa niloloko si papa?" Walang kagatol-gatol kong tanong at para bang binuhusan ito ng malamig na tubig dahil sa kanyang narinig.Bahagya itong napaatras habang nakaawang ang kanyang mga bibig at hindi inaasahan ang narinig mula sa akin. "Ano 'ma? Kailan mo pa niloloko si papa?!" Galit kong tanong.Agad na nangilid ang aking mga luha. Hindi ko na kaya pang itago ang galit na nararamdaman ko sa aking puso! Hindi ko kayang magpanggap na maayos lang ang lahat at mas lalong hindi ko kayang magbulagbulagan sa mga kasinungalingan! "H'wag mo akong pinagbibintangan, Maxine!" Depensa nito kaya bahagya akong natawa.Natatawa ako dahil nakukuha pa nitong magsinungaling! Nakakatawang isipin na s'ya rin pala ang sisira sa amin. "Hindi kita pinagbibintangan ma! Narinig kita! Narinig ko kayong dalawa ni ninong Ignacio riyan sa kuwarto n'yo ni papa!" Sigaw ko at agad na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Paano mo nagagawang lokohin si papa ma?"Puro iyakan na lamang ang aking naririnig. Maging s'ya ay hindi makapagsalita. Nakakabaliw isipin. Paano ko pa haharapin si papa? Paano ako magpapanggap na walang alam? "S-Sasabihin ko 'to kay papa! Sasabihin ko 'to sa kanya!" Sigaw ko at agad nitong hinawakan ang kamay ko. "Maxine, h'wag! Ayokong malaman ng papa mo 'to! Hayaan mong ako na ang magsabi sa kanya sa tamang panahon! Hindi ngayon, Maxine! Hindi ngayon!"Agad kong iwinaksi ang kamay nito. Napaupo na lamang ako dahil pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng lakas.Paulit-ulit kong pinapahid ang luha sa aking mga mata ngunit wala silang katapusan. Para silang tubig na nanggagaling sa gripo na hindi kayang pigilan. "Kailan? Kailan mo planong sabihin kay papa 'to? Hindi ka ba naaawa kay papa ma? Hindi ka man lang ba nakonsenya?"Pakiramdam ko ay tatakasan ako nang bait. Pakiramdam ko ay masisiraan na ako anumang oras! "Sasabihin ko.. kailangan ko lang ng sapat na panahon! Akala mo ba ay madali lang sa akin ang lahat ng ito?!"Sinipat ko si mama na nakasalampak na rin sa sahig habang yakap si Lucy at Lena. Marahas akong napakamot sa aking ulo at muli na namang pumatak ang aking luha. "Ma, bakit mo ba nagawa 'to? Bakit ba pinasok mo pa 'tong gulo na 'to?" Nanghihina kong tanong at isinandal ang aking ulo sa pader. "Hahayaan kong magalit ka sa akin, Maxine. Pero sana ay h'wag na h'wag mong kagagalitan si Ignacio- biktima lang s'ya." Saad nito.Mas lalo akong nanlumo sa aking narinig. Hanggang dulo ay handa n'yang protektahan ang lalaking sumira sa amin. May paraan ba para hindi ako makaramdam ng galit? Sa tingin ko kasi ay wala! "Kahit ano pang sabihin mo ma, kasama mo s'ya sa pagsira ng pamilya natin! Kasama s'ya sa galit at poot na nararamdaman nang puso ko!" May hinanakit kong saad at napapikit na lamang si mama. "Anak, h'wag mong kagagalitan ang sarili mong ama. H'wag na h'wag, Maxine." saad nito kaya agad akong nalito sa kanyang sinabi.Maxine's POV NAPAAWANG ang aking labi sa aking narinig at pinilit ang aking sarili na intindihin ang kanyang sinabi. "Si.. si Ignacio ang tunay mong ama, Maxine. Hindi si Arnolfo." Pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga oras na 'to. Para bang paulit ulit na ibinubulong sa aking tenga ang sinabi sa akin ni mama. Paanong.. paanong s'ya ang tunay kong ama? Sa muling pagkakataon ay muli na namang naglandas ang aking mga luha. Pinilit kong tumawa.., ngunit hindi naging sapat iyon upang maiayos ko ang aking sarili. "Mama, naman! T-Tama na! H'wag ka nang magsinungaling, please." Pagmamakaawa ko rito ngunit marahas itong umiling. "Maxine, Maxine anak.. totoo ang sinasabi ko- si Ignacio ang tunay na tatay n'yo-" "N-N'yo? S'ya ang tatay namin ni Lutcho?!" Halos hindi ako makapaniwala at marahan itong tumango bilang pagkumpirma. Napahilamos ako sa aking mukha at pilit na isinisiksik sa aking utak ang mga bagay na nalaman ko ngayon. "Minahal mo ba talaga si papa, ma?
Maxine's POV "Mabuhay ang bagong kasal!"Masayang-masaya ang lahat at sabay-sabay nilang isinisigaw ang bagay na iyan. Panay din ang ngiti ni Lawrence sa mga bisita na hindi naman pamilyar sa akin. "I can't believe that you are mine now, Maxine!" Ani nito at hinalikan pa ako sa noo. Napalunok na lamang ako dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Pakiwari ko ay ano mang oras, babagsak na ang aking mga luha. "Aren't you happy, Maxine? Ipakita mo namang masaya kang pinakasalan ang anak ko!" Mahinang bulong ni Donya Sylvia sa aking likuran. Nagawa ko pa itong lingunin at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Napayuko ako dahil katakot-takot ang masamang tingin nito sa akin. Pakiramdam ko ay may pagbabanta ang mga tingin na iyon. "Hey, are you okay?" Tanong ni Lawrence nang mapansin ako ngunit tango lamang ang aking itinugon. Nakita kong wala na sa likuran ko si Donya Sylvia. Nakikipag-usap na ito sa mga kakilala n'ya ngunit h
Maxine's POV "Get the fuck up! How dare you to touched my wife?!" Dumagundong ang sigaw ni Lawrence sa venue ng aming kasal. Napahinto ang lahat at napatingin sa amin dahil ayaw pang magpaawat ni Lawrence. "Lawrence, tama na!" Pag awat ko rito ngunit sinipat lamang ako nito na may galit sa mga mata. "Talagang tama na 'to!" Singhal nito at mahigpit akong hinawakan sa aking braso at dali-daling hinila papalabas. Halatang nagulat ang lahat, nag uusap lang kami nang bigla na lang s'yang sumulpot. "Talagang ginawa mo pa 'yang kalandian mo sa araw ng kasal nating dalawa? Wala ka na bang kahihiyan sa katawan mo ha, Maxine?!" Galit nitong saad at marahas ako nitong pinapasok sa sasakyan. Napapikit na lamang ako ng malakas nitong isirado ang pinto at agad din s'yang sumakay. "Wala kaming ginagawang masama, Lawrence!" Depensa ko ngunit bahagya akong nakaramdam nang kaba ng bigla nitong bilisan ang pagmamaneho sa aming sinasakyang kotse. "Wala?! Anong wala?" Galit ako nitong sinipat at
Maxine's POV Napatingin ako kay Lawrence nang iabot nito sa akin ang isang basong tasa ng kape. Ngumiti ito sa akin nang tuluyan ko na itong abutin. "Kanino 'to?" Nakakunot noo kong tanong dahil hindi ko naman sinabing ipagtimpla n'ya ako. Inilagay n'ya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at nagawa pang humalik sa aking noo. Simula noong nangyari sa amin ay paunti-unti na namang nagbago ang ugali nito. Iyon bang hindi mo mababakasan nang kahit na ano mang pagiging bayolente. "Well, pakibigay na lang kay mommy. I just really need to finish my work, honey." Malambing nitong saad at napalabi naman ako. "Is that okay with you?"Alam ko namang ginagawa n'ya ito upang mapalapit ang loob ko sa mommy n'ya. Simula kasi nang tumira ako dito ay halos hindi kami magpang-abot. Napalunok muna ako bago tuluyang tumango dahil wala naman akong magagawa. Ayokong dumating ulit sa punto na magalit na naman s'ya sa akin at saktan na naman ako. Agad kong dinala ang kape na nasa tasa, palinga
Maxine's POV "Good morning, hon."Bahagya akong napamulat nang maramdaman ko ang pagdampi nang labi ni Lawrence sa aking noo. Nang tuluyan ko na itong tinitigan ay pormal na pormal ang ayos nito. Maayos at maganda rin ang buhok nito at amoy na amoy ko ang pabango. "Papasok na ako. Kung may gusto ka man, pwede mong iutos sa mga katulong." Aniya at nagmamadali pa ito. " By the way, h'wag mo na 'kong hintayin mamaya. Marami kasi akong mga postponed meetings.." Tumango na lang ako bilang tugon. Agad naman itong lumabas nang kwarto at narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Alas-siete na pala nang umaga. Agad na akong bumangon at inayos ang higaan. Dumiretso na banyo upang makapagsipilyo at makapaghilamos. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin dahil umiitim na pala ang ilalim ng aking mga mata. Hindi kasi ako makatulog, marami akong naiisip at hindi rin ako kumportable na katabi si Lawrence sa higaan. Malawak at malaki naman ang kama namin, pero mas gusto n'yang sumisiksik sa akin h
Maxine's POV Napabalikwas ako nang bangon at habol pa ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib at bahagya pang napaatras nang makita si Lawrence na nasa kaliwang bahagi at mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Are you okay? Do you feel better now?" Tanong nito at halatang nag-aalala. Napatingin ako sa bukas na bintana at madilim na sa labas! "A-ano kasi-""Naku, Lawrence! Ito naman kasing si Maxine! Napakasipag!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo pala sa sulok si donya Sylvia. Hindi ko ito napansin at agad naman itong ngumisi nang lumapit sa amin ni Lawrence. "Ano ba talaga ang nangyari?" Seryosong tanong ni Lawrence kaya muli akong napatingin kay donya Sylvia na nasa likuran lamang ni Lawrence ilang metro lamang ang kanyang layo. Dahan-dahan itong naglakad at rinig na rinig ko pa ang takong ng kanyang suot na sapatos. "Paano naman kasi Lawrence, naisipan nitong si Maxine na maglinis at tumulong sa mga katulong. Ang kaso nga lang, napunta s'ya roon sa kwarto n
Maxine's POV "Lawrence?" Tawag ko rito nang makapasok ako sa kanyang maliit na opisina. Narito kasi s'ya sa pangatlong palapag at dito ginagawa ang iilan n'ya pang trabaho na dapat ay sa opisina n'ya ginagawa. Agad naman itong napatingin sa akin at bahagya pang inayos ang salamin nito. Nakasuot lamang ito ng isang plain white t-shirt at isang simpleng kulay asul na plants. "Maxine?" Aniya at umayos ng upo sa kanyang swivel chair. "Come in."Agad naman akong pumasok at lumapit sa kanya. Inilapag nito ang hawak na papel at sign pen. "Pwede ko bang dalawin sina mama at papa ngayon? Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko silang nakita.." malumanay kong saad at bahagya lamang itong ngumiti. "Of course, sino ba naman ako para pigilan kang dalawin sila?" Tugon pa nito kaya bahagya akong napangiti. Noong makauwi kasi ito ay parang mainit ang ulo kaya hindi ko muna s'ya kinausap. Baka mamaya ay ako pa ang pag-initan n'ya. "Pwede naman kitang ihatid matapos kong pirmahan ang mga papele
Maxine's POV "Ano bang pinagsasasabi mo, Arnolfo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan nang lahat ng ito!" Sigaw ni mama habang nanlalaki ang mga sa galit. Tumingin sa gawi ko si papa at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo ang mga luha nito pababa sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang makitang nasasaktan s'ya ay mas labis na sakit ang nararamdaman ko. "Matagal ko nang alam, Maribeth.." ani nito habang tulala lamang sa kawalan. "Matagal ko nang alam na hindi ko anak sina Maxine at Lutcho!" Napaawang ang aking mga laki sa gulat at kasabay no'n ay ang tuluyang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata. Nanigas naman si mama sa kinaroroonan nito at para bang sinampal sa napakalaking katotohanan."H-Hindi sila nanggaling sa akin 'di ba?.." dagdag pa ni papa at mas lalo akong nadurog nang pumiyok na nang tuluyan ang boses nito. "Baog ako, Maribeth! At iyon ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Maynila upang ipakonsulta
My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life
Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.
Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni
Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma
Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.
Maxine's POV NAPABUNTONG hininga na lamang ako nang mabalitaang nasa ospital ngayon si Tyler at ang sabi pa sa akin ay nag-aagaw buhay! Hindi ako magkandaugaga sa kakalagay nang aking mga gamit sa maleta upang agad na makauwi pabalik sa pilipinas upang makita at madalaw man lang ito. Iyon kasi ang naging bungad sa akin ni Aria noong tawagan ako nito sa kalagitnaan nang aking meeting. Agad kong inutusan ang aking secretary na ipagbooked ako nang flight pauwi sa pilipinas para lamang agad na makaalis. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa naisipang sumabay kay daddy noong umuwi ito pabalik roon! Edi sana hindi ganito kagahol ang oras! Napakabalashubas naman kasing magmaneho nitong si Tyler! Ano bang akala n'ya? Malapusa s'ya na may siyam na buhay? Tsk. Ang sabi pa ni Lexi, sumalpok raw sa isang truck yung kotse nito at hindi lang iyon! Talagang nagsend sila nang mga larawan ni Tyler sa akin at kung ano-anung nakakabit sa katawan nito. Habang nandito ako sa airport, hinihintay
Maxine's POV Four years had passed and now I have my own business clothing line, I become a model, and now everybody knows me because of my named I created in this industry. "Good morning, Miss Verano." My secretary hand me this contract from another company which I'm not interested. "Would you like to be part of this-"Hindi pa man ito natatapos sabihin ang mga bagay-bagay nang agad kong punitin ang kontrata na nasa aking harapan saka ito pinasadahan ng tingin. "No." Matigas kong saad bago ito napalabi saka marahang tumango. "Why would I spend my money with them? They're just wasting my time." Kaswal kong saad saka nito itinapon ang papel sa basurahan. Don't get me wrong, people. I don't trust anybody. Trusting them is like giving them a chance to completely ruin me and my life. Ito lang naman ang mga kompanyang gustong dumikit sa akin para gamitin ang pangalan ko upang tumaas sila at pagkatapos no'n? Sila rin mismo ang sisira sa akin sa bandang huli. Hindi na bag
Maxine's POV ITINAAS ko ang bote ng alak habang matamang nakapikit. "Wohooooo! Umorder pa tayo, Tyler!" Sigaw ko kahit na magkalapit lamang kaming dalawa. Napadilat ako nang mawala na sa aking kamay ang bote ng alak na hawak-hawak ko lamang! "No! You're drunk, Maxine! Baka mapagalitan pa ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang hinayaan kitang uminom!" Inis nitong pahayag kaya napasimangot na lamang ako. Bakit ba napakakontrabida nitong kaibigan ko? Tsk! "C'mon! H'wag ka namang killjoy! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na 'no!" Muli ko na namang inagaw ang bote ng alak mula sa kamay nito saka tinungga! Muli na naman itong napailing saka inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang plano nitong tawagan si papa kaya agad kong inagaw ang cellphone nito. "Give me back my phone, Maxine! I'm going to call your father-" Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang aking daliri saka mahinang natawa dahil literal na namilog ang mga mata nito sa g