Klaro na pinapahiwatig niya na oras na para umalis si Cindy.Gayunpaman, tila hindi naiintindihan ni Cindy ang kahulugan ng tingin ni Nancy. Sa halip, pinaupo din ni Cindy ang boyfriend niya. “Dahil nagkataon lang na nagkasalubong tayo, kumain tayo ng tanghalian ng magkasama.”“Uhm… Ayaw kong abalahin kayo ng kaibigan mo,” Ang sabi ni Nancy ng may mahinang boses.Tumawa si Cindy. “Ah, hindi ito abala! Mas masaya kapag mas marami!”Hindi alam ni Nancy kung ano ang sasabihin niya, yumuko siya ng tahimik.Sa katotohanan, ayaw niya makita si Cindy o makasama itong kumain.Gayunpaman, hindi niya magawa na tumanggi.Sinabi lang ni Wilbur, “Sige. Mukhang kakaiba talaga ang tadhana.”Sumingit si Cindy. “Wilbur, nabalitaan ko na inimbita ka ni Nancy para mag tanghalian dito?”“Oo, inimbita niya ako,” Ang sabi ni Wilbur.Tumawa ng mapanglait si Cindy. “Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga pagkain dito?”“Hindi ko alam. Minsan lang ako kumain sa mga ganitong lugar.”Ito ang katotohan
Mayabang na tumingala si Cindy. “Siya ay isang higher-up ng isang global investment group, at siya ang magiging CEO ng Dasha branch. Ito ang mga klase ng lalaki na nararapat para kay nancy, hindi isang walang kwentang tulad mo.”Walang masabi si Wilbur. Paano naman bigla siya naging walang kwenta?Totoo na naaalala niya na si Cindy ang pinakasikat na babae sa school noon. Ang lahat ng mga lalaki ay gustong makasama si Cindy, ngunit tinanggihan niya ang lahat ng ito, at binigyan siya ng palayaw na ‘Ice Queen’ dahil dito.Pagkatapos ng lahat ng ito, sa huli ay papalit palit siya ng boyfriend na parang wala lang ito… Isang malaking pagbabago talaga ito.Nakita ni Cindy na nanatiling tahimik si Wilbur at mas naging mayabang siya. “Alam mo ang pagkakaiba. Tandaan mo, wag mo nang isipin na manligaw kay Nancy. Kuha mo?”Hindi na ito matiis ni Nancy at mabilis niyang sinabi, “Cindy, nagkakamali ka. Hindi talaga ito tulad ng iniisip mo.”“Ah, ikaw talaga,” Ang sabi ni Cindy, tumingin siya
Kumain si Wilbur, tumingin siya sa lalaking mula sa ibang bansa.Parang may mali sa lahat ng sinabi ni cindy.Paano niya nakasama ang isang impluwensyal na lalaking mula sa ibang bansa ng basta basta?Pinag isipan ito ni Wilbur at nagpanggap siya na kinuha niya ang phone niya. Palihim siyang kumuha ng litrato ng lalaking mula sa ibang bansa at sinend niya ito sa top hacker at kaibigan niyang sniper, si Layla. Nilagyan niya ng caption ang litrato gamit ang pangalan ng lalaki—Ricardo Licorica.Pagkatapos isend ang text, hindi mapigilan ni Wilbur na tumawa. Kakaiba ang apelyido ng lalaking ito.Sa loob ng sampung minuto, nakatanggap siya ng reply mula kay Layla.Mayrooong Waller Street Investment Group, ngunit walang tao na may pangalan na Ricardo Licorica. Ang tunay na pangalan ng lalaki ay Santiago Tivella, isang sikat na scammer na may kinalaman sa maraming scam at may warrant para hanapin siya. Higit sa isang taon na siyang nagtatago.Umiling si Wilbur. Mukhang si Cindy ang pun
Tumawa si Wilbur.Ang lalaking ito na mula sa ibang bansa ay hindi inaasahan na si Wilbur ay may access sa world-class netrock ng impormasyon at sa isang elite hacker din.Ang mga taon na namuno siya sa mga Abyss Mercenaries ay hindi sana magiging maayos kung wala siya nito.Pagkatapos, ngumiti si Wilbur. “Santiago Tivell. May kinalaman ka sa maraming mga scam sa buong mundo, at may warrant of arrest sayo. May sinusubukan ka ba ulit na bago sa Dasha ngayon? Sabihin mo ang totoo. Ano ang gusto mo kay Cindy ngayon?”Nagbago ang ekspresyon ni Santiago at bigla siyang pinagpawisan ng sobra.Hindi niya inaasahan na ang isang tao sa bansang ito ay may alam ng tungkol sa nakaraan niya.Gayunpaman, eksperto siya dito at hindi niya pinakita ang pagkabalisa niya. Nanatili siyang tahimik, nag iisip siya ng isang plano.Gayunpaman, ayaw sumuko ni Cindy ngayon.Tumayo siya ng galit habang tumuro siya kay Wilbur. “Ano ang pinapahiwatig mo, Wilbur? Walang hiya ka para akusahan ang boyfriend k
Gayunpaman, hindi ito matanggap ni Cindy. Tumingin siya ng masama kela Nancy at Wilbur, galit na galit siya habang umiling siya.“Hindi ko na kayo matutulungan. Hindi na ako mananatili dito para makipagtalo pa. Gawin mo ang gusto mo! Wag kang umiyak sa akin sa susunod, Nancy.”Tumayo si Cindy at handa na siyang umalis.Sakto sa oras, nagring ang phone niya. Tumingin siya dito at sinagot niya agad ito.“Hello, Ms. Yves? May problema po ba?” Tila tuwang tuwa si Cindy.Ang lahat ng nasa Woods Corporate ay alam na ang Cape ang tunay na boss sa likod ng Woods Corporate, at si Faye ang pinakamataas sa Cape.Para kay Cindy, isang malaking karangalan na makatanggap ng tawag mula kay Faye.Gayunpaman, malamig ang boses ni Faye, “Cindy Vega, sisante ka na. Pwede ka na pumunta sa kumpanya ngayon para asikasuhin ang paperwork sa madaling panahon.”“Ano?” Hindi makapaniwala si Cindy sa kanyang narinig.Tinapos na agad ni Faye ang phone call pagkatapos. Hindi na siya nag abala na kausapin s
Naging seryoso ang ekspresyon ni Santiago. Napuno ng kalupitan ang tingin niya habang may mahinang aura na lumabas sa katawan niya.Ngumisi si Wilbur, at may makapangyarihan na pwersa na bumalik sa kanya, agad itong nangibabaw sa aura ni Santiago.Sa sumunod na sandali, pakiramdam ni Santiago na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig. Napuno siya ng sobrang takot, hindi siya makapagsalita.Ngumisi si Wilbur at sinabi niya, “Sa tingin mo ba talaga ay kaya mo gumawa ng kahit ano sa mahinang kakayahan mo?”Nabigla si Santiago. Nag sanay siya ng ilang European martial arts at mahusay siya sa mga ito.Hindi niya pa nasaksihan ang isang sobrang nakakatakot na energy na sapat para mawala ang lahat ng kapangyarihan niya sa isang iglap at mapuno siya ng takot dahil dito.Mabagal na sinabi ni Wilbur, “Wag ka nang magpilit. Hindi ito gagana. Sabihin mo na ang totoo kung ano ang gusto mo mula kay Cindy at sumuko ka na agad. Konti lang ang batas na nilabag mo sa pagpapanggap na may posi
Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ni Cindy.Dapat ay magkakaroon siya ng isang maliwanag na kinabukasan, ngunit pinagsamantalahan siya dahil sa kasakiman niya, pagkatapos ay sinisante siya sa kumpanya niya. Nasa mababang lugar na talaga siya ngayon.Ngunit, ginawa niya ito sa sarili niya. Ito ay kasalanan niya mismo.Tumayo si Wilbur at sinabi niya kay Nancy, “Dito ka muna at patahanin mo siya. Mauuna na ako.”Tumango ng tahimik si Nancy, alam niya na tapos na ang tanghalian. Magiging awkward kung nanatili pa si Wilbur. Ito lang ang tanging bagay na pwedeng gawin ni Wilbur.Tumingin si Wilbur kay Cindy at nagbuntong hininga siya. Pagkatapos ay lumapit siya sa counter at binayaran niya ang bill bago siya umalis.Nararamdaman pa rin ni Wilbur ang sakit sa puso ng pagbabayad ng bill habang pauwi siya.18,000 dollars! Hindi pa siya naging magastos sa pera ng ganito.Habang iniisip ito ni Wilbur, pinahinto niya ang kotse niya sa tulay. Huminto ang kotse sa harap niya. Tila may tr
Hindi mapigilan ni Wilbur na magbuntong hininga.Alam ni Wilbur na may problema na sa oras na sumigaw ang lalaki. Ito ang rason kung bakit hindi agad siya umatake. Sa halip, gusto niya malaman ang nangyari bago pa siya kumilos. Sa huli, tama siya.“Huminahon ka. Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari at tingnan ko kung makakatulong ako sayo. Kapag nagpatuloy ka ng ganito, baka mawala sayo ang lahat at mapunta ka sa kulungan ng habang buhay,” Ang sabi ni Wilbur.Tumulo ang mga luha sa mukha ng lalaki, at umiling siya. “Wala akong magagawa. Wala akong pwedeng gawin.”“Baka nga hindi mo kayang gawan ng solusyon ang problema, pero baka kaya ito ng iba. Sabihin mo sa akin ang nangyari. Baka may solusyon ako.”Baka nga gusto talaga ito ilabas ng lalaki. Nagsimula siyang magsalita pagkatapos siyang kumbinsihin ni Wilbur.“Noong nakaraang taon, nascam ako ni Kenji Lilith. Nawalan ako ng ten million dollars sa casino niya, pagkatapos ay kinumbinsi niya akong umutang sa mga loan shark. M