Halos walang reaksyon si Wilbur sa boses. “Salamat sa babala, pero enjoy ko pa ang mabuhay.”“Kinuha mo ang kumpanya ko at halos dalhin mo ako sa kulungan. Babagsak ang isa sa atin. Maghintay ka lang,” Ang malupit na sinabi ng boses.Tumawa ng mahina si Wilbur. “Kung ganun, ipakita mo ang lahat ng meron ka.”Pagkatapos itong sabihin, binaba niya agad ang phone. Noong nasa militar siya, sanay na siya sa mga pananakit sa harap ng baril mula sa mga pinaka makapangyarihang manlalaban sa mundo. Ang isang tawag na ganito ay wala lang sa kanya.Ang ganitong klaseng pananakot ay walang laman para sa kanya.Alam ni Faye an may mali, kaya tinanong niya, “Ano po ang nangyari?”“Ah, wala. Sa tingin ko ay pinakawalan sa kulungan si Blake,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Tila naging seryoso ang tono ni Faye. “Tinakot niya po ba kayo?”“Wala naman siyang magagawa para takutin ako. Wag kang mag alala,” Ang sabi ni Wilbur.Pinag isipan ito ni Faye, pagkatapos ay tumanog siya ng tahimik.Sa k
Mabilis na yumuko si Jose. “Ito ay salamat sa inyong healing, Sir. Karamihan po sa akin ay magaling na.”Sinuri ni Wilbur si Jose. Pakiramdam ni Jose na para bang nababasa siya ni Wilbur.Tumango si Wilbur. “Hindi na masama. Nasa eighty percent ka na. Magiging ayos ka na pagkatapos mo magpahinga ng ilang araw.”“Ito po ay salamat sa inyong spiritual energy, Sir, kaya wala na ako sa panganib. Sabihin niyo lang po kung may kailangan kayo.” Tumango ulit si Jose.Pagkatapos, lumabas na rin si Faye mula sa kwarto niya. Naglakad siya pababa, didiretso na papunta sa trabaho.Nakita ni Wilbur si Faye at sinabi niya, “Ah, tamang tama. Pwede ka maging driver at bodyguard ni Ms. Yves sa ngayon.”“Gagawin ko po ang makakaya ko. Hindi ko po kayo bibiguin, Sir.” Natuwa si Jose na matanggap ang trabaho upang may silbi na agad siya.Sa katotohanan, plano ni Wilbur na samahan si Faye papunta at pabalik sa trabaho sa mga susunod na araw dahil sa pananakot ni Blake.Gayunpaman, dahil halos magali
Hindi rin umatras si Nancy, at sumigaw siya, “Sige! Sisantihin mo ako! Wala akong pakialam!”“Lumayas ka na ngayon dito! Tingnan mo lang!” Ang kahihiyan ng lalaki ay naging galit, at sumigaw siya kay Nancy. Ang ibang mga staff member sa floor at lumingon dahil sa sigaw, ngunit walang kahit sino sa kanila ang nagsalita.Sa oras na yun, bumalik na si Wilbur sa sarili niya para sabihin, “Pre, pwede bang mag ingat ka sa tono mo?”Lumingon ang lalaki para tumingin kay Wilbur. “At sino ka naman? Wag kang makialam?”“At sino ka naman?” Ang sagot ni Wilbur. “Hindi ako tatayo lang dito at manonood habang binubully mo ang classmate ko.”Tumawa ang lalaki. “Ako si Norman Cedar, ang general manager ng shop na ito. Pwede ko siyang sisantihin kung gusto ko! Ano naman ang magagawa mo tungkol dito??”Halata na hindi mataas ang tingin ni Normal sa classmate ni Nancy.Para sa kanya, walang magagawa ang classmate ng isang retail worker.Hindi sumagot si Wilbur. Sa halip, lumingon siya paratumingi
Nabigla din ang mga katrabaho ni Nancy. Bakit ang classmate ni Nancy ay sinabi ito na para bang mula sa mataas na posisyon? Malaking bagay ito para gawing biro, at hindi niya ito dapat sinabi dahil lang interesado siya kay Nancy.Tumawa ng mas malakas si Norman, tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.Tumuro siya kay Wilbur. “Diyos ko. Kahit ano lang talaga ang sinasabi mo. Hindi ko talaga alam kung bakit may lakas ng loob ka para sabihin ito. Hindi ko talaga alam!”Gayunpaman, ngumiti lang si Wilbur sa harap ng panlalait ni Norman. “At ano naman kung ginawa ko talaga ito?”“Luluhod ako at didilaan ko ang sapatos mo kapag ginawa mo! Hmph!” Ang sabi ni Norman, hindi siya humahanga.Tumawa si Wilbur, tumingin siya kay Nancy at sa mga katrabaho nito. “Narinig niyo ito. Siya ang nagsabi nito!”Nagkatinginan ang mga empleyado, hindi sila sigurado kung bakit biglang parang nababaliw si Wilbur.Hinila agad ni Nancy si Wilbur sa isang tabi. “Tama na! Tumigil ka na. Mag eempake na ako n
Umupo din si Wilbur. Nagsindi pa siya ng sigarilyo.Dumilim ang ekspresyon ni Norman. “Hoy, hindi ka pwede manigarilyo dito! Gusto mo bang matalayas ng second floor?”“Gusto kong subukan mo ito.” Hindi pinansin masyado ni Wilbur si Norman.Nangutya si Norman, sumigaw siya para tumawag ng security.Nataranta si Nancy nang makita ito. “Wilbur, kalimutan mo na. Tara na.”Natatakot si Nancy na baka gumawa ito ng gulo at lumala ito.Gayunpaman, mabilis na dumating si Chelsea sa lokasyon. Sumikip ang dibdib ni Norman nang makita niya ito. Kilala ba talaga ang lalaking ito si Chelsea?Nagdududa pa rin si Norman na ang isang tao na tulad ni Wilbur ay kilala si Chelsea. Baka naglalakad lang si Chelsea sa mall.Kaya naman, tumayo siya at lumapit siya ng magalang kay Chelsea. “Ms. Willow! Ano po ang ginagawa niyo dito?”Hindi pinansin ni Chelsea si Norman, dumiretso lang siya kay Wilbur. “Anong problema, Wilbur?”Natulala si Norman. Kailan pa kilala ni Chelsea Willow si Wilbur?Nabigla
Ang mga guard ay walang masabi at napahinto sila sa kinatatayuan nila.Nakita ito ni Chelsea at sinabi niya ng malamig, “Kumilos na kayo! Gusto niyo rin bang masisante?”Bumalik sa sarili ang mga guard mula sa pagkatulala, pagkatapos ay tumingin sila kay Norman. “Tara na. Utos ni Ms. Willow.”Alam ni Norman na hindi niya na maaayos ang sitwasyon, kaya tumingin siya ng masama kay Chelsea. “Magbabayad kayo para dito!”Tumingin siya ng malupit kay Wilbur bago siya tumalikod para umalis.Dumilim ang ekspresyon ni Wilbur. “Sandali lang.”Tumalikod si Norman, tumingin siya kay Wilbur. “Sinasabi ko nang aalis ako sa trabaho ko. Ano pa ba ang gusto mo?”“Hindi ba’t sinasabi mo na didilaan mo ang sapatos ko kanina?” Tinaas ni Wilbur ang paa niya, inalog niya ang paa niya.Naging malupit ang ekspresyon ni Norman. “Binabalaan kita. Sumosobra ka na!”“Sumosobra?” Ang tanong ni Wilbur, pagkatapos ay nagpatuloy siya, “Hindi ba’t sumosobra ka rin sa pag harass kay Nancy at sa ibang mga emple
Ngumiti ng mapait si Chelsea. “Konti lang ang diperensya sa pagitan ng pagkilos ni Ms. Yves at sa pagkilos mo.”Hindi alam ni Wilbur kung ano ang sasabihin niya, dahil may katotohanan dito.Napansin ni Chelsea ang katahimikan ni Wilbur at ngumiti siya. “Hindi kita sinisisi ng kahit konti. Nararapat sa kanila ang lahat ng nangyari sa kanila.”Nanatiling tahimik si Wilbur. Hindi niya magawa na insultuhin ang pamilya Willow sa harap ni Chelsea.Pagkatapos, sinabi ni Chelsea, “Wilbur, tinawag kita dito para may itanong ako. Ano ang mangyayari ngayong sa Willow Corp?”Tumingin si Wilbur kay Chelsea, na siyang may ekspresyon na para bang sumuko na sa nangyari sa mga Willow.Nagbuntong hininga si Wilbur, pagkatapos ay dumiretso siya sa punto. “Depende sa gusto mong mangyari. Kung gusto mong manatili ang Willow Corp sa pangalan ng pamilya Willow, sasabihin ko kay Faye na ibalik ang lahat ng shares sa pangalan mo. Sa ganun, magkakaroon ka ng mas mabuting kontrol sa kumpanya. Ang Cape Inte
Makalipas ang ilang sandali, naging malungkot bigla si Nancy.Napagtanto niya na naging malayo siya sa classmate niya na ito.Halos tanghali na noong umalis ng Willow Corp si Wilbur, at hindi pa siya kumakain ng agahan.Umupo siya sa isang burger stall, umorder siya ng dalawang burger upang mabusog.Sa oras na matapos niyang kainin ang una, nakatanggap siya ng isang call mula sa isang anonymous number.Ito ay isang tao mula sa pamilya Owens, sinabi nito na ang Sealake Island ay handa na para itransfer kay Wilbur, at ang kailangan niya lang ay ang pirmahan ang sarili niyang pangalan.Sinabi ni Wilbur sa caller na sunduin siya sa Castlebury sa loob ng kalahating oras.Pagkatapos kumain, tumawag ng taxi si Wilbur para umuwi. Nakita niya ang isang lalaki na may hawak na briefcase, hinihintay siya sa pinto.Tumingin si Wilbur sa lalaki, na siyang yumuko ng malalim. “Good afternoon, Mr. Penn. Ang pangalan ko po ay Sean Owens, pinadala po ako ng lolo ko dito para pirmahan niyo ang tra
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf