Love Amidst the Danger Aria Pov "Baby ko, I'm so sorry anak ko," lumuluha na naman ako habang nakatitig sa maamong mukha ng anak ko na payapang natutulog.Hindi kaya ng puso ko na makitang ganito ang sitwasyon ng isa kong anak. Nakahiga sa hospital bed at wala pa rin malay hanggang ngayon. Nasasaktan ako, sumisikip ang dibdib ko kapag naaalala ko kung paano siya basta na lang inihagis na parang unan lang. Hindi man lang naawa sa bata.Hindi ko man lang naagapan, hindi ko man lang nadaluhan agad. Hindi ko man lang siya napansin na lumapit sa gawi namin ng ginang. Nalulungkot na naman akong napatingin sa anak ko. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nito sa anak ko. Kahit ina pa siya ng ama ng mga anak ko.Nakaupo kaming lahat sa may sofa sa gilid. Napanood na raw nila ang video. Nahiya ako bigla dahil nasaktan ko rin ang ginang. Pero sa loob-loob ko deserve niya ang ginawa ko. Kulang pa nga iyon e, kumpara sa pananakit niya sa kawawang bata."H-hindi ko po.... uhm.. h-hindi ko po s-si
Love Amidst the Danger Dumating rin kinaumagahan ang parents ko at mga kapatid ko. Hindi na nila naabutan ang ama at kapatid ni Zaprine dahil agad rin silang umalis pagkakita sa mga bata. Maraming trabaho ang naghihintay sa Kuya ni Zaprine at ang ama naman nila ay ihahatid ang asawa sa Spain. Nagbalak pa nga raw na tumakas ang asawa nito mabuti at nakita nila agad. Takot sila kay Don Francisco kahit ang mga kasambahay ay loyal sila kay Don Francisco. Kaya walang nagawa ang ginang ng isumbong siya ng isa sa tauhan ni Don.Napag-alaman ko na nasaktan rin ni Don Francisco ang ina ni Zaprine, dahil sa ginawa ng ginang sa anak ko. Pinalo-palo pa raw ni Don Francisco ang ginang ng baston ng sagot sagutin niya ang matanda. Matapang ang ginang pero wala naman sa ayos. Kaya para sa akin deserve niya ang maitapon sa malayo at maging trabahador nila doon sa Spain."Ang apo ko," naaawang nakatingin si Mommy sa apo niya. Umiiyak ito habang hinahaplos ng marahan ang mukha ng bata. "Sinong may ga
Love Amidst the Danger Kalahating buwan kami nanatili sa hospital. Masaya na rin ang anak kong isa dahil gising na at nakakausap na rin nito ang kakambal. Ngayon na ang uwi namin sa mansion nila Don Francisco. Iyon kasi ang gusto ng matanda at kahit sila Mommy ay wala silang nagawa. Kahit pwede na maglakad ang anak ko ay binilhan pa rin siya ng Lolo nito ng automatic stroller. Ang pinakamahal pa ang binili nito tag-isa sila ni Zaria, para raw hindi mainggit ang isa. Tuwang tuwa silang dalawa ng sumakay sila sa bagong stroller nila. Sumama rin sa amin ang pamilya ko sa mansion ni Lolo Francisco. May selebrasyon daw kasi sa mansion na inihanda nila para sa welcome party kay baby Zamia. Na-touch naman ako sa pa welcome party ni Lolo Francisco sa apo nito. Tulak na ni Daddy at Zaprine ang kambal na nakasakay na sa mga stroller nila. Sa may outdoor pavilion daw gaganapin ang party. Hindi ko nakita ang lugar na ito dito noong una. May ganito pala silang pavilion at ang ganda ng d
Love Amidst the Danger Aria Pov Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Hinihintay ko si Zaprine dahil nagkakasiyahan pa sila sa labas. Kasama ang ilan sa mga pinsan niya at bayaw. Palakad lakad ako sa loob ng kwarto namin dito sa mansion ni Don Francisco. Nakauwi na rin ang pamilya ko at mamasyal raw ulit sila kapag maluwag ang schedule nila sa trabaho. Lumabas ako at umupo sa terrace ng kwarto namin. Kay ganda pagmasdan ang mga bituin sa langit. Nagkikislapan na parang nagpapaligsahan sila dahil sa mga sunod-sunod nilang pagkislap. Tumaas ang mga balahibo ko sa biglaang pagdaan ng hangin sa tabi ko. Nanginig ako bigla sa lamig. Nagulat pa ako ng may yumakap bigla sa likuran ko. "Bakit gising ka pa ha?" tanong ni Zaprine. Amoy ko ang amoy alak nitong hininga. "Hindi ako makatulog," mahina ko na sagot. Naduwag ako bigla na magtanong tungkol sa narinig ko kanina. Nakiliti ako sa paghalik niya sa punong tainga ko. Nag-init agad ang pakiramdam ko pero hindi na muna pwede
Love Amidst the Danger Zaprine Pov Nasa kanya na ang result ng DNA test na pinagawa niya sa isang tauhan na mapagkakatiwalaan niya. Matagal na niyang pinamanmanan ang pamilya iyon, lalo na sa bata. May kaba siyang naramdaman sa dibdib. Marami ng sakit na naidulot niya kay Aria, lalo na ng malaman nitong may anak siya sa labas. Pero panalangin niya talaga na hindi niya anak ang bata. Pero sa kaibuturan ng puso niya, okay lang na anak niya ang bata para may mga kalaro at ate ang kambal niya. Sana. Pero sa sinabi ni Aria sa kanya, alam niya at ramdam niya na mahirap nitong matanggap ang bata kung sakali man na anak niya nga ito. Nag-overthink na naman at na-stress ng dahil sa kanya. Nasasaktan siya tuwing nakikita niyang umiiyak ito ng dahil na naman sa kanya. Nandito siya ngayon sa secret headquarter namin. Dito dinala ng mga tauhan niya ang babae. Isang buwan na ang babae dito. Wala talagang nakakaalam na dito dinala ang babae dahil nasa underground ang lugar na ito. Iyon n
Love Amidst the Danger Zaprine Ako lang sa magkakaibigan ang nandito ngayon sa headquarter kaya tinawagan ko si Tremonte para gamutin ang mga sugat namin. Pagkatapos niya kaming magamot ay sabay na kaming umalis dahil may meeting kaming magkakaibigan na Lima. Gusto naming planuhin kung paano mawawasak ang grupo ng asawa ng babaeng iyon. Nang hindi na sila makapermisyo pa ng ibang tao.But for now, kailangan ko muna makuha ang result ng DNA test ng kuya ko at ang bata. I need to clear everything ng hindi ko na naman masaktan ang fiancee ko. Marami na itong sakripisyo sa buhay, mga problema, sakit na naranasan sa mga kamay ng mga taong malalapit sa akin. Mga sama ng loob niya ng dahil sa kagagawan ko. Ayokong mawala na ng tuluyan ang tiwala nito sa'kin. Ayoko na baka madala na naman sa emosyon niya ay maisipan na naman niyang magtago sa akin. Fvck! Hindi maari na basta na lang ulit niya ako iiwan. Hindi pwede iyon! Kaya gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang na hindi ko anak ang
Love Amidst the Danger Zaprine Kami na lang pala ni Aria ang hinihintay nila pagkapasok namin sa loob ng library. Bumati na muna kami bago naupo sa harapan ng Lolo ko. "What do you want to tell us, hijo?" tanong agad ng matanda pagkaupo pa lang namin ni Aria. "Yung bata na tinatanong mo noon sa amin, Grandpa. Hindi ko po alam kong saan mo nakalap ang balita tungkol sa bata, but the truth is the baby is part of our family, Grandpa," mahinahon kong sabi sa kanila. Nagulat silang tatlo sa isiniwalat ko. Napasinghap naman si Aria. Kaya nagpatuloy ako. "Dalawa ang pinagawa kong DNA test dahil ipinagpipilitan ng babae na ako ang nakagalaw sa kanya. Base kase sa kwento niya ay si Kuya Lucas talaga ang nakasama ng babaeng iyon hindi ako," sabay lapag ko sa dalawang copy ng DNA test. May ilang percentage na magkadugo kami ng bata pero mas perfect match si Kuya at ang bata. Nagulat rin si Kuya at Lolo sa nakikita nilang resulta ng DNA test. Nagkwento na ako sa pagkakastigo ko sa babae,
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Balik Tagaytay na kami kasama si Lolo Francisco at kapatid ni Zaprine. Naitawag ko na kay Axeros ang pagdating namin doon. Approved na rin ang pagpasok ng Kuya ni Zaprine sa loob ng exclusive na lugar sa Tagaytay. Kanina dumaan na muna kami sa hospital para ipa-check up ulit si baby Zamia. Maayos na ang braso nito, pero wag na muna masyado maglilikot para maging fully recovery na ito agad. Naging hyper na naman kasi ito sabik na tumakbo at maglaro. Naglilikot na naman eh baka mapwersa ang braso, mabinat pa ito. Pagdating namin sa Sevenity club ay sinalubong kami ng kapatid ko sa Helipad. Dalawang sasakyan ang naghihintay para magsundo sa amin. Nagtanong na ako agad kay Axeros kong nandito ba si Radeon. Nandito raw sila with his family. Tamang tama naman pala ang dating namin."Bro, baka pwedeng patulong na pakiusapan si Radeon or papuntahin mo na lang siya sa restaurant mo. Para doon na lang namin i-discuss ang gusto naming sabihin," sabi nam
Love Amidst the Danger Aria Maghapon kami dito kasama namin si Lolo Francisco at Kuya Lucas. Sumaglit lang si Tito Cardo kanina para makisabay sa amin sa tanghalian, bago bumalik ulit sa opisina nito dahil marami raw itong tatapusin pa na trabaho. "Tito ko buhat mo kami gusto namin tabi sa bed si Daddy, para ramdam niya na didito po kami na ma-pretty po niyang mga baby," sabay taas ng mga kamay ni Zaria. Gumaya rin si Zamia. Ngumiti ako sa kanila ng tumingin sila sa akin sabay tango ko. "Come here, mga baby," sabi naman agad ni Kuya Lucas. "Careful okay," sabi pa nito. "Okay po." "Thank you po Tito namin," sabay pa na pasasalamat ng mga bata. Ginulo lang nito ang mga buhok ng kambal. Imbes mainis sila ay napahagikhik na lang at inayos ang buhok na ginulo ng Tito nila. "Daddy ko, kumusta ka na po ha? Ririnig mo po ako? Hindi po ikaw papagod kahiga? Hindi mo kami namimiss po ah?" rinig ko na kausap ni Zamia ang Daddy nila. Hinahaplos pa nila ang mukha ng ama nila. "Gising na
Love Amidst the Danger AriaKinabukasan ay hindi ako nakaalis ng bahay dahil inaapoy ng lagnat ang isa sa kambal. Imbes na kanina pa ako aalis na-cancel tuloy dahil mas tumaas pa ang lagnat ni baby Zamia.Nalaman ko kasing nilipat nila sa Parker hospital si Zaprine. At ako ang gusto ni Lolo Francisco na mag-monitor at mag-alaga sa apo nito. Kaso lang sinabi ko na hindi na muna ako makaka-duty dahil may lagnat si baby Zamia. Nag-aalala naman sila para sa bata. Tumawag pa sila makita lang ang apo nila.Si baby Zaria na ang nakikipag-usap sa mga Lolo nito. Maraming tanong ang bata, at magiliw naman nila itong sinasagot ng maayos. Nagagawa na rin nilang humalakhak dahil na rin sa pinagsasabi ng batang makulit. One week bago ako pumasok sa trabaho at si Zaprine agad ang inuna kong binisita pagkapasok ko sa trabaho. Nagulat pa ako ng madatnan ko ang parents ni Zaprine sa loob. Dalawa lang sila na nagbabantay kay Zaprine ngayon.Bumati na muna ako sa kanila bago ako lumapit kay Zaprine na
Love Amidst the Danger Aria Inakay ko si Axeros sa labas ng kwarto ko. Para hindi kami marinig ng mga anak ko. "Sino ang nagbigay ng larawan na iyon sa media para ibalita sa madla ang nangyari kay Zaprine? Ni-record mo ba ang balita? Napanood mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "I have no idea, Ate. Tumawag ako agad kay Kuya Lucas nang napanood ko ang balita. Galit na galit siya sa nalaman dahil wala daw silang consent na kuhanan ng picture si Zaprine at ipublish sa media ang nangyari sa kanya," sagot naman nito agad. "Kahit kailan talaga ang hospital ni Lolo hindi sila sumusunod sa protocol! Lalo na ang mga pinsan mong nagmamagaling at magagaling magpasipsîp kay Lolo!" galit kong sambit. "Mag-imbestiga ako sa hospital, Ate. Marami naman akong kakilala doon. Baka may makasagot sa tanong ko, at makakuha ako ng impormasyon," "Damn them! Hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sila nag-effort na gamutin si Zaprine. Kung hindi tayo agad nakarating sa hospital sure akong pin
Love Amidst the Danger AriaUmuwi ako sa bahay namin na halos hindi na makahinga dahil pa rin sa pag-iyak ko at pagod. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang kambal ko. Hindi ko alam na inuwi pala nila dito ang kambal. Mabuti na rin iyon ng may sandalan ako sa kalungkutan.Agad ko silang niyakap at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ramdam ko na nagulat ang kambal sa malakas kong pag-iyak pero hindi sila nagkomento. Mahigpit lang nila akong niyakap na parang ramdam rin nila ang bigat ng aking nararamdaman."W-why are you crying Mommy?" mahinang tanong ni Zaria na mukhang nag-aalala sa akin. Hinaplos nito ang mukha ko na puno na ng luha sa pisngi ko.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Hirap kong ibuka ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa kanila at bahagyan na ngumiti habang hilam ng luha ang pisngi ko."Tama na iyak Mommy, nasa-sad na rin po kami eh," nalungkot na rin ang baby Zamia ko."Kids hayaan n'yo na muna si Mommy na magpahinga.
Love Amidst the Danger Aria Pawisan na ang noo ko sa ginagawa ko. Natanggal ko na ang lahat ng bala na bumaon sa katawan ni Zaprine. Ang isa ay malapit sa dibdib, sa may bandang tiyan, sa balikat, at hita nito. "May extra blood pa bang nakaimbak dito? We blood asap! Kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon," malakas kong sigaw. Kinalma ko ang sarili ko. 'Pokus Aria, pokus!' pagpapatatag ko sa sarili ko. Pinigilan kong maiyak dahil hindi ako makapukos kapag mas pinairal ko ang emosyon ko. "Blood type Doc?" tanong ng kasama ko dito. "Blood type B-positive. Ask his family, kung sino sa kanila ang may blood B-positive. I need blood as soon as possible!" taranta kong sabi. "Copy!" Tapos ko na siyang operahan pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Lalo na sa ulo niya na nagkaroon rin ng sugat. Kailangan pa namin siyang gawan ng iba't ibang test, para makasiguro ang kaligtasan niya. Dalawa ang doctor na kasa
Love Amidst the Danger AriaSa taas ng building sa hospital nila Lolo kami bumaba. Nagmadali na kaming bumaba sa helicopter at nagtungo agad sa hagdan pababa. Tinungo namin agad ang elevator. "Kelan dinala dito sa hospital si Zaprine? Bakit critical siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko kay Axeros. Kinakabahan na ako na hindi mawari, natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya. Kasasabi ko lang na mag-iingat siya eh.Lakad takbo kaming nagtungo sa emergency room. Habang papalapit nang papalapit kami sa emergency room ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mabigat ang kalooban ko sa balitang ito sa kanya.Malapit na sila doon ng makita niya ang pamilya ni Zaprine sa labas ng hospital mga kamag-anak siguro nila ang iba. Wala si Lolo Francisco dito. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Zaprine, si Neptune ang unang nakapansin sa kanya. Wala itong sugat pero si Gardo may mga gasgas at sugat ito sa mukha. "Aria!" sambit agad ni Neptune. Napalin
Love Amidst the Danger AriaMahigit isang linggo nang walang tawag sa amin si Zaprine. Alam ko naman na busy ito. Pero sana kahit tawag o di kaya ay message na lang. Dahil kinukulit ako ng kambal kung bakit hindi tumawag ang Daddy nila. Nakasimangot na naman silang nagising. Bad mood na naman sila. Dahil walang Daddy na naglalambing sa kanila kada paggising nila sa umaga. Walang magbubuhat para samahan na magtungo sa banyo para maghilamos at mumog. Walang magluluto ng favorite nilang pagkain sa umaga. Walang kakulitan at walang nagbabasa ng books for them sa gabi."Mommy!" iyak na naman ni Zamia pagkagising niya. Parang balik ulit kami sa dati na tatlo lang kami. Pero iba na ngayon dahil alam na nilang may Daddy sila at nakakasama na nila. Naninibago na naman sila dahil sanay na silang kasama ang ama nila."I want Daddy," ungot rin na saad ni Zaria. Malalim akong napabuntong-hininga sabay yakap ko na sa dalawa. Hindi ko pinansin ang pag-iyak nila. Inakay ko na sila sa banyo para m
Love Amidst the Danger Zaprine Rinig namin ang sigawan nila sure akong natamaan at napuruhan rin sila. Sumilip kami sa pintuan ang ibang kalaban ay nagsitakbuhan kasama ang pinuno nila. Iniwan ang mga kasamahan nilang napuruhan sa pagsabog. Now kwits! "Sundan natin sila hindi pwedeng makatakas sila," sabi ni agent Clent. Nag-abiso ako sa kanila na palabas ng lumang building ang leader ng sendikato. "Huwag hayaan makatakas ang mahalimaw na taong iyan!" sigaw ko. Paubos na ang bala ng baril ko kaya kinuha ko ang dalawang baril na hawak ng mga patay ng kalaban. Mas maganda 'yung may reserba. "Agent look out!" sigaw ko sabay tulak sa kasama ko. Natumba kaming dalawa sa sahig. Mabilis ang galaw ko kasunod ang pagbaril ko sa mga kalaban. "Sa kaliwa!" sigaw ni agent Clent. Mabilis ang ginawa kong paggulong sa sahig at nagtago sa gilid. Sumilip ako at mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng sunod-sunod. Alerto ang bawat galaw ko na halos hindi ko na maramdaman ang mga sugat
Love Amidst the Danger Zaprine Wala nga silang pakialam sa mga kliyente nila, dahil nagpaulan pa rin sila ng putok ng baril sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang bala ang natama sa katawan ng dayuhan na ginawa kong panangga. Natamaan man ako ay hindi ko hinayaan na mapuruhan ako. Mas lalong nagkaroon ng tension ang paligid ng dumating ang mga back up naming iba dito sa basement. Nagkagulo na ang lahat sa paligid nagpalitan na ng putok ng baril sa magkabilang panig. I'm glad dahil on time dumating ang kasamahan namin baka napuruhan na ako kung sakali. Parang naging larangan na ng digmaan ang abandonadong gusali sa sunod-sunod na barilan sa bawat grupo. Naging maliksi ang lahat at walang gustong magpatalo. Dahil ang gusto namin ay mapataob ang grupo ng sendikato na ito. "Malalakas sila, ngunit hindi sila mananalo. Isa isahin natin silang uubusin. Expose natin ang mga lihim nila, mga masasamang gawain, para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nila," sabi ng kasama niyang agent