Share

Kabanata 74

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2024-04-05 21:31:27
Kabanata 74

Pinasadahan ng tingin ni Jett si Arya mula ulo hanggang paa. Ngumuso siya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Magpalit ka kaya muna ng damit bago tayo magpunta sa store ng kapatid ko?”

“Ano bang mali sa suot ko? Okay na ‘to sa akin.” Pinagpagan ni Arya ang oversized t-shirt niya. Nagtalsikan ang mga gabok mula roon.

“Kung alam ko lang na dadaan muna tayo sa site bago pumunta sa clothing store ni Diana, eh ‘di sana, pinagbaon kita ng damit. Hindi ko akalaing nagbubuhat ka rin ng mga CHB at semento. Ibang klase ka talaga,” ani Jett.

“Tinulungan ko si Lolo Rudy kanina habang binibilhan mo sila ng lunch. Kawawa naman eh. Biruin mo senior citizen na siya pero nagtatrabaho pa rin siya ng mabigat. Inalok ko siyang magtrabaho sa isa sa mga restaurant namin kaso tinanggihan niya. Okay na raw siya sa construction.” Bumuntong hininga si Arya. “Binibigyan ko siya ng pera pero ayaw niya ring tanggapin. Ang sabi pa niya, mas kailangan ko raw ang pera dahil mas bata pa ako sa kaniya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝕊𝕒𝕟𝕒 𝕡𝕠 𝕞𝕜𝕒 𝕦𝕡 𝕟𝕒𝕡𝕠 𝕚𝕟𝕦𝕝𝕚𝕥 𝕜𝕦𝕟𝕒𝕝𝕟𝕘 𝕡𝕒𝕘𝕓𝕓𝕤𝕒.. 𝕥𝕒𝕜𝕖 𝕔𝕒𝕣𝕖 𝕨𝕣𝕚𝕥𝕖𝕣 𝕤𝕠𝕠𝕟 𝕨𝕒𝕚𝕥𝕚𝕟𝕘 𝕜𝕞𝕚 𝕤 𝕦𝕡𝕕𝕒𝕥𝕖
goodnovel comment avatar
Aiza Bacunawa
nag start na po kayo sa ONE NIGHT DARKER, sana dito rin po (ʘᴗʘ✿) TYSM AUTHOR
goodnovel comment avatar
Aiza Bacunawa
sana ito naman po ma update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Author's Apology

    Hi! It's been a busy week for me. Ikinasal ang kinakapatid ko this week tapos this week din, nalaman kong buntis ako sa pangalawa kong anak. Sad to say, I need to clear out my mind and to avoid pressure since maselan ang pagbubuntis ko po. Six weeks pa lang si baby and I need to prioritize my health and my well being since sakitin ako (actually, nag-me-maintenance na ako at age 28). I'll be gone and I'm not sure kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat.Sa ngayon, health ko at ng baby ko muna. Mauunawaan ko po kung iiwan niyo ako at aalisin niyo sa library ang books kong on going (Longing for my Ex-Wife's Return at One Night Darker (Tagalog) dahil nagkulang naman talaga ako sa inyo. Sa mga maghihintay naman po sa akin, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.Once na maging stable na kami ni baby, I'll be back. Magugulat na lang po kayo kapag nag notif si GoodNovel na may update na ako.Thank you and God bless.Sincerely Apologizing,Docky

    Huling Na-update : 2024-04-12
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 75

    Kabanata 75 “Magandang araw po, Ma’am Diana,” kinakabahan pero nakangiting bati ng guwardiya. “Magandang umaga po, ‘tay.” Kumunot ang noo ni Diana nang makita niyang walang sales lady na nag-a-assist sa kaniyang dalawang customers. “Nasaan po si Manager Lee at ang mga sales ladies na naka-duty today?” “Naku po, ma’am. Naka-sick leave po ‘yong apat na sales ladies natin. Pare-pareho po silang nagkaroon ng sore eyes. Si Ma’am Jho lang po ang nakapasok ngayong araw. Nasa restroom po siya. Si Manager Lee naman po ay…” Tumaas ang kilay ni Diana. “Ay?” Hindi na nakaimik ang guwardiya nang biglang lumabas si Manager Lee kasama si Jho. “Are you doing something during working hours?” mataray na tanong ni Diana. “Umihi lang po ako, Ma’am Diana. Si Jho naman po ay sira ang tiyan kaya galing din po siya ng restroom,” pagpapalusot ni Manager Lee. Ang totoo ay nanood siya ng kdrama sa may pantry habang kumakain samantalang si Jho naman ay abala sa pag-aayos ng kaniyang buhok. “Fine.

    Huling Na-update : 2024-08-01
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 76

    Kabanata 76 Malungkot na pinagmamasdan ni Damon ang litrato nila ni Arya habang nakahiga sa malambot na kama sa loob ng VVIP detainee room. Hindi na nasundan ang litratong iyon simula nang mawala sa kanila ang kanilang anak. Aminado siyang naging matigas ang puso niya at matagal din niyang isinisi kay Arya ang lahat pero ngayon ay lubos na siyang nagsisisi sa kaniyang mga naging maling desisyon noon. Hinaplos niya ang litrato. “Arya, anak, patawarin niyo ako.” Agad na tumulo ang mga luha ni Damon. Inilagay niya sa kaniyang dibdib ang litrato habang siya ay humihikbi. Hindi na siya makapaghintay na makalabas ng kulungan. Buo na ang loob niyang aminin kay Arya ang lahat. Lubos niyang inisip ang mga sinabi ni Daven sa kaniya. Natatakot siyang baka nga tuluyan nang mawala si Arya sa kaniya. “Mr. Damon, may ipinapabigay sa iyo ni Digger,” ani ng isang jail guard habang kinakatok ang pinto ng silid ni Damon. Pinahid ni Damon ang kaniyang mga luha at mabilis na bumangon. Naglakad siya

    Huling Na-update : 2024-08-01
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 77

    Kabanata 77 Nakaupo si Greta sa isang sulok habang nagpupunas ng kaniyang butil-butil na pawis. May pasa siya sa magkabilang pisngi at gulong-gulo ang kaniyang buhok. Sariwang-sariwa pa ang pulang dugo na unti-unting lumalabas sa putok niyang labi. “Hoy, hind0t na babae. Punas-punasan mo nga ‘yang labi mo. Baka s******n ko ‘yan kapag hinayaan mo lang na tumulo nang tumulo ang dugo mo. Mukha pa namang masarap ang labi mo.” Tumawa nang malakas ang isang tomboy na inmate kasama ang kaniyang mga alipores nang makita niyang dali-daling pinahid ni Greta ang dugo nito sa labi. Dumura si Greta sa sahig. “Mas pipiliin ko pang kumain ng alikabok kaysa pumayag na s******n mo ang labi ko!” matapang niyang sabi. Tumayo ang tomboy na inmate at inaruhan ng suntok si Greta. “Gusto mo bang pasabugin ko rin ang bungo mo? Bastos ang bunganga mo ah!” “Boss, sample-lan mo nga. Mukhang hindi pa siya nasaktan sa ginawa natin sa kaniya kagabi,” sulsol ng isang matabang inmate na babae. “Huwag mo nga ako

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 78

    Kabanata 78 “Senyorita Armani, ipinapatawag po kayo ni Don Fridman.” Iniikot ni Mariz ang kaniyang upuan at hinarap ang kaniyang secretary. “Sinabi ba ni lolo kung bakit?” Umiling ang secretary. “Wala ka bang dila?” iritang tanong ni Mariz. “Mayro’n po. Pasensya na po, senyorita.” Yumuko ang secretary sa harap ni Mariz. “Sa susunod, kapag tinatanong ka, magsalita ka ha! Sige na. Lumayas ka na sa harap ko at ipagtimpla mo ako ng kape. Bilisan mo!” Nilaro ni Mariz ang kaniyang buhok at itinaas ang kaniyang paa sa mesa. Pinagmasdan niya ang buong opisina ni Arya. “All of these fancy things will be mine in no time. Sige lang, Arya. Enjoyin mong mabuti ang pagpapanggap mo bilang isang maralita at eenjoyin ko rin naman ang pag-angkin ng pagkatao mo.” Tumayo si Mariz at naglakad patungo sa harap ng kaniyang mesa. Dinampot niya ang silver desk name plate niya. Bumalik siya sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang susi ng isang drawer sa kaniyang bag at mula roon ay inilabas niya ang go

    Huling Na-update : 2024-08-02
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 79

    Kabanata 79 “Hi, Miss Diana. I'm Arya,” nakangiting sabi ni Arya habang inilalahad ang kaniyang kamay kay Diana. Lumapit si Jett kay Diana at bumulong, “She's an Armani, a real Armani.” Namilog ang mga mata ni Diana. Bago pa man niya hawakan ang mga kamay ni Arya ay naglagay muna siya ng disinfectant. “Ikinagagalak kong makilala at makita ka sa personal, Miss Arya Arm—” Agad na tinakpan ni Jett ang bibig ni Diana. “Hey, I forgot to tell you that it's still a secret. She's still waiting for the right time to expose her true identity,” he whispered. “Gosh! I'm sorry. I didn't mean to…” “It's fine, Diana. Anyway, the designs of your clothes are all remarkable and beyond what I expected. Those clothes are worth more than their selling price.” Itinuro ni Arya ang lahat ng mga damit na napili niya. “I'm buying all of these for your two employees.” Nakangiti niyang tiningnan sina Manager Lee at sales lady Jho na ngayon ay napapakamot na sa kanilang ulo dahil sa nangyayari. “Para

    Huling Na-update : 2024-08-05
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 80

    Kabanata 80 “Anak, kumusta ka na? Hindi ka ba nila sinasaktan dito?” nag-aalalang tanong ni Divina habang hawak-hawak ang mga kamay ni Damon. “Ayos na ako rito, mama. Salamat sa kaibigan kong si Digger,” agad na tugon ni Damon. “Mabuti naman kung gano'n. Kasalanan talaga ng dati mong asawa ang lahat! Wala na siyang dinala sa buhay natin kung hindi kamalasan!” nanggagalaiting sambit ni Divina. “Mabuti na lang talaga at nakipaghiwalay ka na sa hampaslupang ‘yon!” “I didn't, mama,” Damon said in a low voice. Namilog ang mga mata ni Divina. “Anong ibig mong sabihin, Damon? Hindi ba’t tapos nang iproseso ang divorce niyong dalawa?” “I'm just kidding, mama. Highblood ka naman agad.” Pinagmasdang mabuti ni Damon ang mukha ng babaeng nagluwal sa kaniya. Hinampas nang malakas ni Divina sa balikat si Damon. Napaaray naman ito. “Sa susunod, huwag ka nang magbibiro ng katulad noon! Hindi ako natutuwa at walang nakakatuwa sa sinabi mo!” Umirap siya at nag-iwas ng tingin sa kaniyang an

    Huling Na-update : 2024-08-05
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 81

    Kabanata 81 Papunta na sa kanilang sasakyan sina Divina at Denver nang makita nila si Aiven. Kasa-kasama nito ang ilan sa mga pamilyar na mukha, mga tauhan ni Don Fridman. “Anong ginagawa ng hampaslupang kapatid ni Arya rito?” tanong ni Divina habang nagtatago sa likod ni Denver. “Malamang, bibisitahin ang anak natin. Titingnan siguro nila ang kalagayan ni Damon para iulat kay Arya,” tugon ni Denver. “Nagtago ka nga sa likod ko. Makikita rin naman nila ako, eh ‘di wala rin,” naiiling na turan niya. Hinampas ni Divina sa balikat si Denver. “Halika, lumapit tayo ng kaunti sa kanila. Mukhang may pinag-uusapan silang importante eh.” Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang kaniyang bunsong anak na si Dionne. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong b****o kay Aiven. “Dionne, anong ibig sabihin nito?” mariing sabi niya. Maging ang mukha ni Denver ay hindi na rin maipinta. Itinulak ni Divina si Denver habang nakatago pa rin sa likod nito. “Dahan-dahan. Magtago ka kaagad sa

    Huling Na-update : 2024-08-11

Pinakabagong kabanata

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 87

    Kabanata 87“Arya…”"Jam, mauna ka na muna sa sasakyan. Susunod na lang ako sa'yo,” malamig na sambit ni Arya. Rinig na rinig niya ang pagtangis ng kaniyang dating asawa."Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Jett.Tumango si Arya. "I just need to talk to him…privately. I hope you won't mind. Don't worry, I'm fine. I'll be fine." Hinawakan niya ang kamay ni Jett."Call me when something happens. Call me when you need me.” Tinapunan ni Jett nang masamang tingin si Damon. Nakayuko pa rin ito habang nakaupo sa tiles at tuloy sa pag-iyak.“I will," Arya assured.Nag-aalangan man, iniwan ni Jett si Arya. May tiwala naman siya rito pero hindi pa rin mawala ang kaniyang pag-aalala.Marahang hinarap ni Arya si Damon. She cleared her throat. “Speak," matipid niyang pahayag.Huminto sa pag-iyak si Damon. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at saka inayos ang kaniyang hitsura. Mabilis siyang tumayo. Naglalakad na siya palapit kay Arya nang bigla itong nagsalita.“Stop right there. Don’t come

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 86

    Kabanata 86 “Babe, tinawagan ko na ang mga contacts ko sa press. May nakabuntot na rin akong mga tauhan kay Dr. Santos. Sigurado akong hindi magtatagal at lalabas din sa lungga niya si Dra. Santos,” ani Jam habang naglalakad palapit kay Arya. “Maraming salamat, babe…ibig kong sabihin, J-Jam…” Napakagat sa kaniyang labi si Arya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Saglit namang napahinto si Jett sa paglalakad. Hinawakan niya ang kaniyang mga pisngi na parang isang batang nagpapa-cute para mabilhan ng kendi. Nag-init kasi ang mga iyon nang tawagin siyang babe ni Arya. “Jam, sasama ka pa ba?” tanong ni Arya habang nakatingin sa nakahintong si Jett. Mabilis namang tumakbo si Jett para habulin si Arya. “Saan ba tayo pupunta? Hindi ba’t si Damon ang isa sa pakay natin dito bukod kay Dr. Santos?” kunot-noong tanong niya. “Kay Damon nga tayo pupunta. Nakabukod na siya ng kulungan. Nasa VVIP room na siya,” walang emosyong tugon ni Arya. “Ay, oo nga pala! Sorry, I forgot.” Nang makara

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 85

    Kabanata 85 Lilingon na sana si Arya nang biglang tumawag sa kaniyang cell phone si Aiven. Sinagot niya iyon at saka nagpatuloy sa paglalakad. Pumalakpak si Divina sa sobrang tuwa dahil nagkamali ang kaniyang kutob na isa nga talagang Armani si Arya. “HA! Sinasabi ko na nga ba. Hindi siya totoong Armani. Makaalis na nga at makabisita kay Senyorita Mariz.” Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ng kanilang sasakyan nang sunod-sunod na bumusina si Denver. “Babe, sigurado ka bang palalayain mo na si Damon? Akala ko ba isang buwa—” Napakamot sa kaniyang ulo si Jett nang sumenyas si Arya. Humingi ito ng kaunting minuto para kausapin muna si Aiven. “Anong balita? Namataan niyo na ba si Dr. Santos?” kunot-noong tanong ni Arya habang binabaybay ang daan patungo sa presinto. [“Negative pa. Oo nga pala, ate, nagawa ko na ang ipinapagawa mo kanina. Ipinarinig ko na sa mga Walton na isa kang Armani.”] Ngumiti si Arya. “I almost forgot. Kaya naman pala tinawag ako bigla ni

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 84

    Kabanata 84 “Ate Arya…” Arya smiled at Dionne. “Kumusta ka na?” “Sa tingin mo, kumusta na ang anak ko? Malamang malungkot ‘yang si Dionne dahil IPINAKULONG mo ang kuya niya!” pagsingit ni Divina. “Mawalang galang na. Kayo ba si Dionne?” Mapang-asar na nginitian ni Arya si Divina. “HA! Nakahanap ka lang ng bagong mahuhuthutan, tumaas na agad ang ihi mo! Hoy, Arya, ayusin mo ang pananalita mo. Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa’yo!” Pinandilatan ni Divina si Arya. Arya crossed her arms as she released louder laughter. “Bagong mahuhuthutan? Kailan ko ba pinerahan ang anak niyo? Kailan ko ba kayo ginatasan? Wala kasi akong matandaan. Isa pa, huwag niyong gamitin ang edad niyo para irespeto kayo ng taong kaharap niyo. Bago ka humingi ng respeto sa akin, tanungin mo muna ang sarili mo kung ka respe-respeto ka ba!” “Ate Arya…” Hindi makapaniwala si Dionne sa kaniyang mga narinig. Ibang Arya na ang kanilang kaharap. Hindi na ito ang dating Arya na pumapayag na api-apihin

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 83

    Kabanata 83 Pinapaypayan ni Dionne si Divina nang bigla itong magkaroon ng malay. Halos bente minuto rin itong nakahiga sa kandungan niya. “Mama okay ka na ba? Bakit ka nawalan ng malay kanina? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong niya habang inaalalayang tumayo ang kaniyang ina. Hinilot ni Divina ang kaniyang noo. “Nawalan ako ng malay?” Tumango si Dionne. “Divina, pinag-alala mo kami!” turan ni Denver habang nakapamewang sa harap ng kaniyang mag-ina. Agad na tumayo si Divina. Inalalayan pa rin siya ng kaniyang anak. “Mama, huwag mo munang piliting tumayo kung hindi mo pa kaya. Baka matumba ka!” ani Dionne. “Nasaan ang hampas lupang si Aiven? May kailangan akong itanong sa kaniya!” Halos maputol na ang leeg ni Divina sa kahahanap kay Aiven sa paligid. “Nasa loob sila ng presinto. Siguro sa mga oras na ito ay kinakausap na nila si Damon. Ano ba ang kailangan mong itanong sa kaniya at gan'yan ka kabalisa?” kunot-noong tanong ni Denver. “T0nta! Nakalimutan mo na

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Author's Note

    HI EVERYONE! I WAS AND I AM BUSY PREPARING FOR MY UPCOMING WEDDING KAYA NAPAHINTO PO ANG UPDATES KO. PLEASE UNDERSTAND IF I CAN'T UPDATE ONE NIGHT LOVE (TAGALOG) BOOK 3 AND LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN. I'LL BE BACK ON SEPTEMBER 1ST. THANK YOU FOR YOUR KIND UNDERSTANDING. GOD BLESS PO. IF I WILL HAVE SOME FREE TIME TO WRITE, I WILL UPDATE ANY OF THESE TWO STORIES. THE BILLIONAIRE'S DESTINED LOVE WILL BE HAVING DAILY UPDATE SINCE I ALREADY WROTE SOME DRAFTS LAST LAST WEEK PA KAYA HUWAG PONG MAGTATAKA IF MA-A-UPDATE KO PO 'YONG NEW STORY KO TAPOS ITONG DALAWANG ON GOING GRAY SERIES AY HINDI. BAWAT LAMAN PO NG CHAPTERS NG GRAY SERIES AY LUBOS KONG PINAG-IISIPAN. ONE CHAPTER TOOK ME ONE AND HALF HOUR, MINSAN PO UMAABOT PA NG THREE HOURS BAGO KO PO MAISULAT. I APPRECIATE SOME OF YOU WHO UNDERSTAND MY CONDITION - CURRENTLY FIVE MONTHS PREGNANT WHILE PREPARING FOR MY WEDDING TO BE HELD THIS AUGUST. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MALAWAK NA PANG-UNAWA. NAGMAMAHAL, DOCKY

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 82

    Kabanata 82 “Arya, ano bang balak mo? Bakit mo inutusan si Aiven na pumunta ng presinto? Totoo bang doon mismo sa kulungan ni Damon naroroon si Dr. Santos?” Bitbit ni Jett ang mga pinamiling damit ni Arya. Naglalakad sila ngayon papunta sa kanilang sasakyan. “May binayaran akong tao para magmanman kay Damon. Hindi ko akalaing tutulungan siya ng kaibigan niyang si Digger para makatakas sa masikip at magulong buhay sa kulungan,” natatawang sabi ni Arya. Kumunot ang noo ni Jett. “Digger? Ang mabangis na si Costello? Bakit naman niya tinulungan ang isang demonyong tulad ni Damon?” “Because they are friends? I don't know. Ang mas ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit pinapahanap niya ang asawa ng doktor na nag-asikaso sa akin noon. Hindi kaya…” Napahinto sa paglalakad si Arya. “Hindi kaya ano?” tanong ni Jett. “Imposible. Never mind. Baka nagkataon lang ang lahat,” ani Arya. Pinagbuksan ni Jett ng pinto ng sasakyan si Arya bago niya inilagay ang mga dala niyang paperbags sa lik

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 81

    Kabanata 81 Papunta na sa kanilang sasakyan sina Divina at Denver nang makita nila si Aiven. Kasa-kasama nito ang ilan sa mga pamilyar na mukha, mga tauhan ni Don Fridman. “Anong ginagawa ng hampaslupang kapatid ni Arya rito?” tanong ni Divina habang nagtatago sa likod ni Denver. “Malamang, bibisitahin ang anak natin. Titingnan siguro nila ang kalagayan ni Damon para iulat kay Arya,” tugon ni Denver. “Nagtago ka nga sa likod ko. Makikita rin naman nila ako, eh ‘di wala rin,” naiiling na turan niya. Hinampas ni Divina sa balikat si Denver. “Halika, lumapit tayo ng kaunti sa kanila. Mukhang may pinag-uusapan silang importante eh.” Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang kaniyang bunsong anak na si Dionne. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong b****o kay Aiven. “Dionne, anong ibig sabihin nito?” mariing sabi niya. Maging ang mukha ni Denver ay hindi na rin maipinta. Itinulak ni Divina si Denver habang nakatago pa rin sa likod nito. “Dahan-dahan. Magtago ka kaagad sa

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 80

    Kabanata 80 “Anak, kumusta ka na? Hindi ka ba nila sinasaktan dito?” nag-aalalang tanong ni Divina habang hawak-hawak ang mga kamay ni Damon. “Ayos na ako rito, mama. Salamat sa kaibigan kong si Digger,” agad na tugon ni Damon. “Mabuti naman kung gano'n. Kasalanan talaga ng dati mong asawa ang lahat! Wala na siyang dinala sa buhay natin kung hindi kamalasan!” nanggagalaiting sambit ni Divina. “Mabuti na lang talaga at nakipaghiwalay ka na sa hampaslupang ‘yon!” “I didn't, mama,” Damon said in a low voice. Namilog ang mga mata ni Divina. “Anong ibig mong sabihin, Damon? Hindi ba’t tapos nang iproseso ang divorce niyong dalawa?” “I'm just kidding, mama. Highblood ka naman agad.” Pinagmasdang mabuti ni Damon ang mukha ng babaeng nagluwal sa kaniya. Hinampas nang malakas ni Divina sa balikat si Damon. Napaaray naman ito. “Sa susunod, huwag ka nang magbibiro ng katulad noon! Hindi ako natutuwa at walang nakakatuwa sa sinabi mo!” Umirap siya at nag-iwas ng tingin sa kaniyang an

DMCA.com Protection Status