Share

Chapter Three

He is a good shooter. Most of it is a three point shoot. And hindi ko maikaila na talagang napahanga ako. By the way the crowd cheered for him. Ngayon ko rin napansin that many girls seemed to like him.

Nagkapuntos ang kabilang team. Brent laughed at Hector but Hector just laughed back, like it didn't bother him at all.

Napasa kay Hector ang bola, dire-diretso sa kabila, naishoot niya na naman.

"Galing mag-shoot, noh?" Sabay hagalpak nang tawa ni Jena sa akin.

"Oo..." Mahina kong sambit, at saka hinawi ang buhok.

"Asus, kaka-break lang kay Calix mukhang may gusto ka nang iba agad."

"Hindi ko gusto si Hector!" Mabilis kong sagot.

"Wala akong sinabi na si Hector."

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa panonood. Nang nag-time out, pumagilid sila Hector kasama ang kanyang team. Habang tinitingnan ko siya, hindi ko labis maisip kung paanong nangyari iyong...kagabi. Kung paanong masyadong naging mabilis ang lahat.

Nakita ko siyang sumulyap sa akin, tila ba may tinatagong ngiti sa kanyang mga labi. Nakitaan ko rin siya ng kaunting yabang sa di ko alam. Kuryoso ko siyang tinitingnan nang biglang napahalakhak siya. Ang kausap niyang teammate ay napansin iyong aksyon niya na iyon kaya naman ay napabaling rin iyon sa kinaroroonan ko. Kita ko ang pagsiko nito kay Hector, may sinabi at saka humagalpak ng tawa. Si Hector ay biglang nagseryoso at lumipat ang tingin sa kabila.

Sa huli, nanalo ang grupo ni Hector. Habang ako ay nagmamadaling makaalis doon, si Jena naman ay hindi ko mapigilan ang paglapit sa mga basketball players.

"Jake," pakilala sa akin ng isang matangkad at morenong lalaki.

"Hi, I am Azuki."

"I know, I notice you always."

Awkward akong napatawa nang sinabi niya iyon.

"Bakit naman?" Kuryoso kong tanong.

"You're pretty." That was direct.

In the end, with all the conversations that we had, nagkayayaan ang team nila Hector for victory party, and we are invited. Which then I declined dahil alam kong hindi na matutuwa si Nanay sa paglabas ko ng gabi. Mag-isa lang siya roon at hindi ko iyon kaya.

Umuwi ako sa bahay mga alas singko na nang hapon. Nasa kwarto ako, handang matulog nang maalala ko na naman iyon. Iyong puno, 'yong pawisan niyang mukha, ako na nakatalikod sa kanya, 'yong daliri niya, wala akong magawa kung hindi ang kumagat sa aking labi.

Kumatok sa pinto ang nanay kaya pinagbuksan ko. Inabot niya sa akin ang isang libong piso.

"Anak, nagpadala ang Tita Marissa mo para sa allowance mo. Tumawag ka sa kanya at magpasalamat."

Ang kaisa-isang kapatid ni Nanay na si Tita Marissa ang siyang tumutulong sa pagsusustento sa pag-aaral ko. Si Nanay ay naglalako ng mga gulay at prutas, maging iba't-ibang klase ng meryenda at ulam ay binebenta niya sa plaza.

"Nabasa ko iyong text niya kanina, Nay. Nagpasalamat na ako."

"Mabuti kung ganoon. Bakit hindi ko na nakikita si Calix at si Mayette na pumupunta rito? Kamustahin mo ang pinsan mong si Mayette, mamaya ay magtampo sa'yo ang Tita Marissa mo at hindi kayo nakikitang magkasama na dalawa."

Kahit pa nasa dulo na ng dila ko ang lahat ng impormasyon na pwede kong sabihin, hindi ko pa rin ginawa. Ayaw kong madamay at malamatan ang relasyon ng pamilya ko sa pamilya ni Mayette.

"Bukas po," sagot ko na lang.

Lumipas ang ilang linggo na bumalik sa dating takbo ng buhay ko ang lahat, maliban sa may sama ako ng loob kay Mayette at kay Calix. At syempre, nandyan iyong nangyari sa amin ni Hector. Sa totoo lamang ay napaisip akong panandalian lamang iyon at wala nang susunod pa. Hindi naman sa gusto ko ulit mangyari, pero syempre kuryoso lamang ako sa mga pwedeng mangyari.

"Available ka tonight? Ako na bahala sa gastos, labas tayo." Aya sa akin ni Jena.

"Saan naman pupunta?"

"Hindi sa bar, pero wild party pa rin iyon nandoon sila Hector. Kasama iyong bagong girlfriend niya."

I was flabbergasted. Kaya siguro hindi ko siya naramdaman nitong mga nagdaang linggo kasi abala siya sa girlfriend niya. Good for him, at least now he can settle. Or that's just what I thought?

Something felt off suddenly. Parang may kung ano sa akin na nakasindi at biglang namatay. But then, I reminded myself that there should be nothing to feel bothered of since I know to myself where every little thing stands.

"Okay then, sasama ako."

I do not know what made me think that the idea of going to that party is a good one. Makikita ko roon si Hector kasama iyong girlfriend niya, ilang linggo matapos niya akong pasarapin sa...

Oh god! This is not so me. Hindi naman ako uhaw sa atensyon o ano, pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

It is a strange feeling towards him, not like the way I've felt for Calix, it's way more, and deeper than that.

Now what, Azuki?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status