Patawid na sana ako sa papasok sa skwelahan nang mamataan ko ang isang lalaki na tila walang pakialam sa kanyang paligid. Tulo-tuloy lang ito sa paglalakad at tila ba hindi man lang nito napapansin ang paparating na sasakyan. Nakita ko namang ilang minuto nalang at pupula na ang traffic light.
Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako papunta sa gitna ng kalsada kung saan naglalakad ang lalaki. Walang pasabi ko itong hinawakan sa kanyang kamay at hinatak papunta sa gilid.
Pagdating sa gilid ay pabagsak ko itong binitawan at sinamaan ng tingin ang lalaki. Nakasuot pa ito ng itim ng hoody at cap habang may suot din itong itim na mask. Kulang nalang at pwede ko nang iisipin na kidnaper siya pero hindi ko iyon magawa nang titigin din ako ng mala-abo nitong mga mata. Kahit nakatago ang mukha niya ay hindi ko naman maiwasang mamangha sa kanyang makakapal na kilay at pilikmata.
" Hoy! Magpapakamatay ka ba ha?" Bulyaw ko pa dito. Taka naman itong tumingin sa'kin at tinanggal ang headset sa kanyang tenga. Kaya pala hindi niya narinig ang bosena ng sasakyan.
" Pardon Ms. What did you say again?" Aniya. Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang binti nito. Napadaing naman ito at hinawakan ang kanyang binti sabay tingin sa'kin ng masama.
" Kaya pala 'di mo narinig ang bosena ng sasakyan dahil diyan sa headset na 'yan! Kung may balak kang magpakamatay huwag dito kung saan maraming makakakita sa'yo. Ang daming gustong mabuhay sa mundo samantalang magpapakamatay kalang. Don ka sa tulay tumalon. " Mahabang wika ko pa sa kanya sabay mura. Tinaasan niya naman ako ng kilay at umayos ng tayo.
" And who told you that I am going to suicide?" Aniya. Napangiwi naman ako sa tanong nito pero dahil sa ayaw kong mapahiya naghanap ako ng isasagot.
" A-aba malay ko sa'yo! Kung makalakad ka parang ikaw lang 'yong tao. Porbista giliw! " Naiinis na wika ko pa. Bahagya pa itong natawa sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito tingin. " Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" Taas kilay na tanong ko pa dito.
" You know what, Ms? You're just wasting my time. " Aniya at aktong tatalikod na nang magsalita ako.
" Sino naman sa atin ang nasayang ang oras ha? Vaffanculo! Kung 'di sana kita niligtas eh 'di nangingisay kana sana at patay kana ngayon. Sayang, makikikape na sana ako. " Nakita ko namang nalaglag ang panga niya sa sinabi ko kaya nakakalokong nginitian ko lang ito. I saw through his eyes na tila natigilan pa ito.
" Did I ask you to save me huh? Silly girl." Aniya. Imbes na sagutin siya ay napatingin ako sa wrist watch niya. Hinawakan ko pa ito upang makita ng maayos ang oras. Alam kong nagtangka siya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.
Ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang alas nuebe na ng umaga. Paniguradong mag-uumpisa na ang second subject ko.
" Shit! Late na ako. Ikaw kasi eh. " Paninisi ko pa sa kanya at aktong tatalikod na sana ako nang matalisod ako at ma-out balance. Ipinikit ko naman ang mga mata ko upang antayin ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala man lang akong naramdamang sakit. Tanging isang matigas na bagay lang ang naramdaman ko na tumatama sa aking puson.
Dahan-dahan akong nagmulat at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang ma-realize na nakapatong ako sa ibabaw ng lalaki. Paulit-ulit akong napalunok kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapagtantong subrang lapit ng mga mukha namin. Mabuti nalang talaga at may mask ito kun'di ay baka n*******n ko na ito.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya nang napadaing ito at napamura. Hindi ako nagsalita at minabuting umalis na. Paniguradong may warning slip na naman ako nito. Palaging late.
Nakailang hakbang palang ako ay huminto ako at tumingin muli sa lalaki na nakatayo parin doon at nakatingin din sa gawi ko.
" Kung magpapakamatay ka, ibenta mo muna sa'kin ang lamang loob mo ha. " Nakakalokong ngisi ko pa bago tuluyang tumakbo. Napangisi naman ako nang maalala ang reaksiyon nito. Ang mukha niya na 'di maipinta.
Nasa may gate na ako ng school ng maramdaman kong medyo magaan ang kamay ko. Napatampal naman ako sa noo nang makitang wala na doon ang bracelet ko. Hindi naman pwedeng bumalik ako para hanapin iyon dahil paniguradong mali-late na ako. Hindi lang iyon bracelet na pwede kong bilhin sa mga jewelry store. Money cannot match its value.
" Ang ganda naman ng unica iha namin. The wedding gown looks beautiful on you." Nakangiting wika pa ni mommy.Tiningnan ko naman ang kabuoang repleksiyon ko sa salamin. Even I can't believe this wedding gown suits me. Mas lalong tumitingkad ang pagka-filipina-Lebanese ko. I'm a classy type of person. Subrang madaldal ako sa mga taong komportable akong kasama at mataray minsan. I'm an only child but not a spoiled one. Independent ako and never did I depend my life with my families wealth." Sa tingin mo po ba mommy magugustuhan din ako ng mapapangasawa ko? " Tanong ko pa kay mommy habang inaayos nito ang belo. Tumigil naman ito at tiningnan ako sa repleksiyon ng salamin." Of course, baby. You're so beautiful, he will definitely like you." Nakangiting aniya. Humarap naman ako kay mommy at niyakap ito. She's really is my mom. Suportado sa akin.Nag-iisa lang akong anak nila kaya tutok palagi sina mommy at daddy sa'kin. Kahit na abala sa negosyo ay hindi naman sila nagkulang sa paglaan s
" Subrang laki naman ng bahay na'to para sa ating dalawa." Komento ko pa nang makababa ng sasakyan. Hindi naman ito sumagot ni bumaling man lang sa akin at tulo-tuloy lang sa pagpasok sa loob. " Hoy! 'Wag mong sabihin ako magbubuhat nito? " Pagtawag ko pa pero hindi man lang ito nakinig. Napalabi naman ako." Remember that we're only married in papers. You can do whatever you want and you are not allowed to interrupt my life. Siguraduhin mo lang na hindi ka makikita ng media. " Cold na wika pa nito nang makapasok ako habang bitbit ang malaki kong maleta." Tandaan mo rin, kahit masungit ka, asawa mo parin ako. " Masungit ko rin na wika at iginala ang paningin sa sala." Then let's have a deal. I want to make it clear with you that after your family's business recovered, you'll sign the annulment. I have a girlfriend and she's the one I wanted to be with for the rest of my life and not you. " Diretsong wika pa nito. The words he said sounded like a dagger that sank into my heart. Hind
" Alam mo, Reah, pakipot lang 'yang asawa mo. Kung ako sa'yo, ako ang gagawa ng first move. " Suhistisyon pa ni Marie matapos kung sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina.Siya si Marie Ocampo, ang nag-iisa kong kaibigan. Parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't-isa. Matanda nga lang siya sa'kin ng isang taon. 23 pa lang ako samatalang 24 naman siya. Ngunit kahit ganoon ay parang magka-edad lang din ang vibes namin sa isa't-isa. Kasalukuyan siyang international model samatalang abala naman ako sa pamamahala sa sarili kong five star restaurants dito sa Cebu. Kilala ang restaurant ko sa buong bansa ngunit wala pa ni isang nakakakilala at nakakakita sa totoong may-ari. Sa tuwing may media kasi ay tinatanggihan ko ito. Sapat na sa akin na minamahal ng mga tao ang negosyo ko. Sa simpleng paraan ay nagawa ko itong mapalago na mag-isa. Tanging mga magulang ko lang din at ang nag-iisa kong kaibigan ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyon." Anong first move ba pinagsasabi mo diy
" Who the hell is that?" Inis na tanong pa ni Marie sabay labas ng sasakyan. Sumunod naman agad ako sa kanya.Nakataas pa ang kilay ko habang nakatuon sa itim na sasakyan. Inaantay namin na lumabas ang may-ari nito. Hinayaan lang namin si Manong Edgar na lumapit dito, nakatingin narin sa amin ang mga taong dumadaan. Naabala pa ang ibang sasakyan sa likuran namin." Excuse lang po, sir. Baka po maari niyo munang itabi ang sasakyan. Nakakaabala po kasi sa iba. " Magalang na wika pa ni Manong Edgar sabay katok sa bintana ng itim na Lamborghini. Wala naman kaming narinig na tugon mula dito. Hindi rin namin nakikita ang taong naroon sa loob dahil tinted ang salamin nito.Dahil sa inis ng kaibigan ko ay walang pagdadalawang isip pa itong kumuha ng bato sa gilid at ipinukpok iyon sa salamin ng sasakyan dahilan upang mapalabas ito. Halos lumuwa pa ang mata ko nang mapagsino ito. Ito ang lalaking nakabunguan ko kanina." What the hell are you doing woman?" Inis na bulalas pa nito sabay hila ka
" Ay! Tipaklong na walang pakpak! Diyos ko iha, ginugulat mo naman ako. " Gulat na bulalas pa ni Manang Lelia nang muntik ko na siyang hampasin ng baseball bat. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang ang kaniyang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo." Manang, naman eh. Akala ko pa naman may multo dito. Muntik na akong atakihin. " Wika ko pa sabay ibanaba ang baseball bat.Si Manang Lelia ay ang kasambahay ng pamilya ni Jeush. Noon paman ay close na kami simula pa kabataan ko hanggang sa paglaki. Saksi si Manang Lelia sa lahat tungkol sa'kin. Naging nanay-nanayan ko pa ito noon sa tuwing nasa ibang bansa ang mga magulang ko." Nako naman, iha. Kaya nga mabilis akong nagtago dito dahil akala ko may nakapasok na magnanakaw." Aniya bago naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman ito. " Nga pala, iha. Magkasama kayo ng asawa mo? Kamusta naman ang pagsasama niyo dito kanina?" Sunod-sunod na tanong pa nito.Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago naupo sa high stall paharap sa kanya. I
Napahawak ako sa dibdib at pinakiramdam ang malakas nitong pagtibok. Halos himatayin yata ako kanina at 'di ko magawang huminga.Napatitig ako sa aking kaliwang kamay. Hanggang ngayong ay tila nararamdaman ko parin ang matigas na bagay na nahawakan ko kanina. Hindi ko alam kung ano iyon pero bakit ang laki naman yata?" Ano 'yon? Baril? Bakit naman ganun kalaki?" Takang tanong ko pa sa sarili.Nang mahimasmasan ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama ko. Naupo ako sa gilid nito habang tulalang nakatingin parin sa kamay ko." Nababaliw ka na, Lael. Talagang ngumingiti ka pa ha!" Panenermon ko pa sa aking sarili.Matapos kung nakapaglinis ng sarili ay nagpasya na akong matulog ngunit kahit anong gawin kong pagpikit sa mga mata ko ay tila hindi ako makatulog. Pabaling-baling pa ako sa kaliwa at kanan o 'di kaya ay natatalukbong ng kumot ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok." Kasalanan mo talaga 'to kapag may eyebags ako bukas, Jeush! Ipapakain talaga kita sa ipis!" Parang b
Nanatali lang akong tahimik habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kay Jeush. Bigla na lamang akong hinila nito kanina papunta dito sa opisina niya at hanggang ngayon ay hindi parin ito nagsasalita." What brings you here?" Pag-uumpisa pa nito na nagpaangat ng tingin ko. Nakita ko pa itong nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ako rin ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko makayanan ang pagtitig nito na animoy kakainin ako ng buhay." M-mag-a-apply s-sana ako ng trabaho. " Nakayukong wika ko pa." For what? At talagang dito mo pa naisipang pumunta? What did I told you na wala akong pakialam kahit makipaglandian ka pa kahit kanino wag lang sa teritoryo ko at sa harap ng publiko!" Napa-igtad naman ako nang biglang nitong hampasin ang kanyang mesa. Pilit ko namang kinagat ang pang-ibabang labi ko nang magsimula itong kumibot." M-mali ka ng iniisip, Jeush. " Depensa ko pa at nanatili paring nakayuk
" This is the General Management Department. This department develops and executes overall business strategies and they are responsible for the entire organization. They deals with determining overall business strategies, planning, monitoring execution of the plans, decision making, and guiding the workforce, and maintaining punctuality and disciplinary issues. " Pagpapaliwanag pa ni Keith habang nililibot namin ang buong kompanya." Ang hirap naman yata. Ang dami kong kailangan pag-aralan. "" Sinabi mo pa. Your husband is so terror so hindi na ako magugulat kung magrereklamo ka. He value every cents in his company. Ayaw non ng delayed na trabaho and he always wanted everything to be perfect. Kailangan every morning may kape na sa mesa niya. You should always check his schedule and remind him all the time." Mahabang wika pa nito na ikinalunok ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinasok ko pero wala na 'tong atrasan.Bawat salitang sinasabi ni Keith ay isinusulat ko naman sa notebook
JIREAH LAEL POV"How do you feel right now, honey? Do you want something to eat?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Jenna sa akin. Kanina pa kasi ako walang ganang kumain at ang lakas din ng tibok ng puso ko na tila may kakaibang mangyayari. Hindi rin ako mapakali at pabaling-baling ako sa kaliwat at kanan.Dalawang araw na simula nang umuwi ng Pilipinas sina Marie kaya wala akong masiyadong nakakausap maliban kina Tita at Mommy dahil abala sina Daddy at Tito Khev at maging si Chairman. Ngayon ay si Tita muna ang nagpaiwan dito dahil pinauwi niya muna si Mommy para makapagpahinga. May bahay naman kami dito sa states. Doon kami namamalagi at doon na rin ako lumaki. Pero sa katunayan ay hindi naman talaga ako palaging naroon dahil madalas akong nanatili sa hospital. Na-operahan na rin ako dito pero noong pagtuntong ko nang high school ay muling bumalik na ikinapagtataka ng mga doctor. And sadly, it became worse. Kaya noong college ay pinakiusapan ko sina Mommy na bumalik ng Pilipinas dahil
Lael's POV"Oh, ba't nakabusangot na naman ang, beshy ko?"Napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni Marie. May dala itong isang basket ng prutas at ipinatong iyon sa side table ng kama ko.Humanga ako ng malalim bago umayos ng upo."Ang likot kasi ni baby." Nakabusangot na wika ko sabay himas sa aking tiyan. Mag-e-eight months na ang tiyan ko sa susunod na linggo kaya nararamdaman ko na ang pagiging mas malikot na ang anak ko. He's always like this. Sinisipa niya ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako noong nalaman kong lalaki ang magiging baby namin. He's so strong dahil habang lumalaban ako sa sakit ko ay matindi pa rin ang kapit niya.Its been six months after the I left the country. Kasalukuyan kaming nasa States ngayon kasama ng mga parents ko. Binibisita rin ako ni Marie dito thrice a month at maging ang mga magulang ni Jeush at si Chairman. Sa katunayan ay nandito sila noong nakaraang araw upang bisitahin ako at kamustahin ang apo nila na hindi pa man lumalabas ay excited na si
JEUSH POVHabang pinapanood ko ang pag-alis ni Lael, ay siya rin sakit na nararamdam ko. A part of my self wants to stop here but wala akong ibang ginawa kundi ang panoorin lang siya.Nang tuluyan siya mawala sa paningin ko ay saka lang ako natauhan. Fvck, I should be happy 'cause I can no longer see her. But this damn feeling made me want to go after her. I feel a strange pain in my heart instead of being celebrating 'cause she finally signed the annulment. But only to see myself in regrets. Nang makita ko ang mukha niya kaninang nasasaktan while saying that she really loves me, parang akong pinagsusuntok. I wanna hug and kiss her but I felt guilty. Hindi ko siya kayang halikan gayong hinalikan ako ni Rhinaya kanina. I feel like I was cheating on her.Wala sa sariling pinunit ko ang annulment."Fvck!" Paulit-ulit akong napamura at pinagsisipa ang mga bagay na malapit sa'kin.Why I am feeling like this? I should celebrate this victory but it feels like I just lost my lucky card.Mabil
Nagising ako nang may marinig na hikbi at nag-uusap sa aking tabi. I then slowly open my eyes at tumambad agad sa akin ang putting kisami. I already knew where I am right now."Reah baby, y-you're awake."Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ni Mommy. Namumula ang mata nito at may mga luha pa. Nasa tabi niya si Daddy na tila pinipigilan din ang sarili na maluha. I remove the oxygen mask."Mom, why are you crying?" Takang tanong ko sa kanya ngunit umiling lang si Mommy kaya bumaling ako kay Daddy ngunit maging ito ay seryosong nakatingin lang sa akin. Napatingin naman ako sa gawi nina Tita Jenna at Tito Khev."How do you feel, Iha? Do you wanna eat something?" Tanong ni Tita sa ain. Umiling lang ako dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa headboard. May nakakapit pa na dextrose sa kamay ko."Hindi pa po ako gutom, Tita." I responded."I told you honey, you should call us the way you called your parents. You're part of our
Hindi na bumalik si Jeush sa opisina matapos sundan si Rhinaya kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I admit that it made me feel like I was just nothing for him at lahat ng mga ipinapakita niya sa'kin ay parte lang din ng pagpapanggap niya. Minsan nabibigyan ko pa ng maling kahulugan ang mga kilos niya kahit ang totoo ay malabong magkakagusto siya sa'kin. Kahit masaktan, sapat na siguro ang tatlong buwan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang kanyang kalayaan. Kontento na ako basta't magiging maaya lang siya.Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, wala akong pinagsisihan. Susulitin ko nalang siguro ang natitirang dalawang araw ko dito. Huwebes na bukas at sa Friday na gaganapin ang anniversary ng JLines Corp.Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Sa katunayan ay huling araw ko nalang siyang makakasama bukas. Siguro ay yayayain ko nalang siya ng half or whole day date. Wala naman akong maisip na maaaring kong gawin. At least man lang, sa huling sandali
"Mrs. Sinatra, it's good to see you again. You even look so gorgeous today." Papuri pa ni Mr. Kachigawa sabay na naglahad ng kamay. Tumayo naman ako at nakipagkamay dito. Kakarating lang nito. Mabuti nalang at dito sa 2J restaurant siya ng booked which is convenient sa'kin dahil malapit lang sa Jlines Corp. Wednesday kasi ngayon at muntik ko pang makalimutan. Mabuti nalang at tumawag ang secretary ni Mr. Kachigawa at pinaalalahanan ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jeush dahil hindi na magiging surpresa kung malalalaman niyang nakiusap ako kay Mr. Kachigawa para lamang ipagpatuloy nito ang close deal nila. Busy rin naman siya dahil magkasama sila ni Rhinaya kaya 'di na ako nagtangka pang ipaalam na sa labas ako kakain."Thanks for the compliment, Mr. Kachigawa." Nakangiting wika ko pa at inalok itong maupo. Magkatapat kami ngayon.Sa tantya ko ay nasa mid 80's na ang negosyanteng ito ngunit 'di pa rin halata sa batang hitsura niya at ang liksi pang kumilos. Aakalin mong binata pa ang
Nagising ako sa mahinang paghaplos sa aking buhok. Ang sarap ng tulog ko at ang bango pa ng unan. Mas lalo ko pang isiniksik ang aking ulo upang maamoy ang unan. Ang sarap ng panaginip ko at ang sarap sa tainga ng mahinang pagtawa ng kung sino at yumakap pa ito pabalik sa'kin. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng malamig na bagay sa noo ko...no, it's a kiss. Mabilis akong nagmulat ng mata at ang gwapong mukha ng asawa ko ang agad na bumugad sa akin. Nakangiti ito habang nakaunan ako sa braso. "Good morning. How's sleep? Did I disturb your dream?" Malumanay na aniya. Napalunok ako kasabay ng pagsilay ng matatamis na ngiti sa kanyang labi. Ang lapit ng mukha namin isa't-isa at nanunuot sa ilong ko ang natural niyang amoy. "G-good morning." Utal na pagbati ko sa kanya. Gosh! Bigla akong napipi. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya ng ganito kalapit. Maging ang pagtaas-baba ng kanyang adams apple ay napaka-sexy tignan. Napaangat ang mata ko sa buhok niya na me
Pagkarating namin sa restaurant ay iginiya ako ni Keith paupo. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang reaksiyon ni Jeush. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, kanina pa siguro bumulgta si Keith sa sahig.Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at umaktong hindi ako naba-bother sa presensiya ng dalawa. Naupo kasi ang mga ito katapat namin. Magkaharap kami ni Jeush at si Keith naman at Rhinaya. The atmosphere feels like suffocating. Pati ba naman sa pag-upo parang linta pa rin na nakakapit ang bruha. Pasimple hinahaplos pa nito ang braso ni Jeush na ikinainis ko. Pinilit ko na lang na huwag ipahalatang gusto ko nang lumabas. Kahit pa pagmamay-ari ko ang lugar na'to, I need to act professionally."Rhinaya, I heard na dito ka na mamalagi sa Pilipinas." Pagbubukas pa ng usapan ni Keith habang nag-aantay kami na maihain ang order namin."Yeah. I want to stay here for good para maalagaan ko si K at makabawi na rin sa mga panahong nawalay kami sa isa't-isa. Ayaw na rin kasi niyang bumalik pa
Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone. I immediately grab it mula sa side table at ‘di man lang nag-abala na basahin ang pangalan ng caller.“Hello.”“Good morning, Mrs. Sinatra, I would like to inform you that Mr. Kachigawa will approve that deal if you agree to have lunch with him on Wednesday.” Napalikwas ako nang bangon nang marinig.“Really? I would love to. Thank you so much. I assure you that I will not waste that opportunity.” Magiliw na wika ko pa.“All right, Ma’am. I will send you the address ahead of time. Bye.” Wika ng secretary sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.Napatalon ako sa tuwa at mabilis na nagtungo sa banyo para makapaghanda na.‘Di ko na naabutan si Jeush nang bumaba ako. Ani Yaya Belle ay kakaalis lang nito kaya mag-isa nalang akong kumain.“Nagmamadali na naman ‘yon sa babae niya.” Bulong ko pa habang palabas.Pagdating ko sa kompanya ay inabala ko agad ang sarili ko sa trabaho. Busy ang lahat lalo na sa paghahanda sa paparating na event