"Kevs, you can come with us," aya ni Kristel kay Kevin na sumama sa amin.
"Ayos lang Tel. Mag enjoy lang kayong dalawa. Mamaya ko na lang susunduin si Cassy pagkatapos." Sabi ni Kevin at hinalikan ako sa pisngi na normal na sa ’kin.
"Please take care of Cassy, Tel," namula ako dahil sa sinabi niya. Ganyan na siya noon pa man at nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan niya ‘ko ng lalaking mabait at matulungin tulad niya. Sinuportahan niya ‘ko sa maraming bagay at tinutulungan sa mga problema ko.
"No worry Kevs. Akong bahala kay Cassy." But lahat ng iyon ay hanggang doon lang talaga.
Kevin nods at her and look at me. "Call me Cass if you need anything. Okay?"
"Noted Kevs. Thank you," ngumiti siya at ginulo ang buhok ko gaya ng ginagawa niya bago siya umalis.
"How sweet," sabi ni Kristel.
"Don't jump into conclusion Tel. Mabait at sweet lang naman si Kevin. We're just friends and that's all." Sabi ko.
"Okay, if you say so. Tayo na?"
"Tara na,"
Pagdating namin sa condo niya, I get my phone to check if Liro send me a message pero wala kaya nilagay ko ulit ang phone ko sa loob ng bag. Ano ba namang ini-expect ko?
"I want to offer you a beer but since you're preggy so no beer for you lady. Tama na ang juice at maghintay ka muna dito sandali dahil gagawa ako ng pizza."
"Tel, gusto ko rin ng nuggets. Ipagluto mo naman ako." Sabi ko sabay puppy look.
"Sige! Tigilan mo nga yan. Nakakadiri," sabi nya na natatawa kaya sumimangot nalang ako dahil doon.
Dahil mag-isa lang ako dito sa sala at nasa kusina si Kristel na gumagawa ng pizza, napagdesisyunan ko nalang na manood ng tv habang hinihintay maluto ang mga nuggets ko.
I decided to watch Wolf blood because I find it cool, you know. Gusto ko si Maddie sa seryeng ito dahil maganda siya. Gusto ko ang mata, ilong at pati buhok niya. Ang ganda talaga.
I enjoyed watching the series when my phone rang so I get it inside my bag. Si Kevin pala ang tumatawag.
"Hey," sabi niya pagkasagot ko ng tawag.
"Hello, Kevs. Bakit ka napatawag?"
"Want to check on you. Okay ka lang ba diyan? May gusto ka ba? Nag e-enjoy ka ba? Kamusta si little Cassy?" Medyo natawa ako dahil sa walang tigil niyang tanong.
"Easy Kevs. Ayos lang si baby. Nasa kusina si Kristel nagluluto ng snacks. I asked her to cook nuggets for me. I crave nuggets." Sabi ko at bumuntong hininga. Ang tagal maluto.
"Sige. May gusto ka bang kainin bukod sa nuggets? Bibilhan kita mamaya. Anong gusto mo?"
Bigla akong natuwa sa sinabi niya. Magandang balita ito para sa ‘kin. I’ve been so matakaw lately. Makakalibri na naman ako nito.
"I want strawberries Kevs. We want to eat strawberries. Bibilhan mo kami niyan?" I asked in my sweet tone. Kevin is really sweet. Sana talaga makita na niya yung babaeng para sa kaniya.
"Oo naman. Kapag susunduin kita mamaya, ibibigay ko sa’yo yung strawberries."
"Yahoo! Thank you, Kevin. You're the best!" Natawa siya dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang dimples niya sa pisngi. Sobrang gwapo niya talaga to be honest.
"You're welcome, Cass." Sincere niyang sabi.
"By the way, nasa business trip ka ba?" Tanong ko dahil napansin ko sa background niya na medyo nasa isang fancy na lugar siya. Maraming mga tao na dumadaan sa likuran niya na nakabusiness attire.
"Yeah. I'm going to meet- Oh! sorry, Cass. I need to hung up this call. I think, nandito na ‘yong ka meeting ko." Bago niya i-end ang tawag, hindi ko alam kung tama ako pero sa tingin ko, nakita ko si Liro sa background niya o baka nagkamali lang ako?
Siya ba ‘yon? But why he looks so pissed?
Nang matapos ni Kristel ang pagluluto ng pizza at ang nuggets ko ay sabay kaming kumain at nag-usap tungkol sa ilang bagay. Girly stuff ang ibig kong sabihin. Aside from Kevin, she's my female best friend that I trusted the most. Walang sikreto na maitatago ko sa babaeng ito.
"So kamusta na kayo ni Lianne?"
"Ewan ko, Tel. Hindi na kami nag-uusap simula noon nang malaman niya ang pagbubuntis ko. Itinago siya ng mga magulang ko sa ‘min ni Liro." But I have a hunch na alam ni Liro kung nasaan siya.
"Galit ka ba sa parents mo Cass?"
"Hindi naman. Malungkot lang dahil ang unfair nila on my part. They accused me that I seduced Liro even if I'm not. Kung maibabalik ko lang ang panahon, baka hindi ako umuwi ng gabing iyon na lasing."
"Pero Cass, hindi ikaw ang nagkamaling pumasok sa kwarto. Si Liro kaya hindi ko maintindihan kung bakit ikaw lang ang sinisisi nila. Kung titignan natin ang buong pangyayari, si Liro ang may kasalanan."
"Ewan ko, Tel. That time lasing din si Liro kasi niyaya siya ni dad nung araw na ‘yon na uminom sa bahay namin at alam naman ng lahat na inlove si Liro sa kapatid ko kaya iniisip talaga nila na ako ang nang-akit kay Liro."
Bumuntong hininga si Kristel at nakikisimpatya habang nakatingin sa ‘kin. "Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya ang lahat Cassandra. Mag-abroad tayo at doon natin palakihin si little Cassandra. Tutulungan kita dahil para na naman tayong magkapatid."
Napaluha ako sa sinabi niya. "Salamat, Tel!"
"Don't cry, Cass. Ang panget mo pag umiiyak e," aniya at niyakap ako ng mahigpit. Nakapagsalita ‘to e isa pang umiiyak na rin.
"You know what, kanta na lang tayo."
"Yeah. Let’s do that"
-------
Sinundo ako ni Kevin nung tinext ko siya na gusto ko nang umuwi. 6 na ng gabi kaya dapat nasa bahay na ‘ko bago umuwi si Liro. Ipagluluto ko pa kasi siya ng dinner.
"Hello, little Cassy," Bahagya akong natawa nang hawakan niya ang tummy ko.
"Nasaan ang strawberries namin?"
Inabot niya sa akin ang isang basket ng strawberry at hindi na ako makapaghintay na kainin ito sa bahay.
Pagdating namin, madilim pa ang bahay means hindi pa nakaka-uwi si Liro. Niyaya ko si Kevin na pumasok sa loob pero tumanggi siya dahil sinabihan siya ni tita Marcel, mommy niya na mag di-dinner sila mamaya.
Pagbukas ko ng ilaw, laking gulat ko nang makita ko ang 3 basket ng strawberry sa mesa.
Inilapag ko ang basket ng strawberries na binigay ni Kevin at hinanap ko si Liro sa loob ng bahay. Akala ko nasa minibar na naman siya pero laking gulat ko nang makita ko siya sa kusina na nagluluto ng nuggets at pasta. So he’s here pala. Pagkakita ko ng nuggets, bigla agad ako nagutom. Not to mention na kakakain ko lang.
"Sorry, natagalan ako." Sabi ko.
"It's okay. I cook your dinner." Sabi niya sa seryoso niyang tono.
"Salamat. Binili mo ba yang strawberries?" Tanong ko.
"Oo,"
Para ba kay Lianne? Napakaswerte.
"Okay. Huhugasan ko muna yung strawberry ko bago ako kumain."
"Yung strawberry mo?" Tanong niya.
"Yeah. My friend bought me some. I crave strawberries. Our baby maybe wanted to eat strawberries." Nakangiting sabi ko. Pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa’kin diretso sa mga mata.
"Para bay an kay Lianne?" Inosenteng tanong ko.
"Hindi. I mean, oo."
Oh okay! So nagkikita pa pala sila. Ngumiti ako ng mapait at tumalikod sa kaniya para kunin ang mga strawberries. Pagkatapos kong linisin ang mga iyon ay umakyat na ako para magpalit ng damit.
Hindi pa ako bumaba ulit para kumain. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at nagsusuklay while talking to my little angel.
"Marami tayong nakain na nuggets baby ah. Gusto mo ng nuggets, 'no?" Natawa ako nang maramdaman ko ang paggalaw niya sa tiyan ko.
Hindi ko alam kung nararamdaman na ba ng mga mommies ang paggalaw ng baby nila in 5 months sa tummy nila or I just assume na medyo gumalaw si ang anak ko?
"Pinagluto tayo ni daddy ng nuggets. Masaya ka ba?" Hindi na ako makapaghintay na ipanganak siya, na makita siya. Marami akong plano para sa kaniya.
Aalis na sana ako para kumain sa ibaba, nang biglang tumawag si Kevin kaya sinagot ko ito but I was surprise ng si tita Marcel ang nakita ko sa screen.
"Darling, you should come with Kevin to our ancestral house. I was waiting for you." Malungkot na sabi ni tita Marcel.
"Tita Marcel, I’m so sorry. How about next time? I need to go home to take vitamins for the baby."
"Oh! I can't wait to see my apo soon." Bulalas niya.
"Yes Tita Marcel, ako din. I miss you."
"I miss you too darling. How are you by the way? Inaalagaan ka ba ng ama ng bata?" Tanong niya.
"Binibigay niya ang pangangailangan naming, Tita." Sagot ko na para bang enough na alaga na iyon.
"Maganda ba ang pakikitungo niya sa iyo?"
Hindi ako sumagot at napansin iyon ni Tita Marcel.
"You know what darling; just tell us if you want to run away. We're here! I'm sure my son would love to take the responsibility for you and the baby. He will marry you."
"Tita, Kevin, and I are good friends. Kevin deserves better." Sabi ko.
"Darling you are perfect. Anyway, I'll give this call to my son now. Bye Cass,"
"Bye tita Marcel, Kevin-“
I am too overjoyed when I see Kevin on the other side of the call but suddenly Liro grabbed my phone and throw it at the wall. Nasira ito!
"Liro!"
"You are not going to see that b*stard again." Galit niyang sabi.
"Ano? Bakit? Kaibigan ko siya! Nasisiraan ka na ba ng bait?"
"Oo dahil nasa bahay ko kayo at responsibilidad ko kayo." Galit na sabi niya.
Naiiyak ako dahil sinigawan niya ko at sa sinabi pa sa’kin na layuan ko si Kevin, ang best friend ko. How can he do that?
"I can't do that Liro. Mabuting tao si Kevin. Siya ang tumutupad sa mga tungkulin na dapat ay sa’yo."
"Ano? Sinasabi mo bang hindi mo’ko susundin?"
"Oo. Because you’re being unreasonable and unfair."
Tumayo ako at akmang aalis nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"You're not leaving," he said, he then smashed his lips to mine and claimed my lips like it is his possession.
Sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya. Mapusok ang mga halik niya. Parang pinaparusahan niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
"Ako ang ama ng bata. You’re mine, Cassandra! I’ll do everything to destroy you like how you destroy my relationships to Lianne.”
Sa guest room ako natulog ng gabing iyon. Ayokong makita ang mukha niya dahil sa ginawa niya. Sobra na siya!It's been 2 days since that incident at hindi ako lumabas ng kwarto ko kung andun siya. I'll cook his breakfast and dinner then matutulog na ako after para makaiwas sa kaniya.Nagbabasa ako ng kwento sa loob ng kwarto nang magpakita si Liro. Hindi ako nag-abalang tingnan siya. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro na hindi pinapansin ang presensya niya."Bumalik ka na sa kwarto natin," sabi niya pero pinili kong hindi siya pinansin."I'm sorry but I mean it. Bawal kang makipagkita ulit sa lalaking yun." Sabi niya na ikinagalit ko."Umalis ka na. Nakaka-stress ka lang! Kung ayaw mo sa akin, maawa ka sa anak mo. Gusto kong maging okay siya kaya please umalis ka na!"Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Sa halip ay mas lumapit siya sa akin. Tumingin ak
Kinaumagahan, wala si Liro. Alam ko na kung nasaan siya at naiintindihan ko siya. Ganun lang niya kamahal amg kapatid ko at ako ang hadlang sa love story nila. In the first place, ako dapat ang mag-sorry sa kanila. Pinaghiwalay ko sila.Hinawakan ko ang tummy ko gaya ng ginagawa ko tuwing malungkot ako. Gusto kong malaman ng baby ko na okay lang si mommy kahit anong mangyari.Bumaba ako at nagtimpla ng tsaa. Maghapon na lang siguro akong maglilinis ng bahay at mag-explore para hindi ako mainip. Nakaka-inip yung ako lang mag-isa dito sa loob ng bahay.'Ano ang lulutuin ko for my breakfast?'Binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain. Mayroong jam and bread, bacon, itlog at karne ng baboy, manok at isda. I don’t have the appetite today but I need to eat for my baby of course."Baby anong gusto mong kainin?" Medyo natatawa ako dahil tinanong ko ang anak ko na halatang hindi
Bago sa’kin ang tratuhin akong parang reyna. Hindi ako sanay sa totoo lang. Katulad ng nangyari ngayon, Liro I mean yung lalaking kamukha ng asawa ang siyang nagpapakain sa’kin na para bang disabled ako."Love, try this," napatingin ako sa pagkain na nasa kutsara. It's mushed potato na niluto niya para sa’kin. It's weird on my part kasi everytime I look at him, ang asawa ko ang nakikita ko at alam naman nating lahat na hindi sweet si Liro.“Say ahh..” Ganito ba talaga siya? Ini-spoil niya ako. Ano ba talaga ang intensyon niya sa pagpapanggap bilang Liro?“Hindi mo kailangang gawin ‘to. Kaya kong kumain mag-isa." Sabi ko at kinuha ang kutsarang hawak niya at tinulungan ang sarili kong kumain.Napawi ang ngiti niya at naging seryoso. Tahimik siyang kumakain habang ako ay nasa tabi niya. Sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko kanina. H
“They live happily ever after,” huling mga salitang sinabi niya bago isara ang libro. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang buhok ko na para bang isa akong mamahaling bagay na iniingatan niya. Eto na naman siya, ang sweet na naman niya.“Ah- goodnight,” medyo kinabahan ako at gusto ko na lang matulog agad pero napasigaw ako nang hatakin niya ako palapit sa kaniya ng walang pasabi."What are you doing?" tanong niya. Malamig ang mga mata habang walang emosyon ang mukha.“I’m g-going to sleep... l-love,” nauutal kong sabi.“Oo pero bakit mo ako iniiwasan? Akala mo ba hindi ko napapansin yun?” Napabuntong hininga ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Malamang mag-iiwan ito ng pasa bukas.“Masakit,” pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay nanlaki ang mata niya. Sa wakas binitawan na niya ang kamay ko. Takot na takot ako sa kaniya ngayon sa totoo lang.“I’m sorry love
Buong araw akong nakakulong sa kwarto. Literal na ikinukulong niya ako dito. Nakiusap ako sa kaniya na palabasin ako kanina nang ihatid niya ang pananghalian ko dito pero hindi siya nakinig.I just spent my time reading some books para hindi ako mainip. Galit ako sa kaniya pero hindi naman totally because he’s taking care of me and it’s too ironic. He’s a psycho for sure.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras. Gabi na siguro ngayon. Kakaligo ko lang at ngayon ay nagsusuklay na. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya.May dala siyang gitara at nakangiti siya sa’kin. A genuine one. Sa tuwing titingnan ko siya, hindi ko nararamdaman na masama siyang tao. Aside from the fact that he's pretending as Liro, wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Sa totoo lang, ini-spoil pa nga niya ako.Am I wrong to judge him?"Anong gusto mo?" I asked trying to emphasize na hindi ako natatakot sa kaniya."Anong gusto mo?" I
Talagang pinagdadamot niya ko kay Kevin. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Tumingala ako sa kaniya habang masama siyang nakatitig sa kaibigan ko."Cas," napatingin ako kay Kevin. Nakikita kong maraming tanong ang bumabagabag sa kaniya. Nakikita ko ito sa mga mata niya. Sinubukan kong lapitan siya pero pinigilan ako ni Hiro."Ano ang pakay mo sa asawa ko?" he’s emphasizing the last word na asawa niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na mag-hi kay Kevin o ano. Ang mga hawak niya sa balat ko ang nagsasabi sa akin na huwag kumilos at huwag siyang galitin.“Pwede ko bang… Maaari ko bang makausap si Cassandra, ng kami lang?” Tanong ni Kevin at gusto ko rin siyang kausapin mag-isa pero hinawakan ako ng mahigpit ni Hiro kaya hindi man lang ako makagalaw.“You can talk to her with me,” I bit my lip when I see the hand of my friend form into a fist.“L-Love,&rdq
Napansin niya siguro ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ko. Ngumiti lang siya dahil alam niyang nag-aalangan ako. Hindi ako makasagot sa kaniya ng oo at hindi."Don't worry love. Marami pa namang oras para kumbinsihin ka. Come, let’s go inside." Aniya, tumango ako at sumunod sa kaniya. Pagpasok namin sa bahay, maraming maids ang nakahilera sa loob.Bahagyang yumuko ang mga ulo nila bilang bigay galang kay Hiro."Welcome home master," narinig kong sabay nilang sabi kaya nabigla ako at hindi makapaniwalang tumingin kay Hiro. I have this feeling na mayaman siya but I didn’t expect that he is that super rich. This house already speaks who rich he is at idagdag mo pa kung paano siya pakitunguhan ng mga tao dito sa bahay niya."They address you as their master. Ganiyan ka ba kayaman?" Ignorante kong tanong sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo. Yung totoo? Kahit yung mga basahan nila dito ay pang mayaman ang datingan e.
Umuwi kami ni Hiro noong gabing iyon. Nakahawak siya sa bewang ko. Pakiramdam ko wala na akong lakas para maglakad. Naubusan ako ng lakas sa ginawa namin kanina."Ang lagkit ko na," reklamo ko. He chuckled and he just kissed the side of my head habang papasok kami sa loob ng bahay namin.Pagpasok namin sa bahay ay agad kaming pumasok sa kwarto. Nag-dinner na kami sa bahay niya kanina bago kami nagpasyang umuwi."Gusto ko na matulog pero ang lagkit ko talaga," lumabi ako dahil bago kami bumaba ng sasakyan niya ay nagsimula na naman siya sa kamanyakan niya.Nong pumasok ako sa loob ng kotse niya, nagsimula na naman siya sa mga kalokohan niya. Kaya ramdam na ramdam ko na basa ang underwear ko sa ibaba. Damn him."Sit here, I’ll clean you." Umalis si Hiro at pumasok sa banyo. Paglabas niya ay may hawak siyang kapirasong tuwalya sa isang palanggana na puno ng tubig
Nakasakay si hiro at Cassandra sa isang truck habang binabaybay nila ang daan palayo sa ancestral house ng Acuesa. Nakatulog si Eve sa bisig ni Cassandra habang tahmik silang dalawa ni Hiro na nakaupo sa likuran ng truck. Hawak ni Hiro ang kamay ni Cassandra. Napatingin siya kay Hiro at nakita ang lungkot sa mga mata nito. Ngumiti si Hiro sa kaniya at hinalikan niya si Cassandra sa noo. “I’m sorry,” sabi ni Cassandra. Ngumiti si Hiro sa kaniya at umiling. “It’s not your fault. I keep in touch with Agui so I know everything.” “But, ang pagdating namin ang siyang dahilan kung bakit tayo umaalis ngayon.” Nakokonsensyang sabi ni Cassandra. Hinalikan siya ni Hiro sa mga labi kasabay ng pagtulo ng luha ni Cassandra. “Mamamatay na ako kung hindi ka pa dumating. Kayo ng anak ko,” sabi ni Hiro at pinunasan nito ang luha sa mga mata ni Cassandra. “But Hiro-“ “It’s fine, love. I trust my brothers. I dedicate my years for the family, this time, I choose you and our daughter.” Natigilan si C
Nasa labas ako sa kwarto ni Eve. Tinawag ko siya para lumapit sa akin. Ayaw niyang lumabas ng kwarto dahil nagtatampo pa siya sa papa niya."Halika na Eve. Samahan mo sa garden si mama." Sinabi ko sa kanya."Mama!" Nagmamaktol na aniya dahil ayaw niyang sumama. Kumunot ang noo ko dahil magkukulong lang naman ulit siya sa kwarto magdamag at maglalaro ng mobile games. Hindi ito maganda sa kaniyang kalusugan."Tama na ‘yan. Tara na. Makinig ka kay mama." Sabi ko at pinilit siya. Hindi ko alam kung bakit pero isa-isang nagsialisan ng bahay ang mga tao to the point na ako na lang, ang anak ko at si Hiro ang naiwan. Kahit si Lianne at ang kaniyang anak ay wala dito.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.I chose not to mind it at pinilit ko nalang si Eve na sumama sa akin. Dahil ako na lang ang naiwan dito, ako na rin ang bahala sa mga gawain dito sa loob ng bahay.Pagdating namin sa garden, nakita ko ang mukha ng anak ko na nagulat habang nakatingin sa mga butterflies sa isang malak
Maya-maya pa, nang matapos ko na ang lahat ay umakyat ako sa itaas para kunin si Eve.Nakita ko siyang natutulog sa paa ng papa niya habang si Hiro naman ay payapang nakatingin sa anak niyang nakatulog.Nang makita niya ako, agad akong lumapit sa kaniya aora kunin si Eve."Pasensya na," sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin. Iyong ngiting matiwasay. Nandito na naman ang bigat sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong bumalik na siya sa dati."Mama," nagising ang anak ko. Nang makita na karga ko siya ay agad siyang lumingon sa papa niya."I'm sorry po, nakatulog ako." Sabi ni Eve."It's fine, princess." He's still the same. Kahit nawala na naman ang ala-ala niya, he sti treating our daughter like a princess.Magpagaling ka na Hiro. We are waiting for you.Magpapaalam na sana ako na aalis na, nang biglang may batang tumakbo papalapit kay Hiro."Daddy!" Sigaw ng batang babae. Nakatingin kaming dalawa ni Eve kung paano umakyat ang bata sa kama para yakapin si Hiro."Daddy, I misse
After a month, nasa ancestral house kami ni Hiro kasama ang anak ko. Maraming nangyari noon. Naging posible ang lahat ng ito dahil kay Luca. Kung wala ang tulong niya, tiyak na mahihirapan kami dito.------Habang naghahanda kami, inayos ni Agui ang mga kailangan kong dalhin para sa pagpunta ko sa ancestral house ng Acuesa.Inaayos ko na rin ang mga gamit ko para ready na ang lahat pagdating ko. Iiwan ko si Eve kasama ni Shia sa Hacienda Seya dahil masyadong delikado na dalhin ko siya sa Ancestral house kung nasaan ang papa niya."Handa ka na ba?" Tanong ni Liro habang nakaharap sa akin. Tumango ako. Sa mga nakaraang linggo ay inihanda ko na ang aking sarili para sa araw na ito."Alam mo na ang gagawin, Cassandra." Sabi niya.Alam ko ‘yan. Matagal ko na itong pinaghandaan. Kailangan ko lang malaman ang kalagayan ni Hiro, kung okay lang siya at kung maaari, doon ko siya ilalabas. Sabay tayong tatakas."Cas," napatingin ako kay Lihiro. Nag-aalala siya habang nakatingin sa akin.Lumapit
Alam kong sinusundan kami nina Lihiro at Stallion. Natahimik siya kanina no’ng sinabi ko ‘yon sa harap niya.Ang nakakapagtaka, tahimik din ang dalawang bata ngayon. Hindi naman sila nagtanong tanong. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Nakaabang na sina Sam at Liro. Bakit kaya. Anong nangyari? Akala ko magtatagal sila sa ospital. Nakaparada ang sasakyan malapit sa bahay.Bumaba sina Eve at Atlas sa tricycle. Nagbayad ako at binuhat ang mga bag nila."Mommy, okay ka lang?" Napatingin ako kay Atlas. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi."Yes, love. Okay naman si Mommy." Sagot ako. Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit."I love you, Mommy. Huwag kang malungkot.""Thank you, baby. I love you too." Ngumiti si Atlas sa ‘kin ka naunang pumasok sa bahay. Pagtingin ko kay Eve, nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin."Mama, hindi ka okay." Aniya."Iniisip mo ba ‘yong sinabi nung lalaking yun?
"Andrea, salamat ah."Ngumiti lang ako at tinali na ang buhok niya. Kailangan niyang pumunta ng hospital para sa check up niya."Ano ka ba. It's fine. Oh ayan, ayos na." Sabi ko nang makitang ayos na."Thank you.""Welcome," sagot ko. Tamang tama na pumasok si Liro. Nang magtama ang paningin namin ay nakita kong nakakunot ang noo niya."Anong problema?" tanong ni Sam.Hinintay kong sumagot si Liro. May problema ba?"Mom called me. Nandito daw si Lihiro at Stallion." Oh, I forgot to tell him about them. Nawala sa isipan ko. Nang dumating sila nong isang araw ay agad kong inisikaso ang damit na dadalhin ni Eve dahil isinama nga siya nina Shia at Agui. Tapus nakatulog ang silang tatlo ni Atlas pagkatapos kaya hindi ko siya nakausap."Sorry Liro, I forgot to tell you. Nakita ko sila noong nag camping kayo. I was about to tell you yesterday butyou have your walk din." "No. It's okay. But I was confused. What are they doing here?"Naalala ko iyong pinag-usapan ni Stallion at Lihiro."I ov
"Well, I'm not sure. But I think, Luca is also wooing Gege. Or mali ako ng akala?" Sabi ni Shia. She looked so worried. Hindi ko naman aawayin si Gege. Haha.If Luca really likes Gege then it's fine with me. Basta ba, kailangan niyang mag explain sa 'kin kung bakit niya ako niligawan kung iba pala ang gusto niya."May sinabi ba si Gege sa'yo about Luca?" umiling siya. Wala ring sinabi si Gege sa'kin. "I asked Agui about Luca but wala naman siyang sinasabi."Tumango ako. I see. Mukhang tama nga ang hinala ko."I saw them kahapon sa Coffeteria." "Anong ginagawa nila?" curious na tanong ni Shia. Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam pinag usapan nila but enough na ang mga nakita ko para hulaan kung anong mayroon sa kanila. "Date ba iyon?" curious na tanong ni Shia. "Parang," ikling sagot ko. Napasinghap siya. "Go, answer your phone." Binitawan ko ang mga kubyertos at sinasagot ang tawag. "Luca?""Hi," kinalabit ako ni Shia kaya napatingin ako sa kaniya. 'loud speaker mo' aniya sa wala
Pagdating ko sa mall ay bumili agad ako ng wallpaper. Eve wants everything in our room looks like universe. Ewan ko ba sa batang iyon at saan niya nakukuha ang ideyang iyon. Plano kong bilisan lang ang pamimili dahil malapit ng gumabi. Pumunta ako ng school supplies para bumili ng tape, gunting at glue gun. Palapit na ako sa school supplies store nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Shia kaya sinagot ko ito. "Where are you?" tumambad sa 'kin ang boses ni Agui na hinuha ko ay nakakunot na naman ang noo. "Nasa mall. Bakit?" takang tanong ko. Gumilid muna ako dahil maraming tao ang nandito. "Anong oras na oh?" aniya. "Ano ka? Tatay ko?" natatawang sabi ko at mukhang narinig iyon ni Shia dahil narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Umuwi ka na Andrea. Gabi na. Huwag matigas ang ulo." Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Siraulo talaga ito minsan. Tumuloy ako sa school supplies store at namili na ng mga gagamitin ko. Punuan rin dito. Maraming studya
"Mama," tawag sa 'kin ni Eve. Kasama ko siya sa sala dahil kasalukuyan kong kinukuha ang mga buto sa green peas na lulutuin ko mamaya."Yes, love?" tanong ko. Habang ang paningin ay nasa TV. Ka text ko si Shia kanina at nagsabing hihiramin niya si Eve bukas dahil isasama nila ito ni Agui bukas. "Can I go with Mommy Sam?" tanong niya. Nasabi ni Sam sa 'kin na aalis sila tatlo ni Liro at Atlas dahil balak niyang paglapitin ang mag ama."Anak, bonding kasi nila iyon e."Nakita ko siyang nalungkot bigla sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako."Eve,""Mama, good girl naman po ako. Hindi po ako magpapasaway kina Mommy Sam e."I know nak, but"It's okay, Andrea-I mean, Cas." Napakamot si Sam sa ulo niya. Nang malaman niya ang totoo kong pangalan, nalilito na siya sa kung ano ang itatawag niya sa 'kin. Buong akala ko magtatampo siya na inilihim ko sa kaniya ang buong pagkatao ko but, tahimik lang siya.Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Kung paano niya ako pakisamahan noon ay same pa ri