Home / Romance / Love Magnet / Kabanata 30

Share

Kabanata 30

Author: Maligaya
last update Huling Na-update: 2024-01-09 08:26:52

SERYOSO siya.

G-gusto niya talagang makipag-sex at. . . sa akin pa!

Anak ng tokwa naman. Bakit ako?! Pareho lang kami ng gusto—kimchi!

“Maria.” Nagulantang ako at wala sa sariling napatayo nang tuwid matapos kong marinig ang kaniyang boses.

Kadarating niya lang sa opisina at mayroon pa siyang sukbit na bag sa likod.

“S-Sir, ipagtitimpla na kita ng kape,” wika ko bago ko nagmamadaling inayos ang aking mga gamit para makapunta na agad sa pantry room.

“How's your weekend?” he gently asked while he was walking towards my desk. Nang makarating siya sa aking harapan ay pinilit ko na lang na ngumiti, kaysa sagutin ang kaniyang tanong.

Putragis! Nakakaasiwa siyang kausap ngayon.

“Tungkol sa nasabi ko sa'yo noong isang araw—” Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at hindi ko na siya pinayagang tapusin ang kaniyang dayalogo.

“A-ah! May ibinebenta nga pala sa akin si Eva, Sir. Diyan ka muna,” pagpapalusot ko bago ako mabilis na lumakad. Napatigil lang ako nang bigla niyang hinila ang aking pal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maridel Raguindin
next miss A hehe
goodnovel comment avatar
Alona Tayag Sunga
ang sarap kya ng kimchi kasama yon kpag nagsasamgy kmi sa bahay hehehehe...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Love Magnet   Kabanata 31

    HINDI pa rin niya ako pinatatahimik at patuloy pa rin siya sa pagpapasaring sa akin nitong mga sumunod na araw.Putragis! Naguguluhan na tuloy ako kung totoo bang may babae na siyang nakuha o nagsisinungaling lang siya sa akin.“S-Sir, ito na po 'yong final jewelry design ng Product and Design Department, tapos ito naman po 'yong listahan suggestions ng mga executive staff tungkol sa gagawing foundation party sa December,” kabado at mahaba kong salaysay bago ko isa-isang inilapag ang mga folder sa kaniyang mesa.Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Nakangiti siyang humarap sa akin bago siya sumandal sa likod ng kaniyang upuan.“May gagawin ka ba mamayang gabi?” pag-uusisa niyang kaagad ko nang pinagdudahan. “Wala pa naman si Kuya, hindi ba? Why don't you drop by my house then make me some food?” “Sir, kung inaakala mong makaka-score ka sa akin dahil sa style mong bulok, hindi iyon mangyayari,” matapang kong sagot bago ko inayos ang aking tindig. Napatawa naman siya bago siya tum

    Huling Na-update : 2024-01-13
  • Love Magnet   Kabanata 32

    “LET'S go, Maria,” pamimilit sa akin ni Yevhen matapos niya akong puntahan sa kinauupuan kong metal chair sa harap ng bartender.Antok na antok ko naman siyang inirapan bago ko ipinagpatuloy ang paglaklak at pagpapakalunod sa pangalawang bote ng alak na hawak ko.Putragis! Tapos na ba siyang mambabae?!Malakas ang tumutugtog na musika at marami ring tao sa aming paligid, ngunit sa akin lang nakatuon ang kaniyang atensiyon.“You’re drunk. May pasok pa tayo bukas,” paalala niya bago niya sinubukang kuhanin sa akin ang bote na mabilis ko namang inilayo sa kaniya.“B-bakit hindi mo na lang i-ipagpatuloy 'yong pakikipag-usap mo sa b-babae mo para. . . p-para hindi mo ako ginugulo rito!” naiinis kong pahayag na nagboses na lasing pagkatapos ay nanghingi pa ako sa bartender ng isa pang bote ng alak.Pinigilan naman siya ni Yevhen kaya naman nagmaktol ako sa kanilang harapan.Ramdam ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Tila gusto na ring pumikit ng talukab ng aking mga mata na pilit ko lang

    Huling Na-update : 2024-01-16
  • Love Magnet   Kabanata 33

    TULIRO akong umuwi sa condominium. Hindi ko na naman naabutan si Mark, siguro ay napagod na at bumalik na lang ng Laquiero.“Ang tanga ko!” Paulit-ulit kong sinigawan at pinagalitan ang aking sarili. Ibinigay ko kasi ng ganoon-ganoon lang ang permiso ko kay Yevhen.Hindi ko kayang huminahon. Sa halip na kumalma ang aking pakiramdam dahil wala sa siya sa aking tabi ay lalo pang bumilis ang pagtibok ng aking puso.Sumasakit din ang ulo ko. Upang makaiwas ay nag-message na lang ako sa kaniya at sinabing hindi na ako makakapasok ngayong araw. Pumayag naman siya at nag-iwan pa ng isang mensahe na nagdulot ng kakaibang kiliti sa bawat himaymay ng aking pagkatao.From: Sir BakulawTake a rest. We will talk about it tomorrow.Nagpagulong-gulong ako sa aking kama habang sinasabunutan ko ang aking sarili.Hindi ko na siya ni-reply-an.Putragis!Kung mag-se-sex kami bukas, kailangan kong maging presentable.Bigla na lang akong napaupo sa aking kama at napasigaw nang mayroon akong maalala.“Titi

    Huling Na-update : 2024-01-20
  • Love Magnet   Kabanata 34

    ISANG linggo nang napupurnada ang aming plano. Matapos naming pag-usapan kung kailan at saan namin gagawin ay palagi na lamang mayroong dumarating na problema.Putragis! Parang ayaw yata ng tadhana na mayroong mangyari sa amin ni Yevhen. Nandoon ang pangyayari na papunta na kaming dalawa sa motel, pero mayroong board member na tatawag sa kaniya upang humingi ng tulong.Wala tuloy akong magawa.“Miss Masien, may problema ka ba?” tanong ni Eva sa akin habang kinakain namin ang paninda niyang crackers sa loob ng pantry room. Napatigil naman ako sa pagnguya bago ako nagbuntonghininga.“Para kang babaeng hiniwalayan ng jowa. Nag-away ba kayo ng mapapangasawa mo?” pag-uusyoso niya kaya nakatikim siya sa akin ng masamang tingin kasunod ng pagbato ko sa kaniya ng hawak kong crackers. Napatawa naman siya at lalo pa akong tinukso kay Mark.“Hindi ko mapapangasawa iyon at wala kaming relasyon.” Gusto ko pang makipagtalo, pero wala talaga akong enerhiya.Lalo nang naging kakaiba itong nararamdama

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • Love Magnet   Kabanata 35 - “Mild SPG”

    NAGPATULOY ang pagiging malambing sa akin ni Yevhen. Palagi niyang pasikretong hinahawakan ang aking kamay at madalas niya rin akong yakapin sa loob ng kaniyang opisina.Putragis! Hindi ko na siya maintindihan. Kailangan ba talaga 'yong paghawak at pagyakap bago kami magtalik?“Maria, come here for a second,” Yevhen said over the intercom beep on my table. Napapikit naman ako at napairap sa hangin.“Papunta na,” sagot ko bago ko itinago ko ang aking nararamdamang kaba dahil heto na naman kami. Araw-araw ay ganito siya sa tuwing gusto niya ng yakap.Puta. Bakit kasi ang tagal-tagal bago may mangyari sa amin? Nagiging delikado na talaga sitwasyon ko nang dahil sa kaniya, e.Huminga ako nang malalim at inayos ang aking sarili bago ako nagtungo sa loob ng kaniyang opisina na pilit na pilit ang ngiti.Nanibago naman ako dahil hindi ko siya nakita na nakaupo sa kaniyang swivel chair. Ngayon ay, nkatayo siya malapit sa couch habang bumubulong-bulong ng kung ano na hindi ko naman naintindiha

    Huling Na-update : 2024-01-27
  • Love Magnet   Kabanata 36

    SIMULA noong araw na ipinakita ko sa kaniya ang kimchi ko ay inuulukan niya na akong pag-isipan ko raw ang pagpapahalik ko sa kaniya.Bawat araw rin na lumilipas, kahit nasa trabaho kami ay hindi siya nagsasawa sa paulit-ulit na pag-re-request sa aking kimchi.Hindi ko dapat siya pinayagan pa ulit, pero hindi ko naman alam kung bakit hindi ako makatanggi.“Miss Masien, nandiyan ka pa ba?” Nagising ang aking diwa sa pagtawag sa akin ni Eva habang kumakatok siya sa labas ng pinto ng cubicle sa loob ng banyo.“N-nandito pa ako. Mauna na kayo. Biglang sumama ang tiyan ko,” pagsisingungaling ko dahil natatakot pa akong lumabas at mahusgahan ulit ng aming mga katrabaho.Putragis! Laganap na ang tsismis tungkol sa aming dalawa ni Yevhen, pero heto ako at nagkaka-gender fluidity pa yata.Naguguluhan ako!Ramdam ko ang pag-iiba ng aking damdamin. Nawawala na 'yong mga dati kong hilig tulad ng pakikipag-chat sa mga chikababe, pag-re-react sa post ng mga babaeng may malaking hinaharap at higit s

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Love Magnet   Kabanata 37

    NAGING malamig ang pakikitungo Yevhen sa akin. Ni hindi niya ako magawang tingnan, at kung kakausapin niya naman ako ay puro tungkol lamang sa trabaho.Para tuloy akong tanga na naghahanap ng atensiyon niya. Hindi ako makapagdesisyon kung aalis ako sa trabaho o hindi. Naguguluhan na ako. Putragis!“Bes, kailan nga ulit ang uwi ni Devin, my loves?” Napalingon ako sa kung sino ang nagtanong. Ilang mga segundo pa ang lumipas nang mapagtanto kong si Cyllene pala iyon at nandito kaming magkakaibigan sa loob ng condo unit.“Bukas, pare,” tinatamad kong sagot makalipas muli ang ilan pang segundo. Tinaasan niya naman ako ng kilay at saka siya tumabi sa akin sa couch.“May problema ka? Tungkol saan iyan?” pag-uusisa niya na narinig ng iba naming mga kaibigan. Iniwasan ko na lang sila ng tingin saka ako huminga nang malalim.Linggo ngayon. Ito sana ang araw na magkikita kami ni Yevhen, pero hindi natuloy dahil umurong na ako sa usapan.Plano ko sanang magmukmok na lang at isumpa si Chairman Vil

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Love Magnet   Kabanata 38

    HINDI naging maganda ang huli naming pag-uusap ni Yevhen. Naramdaman naman iyon ng aking mga kaibigan kaya pag-uwi namin sa condo ay tinanong nila ako kung ano'ng nangyari.Ngunit itinikom ko lang ang aking bibig.Putragis!Ano naman kasing sasabihin ko? Na nagalit ang boss ko dahil akala niya ay may nangyari sa amin ni Elle? Tapos noong nalaman ang totoo ay bigla na lang nag-aya sa loob ng fitting room ng isang clothing brand para lang tingnan ang kimchi ko?Puta. Napakahalay. Hindi ko nga pinagbigyan.“Tandaan mo ang sinabi ko, pare. Para malaman mo kung babae ka na o hindi pa rin, halik lang ang solusyon diyan.” Paulit-ulit na nag-play sa aking isip ang panghuling sinabi ni Blade bago sila tuluyang nagpaalam sa akin.Namomroblema tuloy ako nang malala.Kung halikan ko si Yevhen at malaman ko kung ano na nga talaga ako, masosolusyunan din ba niyon ang panggigipit sa akin ni Chairman?“Masien, bangon na! Tatanghaliin ka na sa trabaho mo!” biglang sigaw ni Devin sa labas ng aking kwa

    Huling Na-update : 2024-02-06

Pinakabagong kabanata

  • Love Magnet   Wakas Part 2

    SHE and our baby became my inspiration to work harder and to create jewelry designs better.Simula noong nakuha namin ang kontrata sa Miss Universe Organization, nagsunod-sunod na kaming kinuha ng iba pang beauty pageant organization.That was just a dream before, but damn, it came true.May bonus pa akong magandang asawa at mga magiging anak pa namin.“YEVHEN, uwi ka na, please. Nandito si Chairman sa bahay,” she said over the phone, making me rush to go home.She’s in her sixth month.Nagkaayos na naman sila bago kami ikinasal pero inamin niya sa akin na hindi pa rin siya sanay kaya hindi ko mapigilang mag-alala.Sumobra kasi ang bait ni Lolo lalo na simula noong nagbitiw na siya sa posisyon niya sa MARIA Corporation. Kahit nga kay Daddy na hindi niya matanggap-tanggap noon ay gustong-gusto niya nang kasama ngayon.I hurriedly went out of the office to get in to my car. Mabuti na lang ay hindi pa traffic hours kaya nakauwi agad ako sa bahay.“Lolo, what brings you here? Akala ko na

  • Love Magnet   Wakas Part 1

    *Love Magnet* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I’M always ready since the day I fixed the company, so when I got the chance to ask her, I immediately proposed right away. We married each other again on our birthday. Hindi na sa papel lang, sa totoong simbahan na. “Yevhen!” My body tensed and I jolted in the kitchen right away when I heard her shout. Baka kasi kung ano na ang nangyayari. “Yes, love? What happened?” may pag-aalala kong tanong sinuri ang kaniyang kabuuan. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang makita kong walang masamang nangyari sa kaniya. “Ang sabi ko sa’yo, bilhin mo lang 'yong mga kailangan natin sa bahay. Saan natin ilalagay ’tong mga labis na chicken, pork, and beef? Hindi na kasya sa ref,” sermon niya kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ayaw ko lang naman na lalabas pa siya ng bahay namin kapag wala nang stocks. Ayaw niya rin naman kasing maghanap kami ng kasambahay dahil kaya niya naman daw. “I’ll just order a new freezer,” panlalambing ko ka

  • Love Magnet   Espesyal na Kabanata 5

    *Banana Needs Help!* Yevhen Thyne Mercado Villamayor AFTER all those months that we were apart, she was still scared to take me back. Fuck. Has she forgotten me already? Oh, God. I would not allow that. Kung nakalimutan niya na ako, paiibigin ko ulit siya. ’Yong mas malalim para wala na talaga siyang kawala pa. “You can’t escape me, Maria. Hindi kita hihiwalayan kahit kailan.” I sighed out loud before I looked at the evening sky. Nandoon siya sa pool area kasama ng mga kaibigan niya, samantalang nandito naman ako sa dalampasigan, nag-iisa. Maliwanag pa rin ang paligid dahil maraming poste ng mga ilaw sa tabong-dagat, pero parang ang lungkot-lungkot pa rin. Maybe because my heart was breaking. Damn it. “Humanda ka sa akin, love. Hindi ka talaga makakalakad kapag nagkaayos na tayo,” salaysay ko sa hangin kasunod ng pagsipa ko sa mga inosenteng bato sa buhanginan. Kaunting tiis pa. Naayos ko na naman ang lahat sa kompanya kaya libre ko na siyang masusundan kahit na saan. “

  • Love Magnet   Espesyal na Kabanata 4

    *Lonely Kimchi and Sad Banana* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I thanked Ama a million times after his daughter and I got married. Hindi man kami kinasal sa simbahan, pero at least may papel na akong panlaban kay Maria. I already imagined a happy ever after with her, but our marriage was immediately tested when I discovered her past relationship with her brother. Naging sila pala noong iniwan ko siya. “Y-Yevhen, please magpapaliwanag ako.” She hugged me as she panicked while I was trying really hard to digest her brother’s revelation. I couldn’t feel anything as I couldn’t believe it. H-how could he fucking do that?! Kahit ampon lang siya, hindi niya dapat ginawa iyon kay Maria. Siya ang mas nakatatanda kaya siya dapat ang may alam ng tama at mali. “Sorry na. Gulong-gulo ako noong oras na iyon. Pinipilit akong magpakasal ni Mark tapos iniwan mo ako tapos. . .” Bigla akong natigilan at hindi makahinga ng maayos. Right. That was my fault. Kung hindi ko siya iniwa

  • Love Magnet   Espesyal na Kabanata 3

    *By hook or by crook* Yevhen Thyne Mercado Villamayor The following days were the fucking happiest days of my life. Damn it. I would always sleep and wake up with a smile. Wala nga yatang kayang magpasimangot sa akin simula noong naging kami. Yeah. Yeah. I know. Malala na ako, pero ano’ng magagawa ko? Binabaliw ako ni Maria araw-araw. “Sir, excuse po.” My heart automatically hammered when I heard her voice. Nang sulyapan ko siya habang nasa meeting kami with the board of directors ay hindi ko na napigilang mapangiti. Fuck. “Sir, ito po 'yong mga scheduled events ng kompanya. Nag-email na po ako sa mga secretary nila, pero mas maganda na sabihin niyo pa rin para hindi kayo mahirapan sa huli,” pormal na pormal niyang salaysay kaya napatikhim na lang ako para pigilan ang pagtawa. Damn it. Hindi ko alam na nakakabading pala ma-inlove kay Maria. I cleared my throat again. “May email ang secretary ko sa mga secretary niyo. Kindly check it, and the meeting is adjourned,” I anno

  • Love Magnet   Espesyal na Kabanata 2

    *Falling Slowly In Love with You* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “SIR, Sir, Sir.” Napapikit ako sa inis nang marinig ko ang boses na iyon na kapapasok lang sa loob ng office ko. She’s here. Wala na akong nagawa noong si mommy mismo ang nagsabi na si Maria ang magiging bago kong sekretarya. That time, I agreed because my plan is to just use her. Kung siya ang makakasama ko ay hindi na kami pagdududahan ulit ni Clementine ng board of directors. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay umaayaw na ako at parang gusto ko na siyang sisantehin. “Sir, nakikinig ka po ba? Putragis! Dangal mo ang iniingatan natin dito kaya makinig kang mabuti,” maangas niyang pahayag bago siya pumadyak-padyak na tila nagdadabog. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking mesa. Hinilot ko na lang tuloy ang aking sentido. I really fucking hate this woman—lesbian, everyday. “Not now, please. Sumasakit ang ulo ko, Maria,” pagsisinungaling ko para matakasan ko lang ang tsimis na ibibida niya. “

  • Love Magnet   Espesyal na Kabanata 1

    *Enemies at first sight* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “I’m already here, Kuya Blade. Ano’ng room number ni Ate?” I asked over the phone while I was walking inside the hospital. Nang mabalitaan ni mommy kanina na kapapanganak lang ng pinsan ko ay pinagmadali niya na agad akong pumunta rito. Mas excited pa kasi siyang makita ang baby kaysa kay Ate Zemira. “Fourth floor, Yevhen. Room 407. Lumabas lang ako sandali, nandoon si Hera Leigh sa tabi ng ate mo,” sagot niya bago kami nagpaalam sa isa’t isa. At dahil alam ko na kung saan matatagpuan si Ate ay dumiretso na agad ako papunta sa elevator at hindi na nagtanong sa nurse’s station. I just need to take pictures of the baby then I’m done. Nautusan lang talaga ako ni mommy. “Room 407,” I murmured after the elevator opened on the fourth floor. Nang lumabas ako ay nagpatingin-tingin ako sa bawat nakasaradong pinto hanggang sa matunton ko ang aking hinahanap. “Ate,” I called her as I knocked on the door, twice. Pinihit ko na rin an

  • Love Magnet   Kabanata 81

    “H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’

  • Love Magnet   Kabanata 80

    HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin

DMCA.com Protection Status