Maxine's POV
"Mabuhay ang bagong kasal!"Masayang-masaya ang lahat at sabay-sabay nilang isinisigaw ang bagay na iyan. Panay din ang ngiti ni Lawrence sa mga bisita na hindi naman pamilyar sa akin. "I can't believe that you are mine now, Maxine!" Ani nito at hinalikan pa ako sa noo.Napalunok na lamang ako dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Pakiwari ko ay ano mang oras, babagsak na ang aking mga luha. "Aren't you happy, Maxine? Ipakita mo namang masaya kang pinakasalan ang anak ko!" Mahinang bulong ni Donya Sylvia sa aking likuran.Nagawa ko pa itong lingunin at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.Napayuko ako dahil katakot-takot ang masamang tingin nito sa akin. Pakiramdam ko ay may pagbabanta ang mga tingin na iyon. "Hey, are you okay?" Tanong ni Lawrence nang mapansin ako ngunit tango lamang ang aking itinugon.Nakita kong wala na sa likuran ko si Donya Sylvia. Nakikipag-usap na ito sa mga kakilala n'ya ngunit halatang binabantayan pa rin nito ang bawat kilos at galaw ko.Marami ang gustong dumikit sa ina ni Lawrence dahil nga galing ito sa mayamang pamilya.Sa tindig nito at pananamit ay makikita mong hindi ito basta-bastang babae lamang. Sa pagkakaalam ko ay isa s'yang sikat na abogado noon- "Maxine, anak?"Napahinto ako sa aking iniisip nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hinawakan nito ang aking kamay at agad na ngumiti. "Ang bilis lang talaga ng panahon ano? Parang noon lang ay napakaliit mo pa! Pero tingnan mo ngayon, ikinasal ka na." Makahulugan nitong saad at agad na nangilid ang luha ng ama na aking kinilala. "P-Pa.."Ramdam ko ang pag init ng aking mga mata. Muling bumalik sa akin ang mga nalaman ko noon, ang tungkol sa pagtataksil ni mama. "Anak, alam ko. Alam kong napapaisip ka kung.. tama ba itong naging desisyon mo o hindi, kahit ano pa ang kalabasan nito, nandito lang ako para sa'yo. Kung may problema ka, may iniisip o kung ano man.. h'wag na h'wag kang mahihiyang magsabi sa akin ha?"Labis ang emosyon na aking nararamdaman. Paano ko ba matatanggap na ang lalaking nasa harapan ko ay masasaktan sa isang malaking kasinungalingan?Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin. Inalagaan n'ya kami, minahal at wala akong makitang pagkukulang n'ya sa amin bilang ama. "Papa.." iyon na lamang ang namutawi sa aking labi at agad itong niyakap.Naramdaman ko ang paghagod nito sa aking likod kaya mas lalo kong nararamdaman ang konsensya na nasa aking dibdib. "Mahal kita, anak. Iingatan mo ang sarili mo, ipangako mong dadalawin mo pa rin kami kahit nasa mansyon ka na ng pamilya Francisco." Saad nito at marahan lamang akong tumango at nagawa pa nitong punasan ang luha sa aking mga mata. "Salamat papa, h'wag kayong mag alala. Palagi ho kong dadalaw sa inyo." Nakangiti kong saad. "Ang tanging magiging payo ko, maging tapat ka sa asawa mo, Maxine. Isa pa, mukhang mabait naman iyang si Lawrence. Aalagaan mo ang asawa mo at irespeto n'yo ang isa't-isa." Dagdag pa nito kaya napatango na lamang ako.Agad namang lumapit sa amin si Lawrence at nag mano pa ito kay tatay. "Aba'y, iingatan mo itong si Maxine ha? Nag-iisang prinsesa ko ito." Makahulugang saad ni papa at mabilis pa sa alas-kuwatro ang pag tango ni Lawrence at bahagya pang ngumiti. "Siyempre naman po! Pangarap ko po kaya itong si Maxine!"Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit wala talagang kadating-dating para sa akin si Lawrence.Masasabi kong guwapo naman s'ya, matangkad at maputi. Ang totoo n'yan ay halos lahat ng kadalagahan rito sa El Fuentes ay humahanga sa kanya, pero hindi ako. Hindi ako kasali sa mga babaeng nahuhumaling sa kanyaMarami pa silang napag-usapan. Marami pa ding mga bisita ngunit pagod na ako. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang mahiga at matulog.Marami pa ring tumatakbo sa aking isipan, tulad nang kung ano ang mangyayari sa pagsasama namin ni Lawrence.Magtatagal kaya kami? Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga bagay. Pagkatapos nitong ganap ay pupunta na kami sa kanilang mansyon. Doon ay makakasama namin ang kanyang mga magulang.Araw-araw kong makikita si Donya Sylvia. Ang isang ginang na mapagmataas at matapobre na tao. Iyong tipong kapag tiningnan ka pa lang n'ya ay para bang hinusgahan n'ya na ang buong pagkatao mo.Maraming ginang ay ilag kay Donya Sylvia. Matalas kasi ang dila nito at walang preno ang bibig kapag nagsasalita. Isa pa, ang mga dinidikitan n'ya lang ay iyong mga taong maraming pera na katulad n'ya.Habang si Don Ramon naman ay likas na lasenggo. Madalas itong magwala noon dahil madalas at dumadayo sa mga inuman. Bukod roon ay mayabang masyado ang dating at talagang nagbubuhat nang sariling bangko, ngunit marami rin namang nagsasabi na mabait umano ito at wala naman s'yang pinipiling dikitan.Kahit ang mga nagtatanim nang mga palay ay kinakausap n'ya. Siguro ay ganoon lang talaga ang personalidad n'ya ngunit wala naman itong kaarte-arte sa katawan.
"Mamayang gabi ay hindi ka na namin makakasama sa bahay."Napahinto ako nang marinig ang boses ni mama. Nakangiti lamang ito sa akin ngunit wala akong mahagilap na emosyon sa aking sarili. Sa tuwing kasama ko s'ya ay naaalala ko ang mga kasalanang pilit n'yang ibinabaon sa alaala. "Dadalaw pa rin naman ako." Kaswal kong saad at iniwas ang tingin sa kanya.Hindi ko na s'ya kayang kausapin pa tulad noon, kung paano kami bilang mag-ina.Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Naging bunga ako nang mga nagawa n'yang kasalanan. Natatakot ako sa mga posibilidad pero kailangan n'ya pa ring harapin ang mga bagay-bagay na ginawa n'ya. "Tingnan mo ang asawa mo, Maxine. Hindi ba at napakasuwerte mo sa lalaking iyan? Ano pa bang hahanapin mo?" Nakangiti pa nitong sabi kaya napatingin ako kay Lawrence na abala sa pakikipag-usap sa ilan pa n'yang mga kakilala.Siguro ay napansin n'yang nakatingin kami sa kanya, kaya nakuha pa nitong kumaway at ngumiti nang napakatamis. "Kailan mo balak sabihin kay papa ang totoo?" Matigas kong tanong rito at napahinto naman ito.Sinipat ko si papa na kasama si Don Ramon at mukhang masaya silang nag-uusap. "Kasal mo ngayon, Maxine. Hindi mo kailangang isipin ang bagay na iyan," Ani nito at bahagya pang pumiyok ang kanyang boses. "Sasabihin ko sa kanya ang totoo, hindi ko itatago pa 'yon. Intindihin mo ang buhay mo kasama ang asawa mo."Mababakas sa boses nito ang pagkairita. Maging ako ay nakaramdam nang inis ngunit kailangan kong maging kalmado. Masyadong maraming tao. "Bakit?" Tanong ko at nilingon na ako nito."Bakit mo ako hinayaang magaya sayo, ma? Ang ikinasal sa lalaking hindi ko naman mahal." May hinanakit kong saad.Napabuntong hininga ito at bahagya pang napahawak sa kanyang sintido. "Magkaiba tayo nang sitwasyon. Isa pa, matututunan mo ring mahalin si Lawrence, Maxine. Isipin mo rin ang kinabukasan mo. Hindi ba't mahirap ang mag trabaho? Ayan, ngayon ay maganda na ang magiging buhay mo."Maganda?
Hindi naman iyon ang habol ko. Hindi naman ito ang gusto ng puso ko. Mas mabuti pang magpakakuba ako sa kakatrabaho basta't gusto ko ang ginagawa ko.
"Talagang magkaiba tayo, ma. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko," Makahulugan kong sabi ko at nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao nito. "Gusto kong takasan ang lahat ng mga kalokohan na 'to." "Iyan ang h'wag na h'wag mong gagawin, Maxine! Ipapahamak mo lang kami. Anong gusto mo? Ibalik si Lutcho sa kulungan? Pagbayarin pa kami ng tatay mo sa mga nagastos nila upang mailabas s'ya sa ospital? Gamitin mo naman iyang utak mo!" Mahina nitong singhal. "Pati sina Lena at Lucy ay idadamay mo pa sa kahibangan mo!"Agad itong umalis at naiwan akong walang imik. Biglang pumasok sa isipan ko si Lutcho at ang dalawa kong pamangkin.
"Maxine? Maxine!"Agad kong sinipat si Ken. Kapitbahay namin ito. Kasama din s'ya ni tatay sa pagtatanim nang palay, ang totoo n'yan ay kababata ko rin s'ya at kinakapatid dahil nga ninong n'ya si papa. "Ba't naman ganyan ang mukha mo? Kasal mo kaya ngayon pero daig mo pa ang namatayan!" Angil nito at inirapan pa ako.Napatingin ako sa hawak nitong piniritong manok. Hindi pa nga pala ako kumakain magmula kanina. "Wala. Medyo, nalulungkot lang." Saad ko at iniwas ang tingin sa kanya.Tumango lang ito at muling kumagat sa piniritong manok na hawak n'ya. "Naiintindihan kita. Ganyan raw talaga ang pakiramdam kapag bubukod ka na at asawa mo na ang makakasama mo sa pang araw-araw at hindi na ang pamilya mo. Siyempre, naninibago ka lang." Aniya pa.Marahan lamang akong umiling at muling bumuntong hininga.Sana nga ay ganoon lang ang problema ko. Ang kaso ay hindi. Iniisip ko ang sarili ko. Natatakot ako, hindi ko mapaliwanag ang kabog nang dibdib ko. "Basta, kahit na anong mangyari, nandito lang naman ako! Magsabi ka lang ng mga problema mo." Saad pa nito at nakuha pang hawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.Noon pa man ay ginagawa n'ya na ito. Lalo na kapag alam n'yang problemado ako sa buhay at ayoko munang sabihin sa kanya.
Akmang magsasalita pa ako nang bigla na lamang tumumba sa kinauupuan si Ken. Doon ay nakita ko naman si Lawrence na nanlilisik pa ang mga mata habang nakakuyom ang mga kamao.Maxine's POV "Get the fuck up! How dare you to touched my wife?!" Dumagundong ang sigaw ni Lawrence sa venue ng aming kasal. Napahinto ang lahat at napatingin sa amin dahil ayaw pang magpaawat ni Lawrence. "Lawrence, tama na!" Pag awat ko rito ngunit sinipat lamang ako nito na may galit sa mga mata. "Talagang tama na 'to!" Singhal nito at mahigpit akong hinawakan sa aking braso at dali-daling hinila papalabas. Halatang nagulat ang lahat, nag uusap lang kami nang bigla na lang s'yang sumulpot. "Talagang ginawa mo pa 'yang kalandian mo sa araw ng kasal nating dalawa? Wala ka na bang kahihiyan sa katawan mo ha, Maxine?!" Galit nitong saad at marahas ako nitong pinapasok sa sasakyan. Napapikit na lamang ako ng malakas nitong isirado ang pinto at agad din s'yang sumakay. "Wala kaming ginagawang masama, Lawrence!" Depensa ko ngunit bahagya akong nakaramdam nang kaba ng bigla nitong bilisan ang pagmamaneho sa aming sinasakyang kotse. "Wala?! Anong wala?" Galit ako nitong sinipat at
Maxine's POV Napatingin ako kay Lawrence nang iabot nito sa akin ang isang basong tasa ng kape. Ngumiti ito sa akin nang tuluyan ko na itong abutin. "Kanino 'to?" Nakakunot noo kong tanong dahil hindi ko naman sinabing ipagtimpla n'ya ako. Inilagay n'ya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at nagawa pang humalik sa aking noo. Simula noong nangyari sa amin ay paunti-unti na namang nagbago ang ugali nito. Iyon bang hindi mo mababakasan nang kahit na ano mang pagiging bayolente. "Well, pakibigay na lang kay mommy. I just really need to finish my work, honey." Malambing nitong saad at napalabi naman ako. "Is that okay with you?"Alam ko namang ginagawa n'ya ito upang mapalapit ang loob ko sa mommy n'ya. Simula kasi nang tumira ako dito ay halos hindi kami magpang-abot. Napalunok muna ako bago tuluyang tumango dahil wala naman akong magagawa. Ayokong dumating ulit sa punto na magalit na naman s'ya sa akin at saktan na naman ako. Agad kong dinala ang kape na nasa tasa, palinga
Maxine's POV "Good morning, hon."Bahagya akong napamulat nang maramdaman ko ang pagdampi nang labi ni Lawrence sa aking noo. Nang tuluyan ko na itong tinitigan ay pormal na pormal ang ayos nito. Maayos at maganda rin ang buhok nito at amoy na amoy ko ang pabango. "Papasok na ako. Kung may gusto ka man, pwede mong iutos sa mga katulong." Aniya at nagmamadali pa ito. " By the way, h'wag mo na 'kong hintayin mamaya. Marami kasi akong mga postponed meetings.." Tumango na lang ako bilang tugon. Agad naman itong lumabas nang kwarto at narinig ko pa ang pagsara ng pinto. Alas-siete na pala nang umaga. Agad na akong bumangon at inayos ang higaan. Dumiretso na banyo upang makapagsipilyo at makapaghilamos. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin dahil umiitim na pala ang ilalim ng aking mga mata. Hindi kasi ako makatulog, marami akong naiisip at hindi rin ako kumportable na katabi si Lawrence sa higaan. Malawak at malaki naman ang kama namin, pero mas gusto n'yang sumisiksik sa akin h
Maxine's POV Napabalikwas ako nang bangon at habol pa ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib at bahagya pang napaatras nang makita si Lawrence na nasa kaliwang bahagi at mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Are you okay? Do you feel better now?" Tanong nito at halatang nag-aalala. Napatingin ako sa bukas na bintana at madilim na sa labas! "A-ano kasi-""Naku, Lawrence! Ito naman kasing si Maxine! Napakasipag!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaupo pala sa sulok si donya Sylvia. Hindi ko ito napansin at agad naman itong ngumisi nang lumapit sa amin ni Lawrence. "Ano ba talaga ang nangyari?" Seryosong tanong ni Lawrence kaya muli akong napatingin kay donya Sylvia na nasa likuran lamang ni Lawrence ilang metro lamang ang kanyang layo. Dahan-dahan itong naglakad at rinig na rinig ko pa ang takong ng kanyang suot na sapatos. "Paano naman kasi Lawrence, naisipan nitong si Maxine na maglinis at tumulong sa mga katulong. Ang kaso nga lang, napunta s'ya roon sa kwarto n
Maxine's POV "Lawrence?" Tawag ko rito nang makapasok ako sa kanyang maliit na opisina. Narito kasi s'ya sa pangatlong palapag at dito ginagawa ang iilan n'ya pang trabaho na dapat ay sa opisina n'ya ginagawa. Agad naman itong napatingin sa akin at bahagya pang inayos ang salamin nito. Nakasuot lamang ito ng isang plain white t-shirt at isang simpleng kulay asul na plants. "Maxine?" Aniya at umayos ng upo sa kanyang swivel chair. "Come in."Agad naman akong pumasok at lumapit sa kanya. Inilapag nito ang hawak na papel at sign pen. "Pwede ko bang dalawin sina mama at papa ngayon? Matagal-tagal na rin kasi noong huli ko silang nakita.." malumanay kong saad at bahagya lamang itong ngumiti. "Of course, sino ba naman ako para pigilan kang dalawin sila?" Tugon pa nito kaya bahagya akong napangiti. Noong makauwi kasi ito ay parang mainit ang ulo kaya hindi ko muna s'ya kinausap. Baka mamaya ay ako pa ang pag-initan n'ya. "Pwede naman kitang ihatid matapos kong pirmahan ang mga papele
Maxine's POV "Ano bang pinagsasasabi mo, Arnolfo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan nang lahat ng ito!" Sigaw ni mama habang nanlalaki ang mga sa galit. Tumingin sa gawi ko si papa at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo ang mga luha nito pababa sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang makitang nasasaktan s'ya ay mas labis na sakit ang nararamdaman ko. "Matagal ko nang alam, Maribeth.." ani nito habang tulala lamang sa kawalan. "Matagal ko nang alam na hindi ko anak sina Maxine at Lutcho!" Napaawang ang aking mga laki sa gulat at kasabay no'n ay ang tuluyang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata. Nanigas naman si mama sa kinaroroonan nito at para bang sinampal sa napakalaking katotohanan."H-Hindi sila nanggaling sa akin 'di ba?.." dagdag pa ni papa at mas lalo akong nadurog nang pumiyok na nang tuluyan ang boses nito. "Baog ako, Maribeth! At iyon ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Maynila upang ipakonsulta
Maxine's POV Matapos ang tatlong araw ay nakabalik na si donya Sylvia. Mukhang nag enjoy ito sa Maynila at marami rin itong dalang mga mamahaling gamit na sa tingin ko ay kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa diyablo ay hindi ko pa rin mabibili. Nanatili lang rin si Lawrence rito sa bahay dahil nais n'yang makausap namin si donya Sylvia sa plano n'yang pakikipaghiwalay sa akin. Kagabi ay sa ibang kwarto rin s'ya natulog. Siguro ay inumpisahan n'ya nang umiwas sa akin. Baka kasi bigla pang magbago ang isip n'ya at tuluyan na akong makulong sa sitwasyon na 'to. "Where's Maxine, Lawrence?" Natataranta akong lumayo sa bintana at dumiretso sa banyo. Nakarinig ako nang pagkatok sa pinto ng kwarto at narinig ko pa ang pagbukas ng pinto. Kunwari naman ay kanina pa ako nasa banyo at nakita ko si donya Sylvia at Lawrence na mukhang hinihintay ako. "M-May.. may kailangan po ba kayo?" Tanong ko kay donya Sylvia at napatingin naman ako kay Lawrence. "Well, I just want to inform you na may
Maxine's POV Nag umpisa na ang party. Marami rin ang taong dumalo at lahat naman iyon ay kakilala at kalapit ni donya Sylvia at senior Ramon. Marami rin ang nagpapapansin kay Lawrence na ibang mga dalaga rito ngunit wala itong pakialam at tahimik lang na nasa tabi ko. Agad akong napatakip sa aking bibig nang mapahikab ako. Ang totoo ay hindi ako nag e-enjoy rito. Panay lamang ang tingin ko sa ibang tao dahil bukod kay donya Sylvia at Lawrence ay wala na akong iba pang kakilala rito. Napahinto ako nang hawakan ni Lawrence ang aking kamay. Nang lingunin ko ito ay agad s'yang ngumiti at walang sabi-sabing hinalikan ako sa aking labi. "Can I have this dance?" Tanong nito at halatang masaya. Napatingin ako kay donya Sylvia na nasa malapit lamang at mukhang kanina pa kami pinapanuod. Kaagad akong ngumiti at marahang tumango. Alam kong sa mga oras na ito ay puro sama ng loob ang nararamdaman nang mahal na si donya Sylvia. Baka nga ilang mura at pagsusumpa na ang ginawa n'ya sa akin.
My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life
Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.
Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni
Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma
Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.
Maxine's POV NAPABUNTONG hininga na lamang ako nang mabalitaang nasa ospital ngayon si Tyler at ang sabi pa sa akin ay nag-aagaw buhay! Hindi ako magkandaugaga sa kakalagay nang aking mga gamit sa maleta upang agad na makauwi pabalik sa pilipinas upang makita at madalaw man lang ito. Iyon kasi ang naging bungad sa akin ni Aria noong tawagan ako nito sa kalagitnaan nang aking meeting. Agad kong inutusan ang aking secretary na ipagbooked ako nang flight pauwi sa pilipinas para lamang agad na makaalis. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa naisipang sumabay kay daddy noong umuwi ito pabalik roon! Edi sana hindi ganito kagahol ang oras! Napakabalashubas naman kasing magmaneho nitong si Tyler! Ano bang akala n'ya? Malapusa s'ya na may siyam na buhay? Tsk. Ang sabi pa ni Lexi, sumalpok raw sa isang truck yung kotse nito at hindi lang iyon! Talagang nagsend sila nang mga larawan ni Tyler sa akin at kung ano-anung nakakabit sa katawan nito. Habang nandito ako sa airport, hinihintay
Maxine's POV Four years had passed and now I have my own business clothing line, I become a model, and now everybody knows me because of my named I created in this industry. "Good morning, Miss Verano." My secretary hand me this contract from another company which I'm not interested. "Would you like to be part of this-"Hindi pa man ito natatapos sabihin ang mga bagay-bagay nang agad kong punitin ang kontrata na nasa aking harapan saka ito pinasadahan ng tingin. "No." Matigas kong saad bago ito napalabi saka marahang tumango. "Why would I spend my money with them? They're just wasting my time." Kaswal kong saad saka nito itinapon ang papel sa basurahan. Don't get me wrong, people. I don't trust anybody. Trusting them is like giving them a chance to completely ruin me and my life. Ito lang naman ang mga kompanyang gustong dumikit sa akin para gamitin ang pangalan ko upang tumaas sila at pagkatapos no'n? Sila rin mismo ang sisira sa akin sa bandang huli. Hindi na bag
Maxine's POV ITINAAS ko ang bote ng alak habang matamang nakapikit. "Wohooooo! Umorder pa tayo, Tyler!" Sigaw ko kahit na magkalapit lamang kaming dalawa. Napadilat ako nang mawala na sa aking kamay ang bote ng alak na hawak-hawak ko lamang! "No! You're drunk, Maxine! Baka mapagalitan pa ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang hinayaan kitang uminom!" Inis nitong pahayag kaya napasimangot na lamang ako. Bakit ba napakakontrabida nitong kaibigan ko? Tsk! "C'mon! H'wag ka namang killjoy! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na 'no!" Muli ko na namang inagaw ang bote ng alak mula sa kamay nito saka tinungga! Muli na naman itong napailing saka inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang plano nitong tawagan si papa kaya agad kong inagaw ang cellphone nito. "Give me back my phone, Maxine! I'm going to call your father-" Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang aking daliri saka mahinang natawa dahil literal na namilog ang mga mata nito sa g