KUMARIPAS agad ako ng takbo papalabas ng elevator at ng building upang takasan ang nangyari at si Yevhen. Habol-habol ko tuloy ang aking hininga nang makapara ako ng masasakyan pauwi.Putragis! Bakit palagi na lang akong naaksidente sa kaniyang banana?!“Ano ba kasing ibig sabihin ng faster na sinabi niya?!” singhal ko sa aking sarili bago ako nagpagulong-gulong sa aking kama. Tinakpan ko rin ng unan ang aking mukha dahil naiinis ako sa isipin na ready akong ihagod ang kimchi ko sa kaniya kanina kung hindi lang bumukas ang pinto ng elevator.“Puta! Bakit ko naman gagawin iyon?!” pagmamaktol ko pagkatapos ay bigla na lang nag-init ang aking katawan saka ako nakadama ng kiliti sa gitna ng aking mga hita.Walang sabi-sabi tuloy akong napabalikwas ng bangon bago ako nag-push ups sa sahig. Nang hindi ako makuntento ay nag-jogging pa ako sa loob ng aking kwarto. Putragis! Hindi ko pwedeng maramdaman ito! Lalaki ako!Kung ano-ano pa ang aking pinaggagawa hanggang sa mapagod ako at muling b
“HOW'S your sleep, Masien?” pangungumusta sa akin ni Ma'am Esmeralda habang sabay-sabay kaming kumakain ng agahan sa hapag.Alanganin naman akong ngumiti dahil ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog kagabi.“O-okay na okay po, Ma'am,” mabilis kong sagot ngunit hindi ko naitago ang pagkautal. Nasa tapat ko kasi si Yevhen na kanina pa tahimik pero pasulyap-sulyap naman sa akin.Putragis!Ayaw ko nang pag-usapan pa ang nangyari kagabi, pero hindi iyon mawala-wala sa isip ko! Mabuti na lang ay lumabas agad siya ng kwarto matapos niyang humingi ng paumanhin at magpaalam. Ang hindi ko lang alam ay kung saan siya natulog.“Sasabay ka ba'ng pumasok sa akin?” Yevhen suddenly inquired, which made me choke. Uubo-uubo tuloy akong uminom ng tubig.“Masien, dahan-dahan lang.” Mukhang alalang-alala si Ate Belle habang nilalaklak ko ang baso ng tubig. Nagpalitan din sila ng tingin ni Ate Yolly na kumuha naman agad ng tissue at ibinigay sa akin.Isa pa itong mga kapatid niyang 'to! Nangako sa aking ma
ARAW-ARAW niya akong tinuruan ng sayaw hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.Magaling siyang dance coach. Hindi siya basta-basta nagagalit kapag nagkakamali ako ng steps, lalo na kapag naapakan ko ang kaniyang mga paa. Bumabait na rin siya nang kaunting-kaunti lang naman.“Masien, sweety, are you ready na ba?” Ma'am Esmeralda asked after she went inside the guest room to check up on me. Nang malaman niyang tapos na akong ayusan ng sangkaterbang make up artists ay pinalabas niya na ng kwarto ang mga ito. Oras na rin daw kasi para magpunta kami sa charity ball ni Yevhen.Kaninang umaga pa ako inaayusan ng mga bakla. Ngalay na ngalay na ako sa pagkakaupo ko. Pakiramdam ko rin ay ang kapal-kapal na ng make up na inilagay nila sa aking mukha.“You're wearing the pink gown. I thought iyan ang pinaka-hate mo noong nagsukat tayo last time,” she commented while he was examining my whole body.Tipid lang naman akong ngumiti dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko pa rin gu
HINANAP ko si Yevhen matapos kong pakalmahin ang aking sarili. Kung saan-saan ako nagpupunta, pero sa stage ko lang pala siya makikita habang ibinibigay na nila ni Chairman Villamayor ang donations para sa iba't ibang non-governmental organizations.Bumuga ako nang malakas na hangin bago ako tumigil at tumindig ako sa lugar kung saan malayo sa kaniya upang mapagmasdan ko siya nang mabuti.Puta. Bakit unti-unti na nga yata siyang gumugwapo sa paningin ko?!“Ako dapat ang nasa itaas, Kim. Ako ang nag-asikaso ng lahat.” Biglang napataas ang aking isang kilay at tila nanlaki rin ang aking mga tainga nang mayroong magsalita sa aking likuran.Napailing na lamang ako at napangisi dahil alam ko nang si Sir Xavier at si Kimberly iyon kahit hindi ko pa lingunin.Siya ang nagprisinta kay Chairman, natural na siya talaga ang mag-aasikaso, at dahil si Yevhen ang CEO, natural din na boss ko ang nasa stage. Bakit ba walang common sense ang lalaking ito?“This will be our next plan. Ipagkalat mo sa
INIS na inis ako kay Yevhen. Ni hindi niya man lang naramdaman na ayaw kong nirereto ako kung kanikanino. Tsk. Kahit sa kaibigan niya pa!Putragis! “Birthday ko ngayon, e,” monologo ko bago ako tamad na tamad na bumangon mula sa aking pagkakahiga.Hinatid niya ako kagabi galing sa charity ball. Inungkat niyang muli ang tungkol sa kaarawan naming dalawa ngunit dahil galit ko ay binuo ko na ang aking desisyon na huwag siyang imbitahin.Ngayon tuloy ay nag-iisa ako at walang kasamang mag-celebrate ng 25th birthday ko. Pero sa kabilang banda, maganda rin naman pala. Putragis! Pwedeng-pwede akong mambabae! Tumatawa at kinikilig akong nag-ayos ng aking sarili. Mabilis akong naligo at nagbihis ng damit-panlalaki bago ako nagpisik ng pabango.“Chikababes, here I come,” pakanta kong sambit pagkatapos ay kinuha ko ang aking maliit na kulay itim na bag saka ako nagsapatos at mabilis na lumabas ng condo unit habang sumisipol-sipol pa.Tumigil ako sa tapat ng elevator at namulsa matapos kong p
SERYOSO siya. G-gusto niya talagang makipag-sex at. . . sa akin pa! Anak ng tokwa naman. Bakit ako?! Pareho lang kami ng gusto—kimchi!“Maria.” Nagulantang ako at wala sa sariling napatayo nang tuwid matapos kong marinig ang kaniyang boses. Kadarating niya lang sa opisina at mayroon pa siyang sukbit na bag sa likod.“S-Sir, ipagtitimpla na kita ng kape,” wika ko bago ko nagmamadaling inayos ang aking mga gamit para makapunta na agad sa pantry room.“How's your weekend?” he gently asked while he was walking towards my desk. Nang makarating siya sa aking harapan ay pinilit ko na lang na ngumiti, kaysa sagutin ang kaniyang tanong.Putragis! Nakakaasiwa siyang kausap ngayon.“Tungkol sa nasabi ko sa'yo noong isang araw—” Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at hindi ko na siya pinayagang tapusin ang kaniyang dayalogo.“A-ah! May ibinebenta nga pala sa akin si Eva, Sir. Diyan ka muna,” pagpapalusot ko bago ako mabilis na lumakad. Napatigil lang ako nang bigla niyang hinila ang aking pal
HINDI pa rin niya ako pinatatahimik at patuloy pa rin siya sa pagpapasaring sa akin nitong mga sumunod na araw.Putragis! Naguguluhan na tuloy ako kung totoo bang may babae na siyang nakuha o nagsisinungaling lang siya sa akin.“S-Sir, ito na po 'yong final jewelry design ng Product and Design Department, tapos ito naman po 'yong listahan suggestions ng mga executive staff tungkol sa gagawing foundation party sa December,” kabado at mahaba kong salaysay bago ko isa-isang inilapag ang mga folder sa kaniyang mesa.Tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa. Nakangiti siyang humarap sa akin bago siya sumandal sa likod ng kaniyang upuan.“May gagawin ka ba mamayang gabi?” pag-uusisa niyang kaagad ko nang pinagdudahan. “Wala pa naman si Kuya, hindi ba? Why don't you drop by my house then make me some food?” “Sir, kung inaakala mong makaka-score ka sa akin dahil sa style mong bulok, hindi iyon mangyayari,” matapang kong sagot bago ko inayos ang aking tindig. Napatawa naman siya bago siya tum
“LET'S go, Maria,” pamimilit sa akin ni Yevhen matapos niya akong puntahan sa kinauupuan kong metal chair sa harap ng bartender.Antok na antok ko naman siyang inirapan bago ko ipinagpatuloy ang paglaklak at pagpapakalunod sa pangalawang bote ng alak na hawak ko.Putragis! Tapos na ba siyang mambabae?!Malakas ang tumutugtog na musika at marami ring tao sa aming paligid, ngunit sa akin lang nakatuon ang kaniyang atensiyon.“You’re drunk. May pasok pa tayo bukas,” paalala niya bago niya sinubukang kuhanin sa akin ang bote na mabilis ko namang inilayo sa kaniya.“B-bakit hindi mo na lang i-ipagpatuloy 'yong pakikipag-usap mo sa b-babae mo para. . . p-para hindi mo ako ginugulo rito!” naiinis kong pahayag na nagboses na lasing pagkatapos ay nanghingi pa ako sa bartender ng isa pang bote ng alak.Pinigilan naman siya ni Yevhen kaya naman nagmaktol ako sa kanilang harapan.Ramdam ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Tila gusto na ring pumikit ng talukab ng aking mga mata na pilit ko lang
SHE and our baby became my inspiration to work harder and to create jewelry designs better.Simula noong nakuha namin ang kontrata sa Miss Universe Organization, nagsunod-sunod na kaming kinuha ng iba pang beauty pageant organization.That was just a dream before, but damn, it came true.May bonus pa akong magandang asawa at mga magiging anak pa namin.“YEVHEN, uwi ka na, please. Nandito si Chairman sa bahay,” she said over the phone, making me rush to go home.She’s in her sixth month.Nagkaayos na naman sila bago kami ikinasal pero inamin niya sa akin na hindi pa rin siya sanay kaya hindi ko mapigilang mag-alala.Sumobra kasi ang bait ni Lolo lalo na simula noong nagbitiw na siya sa posisyon niya sa MARIA Corporation. Kahit nga kay Daddy na hindi niya matanggap-tanggap noon ay gustong-gusto niya nang kasama ngayon.I hurriedly went out of the office to get in to my car. Mabuti na lang ay hindi pa traffic hours kaya nakauwi agad ako sa bahay.“Lolo, what brings you here? Akala ko na
*Love Magnet* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I’M always ready since the day I fixed the company, so when I got the chance to ask her, I immediately proposed right away. We married each other again on our birthday. Hindi na sa papel lang, sa totoong simbahan na. “Yevhen!” My body tensed and I jolted in the kitchen right away when I heard her shout. Baka kasi kung ano na ang nangyayari. “Yes, love? What happened?” may pag-aalala kong tanong sinuri ang kaniyang kabuuan. Gumaan lang ang pakiramdam ko nang makita kong walang masamang nangyari sa kaniya. “Ang sabi ko sa’yo, bilhin mo lang 'yong mga kailangan natin sa bahay. Saan natin ilalagay ’tong mga labis na chicken, pork, and beef? Hindi na kasya sa ref,” sermon niya kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Ayaw ko lang naman na lalabas pa siya ng bahay namin kapag wala nang stocks. Ayaw niya rin naman kasing maghanap kami ng kasambahay dahil kaya niya naman daw. “I’ll just order a new freezer,” panlalambing ko ka
*Banana Needs Help!* Yevhen Thyne Mercado Villamayor AFTER all those months that we were apart, she was still scared to take me back. Fuck. Has she forgotten me already? Oh, God. I would not allow that. Kung nakalimutan niya na ako, paiibigin ko ulit siya. ’Yong mas malalim para wala na talaga siyang kawala pa. “You can’t escape me, Maria. Hindi kita hihiwalayan kahit kailan.” I sighed out loud before I looked at the evening sky. Nandoon siya sa pool area kasama ng mga kaibigan niya, samantalang nandito naman ako sa dalampasigan, nag-iisa. Maliwanag pa rin ang paligid dahil maraming poste ng mga ilaw sa tabong-dagat, pero parang ang lungkot-lungkot pa rin. Maybe because my heart was breaking. Damn it. “Humanda ka sa akin, love. Hindi ka talaga makakalakad kapag nagkaayos na tayo,” salaysay ko sa hangin kasunod ng pagsipa ko sa mga inosenteng bato sa buhanginan. Kaunting tiis pa. Naayos ko na naman ang lahat sa kompanya kaya libre ko na siyang masusundan kahit na saan. “
*Lonely Kimchi and Sad Banana* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I thanked Ama a million times after his daughter and I got married. Hindi man kami kinasal sa simbahan, pero at least may papel na akong panlaban kay Maria. I already imagined a happy ever after with her, but our marriage was immediately tested when I discovered her past relationship with her brother. Naging sila pala noong iniwan ko siya. “Y-Yevhen, please magpapaliwanag ako.” She hugged me as she panicked while I was trying really hard to digest her brother’s revelation. I couldn’t feel anything as I couldn’t believe it. H-how could he fucking do that?! Kahit ampon lang siya, hindi niya dapat ginawa iyon kay Maria. Siya ang mas nakatatanda kaya siya dapat ang may alam ng tama at mali. “Sorry na. Gulong-gulo ako noong oras na iyon. Pinipilit akong magpakasal ni Mark tapos iniwan mo ako tapos. . .” Bigla akong natigilan at hindi makahinga ng maayos. Right. That was my fault. Kung hindi ko siya iniwa
*By hook or by crook* Yevhen Thyne Mercado Villamayor The following days were the fucking happiest days of my life. Damn it. I would always sleep and wake up with a smile. Wala nga yatang kayang magpasimangot sa akin simula noong naging kami. Yeah. Yeah. I know. Malala na ako, pero ano’ng magagawa ko? Binabaliw ako ni Maria araw-araw. “Sir, excuse po.” My heart automatically hammered when I heard her voice. Nang sulyapan ko siya habang nasa meeting kami with the board of directors ay hindi ko na napigilang mapangiti. Fuck. “Sir, ito po 'yong mga scheduled events ng kompanya. Nag-email na po ako sa mga secretary nila, pero mas maganda na sabihin niyo pa rin para hindi kayo mahirapan sa huli,” pormal na pormal niyang salaysay kaya napatikhim na lang ako para pigilan ang pagtawa. Damn it. Hindi ko alam na nakakabading pala ma-inlove kay Maria. I cleared my throat again. “May email ang secretary ko sa mga secretary niyo. Kindly check it, and the meeting is adjourned,” I anno
*Falling Slowly In Love with You* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “SIR, Sir, Sir.” Napapikit ako sa inis nang marinig ko ang boses na iyon na kapapasok lang sa loob ng office ko. She’s here. Wala na akong nagawa noong si mommy mismo ang nagsabi na si Maria ang magiging bago kong sekretarya. That time, I agreed because my plan is to just use her. Kung siya ang makakasama ko ay hindi na kami pagdududahan ulit ni Clementine ng board of directors. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay umaayaw na ako at parang gusto ko na siyang sisantehin. “Sir, nakikinig ka po ba? Putragis! Dangal mo ang iniingatan natin dito kaya makinig kang mabuti,” maangas niyang pahayag bago siya pumadyak-padyak na tila nagdadabog. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking mesa. Hinilot ko na lang tuloy ang aking sentido. I really fucking hate this woman—lesbian, everyday. “Not now, please. Sumasakit ang ulo ko, Maria,” pagsisinungaling ko para matakasan ko lang ang tsimis na ibibida niya. “
*Enemies at first sight* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “I’m already here, Kuya Blade. Ano’ng room number ni Ate?” I asked over the phone while I was walking inside the hospital. Nang mabalitaan ni mommy kanina na kapapanganak lang ng pinsan ko ay pinagmadali niya na agad akong pumunta rito. Mas excited pa kasi siyang makita ang baby kaysa kay Ate Zemira. “Fourth floor, Yevhen. Room 407. Lumabas lang ako sandali, nandoon si Hera Leigh sa tabi ng ate mo,” sagot niya bago kami nagpaalam sa isa’t isa. At dahil alam ko na kung saan matatagpuan si Ate ay dumiretso na agad ako papunta sa elevator at hindi na nagtanong sa nurse’s station. I just need to take pictures of the baby then I’m done. Nautusan lang talaga ako ni mommy. “Room 407,” I murmured after the elevator opened on the fourth floor. Nang lumabas ako ay nagpatingin-tingin ako sa bawat nakasaradong pinto hanggang sa matunton ko ang aking hinahanap. “Ate,” I called her as I knocked on the door, twice. Pinihit ko na rin an
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin