“SURE ka na bang aalis ka talaga, Miss Masien?” malungkot na pag-uusisa ni Eva nang makita niya akong nag-iimis ng aking mga gamit. Napangiti naman ako nang pilit bago ako tumango.Wala na namang dahilan kung bakit mananatili pa ako rito. Wala na si Yevhen. Hindi ko siya ma-contact.Simula noong sumabog ang balita tungkol sa kanilang dalawa ni Clementine ay hindi na siya pumasok. Hindi siya nagparamdam at wala ring nakakaalam kung nasaan siya hanggang sa nabalitaan na lang naming lahat kahapon, pagkatapos ng general meeting, na umalis sila ng bansa ni Clementine kasama si Jaxsen.Putragis!Harap-harapan akong ginago, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagawa ko pa ring tumulong kay Sir Daryl sa pakikipag-usap at pagmamakaawa sa board members para lang isalba ang kaniyang posisyon.Pero pangako, huli na 'to. Hindi na ako muling magpapaloko at magpapagamit sa lalaki.“Salamat sa lahat Eva. Pakisabi na lang kay Miss Kaye na mami-miss ko kayo. Kanina pa rin kasi nandiya
“PUTANG ina ng lahat ng mga lalaki sa mundo!” inis kong sambit habang habang nakasalampak sa mahabang sofa namin sa salas.Hinding-hindi ko siya patatawarin!Isisiksik kong mabuti sa puso't isip ko ang sakit para hindi ko makalimutan ang pambababoy at panloloko niya sa akin.Puta. Gusto ko ngang maghiganti, e.“Isa pa 'tong very reliable source ko. Putang ina mo rin, Cluwis.” Pinigilan ko ang aking sarili na ihagis ang hawak kong cellphone. Noong isang araw ko pa kasi hinihintay ang reply niya, pero pati yata siya ay iniwan na rin ako.Gusto ko pa naman sanang alamin kung sino ang may pakana ng pag-fe-frame up sa akin sa media, at kung totoo 'yong kasal na sina Yevhen at Clementine, pero wala pa rin akong nakukuhang balita.“Kung kailan kailangang-kailangan ko ng tulong ay saka ka nawawala,” pamomroblema ko habang nakatingin sa last message naming dalawa.“Bakit ba kailangan ko pang alamin? Niloko na nga ako tapos gusto ko pang ipamukha sa sarili kong naging tanga ako? Ang labo.” Nang
“HINDI ako buntis,” paulit-ulit kong sambit habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test kit. Hindi pwede! Ano na lang ang sasabihin ko sa anak ko? Na hindi babae ang ina niya, pero kumabit sa lalaking may asawa't anak na?! “Pare koy, matagal pa ba iyan? Kanina ka pa namin hinihintay rito sa labas.” Bigla akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang pagkatok ni Klein sa labas ng pinto ng banyo. Ilang minuto na ba akong nandito bago ko ginawa ang instruction sa test kit? Tang ina. Kinakabahan ako. Paano kung may nakalusot na sperms sa condom tapos nakapasok sa akin? E 'di, buntis nga ako?! “Masien, kung hindi ka lalabas diyan, lalo kang malilintikan sa akin,” galit na babala naman ni Devin kaya napabuntonghininga na lamang ako bago ako nagdesisyon nang lumabas ng banyo. “W-wala pa ngang resulta, oh,” namomroblema kong banggit bago ko ipinakita sa kanilang tatlo ang pregnancy test kit na binili pa ni Klein kanina, sa isang drug store. “Patingin kami,” ani Levi pagkatapos ay
INOPERAHAN sa puso si Ama.Kasalanan ko iyon. Kung hindi sana ako nagdala ng problema, hindi sana siya ma-i-stress. Hindi sana siya aatakihin sa puso.“Kumusta si Ama? Successful ba ang naging operation sa kaniya?” pagpukaw ni Elle sa aking atensiyon kaya isa-isa akong napatingin sa mga kaibigan kong dumalaw sa akin.Sa sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay hindi ko namalayan na napatulala na pala ako kulungan ng tandang na nasa aming harapan.“Masien, gagaling ang tatay mo. Magsasabong pa kaya iyon,” singit naman ni Cyllene pagkatapos ay tinapik-tapik pa ang aking balikat.Bumuntonghininga naman ako.Napakaraming nangyari sa akin sa loob ng isang buwan. Iniwan ako ni Yevhen, inatake sa puso si Ama, at ayaw na akong tigilan ni Mark tungkol sa pinaplano niyang kasal daw namin.Putragis! Wala na akong oras mag-move on kay Yevhen.“Masien, may problema ba bukod kay Amang Damian?” pag-uusisa ni Zemira habang karga-karga ang sanggol niyang anak na si Hera. “W-wala. Ayos la
NAMUTLA ako nang malala matapos kong malaman na ang kapatid ko na palagi kong kakampi, simula pagkabata ay hindi na pala kapatid ang turing sa akin.Puta. Hindi ko iyon matanggap kaya nag-away kami hanggang sa pinakiusapan ko siyang lumayo muna.Sinunod niya naman iyon. Mahigit isang taon na ang lumilipas, hindi pa rin ako kinakausap ni Klein.“Anak, pwede ba tayong mag-usap?” biglang pagkuha ni Ama sa aking atensiyon matapos naming magkasalubong sa salas.Papaalis na sana ako ng bahay dahil may lakad akong pupuntahan, pero naharang naman agad ako ng aking tatay.“Tungkol saan? May sumasakit na naman ba sa inyo?” sunod-sunod kong tanong nang dahil sa pag-aalala. Lahat kasi kaming magkakapatid ay hindi pa rin mapakali sa kondisyon niya, lalo na't kada check up ng doktor ay pinaalalahanan kaming mag-ingat dahil baka raw maulit ang atake niya sa puso.“Ang sabi ni Mark ay hindi ka raw tumutulong sa pag-aasikaso ng kasal niyo. Huwag mo namang ipaubaya ang lahat sa mapapangasawa mo,” sen
“KUMUSTA ka na?” bungad niyang tanong sa akin kaya malakas akong napabuntonghininga.Putragis! Sa paraan ng kaniyang pag-uusisa ay parang hindi niya ako ginawang kabit at binaboy noon.May anmesia ba siya?“Parang nakita na kita noon, pogi. 'Di ba, mare? Saan ba kita nakita?” sunod-sunod na kwestiyon ng mga tsismosang nasa akong tabi. Kitang-kita ko rin sa mga mukha nilang lahat na iniisip talaga nila kung sino si Yevhen.Napamura tuloy ako sa aking isip.Mayamaya lamang ay maaalala na nila ang balita noon tungkol sa akin at kay Yevhen.“Ah, mga kumare, dito muna pala kayo. Hinahanap ko nga pala si Elle,” nagmamadali kong paalam sa samahan bago ko mabilis na ibinalik sa lalagyan ang kinuha kong plato at kutsara't tinidor kanina.Kaagad din akong naglakad papaalis sa eksena at tuluyang ipinagsawalang-bahala kung sino ang aking nakita.Tang ina. Gusto kong magwala, pero ayaw kong sirain ang birthday party ng inaanak ko.B-bakit ba siya nandito? Nanadya ba siya?!“Maria, pwede ba kitang
NAGPATULOY ang panggugulo sa akin ni Yevhen. Kung noong una ay pasimple lang siya sa pagsunod-sunod sa akin, ngayon ay sadya na at lantaran na siya kung mangulit.Dalawa na tuloy sila ni Mark na problema ko.Tang ina.“Ate! May bisita ka sa labas!” sigaw ni Dwayne na kapapasok lamang sa loob ng bahay. Pawis na pawis na naman siya kaya paniguradong sa basketball court na naman siya tumambay.Kung nandito lang sana si Levi ay hindi niya magagawa 'yang pagbababad sa laro, kaso nasa one-week seminar ang kapatid namin kaya malayang-malaya siyang magawa ang lahat ng bagay na gugustuhin niya.“Huwag mong sabihing si Mark iyan? Wala na talagang oras na pinili iyan. Hapon na,” iritable kong komento, ngunit hindi naman ako nakakuha ng sagot dahil nagtuloy-tuloy lamang siya sa pagpasok sa loob ng kaniyang kwarto.Napakamot tuloy ako ng ulo bago ako tumayo sa pagkakaupo sa sofa upang patayin ang TV. Padabog din akong lumabas ng bahay para alamin kung sino ang kaniyang tinutukoy.Ngunit hindi pa
HINDI na ako muling nagpakita pa kila Ama matapos kong sumbatan si Yevhen.Kahit nga ipinatawag pa ako sa aking kwarto ay hindi talaga ako nagpatinag dahil sumariwa sa akin ang lahat.Bigla kong naalala ang nakaraan. 'Yong masasayang araw na magkasama kami. Tang ina. Nami-miss ko iyon, pero gumigimbal din sa akin 'yong mga alaala kung kailan ko nalamang hindi totoo ang pinagsamahan namin.“Ate, wala ka ba talagang pakialam sa challenge ni Ama kina Kuya Yevhen at Kuya Dax?” tanong ni Dwayne habang kumakatok sa pabas ng nakasaradong pinto ng aking kwarto.Nagising tuloy ang aking diwa at saka ako napabuntonghininga. Tanghaling-tapat na, ngunit wala pa rin akong gana na lumabas ng aking silid.Putragis!Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko silang makita!“Okay ka lang ba?” tanong muli ni Dwayne. “Ate, hindi ko alam kung ano'ng totoong nangyari sa inyo ni Kuya Yevhen, pero mas gusto ko siya kaysa kay Kuya Dax at kay. . . Kuya Klein,” pahina nang pahina niyang dugtong ngunit narinig ko pa rin