I'm John Smith, a promising aspirant who wants to become the greatest actor the world has ever seen. I'm lying down while she's on top of me covering my mouth to keep me from making any noise.
This is my current predicament.
...How did it come to this?
Why do I get the feeling that whenever when I'm with this girl, things like these are bound to happen?
I can hear the distant music in the back of my ears, evidence that we're not that far away from the group.
I heard her click her tongue. There's something about her doing this really infuriates me but somehow grows on me in time.
"Stop squirming! You're making this hard for me." She said as she pushes her hands towards my face.
"Then don't cover my face. I can't breathe!" I said while trying to struggle my way out of her grasp.
Secret Operation: Take over cubicle number three!If I would write my own story, I would name my chapter just like this. I don't know if it will sell or not but I guess I don't really care. I just find it very funny that incidents like this actually exist....Well, color me surprised. They really did exist.Isip-isip ko habang pinapakinggan ang paligid ko. Kailangan naming gawin ito ng tahimik at dapat walang taong makakita sa amin. I don't know if this will succeed or not but we have to try. There's no way we can stay at this place any longer.Parehas kami tumango ni Anastasia, ang signal na maaari na namin gawin ang plano."Three, two, one, go." Sabi ko sa siya namang hudyat ng paggalaw naming dalawa.Agad tinaas ni Anastasia ang lid ng storage box na kinapapalooban naming dalawa at lumabas. Sumunod ako sa kanya na agad nama
...Say that again? I've been ringing these words inside my head literally thousand times now while I'm sitting on this wide chilly floor. When I thought about the toilet incident is already bad, this freaking incident happened. When I look at my right side, I can see the landscape of the city I'm living in. While on my left side, I can view my house and the school I'm attending. ...How high am I right now? Hindi yung sabog na high. Wag kang ngumiti o tumawa. Ang iniisip ko ay kung gaano ba talaga kataas 'tong kinalalagyan kong building. I mean, I'm basically just rotating my head around and I can already see the whole landscape of the city I'm in. How crazy is that? Paggising ko ito na agad ang nakita ng mata ko. I'm not even kidding. When I told myself, I should get used to these things already but things al
"Anong bang iniisip mo? Bakit mo sinabi ang mga nangyari sa hotel?" A loud voice of a girl entered my ears. ...Can we normalize being quiet in the morning? I plead in my mind. This noisy girl who's been going at this one-sided conversation as soon as we hit inside the limousine is Anastasia Frey. Her long black hair dances as she turns her head from left to right showing how frustrated she was after that incident that happened earlier that day. Thirty minutes ago, I woke up in this unfamiliar place way up in the skies where I can see everything from that place. What I discovered later on is that the building is actually the place where Anastasia lives. ...Talk about being filthy rich. I know Freys are known for being a wealthy bloodline pero hindi ko inaasahan na ganun ka kayaman. What's more surprising is that building does not
I sighed to express how worn-out I am. I'm resting my chin above my hands over these waist-long railings by the edge of the rooftop as the wind brushes my cheeks. I let my eyes observe the students below that seemingly looked like ants from my perspective. It's faint but there's a hint of chattering that can be heard from several storeys below me. It's from the students who are holding classes around this time. Nope, I'm definitely not cutting classes. I'm just taking a stroll after indulging myself in silence in the clinic. Hindi ko kinaya ang katahimikan kaya 'heto ako ngayon nasa rooftop. Bakit ako nasa clinic? I got suffocated in everyone's attention in the class which made me fake a stomachache. The teacher easily made the decision to let me out without even checking to look if I'm actually hurting. ...Look how they treat me nicely now. 'Nung nakaraan lang nor
Clouds are starting to gather around the skies hinting that it might rain later on....I hope I remembered bringing my umbrella with me.I was already cherishing my time here on this rooftop when I heard school bells ringing to signal lunch break. Just when I'm about to hit the door to go downstairs, the door opened and a girl flexing her dark long hair appeared."I figured you'd be here" Sabi niya habang papalapit ang lakad sa akin."Where else could I be? Ngayon na hindi ko na sinusuot ang mask ko, everywhere I go will be a mess.""Hindi ko na problema 'yun." Sabi niya sabay iwas ng tingin niya....You're the root of this mess!Of course, I didn't say that aloud. I'm sure this girl wouldn't even think twice to clobber me right in my gut. She's vicious."Wait, bakit nandito ka?" Na
"Order our maids to surround the perimeter." The girl said in an assertive voice as she strike her hand in the air.This girl who has these bold-looking eyes orders me.Her hair flutters as the wind from the window blows. However, that didn't take away the fierceness in her face."My Lady..." Agad akong lumapit at yumuko ng bahagya."Don't let any student get past these stairs." Her voice echoed through the area.Anastasia paused for a moment to look at the door to the rooftop."Hayaan muna natin siya mapag-isa." She said as she turns to go downstairs."Masusunod po, Lady Anastasia." Sagot ko habang nakayuko pa rin ang mga ulo.This girl who is walking downstairs with her arms folded is the one who I'm serving and her name is Anastasia Frey.She's in her pristine Crossroad Academy Un
Napabugtong hininga ako ng malalim. "Hindi ako makapaniwala na nakauwi ako ng maayos."Sabi ko habang inaalala ang mga nangyari kanina. It's tough being a famous person. From now on I have to plan a safe-proof route in order to get home safely. I can't let anyone much less the media find the place I live. It will cause problems not only for me but the landlord of the place we're staying in as well. ...Ayoko rin malaman ng mga tao na iisa lang kami ng tinutuluyan ng kapatid ko. Gabi na ng nakauwi ako dahil umikot pa ako para maligaw ang mga taong sumusunod sa akin. ...This is definitely not going to be easy. Do I have to do this every single day? Bigla kong naalala yung nakangiti niyang mukha. ...That girl's not cute at all. She knew I will have trouble
Minsan napapaisip ako, ilang percent ba ng mga tao ang masayang gumigising sa umaga. Alam kong dapat nating ipagpasalamat na nagigising tayo in the first place pero tuwing naaalala ko ang mga panahon na basta-basta nagigising na lang ako sa ibang lugar, bigla na ako natatakot minsan magising. Imagine yourself in my shoes. ...It's morning again. This is one of the few times I wish morning won't come again. May biglang akong narinig na katok na nagmumula sa labas ng room ko na kumuha ng atensyon ko. Tatlong beses ito kumatok bago nagsalita. "Kuya? Gising ka na ba? Kung naririnig mo ako, pinapasabi sa akin ni ate Anastasia nandito na sila para sunduin ka." ...Come again? Did she just say na nandito na sila? What the heck? Diba ang usapan namin magkikita na lang kami sa meeting place? I know I said this many time now but
...What the heck is happening! Ano to Anastasia? What is the meaning of this? Parang paulit-ulit na sirang plaka na umaandar sa isip ko habang tinitingnan ang babaeng nasa harap ko. I'm in topless pajamas while she's in her night lingerie. Bakit ako nakatopless? Well, ang salarin lang naman ay ang babaeing nasa harap ko, ang nagngangalang Anastasia Frey. Ang babaeng ito ang nagblackmail sa akin para pirmahan ang kontrata na ito, ang magpanggap na husaband niya at maging CEO ng kumpanya ng pamilya nila. Kakatapos lang ng kasal namin at ngayon naman ay supposedly magiging honeymoon namin. Honeymoon dapat ito pero ano ito? Bakit ang daming tao sa labas ng pinto ng kwarto namin? Anong nangyayari? Naririnig ko ang boses ng bawat employees ng mansion na ito na nag-uusap tungkol sa amin. ...What is happening?Alam ba nilang naririnig namin ang bawat ingay nila ni Anastasia? "Please, just do what I want and don't ask why I'm begging you." Sabi ni Anastasia sa akin.Kamuntikan ko ng hind
Binuksan ko ang bintana ko para makalanghap ng sariwang hangin. Medyo nakakasawa din kasi na palaging amoy ng aircon na lang lagi ang naaamoy ko. At isa pa, hindi ko rin trip ang ginagamit nilang pabango sa sasakyan na ito....Ugh, kung amoy pangmayaman ang tawag nila dito, mas gugustuhin ko pang maging mahirap.Sabi ko sa isip ko habang inaaliw ang sarili kong diwa sa mga nakikita kong view sa labas.Mag-iisa't kalahating oras na kaming nasa biyahe at hindi pa rin kami nakakarating sa destinasyon namin. Sabi ni Yula aabutin ito ng dalawang oras kung magkakaroon ng traffic.Sa hinabahaba ng oras ko dito kakatingin sa labas ng bintana ay sa tingin ko naman ay walang magiging problema. Mabilis ang takbo namin, sign na walang aberyang nagaganap. Onti lang din ang sasakyan na nakakasabay namin. Everything so far is going smooth, Siguro ang iniisip mo, what could possibly go wrong on a perfect day like this? Iba ako. I know something is up. Hindi ko lang alam kung ano ito. I bet it's som
Nordi Mansion, isa sa pinakamagagadang bahay sa mundo. Ang nag disenyo lang naman ng luxurious mansion na ito ay ang tinanghal na the Pritzker Architecture Prize awardee two years ago. The one who made it will inevitably get all the attention pero hindi nila alam na sa likod ng malaking tagumpay ng arkitekto na gumawa nito ay ang malaking pangalan ng mga Frey. Sila lang naman ang sumuporta sa genuis architect na ito habang walang ibang pumapansin sa kanya.Pinagkaloob ang Nordi Mansion sa pangangalaga ng mga Frey bilang simbolo ng pasasalamat ng genuis architect sa kanila nang manalo ito ng Pritzker Architecture Price."Nakita ko rin ito sa wakas, nakita rin kita!" Sigaw ng isang tao nang makita nito ang napakalaking Nordi Mansion sa harap niya"This place sure is big," He commented as he saw the big @ss mansion right in front of him. Nakatayo siya sa harapan ng isang napakalaking mansion habang nakapamulsa at dala-dala ang mga ngiti sa labi niya. Binungad siya ng napakalaking pint
...It is as soft as cotton candy.Yun lang ang unang tumakbo sa isip ko. Nang dumampi ang labi niya sa labi ko ay ito agad ang naging misyon ng utak ko, ang maghanap ng kahit anong katulad nito o kung wala man ay maghanap ng malapit na katulad ng labi niya to further elaborate my thougths on the matter.Kung pamilyar ka sa pagkain na cotton candy ay maiintidihan mo ang tinutukoy ko. Madali mong maihahalintulad mo ang labi niya dito.It easily melts in your mouth without disappearing. Naalala ko bigla ang unang beses na hinalikan niya ako. Nangyari yun nung nasa fitting room kami kahapon lang. That was my first kiss. I had my guard up but she stole it anyway. Alam ba niyang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil doon? Teka? Alam ba niya ang nangyari? Ang pagkakaalam ko ay lasing siya ng mga oras na iyon dahil sa nakahalong alchohol content sa pagkain na kinain namin. Nalaman ko na lang ito kagabi dahil naamoy ko ang sarili ko habang nagsisipilyo. I can't believe how vulnerable
...What a lovely smell this is. I thought to myself as I relish the fragrance surrounding me. Out of all the different fragrant flowers surrounding me, I managed to pick up the scent of the flower freesia. Ang freesia ay nakalista sa isa sa pinakamababangong bulaklak sa mundo kaya hindi na nakakagulat kung maamoy ko ito dito. Ang puti ng paligid ko pero hindi ito naging hadlang para hindi mamukadkad ang halimuyak ng iba't-ibang bulaklak na nakapaligid sa akin. Pagkarating ko pa lang kanina sa lugar na ito ay ito agad ang bumungad at una kong napansin. ...This is a hell of a lot of flowers. Kahit siguro kumuha ako ng truck at ipasok ang lahat ng flowers na naka-design dito ay kulang pa. I wonder how did they manage to put these tons of flowers up? Dumating ako 7:00 o'clock am sharp and they are already been here like its the most normal thing to see. I heard from one of the organizers who I manage to ask earlier that Anastasia specifically order to design the church this way
Tumila na ang ulan pero maririnig mo pa rin ang kakaunting mga patak ng ulan sa labas ng bintana na pilit ginugustong magsabay-sabay. Kakalabas ko lang bathroom matapos magbabad sa maligamgam na tubig sa bath tub. Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam ako kay Alice na lalabas muna ako para magpahangin sa labas. Hindi ko rin kasi alam kung makakatulog ako habang gumugulo sa isip ko ang mga bagay na nalaman ko. Nang makalabas ako ng pintuan ng apartment ay napagdisisyunan kong ikutin ang buong neighborhood. Hindi naman ganun kalaki ang village kaya kayang kayang kong ikutin ito. At isa pa, kung maswerte ako, baka may makasalubong pa akong nagtitinda ng streetfoods. Hindi alam ni Alice ito, pero malaki ang hilig ko sa mga fishball, kikiam, kwek-kwek, at iba pang exotic snacks na madalas nabibili sa kalye. Basa pa ang kalye dahil sa ulan kaya nakasapatos ako ngayon. Simple lang din na outdoor clothes ang sinuot ko. Ayokong kasing maka-attract ng mga tao sa paligid. Kahit gabi na kasi
"Congratulations on being accepted in the Starhunt. A message from your greatest friend and rival, Leon."Pagbasa ko pa lang sa mga salitang 'yun ay gusto ko ng itapon ang phone ko....How did that guy even have my number?"Kapag nakita ko talaga yung taong yun, hindi lang sapak ang aabutin nun." Bulong ko habang binubulsa ang phone ko."Sino yun?" Tanong ni Anastasia."Nothing..."Nang napansin niya ang sagot ko at ang mukha ko ay agad niyang tinaas ang kwelyo ko para ipakita ang pagbabanta niya."It's just an old friend of mine. Lalake siya." Agad kong tinaas ang dalawa kong palad para ipakita na sincere ako sa mga sinasabi ko....Why am I even telling her this? Hindi ko naman dapat i-emphasize ang gender niya para sa kanya."Hmp... Okay, let's continue.
After kumain ay agad na kaming dumiretso sa clothing area ng mall para mamili ng mga gagamitin naming damit bukas.Bago pala yun ay nasabi na sa akin ni Yula na nakapili na ng wedding gown si Anastasia for tomorrow at nakahanda na rin pala ang susuotin ko.Nagulat ako pero ano ba naman ang magagawa ko. Hindi ko na tinanong kung paano nila nakuha ang size ng damit ko. Baka may bagay pa akong hindi gustong marinig. Mas lalo akong mahihiya....They must've gotten my sizes in that time.Ang tinutukoy kong time ay yung time na nagising na lang ako na iba na ang suot-suot kong mga damit. Yung time na nagising ako na kaharap ang lola ni Anastasia, si Glenda Frey.Paano ko ba siya napapayag pakasalan ang apo niya? Parang andali naman niya atang pinayagan ang mga bagay, hindi ba? Nalaman niya lang na nagshare kami ng apo niya ng iisang kwarto ng isang gabi, puma
Hindi ko alam pati sa oras ng pagkain susubukin ako ng babaeng ito.Bumalik na ang waiter para kunin ang orders namin. Kitang kita sa mukha nito ang saya dahil syempre customers kami. Alam niyang kikita na naman siya ng pera. I'm just kidding. I like this guy. He's always smiling and always putting his best foot forward.Inuna niyang kunin ang orders ni Anastasia dahil siya ang host at ako naman ang susunod dahil ako ang guest. Basta may ganun ganun sa ganitong fancy restaurant. Hindi ko nga alam bakit mag ganun ganun pa. Nakakatawa.Sinabi ni Anastasia ang mga order niya with confidence at tila nakatingin pa sakin habang binibigkas ang mga salitang dishes na order niya.Kitang-kita mo sa mga mata niya ang confidence at sa labi niya ang ngiti na tila nagsasabing hindi ko makakaya ang mga ginagawa niya.Nang matapos siya ay pumunta na sa akin ang waiter para sa mga order ko.