Share

Kabanata 5

Author: Ms. Morimien
last update Huling Na-update: 2024-02-10 12:12:01

“Manong! Start the car now!”

Sigaw ni Laura nang malapit na si Mikhail. Kaagad naman siyang sinunod ng driver. Narinig niya pa ang pagmura ng lalaki dahil sa hindi inaasahang pagharurot ng sasakyan.

How come that he seems to have an idea about her? Nagawa pa talaga nitong kausapin ang kambal! Another thing is, ang pagkatahimik nito kanina is a hint na may alam talaga ito!

“Mommy what is happening?” Pupungas-pungas na tanong ni Isaiah kay Aira. Nag-aalala na rin ang mukha ng babae.

“It’s okay, baby. Beshiewap? Anong nangyayari? Sino ang lalaking iyon?!” Hindi magkadaugaga si Aira kung ano ang uunahin. Kung ang anak ba o kung ang pagtanong sa kaibigan tungkol kay Mikhail.

Napasambunot nalang si Laura sa kanyang sariling buhok habang hinihilot ang sentido niya. Biglang sumakit ang ulo niya dahil sa mga pangyayaring bumugad sa kaniya.

***

Mansion.

“Aira, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kambal? May mga aasikasuhin lang ako saglit.”

“Sige, mamayang hapon pa naman kami susunduin nina Papa rito. Take your time, Beshiewap. Alam kong frustrated ka sa mga nangyayari pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako na kaibigan mo. Kaya mo yan, kinaya mo nga noon, eh! Ngayon pa ba?!”

Natigilan si Laura sa pag-akyat sa hagdan. Nilingon niya ang kaibigan at matamis na nginitian. “Thank you, ah. Alam mo ‘di ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Sobrang dami mo ng naitulong sa akin, Aira. Ang pagsama mo sa akin sa U. S ay hindi madali dahil kinailangan mong iwan ang pamilya at trabaho mo dito but still sumugal ka pa rin. Sana hindi ka magsawang tulungan ako ever!”

Nilapitan ni Aira ang kambal haban aliw na aliw naman ang anak nito sa paglalaro, napasarap kasi ng tulog kanina sa kotse.

“Naku! Sureness ‘yan, Beshiewap! We’re all in this together…. Kasama ng mga kambal, diba? Sila ‘yong lakas mo?”

Dumako ang tingin ni Laura sa kambal na tahimik na nakaupo sa sofa. Halatang pagod na pagod ang mga ito sa byahe.

Dumiretso sa kwarto niya si Laura. Dito na magsisimula ang paggawa sa mga plano. Nagawa niya ng mapaluhod ang mga De Silva, though, hindi siya sigurado kong nagsisi ba ang mga ito sa ginawa sa kaniya. Pero hindi doon natitigil ang lahat. Mahina lang ang sumusuko!

Kaagad nagtipa sa selpon niya si Laura. May mga ipinadala siyang importanteng mensahe sa mga koneksiyon at kakampi niya para sa gagawing plano.

Second mission: Buy the De Silva Empire.

May mga nabili na siyang properties dito sa Pilipinas habang nasa U.S siya. Iyon ang mga gagamitin nila for important meetings and transactions. Pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagbubukas ng bagong kompanya niya. Limang taon simula nang pinagawa niya ito and finally, it was done at mayroon na rin siyang trono na paghaharian habang pinapabagsak ang mga De Silva. Bukod pa doon ay may mga kompanya rin siyang nabili. Mga kompanyang nalulugi na at hindi na kayang iahon ng may-ari, though hindi naman na importante ang mga iyon sa kanya at hindi rin naman siya ang hahawak kundi ang kaibigan niyang si Aira. Mas mabuti na rin iyon para mas marami siyang galamay.

Ilang minuto palang simula nang maipadala ang mensahe ay nagsidatingan na kaagad ang mga kinontak niya. Mga makapangyarihang tao sa Pilipinas ang narito ngayon sa mansyon at ngayong araw mismo ay magaganap ang unang pagtitipon.

“Maraming salamat sa pagpunta. Tinipon ko kayong lahat dahil sa importanteng bagay na kailangan niyong malaman tungkol sa kompanya at sa plano.” Seryoso ang mukha ni Laura. Kailangan niyang magawa ng tama ang plano kaya kailangan niya ng mga tao na gagalaw para sa kaniya. Alam niyang hindi rin basta basta ang mga De Silva. At natatakot rin siya na baka may pinanghahawakan ang pinsan niyang si Clarissa laban kay Mikhail kung kaya’t napapaamo nito ang lalaki. Kapag totoo ang hinala niya, maaaring magdulot iyon ng balakid sa kanya dahil pihadong gagamitin ng babae si Mikhail laban sa kanya.

Iyon ang dahilan kung bakit kaagad siyang nagpatawag ng pagtitipon.

***

Mansiyon ng mga De Silva.

“Argh!” Iritadong binalibag ni Amelia ang bag niya sa sahig. Halos atakehin ito sa puso sa labis na galit at inis. Lubos ang nararamdaman niyang pagkamuhi sa pamangkin. Hindi niya inaasahan na ganito na ito ngayon. Paano ito bumangon?

Iyon ang tumatakbo ngayon sa utak ni Amelia.

Tahimik naman si Lady Master. Simula ng dumating sila ay hindi pa ito nagsasalita habang ang mga anak na lalaki ay abala sa paggawa ng mga haka haka tungkol sa pag-angat ni Laura. Syempre si Clarissa ang nangunguna sa usapan. Halos walang preno ang bibig nito na animo’y ikamamatay niya kapag hindi nalaman ang totoo.

“Bakit mukhang masaya ka pa Lauren?” Usal ni Lady Master hindi kalaunan. Malamig ang mga mata nitong nakatitig kay Lauren pero masaya pa rin ang mukha ng babae. Knowing that her daughter is well and successful is all that matters to her. Napawi rin ang pangamba na halos limang taon niyang tinimkim sa puso niya.

“Sinong ina ang hindi matutuwa na makita ang anak niya?” Simpleng sagot nito. Pero hindi iyon nagustuhan ni Amelia kung kaya’y mabilis itong tumayo saka dinuro si Lauren.

“Nagsalita ang isa pang walang silbi! Natutuwa ka pa sa ginawa ng mayabang mong anak sa atin kanina?! Kahihiyan ‘yon!”

“Nakakaramdam ka na rin pala ng hiya?” Sagot ni Lauren kung kaya’t mabilis siyang sinugod ni Amelia para sampalin kung hindi namagitan si Christopher.

“Tama na! Pwede ba? Hindi ito ang tamang oras para magkagulo tayo?!”

“Yan yung pinaramdam mo sa anak ko noong sinaraan niyo siya limang taon na ang nakararaan, Amelia! Kung hindi dahil sa inyo hindi siya mapapalayas sa mansiyon!”

Biglang napataas ng tingin si Lady Master. Nang mapansin iyon ni Clarissa ay kaagad itong humakbang para umapila.

“Anong sinasabi mo? Binabaliktad mo ngayon ang ginawa ng malandi at walang kwenta mong anak?!” Isang malutong na sampal ang natanggap ni Clarissa mula kay Lauren. Nanlalaki ang mata ng babaeng binalingan ito ng tingin habang nakaawang naman sa gulat ang bibig ni Amelia.

Ito ang unang beses na nagbuhat ng kamay si Lauren laban sa kanila. Sanay kasi silang walang ginagawa ang babae kundi ang maging sunod sunuran sa asawa nitong si Christopher at kay Lady Master.

Akmang gaganti si Amelia pero mabilis itong pinigilan ni Lady Master. Mas lalong nagalit at nagulat ang babae sa hindi niya inaasahang pagkampi ng ina kay Lauren na daughter-in-law lang naman nito.

“Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo Lauren. Tungkol sa nangyari noon kau Laura.” Halos mamutla ang mag-ina. Kapag naisawalat ang lahat ay katapusan na rin nila. Hindi lang sila mapapalayas sa mansiyon kundi mawawalan rin sila ng mana. Pero ang mas ikinakatakot ni Clarissa ay ang malaman ni Mikhail ang totoo.

Simula kasi nang mapag-alaman ng lalaki na hindi naman pala siya buntis noon ay nagpa-imbestiga ito. Gamit ang hibla ng buhok ng babae na naiwan sa kama ay natukoy na hindi si Clarissa ang kanyang nakatalik kung kaya’y inanunsyo niyang peke ang engagement. Dahil ang mag-ina lang rin naman ang naglabas noon sa media ng walang permiso ng lalaki.

Pero mautak si Clarissa dahil ginamit niya si Laura para mapasunod si Mikhail. Sinabi niya sa lalaki ng siya lang ang tanging nakakaalam sa pagkakakilanlan ng babaeng nakatalik nito noon at sinabi pang maaaring magdalang tao ang babae kung kaya’t mas umigting ang kagustuhan ng lalaki na mahanap si Laura.

“Set up ang nangyari. May binayarang tao si Amelia at Clarissa para dungisan si Laura. Planado nila ang lahat kaya kapansin pansin na hindi alam ng anak ko ang tungkol sa pagtitipon na magaganap kinabukasan dahil pinigilan ni Clarissa na makarating sa anak ko ang mensahe. Ginawa nila iyon para mapalayas si Laura at matanggalan ng mana sa kompanya!”

Gulat na gulat si Lady Master sa narinig. Ngayon niya napagtanto ang pagkakamaling nagawa sa apo niyang si Laura. Kung sana ay binigyan niya ito ng pagkakataon para magpaliwanag. Kung sana ay inalam muna niya ang buong katotohanan bago niya ito hinusgahan. Masyado siyang nagpadala sa galit at sa inaaakalang kahihiyan na hindi naman pala nito ginawa.

Ngayon niya rin naunawaan ang galit na nakita niya sa apo kanina. Nabigyang kasagutan rin ang tanong sa isip niya kung bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kanilang umabot pa sa puntong paluluhurin sila nito.

Hindi na mapigilan ni Lady Master ang umiyak. Sinira niya ang buhay ng paborito niyang apo na si Laura. Kung kaya naisip niya na…

“Wala tayong karapatan na magalit kay Laura,” nakangiti niyang sabi habang punong puno ng pagsisisi ang mukha. “Nararapat lamang sa atin ang ginawa niya kanina dahil tayo ang may kasalanan sa kaniya.”

Hindi makapaniwala si Amelia at Clarissa. Nang bumaling ang tingin sa kanila ni Lady Master ay doon na halos mahigitan ng hininga ang mga ito.

Dahil nakadepende sa sasabihin ni Lady Master ang magiging kapalaran nilang mag-ina.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Helen Paquera
ang ikli nman . more update please
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pa update nmn po Ms author ang ganda ng story nio. tnx
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 1

    “Laura! Where are you going?!” Sandaling nilingon ni Laura si Aira. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa labis na kalasingan. Hindi na niya kayang uminom pa pero pinipilit siya ng kaibigan kaya balak na niya itong takasan. “Hey! Beshiewap ko! Bumalik ka rito!” Susuray suray na ang babae pero ayaw pa din nitong tumigil sa pagtungga ng alak. Dumiretso nalang si Laura sa madilim na pasilyo kung saan naroon ang mga eksklusibong kwarto. Nasa second floor na iyon at lahat ng mga pinto ay may nakalagay na VIP. “Tsk! Ano naman kung pang-VIP ang mga kwartong ito?! Inaantok na ako! Gusto ko ng matulog for god’s sake!” Napapasigok si Laura. Sinasabi na nga bang walang magandang maidudulot ang pagsama niya sa kaibigan. “Hi, Miss! Naghahanap ka ba ng kwarto?” Naaaninag ni Laura ang gwapong lalaking nakasandal sa isa sa mga pinto. “Sino ka?! Rapist ka no?!” Bumagsak sa sahig si Laura dahil bigla siyang nahilo at nawalan ng balanse. “Aray! Ang paa ko!” “Okay ka lang? Kailangan mo ng tulong?

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 2

    “Beshiwap! A-alam mo na ba ang balita?!” “Anong balita?” Walang buhay na tanong ni Laura sa kaibigan. Abala ito sa pag-iisip ng paraan kung paano niya bubuhayin ang sarili ngayong itinakwil na siya ng pamilya. Frozen lahat ng credit cards niya. Hindi na ito makakapasok sa mga properties ng pamilya. Alam na ng buong angkan ang eskandalong niluto lang ni Clarissa para sirain siya. Pare-pareho ang pitik ng mga utak nito kaya hindi na magugulat si Laura sa mga posibleng mangyari kapag nagcross ang mga landas nila. Siya na naman ang lalabas na masama at kontrabida. Kaya ‘wag na! Better be quite! Kung hindi siya mag-iisip ng solusiyon ay mamatay siya sa gutom o ‘di kaya ay sa kahihiyan. Alam niyang wala rin siyang aasahan sa kaibigan dahil wala naman itong matinong trabaho. Kasalanan ba nya kung nakipagkaibigan sya sa mahirap? Iyong inuman nila sa bar kung kailan may nangyari sa kanila ni Mikhail ay sagot niya lahat iyon kaya sinulit talaga ng lintik niyang kaibigan ang paglaklak. Tapos

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 3

    Lumipas ang limang taon. Si Laura ang nagmana sa naiwang kompanya ng matandang Goldsmith. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging CEO siya ng isang multi-billion company. Habang nakatanaw si Laura sa labas ng bintana ng kaniyang opisina ay hindi niya maiwasang maisip ang pamilya sa Pilipinas. Magagawa pa kaya siyang maliitin ng mga ito ngayon kung mas mayaman na siya sa mga ito? “Humanda kayo. Dahil malapit na akong bumalik.” Nakangiti si Laura habang umuupo na sa kaniyang swivel chair. Pinaikot niya ito at sakto namang pagharap niya ay bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at pumasok ang dalawang cute na bata. “Mommy!” Sigaw ng bibong bibo batang babae na si Alura. “Mommy, hug mo ‘ko, please…” “Me too, Mommy!” Pakiusap naman ni Michael. “Sure, my angels, come here.” Nagpaunahan sa pagtakbo ang kambal at mahigpit na niyakap ang ina. “Mommy, can we go to Isaiah’s house, please?” Kumibot ang mapupulang labi ni Michael. “Why, baby? Hindi ba kagagaling mo

    Huling Na-update : 2024-02-10
  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 4

    Mariing napatitig si Laura kay Mikhail. Since ito ang ama ng kambal ano kaya kung agawin niya rin ito sa mga De Silva? Biglang napailing-iling si Laura. “No! No! I musn’t.” First of all hindi pagmamay-ari ng mga De Silva si Mikhail at sa pagkakaalam niya, nandito rin ito ngayon para mag-invest. Sigurado si Laura na may ginawa ng naman ang pinsan para makumbinse ang lalaki na mag-invest sa kompanya. Desperada na talaga ang mga ito. At siya at si Mikhail are their only salvation. Depende sa takbo ng usapan na magaganap nakasalalay ang kinabukasan ng kompanya at mga De Silva. Nang tumingin si Laura sa direksyon ng mga De Silva ay kaagad niyang nakita ang kanyang ina. Kapansin pansin dahil ito lamang ang tanging masaya at nakangiti sa pagbabalik niya habang ang iba ay mababakasan ang pagkadisgusto ang mga mukha at nagbubulungan pa tungkol sa kaniya. “Babawiin kita, Ma, pangako iyan.” Usal ni Laura sa isip. Kahit gustong gusto na niyang makayakap ang ina ay pinigilan niya ang sarili.

    Huling Na-update : 2024-02-10

Pinakabagong kabanata

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 5

    “Manong! Start the car now!” Sigaw ni Laura nang malapit na si Mikhail. Kaagad naman siyang sinunod ng driver. Narinig niya pa ang pagmura ng lalaki dahil sa hindi inaasahang pagharurot ng sasakyan. How come that he seems to have an idea about her? Nagawa pa talaga nitong kausapin ang kambal! Another thing is, ang pagkatahimik nito kanina is a hint na may alam talaga ito! “Mommy what is happening?” Pupungas-pungas na tanong ni Isaiah kay Aira. Nag-aalala na rin ang mukha ng babae. “It’s okay, baby. Beshiewap? Anong nangyayari? Sino ang lalaking iyon?!” Hindi magkadaugaga si Aira kung ano ang uunahin. Kung ang anak ba o kung ang pagtanong sa kaibigan tungkol kay Mikhail. Napasambunot nalang si Laura sa kanyang sariling buhok habang hinihilot ang sentido niya. Biglang sumakit ang ulo niya dahil sa mga pangyayaring bumugad sa kaniya. *** Mansion. “Aira, pwede bang ikaw na muna ang bahala sa kambal? May mga aasikasuhin lang ako saglit.” “Sige, mamayang hapon pa naman kami susundu

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 4

    Mariing napatitig si Laura kay Mikhail. Since ito ang ama ng kambal ano kaya kung agawin niya rin ito sa mga De Silva? Biglang napailing-iling si Laura. “No! No! I musn’t.” First of all hindi pagmamay-ari ng mga De Silva si Mikhail at sa pagkakaalam niya, nandito rin ito ngayon para mag-invest. Sigurado si Laura na may ginawa ng naman ang pinsan para makumbinse ang lalaki na mag-invest sa kompanya. Desperada na talaga ang mga ito. At siya at si Mikhail are their only salvation. Depende sa takbo ng usapan na magaganap nakasalalay ang kinabukasan ng kompanya at mga De Silva. Nang tumingin si Laura sa direksyon ng mga De Silva ay kaagad niyang nakita ang kanyang ina. Kapansin pansin dahil ito lamang ang tanging masaya at nakangiti sa pagbabalik niya habang ang iba ay mababakasan ang pagkadisgusto ang mga mukha at nagbubulungan pa tungkol sa kaniya. “Babawiin kita, Ma, pangako iyan.” Usal ni Laura sa isip. Kahit gustong gusto na niyang makayakap ang ina ay pinigilan niya ang sarili.

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 3

    Lumipas ang limang taon. Si Laura ang nagmana sa naiwang kompanya ng matandang Goldsmith. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging CEO siya ng isang multi-billion company. Habang nakatanaw si Laura sa labas ng bintana ng kaniyang opisina ay hindi niya maiwasang maisip ang pamilya sa Pilipinas. Magagawa pa kaya siyang maliitin ng mga ito ngayon kung mas mayaman na siya sa mga ito? “Humanda kayo. Dahil malapit na akong bumalik.” Nakangiti si Laura habang umuupo na sa kaniyang swivel chair. Pinaikot niya ito at sakto namang pagharap niya ay bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at pumasok ang dalawang cute na bata. “Mommy!” Sigaw ng bibong bibo batang babae na si Alura. “Mommy, hug mo ‘ko, please…” “Me too, Mommy!” Pakiusap naman ni Michael. “Sure, my angels, come here.” Nagpaunahan sa pagtakbo ang kambal at mahigpit na niyakap ang ina. “Mommy, can we go to Isaiah’s house, please?” Kumibot ang mapupulang labi ni Michael. “Why, baby? Hindi ba kagagaling mo

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 2

    “Beshiwap! A-alam mo na ba ang balita?!” “Anong balita?” Walang buhay na tanong ni Laura sa kaibigan. Abala ito sa pag-iisip ng paraan kung paano niya bubuhayin ang sarili ngayong itinakwil na siya ng pamilya. Frozen lahat ng credit cards niya. Hindi na ito makakapasok sa mga properties ng pamilya. Alam na ng buong angkan ang eskandalong niluto lang ni Clarissa para sirain siya. Pare-pareho ang pitik ng mga utak nito kaya hindi na magugulat si Laura sa mga posibleng mangyari kapag nagcross ang mga landas nila. Siya na naman ang lalabas na masama at kontrabida. Kaya ‘wag na! Better be quite! Kung hindi siya mag-iisip ng solusiyon ay mamatay siya sa gutom o ‘di kaya ay sa kahihiyan. Alam niyang wala rin siyang aasahan sa kaibigan dahil wala naman itong matinong trabaho. Kasalanan ba nya kung nakipagkaibigan sya sa mahirap? Iyong inuman nila sa bar kung kailan may nangyari sa kanila ni Mikhail ay sagot niya lahat iyon kaya sinulit talaga ng lintik niyang kaibigan ang paglaklak. Tapos

  • Love Me, Mr. CEO   Kabanata 1

    “Laura! Where are you going?!” Sandaling nilingon ni Laura si Aira. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa labis na kalasingan. Hindi na niya kayang uminom pa pero pinipilit siya ng kaibigan kaya balak na niya itong takasan. “Hey! Beshiewap ko! Bumalik ka rito!” Susuray suray na ang babae pero ayaw pa din nitong tumigil sa pagtungga ng alak. Dumiretso nalang si Laura sa madilim na pasilyo kung saan naroon ang mga eksklusibong kwarto. Nasa second floor na iyon at lahat ng mga pinto ay may nakalagay na VIP. “Tsk! Ano naman kung pang-VIP ang mga kwartong ito?! Inaantok na ako! Gusto ko ng matulog for god’s sake!” Napapasigok si Laura. Sinasabi na nga bang walang magandang maidudulot ang pagsama niya sa kaibigan. “Hi, Miss! Naghahanap ka ba ng kwarto?” Naaaninag ni Laura ang gwapong lalaking nakasandal sa isa sa mga pinto. “Sino ka?! Rapist ka no?!” Bumagsak sa sahig si Laura dahil bigla siyang nahilo at nawalan ng balanse. “Aray! Ang paa ko!” “Okay ka lang? Kailangan mo ng tulong?

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status