Staying at the clinic Zaprine Pov May binigay si Axeros na higaan ng mga bata dahil ayaw nila umuwi sa apartment. Gusto nila sa tabi lang sila ng Mommy nila. Nag early dinner kami kanina kaya nagpabili na lang ako ng snacks nila at tubig. Tulog na ang kambal at ako na lang ang gising. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ni Aria na puno ng pasa may sugat pa sa gilid ng labi niya. May mga gasgas dahil siguro iyon sa pagkakahulog n'ya sa bangin. Pero ang mga pasa nitong natamo ay alam kong galing sa pananakit ng babaeng iyon. Wait for your turn b!tch! Pinapakisamahan kita dahil kapatid ka ng asawa ng pinsan ko. Kaso you cross the line and I don't like what you did to my girlfriend. Wala siyang kasalanan sa'yo para gano'n na lang kung saktan mo siya. 'Alam mo sa sarili mo na kaibigan lang turing ko sa'yo. Hindi ko sinabi na mahalin mo ako pero hinayaan mo ang sarili mo na mahalin ako. Kahit alam mo naman sa sarili mo na wala kang mapapala sa akin,' inis na inis siya sa bab
Aria Pov Nagising siya na masakit ang ulo at katawan. Napatigil siya ng maisip na nahulog siya sa bangin. Bigla siyang napabalikwas ng bangon pero napadaing siya sa sakit ng katawan. Kaya napabalik siya agad ng higa sa kama. Mariin siyang nakapikit dahil sa sakit na nararamdaman niya sa katawan, at ulo, lalo na ang mukha niya. "Ang s-sakit, tama naa!" daing kong sambit. Pakiramdam ko may nananakit na naman sa akin. Double sakit na naman kapag gumanti ako. Pero napatigil siya ng makapa niya ang kanyang higaan. Hmmm... malambot ang higaan ko. Parang nasa kama ako, a? Ibig sabihin may nagligtas sa'kin sa kamatayan. Ibubuka ko pa lang sana ang mga mata ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumikit na muna ako para pakalmahin ang sarili. Dahil masakit pa ang ulo at katawan ko. "Daddy, kelan gigising si Mommy po?" tanong ng isa naming anak. "Tagal po niya mag-wake up po, Daddy. Baka gugutom na po siya, wala pa kain si Mommy," sabi naman ng isa pa. "Let's Mommy rest for awhile. Ma
Aria Pov Tapos na kaming kumain nang dumating ang mga magulang ko. Naaawang nakatingin sa akin si Mommy, hindi na rin nito mapigilan ang maiyak."Dios ko, namang bata ka bakit hindi ka nag-iingat!" kunwari'y galit pero umiiyak naman at agad akong niyakap. "What happen to her?" tanong ni Daddy na kay Zaprine nakatingin."Lolo---" "Shhhh... baby don't talk when the adults are not talking to you, hmm. Please, listen to daddy. Magsalita ka lang kapag kinausap kana ha? Interrupting the conversation of elders is bad, anak," malumanay na suway ni Zaprine sa anak naming si Zaria."Okay po Daddy, mamaya na lang po ako mag-talk kay Lolo at Lola, namiss ko kasi sila," sagot naman ng anak ko. Lumapit na silang dalawa sa Grandpa nila at nag-kiss at nagmano, sunod sa Grandma nila."Nasa bahay ang mga pinsan n'yo kids, baka gusto n'yo makipaglaro na muna sa kanila?" singit ni Axeros sa mga bata."Talaga po, Mommy mag-play lang po kami sa mga cousins namin po, a?" excited na tanong pa ni Zamia. "
Aria Pov Nalungkot ako nang hindi na pumunta pa dito sila Mommy at Daddy. Nagtampo yata sila sa pagsuway ko sa kanila. Matanda na ako kailangan ko na rin na tumayo sa sarili kong mga paa. Magdisisyon sa lahat para sa sarili ko. Ang tanda ko na para diktahan pa nila ako sa mga gusto ko. Sarili ko naman ngayon ang pagtuunan ko ng pansin. Naging masunurin naman ako simula noong bata pa ako. Hayaan na sana nila akong magdisisyon naman para sa sarili ko. I already don't care about the recognition of my grandpa. I really don't care anymore. Ang priority ko na lang ngayon ay ang sarili kong pamilya. Kahit ayawan pa kami ng buong mundo basta kasama ko ang mag-aama ko masaya na ako doon. "You okay, sweetheart?" masuyong tanong ni Zaprine sa akin. Magaan naman akong ngumiti sa kanya at marahan na tumango. "Walang sinuman ang makakapaghiwalay sa ating dalawa. I love you sweetheart, hindi ko kaya na mawala ka pa ng tuluyan sa akin, kayo ng mga anak natin," lambing na yakap sa akin.
Aria Pov Napahaplos na lang ang kaibigan ko sa mukha ko. Na-touch naman ako sa ginawa nito. Kaya magaan akong ngumiti sa kanya."I'm always here for you, doktora, alam mo 'yan. Nagkakilala lang naman kayo ni Greene ng dahil sa akin. Kaya naging matalik na rin kayong magkaibigan na dalawa. We are friends kaya ayoko naman na siraan siya sa'yo, lalo ang siraan kita sa kanya. Like what I've said I respect your private life, also her private life. Pero dahil kaibigan ko kayong dalawa hindi ko gusto ang ginawa ni Greene, sa'yo hindi iyon makatarungan. Hayaan mo makakamit mo rin ang hustisya," malumanay nitong sabi sa akin. "I know and thank you for always here for me. Also thank you for being so understanding and a true friend. I supper appreciate you always, fashionista. I love you a lot!" nakangiti ko namang sabi. "My gossshit, I love you more! Nakakaiyak ito, so tayo na ba?" Nabatukan ko tuloy ito. "Kaloka ka!""Aray naman uy!" reklamo nito."Sagutin mo na kasi ang isa sa mga manlili
Aria Pov Tumabi ito sa sa'kin sa pagtulog sa kama. Pinaunan niya ako sa dibdib nito. Na miss ko ang ganitong pagtulog ang nakayakap sa kanya. Paggising ko kinaumagahan ay wala na siya sa tabi ko. Pero may nakita akong fresh flowers sa tabi ko. Napangiti ako habang inaabot ko ang napakagandang bulaklak. May letter pang nakasiksik sa pinakagitna ng bulaklak binasa ko agad ang nakasulat. 'Smile. Good morning my beautiful sweetheart,' -love Zaprine. Malawak akong napangiti nang mabasa ko ang simpling message nito sa akin. Kinikilig na naman ako. Nakaupo lang ako sa kama kaya ko naman na ang tumayo at malakas na ako dahil sa pangangalaga sa akin ni Zaprine. Nakangiti akong tumingin sa pinto ng makita kong bumukas iyon. Pero bahagya na nawalan ang ngiti ko ng ang mga parents ko ang pumasok sa loob. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa akin."Magandang umaga Mom, Dad," bati ko kahit pa seryoso silang nakatingin sa akin. Bumati rin naman sila kahit ang mga mukha nila ay seryoso."
Zaprine/Aria Pov "Okay ka na Mommy?" tanong naman ni Zamia. Tumango ako."Nandito naman kami Mommy, stop crying like a cat again Mommy," sabi naman ni Zaria na ikina-react ng kambal nito."You always so mean to Mommy, haynako!" simangot ni Zamia. "Don't worry Mommy, I'm here I understand you. It's okay to cry sometimes," ngiti ni Zamia. "It's just a expression to make Mommy smile, halleeerr! Ang seryoso mo naman Maya," nguso ni Zaria yumakap na ito sa binti ng ama.Kaya binuhat na ni Zaprine ang dalawa at lumapit sila sa kama kung saan ako nakaupo. Pwede na akong umuwi dahil okay naman na ako. Okay na lahat ng test nila sa akin. Hindi rin nabagok ang ulo ko kaya pwede na akong umuwi siguro mamaya.Pagkababa ni Zaprine sa kambal ay agad silang yumakap sa akin. Sabay pa silang humalik sa pisngi ko. Matamis naman akong ngumiti sa kanila. Natawa ako ng akmang hahalik rin si Zaprine sa akin. Sabay na tinakpan ng kambal ang labi ko. Kaya sa noo na lang ito humalik. "You guys are so mean
Back to normal Tatlong araw lang ng matalik kong kaibigan dito. Babalik daw pagkatapos ng fashion show na gaganapin sa exclusive na hotel sa manila. Isa daw sila ni Greene ang magmamanage with their co-designer. Nag-good luck na lang ako sa kanya. Hindi na nakapagpaalam sa kambal dahil may pasok na ang mga ito sa school. Maaga rin ang alis nito dahil marami pa daw sila aasikasuhin sa venue. Nagbigay pa siya ng calling card bago ito umalis. Aasahan daw nito ang pagtawag ko sa kanya. One week akong leave sa trabaho kaya nandito lang ako sa bahay. Si Zaprine na ang lahat ng nag-aasikaso sa aming tatlo. Busy na ito sa pagluluto sa kusina ako naman nasa Sala kausap ang assistant ko sa clinic. Kunti lang ang nakakaalam sa mga nakakakilala sa akin, na ako ang may-ari ng clinic na nasa malapit sa lugar ng mga kapos palad na mga mamamayan. Alam ng mga nasa lugar na iyon na ako ang may-ari kaya kapag nakita nila ako ay masaya nila akong binabati. Naging safe ang lugar na iyon para sa a
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Kapapasok pa lang namin sa gate ay kita ko na ang napakalawak na bulwagan kung saan gaganapin ang reception. Dito na rin sila mismo ikakasal garden wedding raw. Hindi pa tapos pero sigurado akong bongga at sosyal ang araw ng kasal nila Kuya Lucas at Greene. Masaya ako para sa kanila. Napangiti ako ng makita ko ang mga anak namin na naglalaro sa labas ng mansion kasama si Lily at iba pa nilang mga pinsan. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko ng naging magkasundo na lahat ang mga bata. Nag-sorry rin sila sa kambal noon kaya naging maayos na muli ang pagkikita nilang lahat. Napatigil sila ng makita nilang may paparating na sasakyan. Lumiko ang sasakyan at sa parking lot ito tumigil. Agad akong bumaba ng tumigil na ang sasakyan. Sumunod naman si Zaprine sa akin. Ang kasambahay na raw ang bahala sa mga gamit naming dalawa. Kumaway si Zaprine sa mga batang naglalaro ng bola sa malawak na bakuran ng mansion ni Lolo Francisco. Napansin naman nila kami k
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nasa Spain na ang mga anak ko at ang pinsan nilang si Lily with their grandparents. Mag-isang linggo na sila doon. Sunod na lang kami ni Zaprine dahil may emergency pa dito sa hospital. Isang araw pa lang nila sa Spain panay tawag na ni bunso sa amin. Gusto na raw niya umuwi at namimiss na niya kami.Ako minsan ang nahihiya kapag sinusundo niya ako dito sa opisina ko. Laging may dalang bulaklak at regalo na kung ano-ano. Kung gaano ito kalambing noon ay mas lalo na ngayon, very clingy. Basta na lang nanghahalik kapag gusto nito. Hindi na nahiya sa mga staff ng hospital. Heto nga at naka-akbay na naman habang palabas na kami ng hospital. Mamayang gabi na kasi ang flight namin pauwing Spain. Sa makalawa na ang kasal ni Kuya Lucas at Greene. Laging nireremind ni Kuya Lucas na dapat nando'n na kami bago pa magsimula ang kasal nila.Ayaw raw niyang maging malungkot ang asawa to be niya kapag hindi kami makadalo. Paranoid na raw ito na baka hindi kami
Love Amidst the Danger AriaYumakap rin sa amin si Blessa. Hindi namin alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan at nagyakapan na tatlo. Alam ko na kahit ito gumaan na rin ang pakiramdam niya. Ito lang pala ang way para mawala ang lahat ng agam-agam sa sarili. Kapatawaran lang pala ang kailangan para maging okay na kaming lahat.Halos dalawang oras kaming nakikipagkwentuhan kay Greene. Lahat ng nangyari sa kanya dito sa loob ng kulungan kweninto niya sa amin. Marami rin pala siyang pinagdaanan hirap dito sa loob ng kulungan. Kung wala pang nagbanta na pulis sa kanila ay baka daw hanggang ngayon ay magulo pa rin ang loob ng selda. At may tumutulong raw sa kanya dito kaya hindi gaano mahirap para sa kanya ang lahat. "Tinapangan ko ang sarili ko sa loob ng selda dahil kapag namatay ako, hindi ko na masasabi ang lahat ng ito sayo. I want to tell you how sorry I am for all the bad things I did to you. Para sa gano'n ay mapawi naman ang bigat na dinadala ko araw-araw dito sa puso ko,"
Love Amidst the Danger Aria"Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Blessa. "Kanina pa ako ready, sasabak na ba tayo sa gyera?" biro ko. Tumawa naman ito. "Kelan ka pa marunong magbiro?""Kanina lang," sagot ko naman. Sabay pa kaming tumawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod na kay Blessa. Sana panginoon maging maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Greene.Kausap na ni Blessa ang isang pulis, ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Blessa. Maya't maya pa ay iginiya na kami ng isang pulis sa visitor area, para sa mga bumibisita sa mga kamag-anak na nakakulong dito.Iniwan na kami ng pulis hinintay na lang namin ang pagdating dito ni Greene. "Alam mo ba na maganda ang record dito ni Greene. Marami raw siyang natutunan at narealise sa buhay. Marami rin siyang nagawang maganda dito sa loob ng kulungan. Nagtuturo siya ng mga gustong manahi na naging libangan na ng ibang mga kababaihan na nakakulong dito. Naging motivational speaker siya sa mga katulad niyang nakakulong rin,"
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Naging hands on kaming dalawa ni Zaprine sa mga anak naming tatlo. Ang gusto kasi ni Zaprine ay maging close kaming Lima. Walang dapat favorite at walang hindi favorite sa pamilya. Dapat pantay kami lahat. Ngayon may event sila sa school ng kambal, lumiban pa kami sa trabaho masuportahan lang namin ang mga anak namin. Gusto kasi namin na nando'n kami sa lahat ng klase ng event sa paaralan nila. Hindi pa rin nawawala ang panganib sa paligid namin kaya marami pa rin body guard si Zaprine. May dalawa rin yaya na nakabantay sa loob ng paaralan para sa kambal. Sabay silang kumakain sa tanghalian sabay rin silang uuwi. Gano'n palagi ang routine nila. Palaging nagpapakarga ang bunso namin sa Daddy nito. Hindi nawawala ang oras ng asawa ko sa mga bata lalo na sa akin. Kada buwan ay pinapacheck up niya kami ng mga anak namin. Masyadong matatakutin na kapag may nagkasakit sa amin ay agad niya kaming dinadala sa hospital. Kahit alam niyang kaya ko naman
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Hindi ko talaga kinaya ang mga rebelasyon niya sa akin. Grabe naman siya mag-revenge ng palihim para sa akin. Nakakatakot! "How about Greene? Hahayaan mo na lang rin ba na gano'n ang ginawa niya sayo? She almost killed you, remember! Kung lalaki lang siya o hindi lang siya kapatid ng asawa ng pinsan ko. Matagal ko na siyang pinatay!" madiin at may galit sa boses nitong sambit."Stop it! Ayokong nakikita kitang ganyan kabayolente. Ayokong makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw. Sabi ko naman sa'yo na ang panginoon na ang bahala sa kanya! Naawa rin naman ako sa nangyari sa kanya at... oh wait," kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.Mapanuring ko siyang tinignan sa mata. Mukhang guilty naman ito agad. Napakamot pa sa batok niya. I knew it. Pero bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako."What's on your mind is true, sweetheart. Kilala ko ang ilan sa mga pinahiya ni Greene at binastos sa mga party or event na dinadaluhan nito noo
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nakasalampak silang dalawa sa carpet sa sala habang kumakain at nanonood sila ng movie. Pero nagulat ako ng patayin ng asawa ko ang TV. Nagtataka akong napalingon sa kanya."Bakit mo pinatay ang TV? Ang ganda na ng palabas tapos i-off mo lang!" reklamo ko agad. "Itutuloy natin panoorin mamaya, sweetheart. May sasabihin lang ako sa'yo," ngiti nito sa akin."About what?""Everything,""Like?""The past. At ayaw ko ng maglihim pa sa nakaraan ko. It's all in the past but I just want to share it to you. Dahil bahagi ka naman sa ilang kwento na sasabihin ko sa'yo," Nahihiwagaan ako sa gusto niyang i-kwento sa akin. Kaya tumango na lang ako. Kaya nagsimula na itong magkwento."You know already about my Mom, family background di ba? At totoo ang sinabi ng Mommy mo na masama at marami ng nagawang kasamaan sa bansang Pilipinas at sa iba pa na mga bansa sa mundo. And I'm glad na nahuli na ang leader ng sindikato na pinsan ng Mommy ko," kwento ni Zaprine.
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine "Mommy, Daddy, balik kayo agad ha. Magpakabait po kami dito at alagaan po namin si baby Zachy," sambit ni Zaria.Tumango tango naman kami ni Zaprine."And Mommy, Daddy, remember po ang sabi ng doctor. Bawal po magbuntis ulit si Mommy. Take care of our mommy okay ha, daddy?" bilin rin ni Zamia. Matamis naman akong ngumiti sa kanya."No baby in the tummy pag-uwi po!" humalakhak naman ang mga parents namin at pati sila grandparents natatawa na rin sa mga kapilyahan ng kambal."Mag-iingat po kayo sa pamamasyal ha, mag-enjoy po kayong dalawa, mommy and daddy," sabi naman ni Zaria."Don't forget our pasalubong po ha," si Zamia."And don't forget to call us here po. Take care and enjoy both of you mommy and daddy," "Kami na ang bahala sa mga bata mga anak. Mag-ingat kayo sa pupuntahan ninyo. Enjoy and don't think about us here," sabi naman ni Mommy ko."Opo Mom!" ani ko."Saka mommy and daddy, kami na po bahala sa dalawa po namin na Lola. Kapag mag-away
Love Amidst the Danger Aria Nang binalita ko sa mga kapatid ko na nandito sa bahay mga parents ng Mommy namin ay hindi sila nagdalawang isip na magtungo dito sa mansion namin. Hindi pa nga sila naniniwala noong una pero nang mag-send ako ng picture sa kanila ay saka lang sila naniwala. Normal lang na reaksyon yun kasi nga ayaw ni Lolo sa akin at galit. Halos hindi rin makapaniwala sila Daddy. Pero now okay na ang lahat. Naging masaya ang buong maghapon namin dahil kompleto na kami lahat at masaya na. Nagkapatawaran na at nagka-ayos na rin. Nag-video call rin sila grandparents sa Australia Kaya kahit video call lang ay parang buo pa rin naman kami. Sa akin na rin ipinagkatiwala ni grandpa ang pamamahala sa hospital. Inanunsyo na rin ni grandpa sa mga staff ng hospital na ako na ang magiging bagong boss nila. Pati sa ka-business ng pamilya pinakilala na rin ako ni grandpa. Sisikapin kong maging maayos ang takbo ng hospital. Ayaw kong biguhin si grandpa. ***** A year later...