NAGSIMULA itong mag-dribble sa harapan ko, animo’y nagpapakitang gilas sa basketball hanggang sa pumunta ito sa pwesto kung saan ang three-point corner. Sinundan ko lamang ito ng tingin.
Nagpatuloy ito sa pagdi-dribble at pagkatapos ay inangat sa ere ang bola. Saglit itong sumulyap sa akin, sumilay ang malokong ngiti at kumindat bago i-shoot ang bola mula sa kinatatayuan papuntang ring.
Sinundan ko ng tingin kung paano lumipad sa ere ang bola hanggang sa walang kahirap-hirap itong pumasok sa ring.
Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala na nai-shoot niya ang bola kahit na malayo ang ring mula sa kinatatayuan niya.
Ngumuso ako, pinigil ang sarili sa paghanga dahil sa pinakita niyang 'yon. E, ano naman kung na-shoot niya ang bola nang walang kahirap-hirap, Elle?
Bumalik ang tingin ko sa kanya. Kagat-kagat nito ang ibabang labi habang nakatin
“ELLE, mukhang may gusto sa ‘yo si Mr. Zendejas! Pagkakataon mo nang umangat! Kaibiganin mo siya saka maging mabait ka! Pasimpleng akit na rin para mag-level up ka na! Gets mo ako? Huwag mo nang pakakawalan ‘yan kung hindi sasabunutan talaga kita!” sambit niya sa akin na para bang tuwang-tuwa ito at nakikita na ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. “Auntie, hindi po. Bakit naman ako magugustuhan no’n? Saka wala akong maipagmamalaki—” “Maganda ka, Elle! ‘Yang mukhang ‘yan? Maraming mabibingwit ‘yan! Isa na ro’n si Eionn Zendejas! Kaya makinig ka sa akin, ha? Huwag kang mag-inarte riyan at hindi ka naman mayaman! Kailangan nating umasenso!” Tanging pagbuntonghininga na lamang ang nagawa ko. Madalas talaga ay iba kung mag-isip si Auntie. Nakakalungkot man pero depina ang pagiging ganid niya sa pera... sa pag-angat sa b
“HOW’S life going now that you’re working for my twin brother?” kuryosong tanong sa akin ni Ehryl. Naramdaman ko ang presensya niya mula sa aking likod. Napapikit at napangiwi na lamang ako ng wala sa oras. Sinadya kong magpunta sa terrace para makaiwas sa kanya at para na rin makapag-isip ngunit heto naman at nandito ang lalaking iniiwasan ko, sinusubukang makipag-usap sa akin na animo’y wala itong kasalanan. “Kailangan ko bang sagutin ‘yan?” matabang kong sagot. Binuksan ko ang mga mata ko at piniling tapunan ng tingin ang malawak na pool na makikita mula rito. “Bakit ba ang sungit mo?” Marahan itong tumawa hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo niya sa isa sa mga upuang naro’n. “You know what? I didn’t expect to see you getting near him.” “Anong ibig mong sabihin?”&nbs
NANLAKI ang mga mata ko sa naging tanong niya. Huminto ako sa paglalakad dahil agad na umagos ang init sa aking mukha. Galit ko ‘tong tinapunan ng tingin. “Hindi ako katulad ng mga babae mo!” singhal ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit umahon ang galit sa aking dibdib. Naalala ko ang nasaksihan ko noon. Kung paano siya nakipagtalik sa isang babae sa bar! Gano’ng babae ba ang tingin niya sa akin? Walang dignidad? “I’m just asking,” naguguluhan nitong wika. “You slept with him before. I just thought you guys are doing it—” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dumampot ako ng mga batong graba sa gilid ng kinatatayuan ako at pinagbabato ‘yon sa kanya. “Calys! Stop it!” Sinubukan niyang umilag ngunit magaling ako sa
SABAY kaming kumain ng hapunan. Gusto ko sana siyang paunahin sa pagkain dahil hindi ako komportable kaya lang ay maawtoridad niya akong pinaupo sa hapag. Hindi talaga ako komportable gayong kumakain siya sa harapan ko habang nakasuot lamang ng itim na bathrobe. Nakatali naman ‘yon nang maayos kaya lang ay lumalantad ang kanyang dibdib. Basa ang kanyang buhok at yumayakap sa aking ilong ang amoy ng mabangong shower gel. Isang bagong ligong Eionn Zendejas. . . Magana ito kumain. Kahit na chapsuy at fried chicken lamang ang niluto ko ay marami itong nakakain. Samantalang ako ay busog pa... “Aren’t you hungry?” Lumunok ako. Kuryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Yumuko ako at dinampot ang kutsara at tinidor. “Are you mad at me?” “Hindi ho, sir.
NAGTAMA ang mga mata namin. Namumungay ang kanya na animo’y naiintindihan nito ang pinagdadaanan ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti kasabay ang dahan-dahang pagtango. “Lahat naman ng anak ay gano’n ang gagawin. Lalo na kung panganay ng pamilya,” dagdag ko pa. “Maganda ang kita sa bar. Kaya lang ay may nakilala akong mga lalaki na nagpabigat ng trabaho ko ro’n. . ." “Kami ba ‘yon?” Pareho kaming tumawa. Ininuman ko ang beer na hawak ko at pagkatapos ay kumuha naman ng isang piraso ng lemon at sinipsip iyon. “Sino pa nga ba. . ." bulong ko. “I heard you.” “Hindi ko naman itatanggi. . ." “I’m sorry for everything, Elle," seryoso niyang saad sa akin dahilan para mapaawang ang aking labi. "For the insult
KINABUKASAN. . . “Yes, we are on our way, Dale. Hmm, yes I am not alone, I brought someone. Yeah, we will be there around nine-thirty in the morning. Uh-huh, just call Maria and make sure she won’t be late. Great, thank you. . ." Maaga pa lang ay tadtad na ng maraming phone calls ang cellphone ni Eionn. Hindi rin yata lumipas ang isang minuto na wala siyang text na natatanggap. Umiling na lamang ako at sinandal ang aking ulo sa bintana sa gilid ko at pinagmasdan ang mga kalyeng nadadaanan ng sasakyan. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humikab, bumuntonghininga at kung ilang beses kong tinapik ang aking pisngi para lang hindi pumikit nang tuluyan ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagkaantok at ang kaunting pagsakit ng aking ulo dahil sa nangyaring inuman namin kagabi. Kung sinabi niya lang agad na isasama niya ako sa Baguio ay sana hindi n
SA mismong rest house na 'yon ay nagsimulang mag-set up ang mga staff para sa gagawing taping ng pelikula pagkatapos naming kumain ng breakfast. Kunot na kunot ang noo ni Eionn habang paulit-ulit na tinatawagan ang ka-love team ni Dale. Pinapanood ko lamang ang bawat galaw niya at paminsan-minsan ay napapangiti dahil hindi na maipinta ang kanyang mukha. Ganito pala siya magseryoso sa trabaho, huh? Kunot na ang noo at halata na ang pagkairita sa mukha pero hindi ko maitatangging g'wapo pa rin ito. . . “Mukha lang maloko si Eionn pero alam mo ba na sobrang focus niyan kapag oras ng trabaho?” sambit Dale na nagsalita mula sa likuran ko. Nilingon ko ang kaibigan ni Eionn. Kumpara kanina ay may kaunting make up na ang kanyang mukha. Ni hindi ko alam na isa pala siyang artista at sikat na sikat pa sa Pilipinas. Hindi ako palanood ng telebisyon. Mas madalas pa akong makinig ng balita sa r
“ARTISTA ka na rin ba, Ate Elle? Bakit ka nasa taping? At sino’ng mga artista ang nariyan? Picture ka naman, please! Gusto kong makita!” sunod-sunod ang pagsasalita ni Lyka sa kabilang linya nang mapatawag ito sa akin kinahapunan. Saglit muna akong lumayo sa taping dahil ayaw ko namang makaistorbo sa trabaho nina Eionn pati ang mga kasama niya. Naglakad ako sa malapit na bridge sa gitna ng isang malawak na lawa. May mga water lilies na nakalutang do’n at iba pang mga bulaklak na nagbigay ng buhay sa animo’y ruined bridge. Huminto ako sa gitna ng bridge at pinagmasdan ang malinaw na tubig mula sa ibaba. “Ano bang sinasabi mo na artista ako? Sinama lang ako ng amo ko rito sa Baguio para may katulong siya ‘no,” tugon ko at saka humawak sa railings. Humagikgik si Lyka sa
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M