Kabanata 71 “Detective, p’wede ba akong humingi ng pabor?” tanong ni Damon habang naglalakad sila patungo sa BJMP transport vehicles. “Ano ‘yon, Mr. Walton?” tugon ni Detective Larry. “P’wede mo ba akong ilagay sa presinto kung saan naroroon si Dr. Santos?” Huminto saglit sa paglalakad si Damon at tumingin nang direkta sa mga mata ni Detective Larry. “Pakiusap,” aniya. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi ako sigurado kung papayag ang nakatataas sa hiling mo pero susubukan ko.” Nagulat si Detective Larry nang biglang hinawakan ni Damon ang kaniyang dalawang kamay. “Tatanawin kong utang na loob kung mapagbibigyan mo ako sa hiling ko, detective. Wala na akong malaking halaga ng salapi pero kapag nakalabas na ako ng kulungan matapos ang isang buwan, sisiguraduhin kong makakabawi ako sa’yo. Mawawalan ng saysay ang lahat ng mga ginagawa ko kung hindi mo ako madadala kung nasaan si Dr. Santos.” Bakas na bakas ang sinseridad sa mga mata ni Damon. “Si Dr. Santos ba ‘yong nakulong dahil sa
Kabanata 72 “Damon Walton, may bisita ka!” Agad na pinalabas ng mga jail guards si Damon nang marinig nila ang sigaw ng kanilang warden. Puro pasa ang mukha ni Damon. Napagtulungan kasi siya ng mga kasama niya sa loob nang malaman ng mga ito ang dahilan kung bakit siya nakulong. Lambot na lambot siya habang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya. Dumudugo pa ang kaniyang labi habang kinakaladkad siya ng mga jail guards. Mabilis niya iyong pinahid. Nawala ang pananakit ng katawan niya nang makita niya kung sino ang bisita niya. “Digger?” “Finally, na meet ko rin ang isa sa highest payor at top depositor ng bangko ko. Kumusta?” Si Daven Verrano Costello also known as “DC” and “Digger” ay isang malupit at walang-awang boss ng mob o mafia. Ang kaniyang pagkakakilanlan ay lingid sa nakararami. Bilang lamang sa mga daliri ang mga taong nakakaalam tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao at isa na roon si Damon. Umupo si Damon sa kabilang upuan. Nakaharap siya kay Daven. “May
Kabanata 73 “Babe, it’s been a long time since we go shopping together. Free ka ba ngayon?” Kinamot ni Jett ang kaniyang ilong at marahang nag-angat ng tingin kay Arya. Halos masamid siya nang mahuli niyang nakatingin na ito sa kaniya. Hinaplos ni Arya ang likod ni Jett. Kumakain kasi ito ng takoyaki habang lumalaklak ng paborito nitong milktea. “Ayos ka lang ba?” Ngumibit si Jett. “Kanina mo pa ba akong pinagmamasdan?” “Napatingin lang ako sa’yo. Mukha ka kasing hindi kumain magdamag,” natatawang tugon ni Arya. “Sunod-sunod ba naman ang pagsubo. Dahan-dahan kasi.” Ngumisi si Jett. “Sabagay, mas masarap nga kapag dahan-dahan ang pagsubo.” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Arya. “Bastos ka talaga!” “Hindi ako bastos. Sadyang kulay berde lang talaga ang utak mo.” Tumawa si Jett. Muli siyang uminom ng milktea. Nang aalisin na ni Arya ang kamay nito sa kaniyang likod ay agad niya itong hinawakan. “Arya…” Nailang bigla si Arya sa mga titig at paghawak ni Jett sa kamay niya. “Ba-Baki
Kabanata 74 Pinasadahan ng tingin ni Jett si Arya mula ulo hanggang paa. Ngumuso siya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Magpalit ka kaya muna ng damit bago tayo magpunta sa store ng kapatid ko?” “Ano bang mali sa suot ko? Okay na ‘to sa akin.” Pinagpagan ni Arya ang oversized t-shirt niya. Nagtalsikan ang mga gabok mula roon. “Kung alam ko lang na dadaan muna tayo sa site bago pumunta sa clothing store ni Diana, eh ‘di sana, pinagbaon kita ng damit. Hindi ko akalaing nagbubuhat ka rin ng mga CHB at semento. Ibang klase ka talaga,” ani Jett. “Tinulungan ko si Lolo Rudy kanina habang binibilhan mo sila ng lunch. Kawawa naman eh. Biruin mo senior citizen na siya pero nagtatrabaho pa rin siya ng mabigat. Inalok ko siyang magtrabaho sa isa sa mga restaurant namin kaso tinanggihan niya. Okay na raw siya sa construction.” Bumuntong hininga si Arya. “Binibigyan ko siya ng pera pero ayaw niya ring tanggapin. Ang sabi pa niya, mas kailangan ko raw ang pera dahil mas bata pa ako sa kaniya
Hi! It's been a busy week for me. Ikinasal ang kinakapatid ko this week tapos this week din, nalaman kong buntis ako sa pangalawa kong anak. Sad to say, I need to clear out my mind and to avoid pressure since maselan ang pagbubuntis ko po. Six weeks pa lang si baby and I need to prioritize my health and my well being since sakitin ako (actually, nag-me-maintenance na ako at age 28). I'll be gone and I'm not sure kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat.Sa ngayon, health ko at ng baby ko muna. Mauunawaan ko po kung iiwan niyo ako at aalisin niyo sa library ang books kong on going (Longing for my Ex-Wife's Return at One Night Darker (Tagalog) dahil nagkulang naman talaga ako sa inyo. Sa mga maghihintay naman po sa akin, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.Once na maging stable na kami ni baby, I'll be back. Magugulat na lang po kayo kapag nag notif si GoodNovel na may update na ako.Thank you and God bless.Sincerely Apologizing,Docky
Kabanata 75 “Magandang araw po, Ma’am Diana,” kinakabahan pero nakangiting bati ng guwardiya. “Magandang umaga po, ‘tay.” Kumunot ang noo ni Diana nang makita niyang walang sales lady na nag-a-assist sa kaniyang dalawang customers. “Nasaan po si Manager Lee at ang mga sales ladies na naka-duty today?” “Naku po, ma’am. Naka-sick leave po ‘yong apat na sales ladies natin. Pare-pareho po silang nagkaroon ng sore eyes. Si Ma’am Jho lang po ang nakapasok ngayong araw. Nasa restroom po siya. Si Manager Lee naman po ay…” Tumaas ang kilay ni Diana. “Ay?” Hindi na nakaimik ang guwardiya nang biglang lumabas si Manager Lee kasama si Jho. “Are you doing something during working hours?” mataray na tanong ni Diana. “Umihi lang po ako, Ma’am Diana. Si Jho naman po ay sira ang tiyan kaya galing din po siya ng restroom,” pagpapalusot ni Manager Lee. Ang totoo ay nanood siya ng kdrama sa may pantry habang kumakain samantalang si Jho naman ay abala sa pag-aayos ng kaniyang buhok. “Fine.
Kabanata 76 Malungkot na pinagmamasdan ni Damon ang litrato nila ni Arya habang nakahiga sa malambot na kama sa loob ng VVIP detainee room. Hindi na nasundan ang litratong iyon simula nang mawala sa kanila ang kanilang anak. Aminado siyang naging matigas ang puso niya at matagal din niyang isinisi kay Arya ang lahat pero ngayon ay lubos na siyang nagsisisi sa kaniyang mga naging maling desisyon noon. Hinaplos niya ang litrato. “Arya, anak, patawarin niyo ako.” Agad na tumulo ang mga luha ni Damon. Inilagay niya sa kaniyang dibdib ang litrato habang siya ay humihikbi. Hindi na siya makapaghintay na makalabas ng kulungan. Buo na ang loob niyang aminin kay Arya ang lahat. Lubos niyang inisip ang mga sinabi ni Daven sa kaniya. Natatakot siyang baka nga tuluyan nang mawala si Arya sa kaniya. “Mr. Damon, may ipinapabigay sa iyo ni Digger,” ani ng isang jail guard habang kinakatok ang pinto ng silid ni Damon. Pinahid ni Damon ang kaniyang mga luha at mabilis na bumangon. Naglakad siya
Kabanata 77 Nakaupo si Greta sa isang sulok habang nagpupunas ng kaniyang butil-butil na pawis. May pasa siya sa magkabilang pisngi at gulong-gulo ang kaniyang buhok. Sariwang-sariwa pa ang pulang dugo na unti-unting lumalabas sa putok niyang labi. “Hoy, hind0t na babae. Punas-punasan mo nga ‘yang labi mo. Baka s******n ko ‘yan kapag hinayaan mo lang na tumulo nang tumulo ang dugo mo. Mukha pa namang masarap ang labi mo.” Tumawa nang malakas ang isang tomboy na inmate kasama ang kaniyang mga alipores nang makita niyang dali-daling pinahid ni Greta ang dugo nito sa labi. Dumura si Greta sa sahig. “Mas pipiliin ko pang kumain ng alikabok kaysa pumayag na s******n mo ang labi ko!” matapang niyang sabi. Tumayo ang tomboy na inmate at inaruhan ng suntok si Greta. “Gusto mo bang pasabugin ko rin ang bungo mo? Bastos ang bunganga mo ah!” “Boss, sample-lan mo nga. Mukhang hindi pa siya nasaktan sa ginawa natin sa kaniya kagabi,” sulsol ng isang matabang inmate na babae. “Huwag mo nga ako
Kabanata 116 - ANG PAGWAWAKAS“JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia.“Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya.“Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan.Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.”Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi.Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito."Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay."How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman ang mga turo namin sa'yo?” biro naman ni Jac
Kabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog saradong si Damon.“Arya, bakit mo
Kabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig nito.“Who told you to stand, Mrs.
Kabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISANG INA KAPAG NASASAKTAN ANG KANI
Kabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa ay hindi niya mapigilang maiyak
Kabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at itinaas niya ito, para mapansin ng
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar