“Daddy!”, si Danielle na agad hinagilap ang kamay ng ama pagpasok niya sa private room nito sa hospital. Halata namang sumigla ang mukha ng ama pagkakita sa kanya sa kabila ng panghihina.“Where’s Wolverine?”, saad nito sa mahinang boses. Hindi niya inaasahang hahanapin agad ng kanyang ama ang binata at saglit siyang napatigil.“Hindi siya nakasama ngayon dad, may importanteng inaasikaso sa tower pero susunod po siya kapag natapos niya po yung ginagawa niya.”, saad niyang pinasigla ang boses upang hindi mahalata ang kanyang pagsisinungaling. Hindi pa niya nakakausap ang binata simula nong sumiklab ang problema ng kanilang mga kompanya at wala siyang idea kung ano ang mga iniisip nito sa ngayon.“It’s okey, I understand his situation.”, turan ng kanyang ama at tumango siya habang hinahaplos ang kamay ng ama. Ngayon lang niya mahawakan ng ganito ang kamay ng daddy niya, ang lambot at ang gaganda ng mga daliri nito. Sa pakiwari niya, sa ama niya namana ang kanyang kamay na kahit wala siy
Pinagbuksan siya ni Wolverine nang makalapit sila sa nakapark na sasakyan nito sa hindi masyadong kalayuan. Hinintay pa siyang makalulan at makaupo sa harap bago isinara ang pinto at umikot para makaupo din sa driver seat. This time hindi niya ininsist ang sarili upang humawak sa manibela bagkus ay pinakiramdaman niya ang kasama kung saan siya nito dadalhin. Pagkasuot ng binata ng seatbelt sa katawan ay inapakan na ang gas upang tuluyang umalis sa bakuran ng SMC. Napatingin siya dito ng hagilapin nito ang kanyang kamay ngunit inilapit lang nito sa kanyang bibig at hinalikan. Napangiti siya sa ginawa nito ngunit kinimkim ang bibig pagkatapos ay pasimpleng ibinaling sa harap ang paningin. Hindi na rin binitawan ng binata ang hawak na kamay hanggang ihinto nito ang sasakyan sa harap ng favorite nilang grocery store.“Pick whatever you want.”, turan nito ng makapasok sila sa loob at tinungo ang area ng mga pagkain. Hilig nito ang pagluluto at hindi siya magtataka kung ibat ibang mga sangk
Kinabukasan ay hinatid siya ni Wolverine sa SMC bago ito tumuloy sa Tower. Narecharged ng positive energy ang kanyang isip at katawan because of the time spent with her man; and she’s again ready for battle.“About this.”, bago bumaba sasakyan ay turan niya sabay labas sa bulsa ng kanyang coat ang demand letter na galing sa company nito.“What’s that?”, clueless ang mukhang wika ng binata ngunit biglang nalukot sa pagkakakunot noo ang kanyang mukha ng buksan iyon at mabasa.“Forget about this one.”, pahayag nito pagkatapos ay isinuksok ang papel sa bulsa ng suot na suite.“Naintindihan ko naman, the thing is I cannot give you concrete explanation yet but SMC did not stop of finding ways to solve the problem.”, saad niya habang rumehistro sa mukha ang pag-aalala. Kahit gaano kagusto niyang masolusyunan ang kasalukuyang crisis na pinagdadaanan ng kompanya ay tila hirap ang buong team na ihandle ito.“It’s okey, baby. Don’t stress yourself too much, okay? My team is also doing its best
“Lorin, can we talk?”, si Wolverine sa kanyang PA kinahapunan. Pinauna na niyang pinaalis si Claire at nagsend siya ng message kay Danielle na malalate siya sa pag-uwi. Gusto niyang kausapin si Lorin tungkol sa demand letter na naforward sa SMC. Hindi niya naisip na bigyan ng letter ang SMC at nagtaka siya kung bakit may ganoong natanggap ang kompanya.“Of course, how about making us a drink first?”, saad nito na hindi na hinintay ang kanyang sagot at tinungo ang mini bar ng upisina. Sinundan niya ito nang tingin sapagkat parang naamoy niya dito ang amoy ni Daniella.“I made a special tea for you. You’ve been stressed for these past days and tamang tama ang tea na ito para saiyo. Kung saan saan ko pa yan hinanap, here tikman mo.”, turan nito pagbalik habang hawak hawak ang umuusok pang tasa ng tsaa. Hindi siya mahilig sa mga tea pero nakakaengganyo ang aroma nito. Parang totoo ngang nakakawala ng stress sapagkat amoy palang nito ay tila nawawala ang kanyang pagod at gumagaan ang kany
After 4 years.“Don’t you think it’s time for you to visit home?”, turan ni Vladymir kay Danielle pagkatapos magpaalam sina Kebjin at Adrean upang umuwi na naman sa kani kanilang mga pamilya. Natagalan ang ginagawa nilang project sa Germany ngunit binibigyan naman sila ng pagkakataong umuwi sa kani kanilang mga bansa at magbakasyon. Ngunit para kay Danielle ay tila kinalimutan na niya ang bansang sinilangan at mas ineenjoy na niya ang buhay niya sa Germany.“Oh, don’t talk nonsense, Germany is my home.”, saad niya sa kaibigan at napailng iyon. Maya maya lamang ay bumukas ang pinto pagkatapos ay patakbong lumapit sa kanilang kinaroroonan ang isang cute na cute na paslit.“Mommy!”, ang bata at nakangiti siyang yumuko upang salubungin si Logan.“Where have you been again, my little bunny?’, halos manggigil si Danielle ng mahawakan ang anak at pisilin ang matambok nitong mga pisngi.“Mommy, are we not going home too? I saw Uncle Kenjin and Uncle Adrean, they are going home again?”, turan
“Danielle!”, masayang pagbati ni Assistant Rey sa dalaga habang nakabukas ang mga bisig para yakapin siya. Wala namang pag-aalinlangang yumakap siya dito sapagkat itinuring din niya itong pangalawang ama. “You look great!”, hindi pa rin makapaniwalang saad nito habang nanibago sa kanyang itsura malayo sa simple at walang kamuwang muwang na Daniella. She’s now wearing formal dresses which shows her perfect curve; high heels kung kayat nagmukha siyang modela dahil mas lalo siyang tumangkad sa height niyang 5’4. She also wears make up and lipsticks that perfectly blend to her beautiful face. Her blonde hair is too short but it makes her look more expensive, mature and drop dead gorgeous. “Thank you, kayo rin po; looking younger and younger.”, nakangiting pahayag niya dito lumawak ang pagkakangiti nito kasabay ng pag-iling. “Mapagbiro ka pa rin, anyway, let’s get inside?” turan ni Assisstant Rey habang iginaya ng isang kamay nito ang direction papunta s loob ng SMC. “Sure, I’m excited
Mula sa mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay tumunog ang cellphone ni Danielle na nasa loob ng hawak na puting clutch bag. Napatingin pa sila sa isa’t isa bago nito binuksan at tignan kung sino ang kanyang caller. Nang makita ang number ng ina ay kinompos pa muna niya ang sarili bago sinagot.“Yes, mom?”, bati niya sa kanyang ina ngunit bigla siyang nag-alala ng marinig ang tila umiiyak na anak.“Mommy, where are you?”, narinig niyang turan ng anak at kumpirmado ngang umiiyak ito. Tulog pa kasi ito kaninang umalis siya at biglang sigurong nag-alala ng hindi siya makita.“Mommy is just in the office, baby. Why?”, malambing niyang pag-aalo sa anak.“I want you mommy, why did you leave me here.”, nguynguy ng anak at hindi niya naiwasang mapangiti.“Okay, stop crying na. Mommy will be home now.”, turan niya sa anak at bigla nga iyong tumahan.“Really? You will go home now? As fast as a cheetah?”, wika ng anak at mas lalo siyang napangiti.“Yeah, as fast as cheetah. I’m off now
“Mommy, is grandpa your daddy?”, patulog na sila ni Logan sa gabing iyon at wala siyang ideya kung bakit tinatanong ng anak ang bagay na iyon.“Yeah, he is my daddy; why?”, tugon niya at sumandaling kumunot ang noo ng anak pagkatapos ay bumaling sa kanya.And grandma your mommy?”, patuloy pa nito at umango siya.“Uhmm, your grandpa and grandma are my parents.”, pagpapasigurado niya at tila ulit nag-isip iyon.“If you have mommy and daddy, do I have daddy too?”, saad ng kanyang anak at napatingin siya dito. Bakit naisip ng kanyang anak yun? Tatlong taon pa lamang naman ito at ang pagkakaalam niya hindi pa aware sa mga existence ng tao kanyang paligid.“Mommy?”, untag ni Logan at nataranta siya.“Of course, you have daddy.”, wika niya at bigla iyong bumangon mula sa pagkakahiga.“Really? Where is my daddy, mommy? Where is my daddy?”, excited na tanong nito na tila ora mismo ay gusto niyang palabasin ang kanyang daddy.“Logan, calm down! You have Daddy but he’s not here, okay?”, turan ni
“Danielle, may problema, yung mga model natin sa next edition natin, nakaset na ang date ng shooting at hindi natin iyon pwedeng ipagpaliban pa.”, pagrereport ni Assistant Rey sa kanya at bigla siyang naalarma. “What happened? “, saad niya dito. Hindi pwedeng madelay ang shooting dahil hinahabol din nila ang schedule date ng pagreleased ng kanilang bagong edition. “I don’t know, nagkasakit yata ang isa nating model at too late na kung magscout na naman tayo ng iba.”, tugon ni Assistant Rey at napahawak siya sa kanyang sentido. Biglang sumakit ang kanyang ulo sapagkat hindi nila naanticipate ang ganitong pangyayari. “What if kayo nalang nina Wolverine at Logan ang gagawing model? Bagay na bagay sainyo yun dahil ito ang pinakaspecial nating edition.”, suwestiyon ni Assistant Rey at hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “What? OMG, no!”, tigas niyang iling dito. Anong alam nila sa mga pag-arte arte sa harap ng camera, saka ang bata pa ng anak niya para maexposed sa madla. “Common!
“Baby, can we attend Dylan’s birthday tomorrow?”, na sa study area siya at kasalukuyang pinag-aaralan ang mga ipinasang document sa upisina. Ito naman ay galing sa kuwarto at nakasuot na ng pajama, mamasa masa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang ginamit nitong sabong panligo. Si Logan naman ay kaslukuyang nanonood ng TV habang nakahilata sa malaking sofa.“Of course, you can. Nandito na naman ba siya?”, tugon niya habang iniangat ang mukha upang tignan ang asawa.“Yeah, alam mo naman yun kulang na lang dito na tumira. What I mean is, aattend tayong tatlo nina Logan.”, paglilinaw ng asawa at napaisip siya.“Kayo na lamang ng anak mo, I’m so busy in the office hindi ako makakapunta.”, turan niya. Parang hindi niya alam kung paano makiharap sa mga kaibigan nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ng asawa. Pumunta sa likod niya si Wolverine at ipinilupot sa leeg niya ang dalawang kamay nito.“Mahal kong asawa, hindi pwedeng hindi ka pumunta dahil ipinagmalaki ko nang bitbit ko ang ak
“Claire, kindly disseminate this to all.”, saad ni Wolverine sa kanyang secretary bago lumabas sa upisina bago magtanghalian. May plano siyang kunin si Logan sa bahay at dadaanan nila si Daniella sa Vcom upang mananghalian.“Sir?”, namimilog ang mata ni Claire sa ibinigay niyang short notice at hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya.“Uhmmm, is there any problem?”, nakataas ang dalawang kilay niyang turan dito. Tinignan lang siya nito ng direcho ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay unti unti itong napangiti. Ngiting may relief at ngayon lang din niya makita sa kanyang secretary pagkatapos ng ilang taon.“This will be disseminated ASAP, sir.”, hindi mapuknat ang pagkakangiti nito sa hawak na notice at nakangiti din siyang tumango tango.“Thank you. After this, you can also go home and spend time for your family.”, saad niya kung kayat mas lalong nagliwanag ang mukha nito.“Thank you very much, sir.”, masayang pasasalamat ni Claire pagkatapos ay nagbow sa kanya. Tinanguan lang nama
“It’s because of my dad, he dislikes my existence, and following his will might give chance to accept me as I am.”, tugon niya sa tanong nito kung bakit hindi siya umayaw sa pagpapakasal sa kanya. She may be hardheaded and unruly but when it comes to her dad, she will follow him heartily.Sa narainig ay napaingiti ng mapakla si Wolverine; akala niya sumang-ayon itong magpakasal sa kanya dahil mahal siya nito ngunit sumunod lang din pala ito sa kagustuhan ng ama. No wonder, napakadaling iniwanan siya nito at hindi manlang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag noon.“Your dad loves you; I remember when I asked him to marry you? He told me not to hurt you, and if I do; I will be his enemy.”, pahayag niya at napatingin sa kanya ito.“He punches me in the face when you left untraced.”, turan pa niya kung kayat mas lalong hindi makapaniwala ito.“He did that to you?’,“Yeah, pero naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa yun.”, pahayag niya at nakagat nito ang pang-ibabang bibig.“I
Paglabas niya sa parking lot ng hotel ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan upang sundan si Wolverine. Sa tindi ng pag-apak niya sa accelerator ay tila nakikipagkarera siya sa racetrack. Binubusinahan siya ng mga kasabayan niya sa daan ngunit wala siyang pakialam hanggat hindi niya nakikita ang sasakyan ng binata. He is driving too fast but she’s faster kung kayat nabuntutan din niya ito pagkatapos ng ilang sandaling pakikipagpatintero sa kalsada. Nang makalapit siya sa likod nito ay nagsignal siya dito to slow down and stop, ngunit sa halip na tumigil ay mas lalong pinabilis nito ang pagpatakbo ng minamanehong sasakyan. Sa inis niya ay diniinan niya ang pag-apak sa silinyador at linagpasan niya ito ng walang kahirap hirap. Subalit biglang nagcross ang sasakyang nasa unahan at muntikan niyang mabangga. Mabuti na lamang at malakas ang kanyang presence of mind at nabawi niya ang sasakyan sa pinaka kanang lane. Muntik na naman niyang masagi ang mga barikada sa gilid kung
When Wolverine came back to his senses ay nakalayo na ang sasakyan ni Daniella. He didn’t know why he froze pero paulit ulit na nagflaflash sa kanyang isip ang ginawang paghalik nito sa kanya. Why did she do that? Ngayon lang kasi nangyari na si Daniella ang unang humalik sa kanya. Did she do it just to escape from him? Or does he look too good today, and she can’t resist his charm? Sa huling naisip ay napangiti siya sa sarili habang napahawak sa labing dinampian ng dalaga. Parang nafefeel pa niya ang malambot nitong labi and he wanted to keep that feeling forever. Iba pala yung feeling ng hinalikan at yung humahalik, parang mas nakakakilig yung ikaw yung hinalikan. Gosh! Para siyang teenager na nagkaroon ng first kiss. Nang lumingon siya sa kinaroroonan ni Assistant Rey ay hindi mapuknat ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya. Alam niyang natunghayan nito ang mga pangyayari kung kayat ganon na lamang ang pagkakangiti nito sa kanya. Ibinalik niya sa mata ang gamit na sungla
“All set, yung model na lang ang hinihintay.”, si Assistant Rey ng madatnan niya ito sa venue ng shooting para sa advertisement ng kanilang brand. Ilalaunch ang bagong edition na gawa ng company kaya kailangan ng promotion.“Uhuh, dumaan lang ako to check how it goes, aalis din ako mamaya. V is coming to the Philippines, so I’m going to fetch him at the airport.”, turan niya at tumango tango ito.“Are you sure you want to hold Vcom?”, wika ni Assistant Rey while walking around to observe the setting.“Magkaiba naman ang concept ng Vcom and SMC; we have been holding Tanaka for how many years now? I guess there’s no big deal about that.”, saad niya at napaisip saglit ang kausap bago tumango.“But have you discussed it with your dad?”, turan nito at napangiti siya. Kahit hindi na pala ang daddy niya ang direktang boss nito ay loyal pa rin ito sa kanyang ama.“Of course, and we have the same thought.”, wika niya at ngumiti din ito.“How about the OIC President?”, turan nitong nananantiya
Kinabukasan ay tinupad ni Wolverine ang pangako nito sa anak na dadalhin niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Tuwang tuwa ang mga ito na tumawag siya upang doon sila mananghalian kasama ang kanyang asawa’t anak. Nagulat pa ang mga ito sapagkat for the first time itong tumawag at sabihing uuwi sa kanilang bahay. Pero ang labis nilang ikinatuwa ay masaya ang kanilang anak pagkatapos ng ilang taong pagpaparusa sa sarili.“Hello, grandmom! Hello grandad.”, malambing na bati ni Logan sa mga magulang ng ama pagkatapos ay hinalikan niya ang mga ito at pinagyayakap. Sobra namang natuwa ang dalawang matanda at makikita sa mukha nila ang sobrang excitement na makita at makasama ang kanilang apo.“You are so sweet, apo. Sana palagi kang nandito.”, pahayag ng mommy ni Wolverine na sinang-ayunan naman ng daddy nito.“Kung dito nalang kasi kayo umuwi, iho?”, turan naman ng daddy ni Wolverine at nakangiti lang siya sa sobrang pagkamiss ng mga ito sa kanilang apo. Malambing din kasing bata si Logan
Naalimpungatan si Danielle mula sa pagkaidlip. Gusto lang niyang ipahinga ang katawan mula sa maghapong trabaho kanina ngunit hindi niya namalayang nakatulog siya sa nag-iisang room sa townhouse ni Wolverine. Mukhang pamilyar sa kanyang katawan ang lugar kung kayat napakadali niyang naidlip, sabagay wala naman yatang nabago, lahat ay nasa tamang ayos. Pati ang kanyang mga pabango at iba pang abubot 4 years ago ay nasa ayos pa rin kung paano niya ito iniwan. Nagtaka siya, bakit hindi tinanggal ni Wolverine ang lahat ng kanyang gamit? O ngayon na lamang ito pumunta dito since then? Pero napakalinis naman ang lahat, walang kahit anong bakas ng dumi na makikita sa mga bagay sa loob tanda ng matagal na walang tao sa bahay.Nang makarinig ng tili ng paslit mula sa labas ng room ay napilitan siyang bumangon at pagkatapos ay napasulyap sa may alarm clock sa side table. Napamulagat siya ng malaki dahil limang minuto na lamang at mag-aalas nuebe na ng gabi. Mabilis siyang lumabas sa kuwarto upa