Love Amidst the Danger One week kami mahigit sa bahay. Nag-enjoy na ang kambal at ayaw na nilang bumalik sa Sevenity. Lagi kasing ipinapasyal nila Mommy at Daddy ang kambal sa labas. May bodyguards naman sila pero nagtawag rin si Zaprine sa iba pang bodyguard para sa safety ng mga bata. Nag-iyakan na silang dalawa. Ayaw talaga nilang bumalik na at dito na lang daw kami titira. Kahit sinabi ko nang babalik pa kami dito. Nakayakap pa sila sa mga Lolo at Lola nila. Pero binuhat na sila ng ama nila. "Ayaw Mommy, I want to stay here po," iyak ni Zaria. Tuwang tuwa kasi sila sa mga aso na alaga namin. Kalaro nila sa labas kada hapon. Nagpapagulong gulong sila sa bermuda sa labas. Para silang nakalaya sa matagal na pagkakakulong. Tuwang tuwa sila sa mga nakikita nila. Halos meron din naman sa Sevenity. "Magba-bye na kayo kay Lolo at Lola. Babalik rin tayo dito mga anak. May school pa kasi kayo, kapag wala na dito tayo magbabakasyon. Lalaruin n'yo ulit si Tote at Toto, okay," mal
Love Amidst the Danger Napatingin ako kay Zaprine na natatawa dahil sa sabay naming tanong ni Axeros sa kanila ni Serenity."Yeah, I know her, ever since we were young. Ninong ko ang Papa niya at palagi sila namamasyal dati sa Spain na mag-Papa. Kaya natoto na rin si Serenity magsalita ng Spanish," paliwanag ni Zaprine."Siya ang nagturo sa akin Ate na magsalita ng Spanish na lengguwahe para daw hindi ako ma-out of place. Siya rin po ang isa sa nagligtas sa akin noon sa nangyari na pagkidnap sa akin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Kuya Zaprine at Kuya Gadong ko," kwento naman ni Serenity. Tumango tango naman ako."Bakit wala kang sinasabi?""Wala kang sinasabi sa'kin?"Sabay ulit kami ng kapatid ko na nagsalita. Tumawa na ng tuluyan si Serenity at Zaprine. Umakbay sa'kin si Zaprine at ngumiti."Ayoko kasing makialam dahil kapatid mo si Ate Aria, sweetie. Alam ko kung paano mo siya pinoprotektahan na kagaya sa pagprotekta mo sa akin. Naiintindihan naman kita kung bakit galit ka ka
Love Amidst the Danger Bumalik ulit kami sa Manila, at tuwang tuwa na naman ang mga anak namin. Kahit sila Mommy at Daddy, masaya rin sa binalita ko sa kanila. Uuwi rin doon ang kapatid ko with his family.Parang reunion ang magaganap dahil sinabihan ko si bunso na uuwi sa bahay. Isang linggo na rin akong tinuturuan ni Zaprine ng basic self defense. Iiwan daw namin ang kambal sa bahay at sa private gym na pagmamay-ari niya kami mag-ensayo, pagkarating namin sa Manila. Ipagpapatuloy raw niya ang pagtuturo hangga't masanay at matuto ako."Lalaro ulit kami ni toto at tote. Thank you po, Mommy, Daddy, dahil papasyal ulit tayo sa bahay nila Lolo at Lola. I love you, two." matamis na ngumiti si Zamia sabay yakap sa'kin at sa ama nito. Gano'n rin ang ginawa ni Zaria. "Tapos maghabol habulan ulit tayo nila Lolo at Lola. Ang saya-saya po. Salamat po Mommy at Daddy namin. The best Mommy and Daddy ever, we love you two po,"Nakakataba ng puso ang mga kalambingan ng kambal idagdag pa ang ama n
Love Amidst the Danger Aria Pov "Kinakabahan ako, sweetheart," bulong ko. "I'm here, kung hindi ka comfortable sa party uuwi rin tayo agad. Maipakilala lang kita sa parents ko and my Grandpa is here too. Ipapakilala rin kita sa kanya mamaya, he is kind and loving Grandpa, I know he will like you," pagpapalubag loob niya sa akin. "First time ko kasi na dumalo ng birthday with you, tapos ipapakilala mo pa ako sa pamilya mo. Kaya sobrang kinakabahan ako, hindi ko rin sigurado kung gusto ako ng parents mo," nag-overthinking na naman ako. Alam ko kasi na si Greene ang gusto nila para kay Zaprine. I know dahil nasabi na iyon dati sa akin ni Greene. And even his cousin Charmy, gusto nito si Greene para sa pinsan niya. Well, wala naman ako magagawa kung gusto nila si Greene ang mahalaga naman sa akin ay gusto ako ni Zaprine. Hindi lang gusto kundi Mahal na Mahal niya ako at may mga anak na kami. Sabi nga naming dalawa ni Zaprine kahit magkampihan pa ang mga tao sa buong mundo n
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Pov I don't want drama, kaya tahimik lang ako. Ayokong makisali sa kanila dahil pinagtatanggol naman ako ni Zaprine, okay na 'yon sa akin. "You two can sit down now," utos ng Lolo ni Zaprine sa amin na dalawa. Hindi na namin pinansin pa ang ina ni Zaprine. Bago ako umupo ay nahagip ng paningin ko ang kabilang mesa. Nakita ko roon ang pamilya ni Greene with Charmy, at ang pamilya nito. Nakatingin sila sa gawi namin hindi ko maipaliwanag ang mga expression ng mukha nila. Nagulat na lang ako ng haplosin ni Zaprine ang likod ko. Marahan na lang akong naupo sa upuan na hinila ni Zaprine para sa akin. Nagpasalamat naman ako sa pagka-gentleman ng boyfriend ko. Magaan lang itong ngumiti sa akin. "I really don't like her Papa, because she is the reason why, Greene got the bruises and wounds on her face, because of that woman's order!" bentang sa akin ng ina ni Zaprine. Napatingin silang lahat sa akin at nagtatanong ang mga mata nila.Gusto kong sumag
Love Amidst the Danger Kinaumagahan ay sakay kami sa luxury car ng Lolo ni Zaprine pauwing bahay. Nakatawag na ako sa bahay kagabi binalita na kasama naming uuwi ang Lolo ni Zaprine. Kasunod ang mga bodyguards ni Zaprine at si Lolo Francisco. Parang anak kami ng presidente na ang daming mga bodyguards na sumusunod sa likuran ng sinasakyan namin. "I really planned this for you, Grandpa, but Mom made a scene, so I'll surprise you first," "Make sure that I will really surprise, or else itatakwil kita at mawawalan kana ng mana," "Bawal ang gaya-gaya Grandpa, gawa ka rin ng sarili mong dialogue. Copycat katanda muna, e," biro ni Zaprine. Ayan napalo tuloy ng baston. Hindi ko mapigilan na matawa. "Grandpa!" suway niya. "Hindi kana nahiya sa girlfriend ko. Nagmukha na tuloy akong batang paslit na pinapalo mo pa!" reklamo pa nito sabay kamot sa ulo niya. "Hindi pa matanda ang Grandpa mo na akala mo, e, ang gwapo mo!" sagot naman ni Don Francisco. Napahagikhik ako dahil sumim
Love Amidst the Danger Habang nasa hapagkainan kami ay negosyo ang topic nila parents at ang Lolo ni Zaprine. Sinabihan ko kanina ang mga bata na mag-behave at 'wag sumingit sa usapan ng mga matatanda. Mabuti at nakinig naman ang mga anak ko. Nagpaluto ako ng favorite nilang ulam para sa pagkain sila magpukos. Hirap pa naman sila maawat minsan.Nakikinig lang rin ako sa usapan ng parents ko, si Zaprine at ang Lolo nito. Wala rin naman akong masabi o matanong about sa topic nila. Umuwi na rin ang mga kapatid ko kanina sa kanilang mga bahay. "You mean Don Francisco, ikaw ang may-ari sa malaking shipping company sa buong mundo?" hindi makapaniwala na tanong ni Mommy."I think the biggest shipping company in the world is A.P. M group? And the second biggest shipping company is Trujillo's shipping group of company?" bahagya akong napasinghap. "He is right rank two lang 'yung sa amin. But I also have share in that company too," sagot naman ng matanda. Hindi ko nakitaan ng pagmamayabang
Love Amidst the Danger Sa patio kami nagtungo dahil nando'n pa raw ang parents ko at si Don Francisco. "Hello po! Tapos na po kami liligo ni Zamia po," matinis pa na sigaw ng batang makulit. Nang agaw atensyon na naman ito. "Come here, mga apo, until now I still in awe, I'm so speechless and happy at the same time. May apo na ulit akong babae kambal pa," masayang masaya na sambit ng matanda. Lumapit naman agad ang kambal pagkababa ni Zaprine sa kanila. Tumabi sila sa kinauupuan ng matanda. "How old are you, two?" magiliw na tanong ng matanda. "Three po, nag-school na rin po kami," sagot agad ni Zaria. "Bakit ngayon mo lang sila pinakilala sa'kin, huh, el nieto?" tanong ni Don Francisco kay Zaprine. "Tatago po kami Grandpa, kasi sabi Mommy meron daw bad person na saktan po kami. Kaya tatago po kami, Grandpa, sa marami tao po," daldal ni Zaria. Si Zamia naman ay kumakain na ng meryenda na binigay ng kasambahay kanina. "What?" gulat na bulalas ng matanda sabay tingin sa akin t
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Kapapasok pa lang namin sa gate ay kita ko na ang napakalawak na bulwagan kung saan gaganapin ang reception. Dito na rin sila mismo ikakasal garden wedding raw. Hindi pa tapos pero sigurado akong bongga at sosyal ang araw ng kasal nila Kuya Lucas at Greene. Masaya ako para sa kanila. Napangiti ako ng makita ko ang mga anak namin na naglalaro sa labas ng mansion kasama si Lily at iba pa nilang mga pinsan. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko ng naging magkasundo na lahat ang mga bata. Nag-sorry rin sila sa kambal noon kaya naging maayos na muli ang pagkikita nilang lahat. Napatigil sila ng makita nilang may paparating na sasakyan. Lumiko ang sasakyan at sa parking lot ito tumigil. Agad akong bumaba ng tumigil na ang sasakyan. Sumunod naman si Zaprine sa akin. Ang kasambahay na raw ang bahala sa mga gamit naming dalawa. Kumaway si Zaprine sa mga batang naglalaro ng bola sa malawak na bakuran ng mansion ni Lolo Francisco. Napansin naman nila kami k
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nasa Spain na ang mga anak ko at ang pinsan nilang si Lily with their grandparents. Mag-isang linggo na sila doon. Sunod na lang kami ni Zaprine dahil may emergency pa dito sa hospital. Isang araw pa lang nila sa Spain panay tawag na ni bunso sa amin. Gusto na raw niya umuwi at namimiss na niya kami.Ako minsan ang nahihiya kapag sinusundo niya ako dito sa opisina ko. Laging may dalang bulaklak at regalo na kung ano-ano. Kung gaano ito kalambing noon ay mas lalo na ngayon, very clingy. Basta na lang nanghahalik kapag gusto nito. Hindi na nahiya sa mga staff ng hospital. Heto nga at naka-akbay na naman habang palabas na kami ng hospital. Mamayang gabi na kasi ang flight namin pauwing Spain. Sa makalawa na ang kasal ni Kuya Lucas at Greene. Laging nireremind ni Kuya Lucas na dapat nando'n na kami bago pa magsimula ang kasal nila.Ayaw raw niyang maging malungkot ang asawa to be niya kapag hindi kami makadalo. Paranoid na raw ito na baka hindi kami
Love Amidst the Danger AriaYumakap rin sa amin si Blessa. Hindi namin alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan at nagyakapan na tatlo. Alam ko na kahit ito gumaan na rin ang pakiramdam niya. Ito lang pala ang way para mawala ang lahat ng agam-agam sa sarili. Kapatawaran lang pala ang kailangan para maging okay na kaming lahat.Halos dalawang oras kaming nakikipagkwentuhan kay Greene. Lahat ng nangyari sa kanya dito sa loob ng kulungan kweninto niya sa amin. Marami rin pala siyang pinagdaanan hirap dito sa loob ng kulungan. Kung wala pang nagbanta na pulis sa kanila ay baka daw hanggang ngayon ay magulo pa rin ang loob ng selda. At may tumutulong raw sa kanya dito kaya hindi gaano mahirap para sa kanya ang lahat. "Tinapangan ko ang sarili ko sa loob ng selda dahil kapag namatay ako, hindi ko na masasabi ang lahat ng ito sayo. I want to tell you how sorry I am for all the bad things I did to you. Para sa gano'n ay mapawi naman ang bigat na dinadala ko araw-araw dito sa puso ko,"
Love Amidst the Danger Aria"Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Blessa. "Kanina pa ako ready, sasabak na ba tayo sa gyera?" biro ko. Tumawa naman ito. "Kelan ka pa marunong magbiro?""Kanina lang," sagot ko naman. Sabay pa kaming tumawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod na kay Blessa. Sana panginoon maging maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Greene.Kausap na ni Blessa ang isang pulis, ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Blessa. Maya't maya pa ay iginiya na kami ng isang pulis sa visitor area, para sa mga bumibisita sa mga kamag-anak na nakakulong dito.Iniwan na kami ng pulis hinintay na lang namin ang pagdating dito ni Greene. "Alam mo ba na maganda ang record dito ni Greene. Marami raw siyang natutunan at narealise sa buhay. Marami rin siyang nagawang maganda dito sa loob ng kulungan. Nagtuturo siya ng mga gustong manahi na naging libangan na ng ibang mga kababaihan na nakakulong dito. Naging motivational speaker siya sa mga katulad niyang nakakulong rin,"
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Naging hands on kaming dalawa ni Zaprine sa mga anak naming tatlo. Ang gusto kasi ni Zaprine ay maging close kaming Lima. Walang dapat favorite at walang hindi favorite sa pamilya. Dapat pantay kami lahat. Ngayon may event sila sa school ng kambal, lumiban pa kami sa trabaho masuportahan lang namin ang mga anak namin. Gusto kasi namin na nando'n kami sa lahat ng klase ng event sa paaralan nila. Hindi pa rin nawawala ang panganib sa paligid namin kaya marami pa rin body guard si Zaprine. May dalawa rin yaya na nakabantay sa loob ng paaralan para sa kambal. Sabay silang kumakain sa tanghalian sabay rin silang uuwi. Gano'n palagi ang routine nila. Palaging nagpapakarga ang bunso namin sa Daddy nito. Hindi nawawala ang oras ng asawa ko sa mga bata lalo na sa akin. Kada buwan ay pinapacheck up niya kami ng mga anak namin. Masyadong matatakutin na kapag may nagkasakit sa amin ay agad niya kaming dinadala sa hospital. Kahit alam niyang kaya ko naman
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Hindi ko talaga kinaya ang mga rebelasyon niya sa akin. Grabe naman siya mag-revenge ng palihim para sa akin. Nakakatakot! "How about Greene? Hahayaan mo na lang rin ba na gano'n ang ginawa niya sayo? She almost killed you, remember! Kung lalaki lang siya o hindi lang siya kapatid ng asawa ng pinsan ko. Matagal ko na siyang pinatay!" madiin at may galit sa boses nitong sambit."Stop it! Ayokong nakikita kitang ganyan kabayolente. Ayokong makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw. Sabi ko naman sa'yo na ang panginoon na ang bahala sa kanya! Naawa rin naman ako sa nangyari sa kanya at... oh wait," kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.Mapanuring ko siyang tinignan sa mata. Mukhang guilty naman ito agad. Napakamot pa sa batok niya. I knew it. Pero bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako."What's on your mind is true, sweetheart. Kilala ko ang ilan sa mga pinahiya ni Greene at binastos sa mga party or event na dinadaluhan nito noo
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nakasalampak silang dalawa sa carpet sa sala habang kumakain at nanonood sila ng movie. Pero nagulat ako ng patayin ng asawa ko ang TV. Nagtataka akong napalingon sa kanya."Bakit mo pinatay ang TV? Ang ganda na ng palabas tapos i-off mo lang!" reklamo ko agad. "Itutuloy natin panoorin mamaya, sweetheart. May sasabihin lang ako sa'yo," ngiti nito sa akin."About what?""Everything,""Like?""The past. At ayaw ko ng maglihim pa sa nakaraan ko. It's all in the past but I just want to share it to you. Dahil bahagi ka naman sa ilang kwento na sasabihin ko sa'yo," Nahihiwagaan ako sa gusto niyang i-kwento sa akin. Kaya tumango na lang ako. Kaya nagsimula na itong magkwento."You know already about my Mom, family background di ba? At totoo ang sinabi ng Mommy mo na masama at marami ng nagawang kasamaan sa bansang Pilipinas at sa iba pa na mga bansa sa mundo. And I'm glad na nahuli na ang leader ng sindikato na pinsan ng Mommy ko," kwento ni Zaprine.
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine "Mommy, Daddy, balik kayo agad ha. Magpakabait po kami dito at alagaan po namin si baby Zachy," sambit ni Zaria.Tumango tango naman kami ni Zaprine."And Mommy, Daddy, remember po ang sabi ng doctor. Bawal po magbuntis ulit si Mommy. Take care of our mommy okay ha, daddy?" bilin rin ni Zamia. Matamis naman akong ngumiti sa kanya."No baby in the tummy pag-uwi po!" humalakhak naman ang mga parents namin at pati sila grandparents natatawa na rin sa mga kapilyahan ng kambal."Mag-iingat po kayo sa pamamasyal ha, mag-enjoy po kayong dalawa, mommy and daddy," sabi naman ni Zaria."Don't forget our pasalubong po ha," si Zamia."And don't forget to call us here po. Take care and enjoy both of you mommy and daddy," "Kami na ang bahala sa mga bata mga anak. Mag-ingat kayo sa pupuntahan ninyo. Enjoy and don't think about us here," sabi naman ni Mommy ko."Opo Mom!" ani ko."Saka mommy and daddy, kami na po bahala sa dalawa po namin na Lola. Kapag mag-away
Love Amidst the Danger Aria Nang binalita ko sa mga kapatid ko na nandito sa bahay mga parents ng Mommy namin ay hindi sila nagdalawang isip na magtungo dito sa mansion namin. Hindi pa nga sila naniniwala noong una pero nang mag-send ako ng picture sa kanila ay saka lang sila naniwala. Normal lang na reaksyon yun kasi nga ayaw ni Lolo sa akin at galit. Halos hindi rin makapaniwala sila Daddy. Pero now okay na ang lahat. Naging masaya ang buong maghapon namin dahil kompleto na kami lahat at masaya na. Nagkapatawaran na at nagka-ayos na rin. Nag-video call rin sila grandparents sa Australia Kaya kahit video call lang ay parang buo pa rin naman kami. Sa akin na rin ipinagkatiwala ni grandpa ang pamamahala sa hospital. Inanunsyo na rin ni grandpa sa mga staff ng hospital na ako na ang magiging bagong boss nila. Pati sa ka-business ng pamilya pinakilala na rin ako ni grandpa. Sisikapin kong maging maayos ang takbo ng hospital. Ayaw kong biguhin si grandpa. ***** A year later...