“Ang Anne clan ay prinotektahan ang historical remains ng daan-daang taon. Walang hiya ka para pumasok dito?” Ang galit na tanong ni Sam.Tinanong ni Wilbur ng walang pakialam, “Ang mga historical remains ba ay personal niyong pagmamay ari?”“Paano kung oo, at paano kung hindi?” Ang malamig na tanong ni Sam.Sumagot si Wilbur, “Aalis na ako ngayon kung kaya niyong patunayan na pagmamay ari niyo ito. Kung hindi, pwede pumasok ang kahit sino dito.”“Sino ka ba sa tingin mo para pumasok sa historical remains?” Ang panlalait ni Sam dahil mayabang ang ugali ni Wilbur.Hindi natutuwa si Wilbur. Tumingin si Weston kay Wilbur at sinabi niya ng may mababang boses, “Excuse me, pero paano niyo nalaman ang tungkol sa historical remains?”“Nabalitaan ko ang tungkol dito,” Ang sagot ni Wilbur ng walang pakialam.Hindi nagalit si Weston. Sinabi niya, “Ang Anne clan ay naghihintay ng higit sa sandaang taon para sa sandaling ito. Hindi ba’t sa tingin mo ay hindi patas para manghimasok ka?”Kumu
Nagbuntong hininga si Wilbur.Alam niya na ang paglalaban na ito ay hindi maiiwasan. Walang kahit sinong cultivator ay susuko sa mga historical remains, lalo na ang isang tao na tulad niya na kailangan ng mga sakripisyo.Lumapit siya at ang isang thunder cleaver ay lumabas sa harap ng dibdib niya. Sinabi niya kay Weston, “Mukhang kailangan natin maglaban.”“Ssang Ambience level cultivator na may thunder-type abilities.” Tumawa si Weston at sinabi niya, “Kaya pala mayabang ka, pero sa tingin mo ba ay kaya mong manalo laban sa akin? Kalokohan! Hindi mo pa ba narinig na ang lahat ay maliit lang para sa isang Saint level cultivator?”Tumaas ang spiritual energy niya habang sinasabi niya ito. May malakas na pressure mula sa kanyang spiritual energy, at ang spear niya ay umaapoy ng may spiritual flame. Tila walang makakatalo sa kanya sa sandaling yun.Nag hiyawan ang Anne clan dahil sa kapangyarihan ng elder nila. Naging sabik sila.Pambihira talaga ang isang Saint level cultivator. An
Naramdaman nila ang walang hanggan na panganib mula sa dagat. Ang maliwanag na buwan ay tila naglalabas ng kapangyarihan na pumipigil sa mga kakayahan nila.Nagliliyab ng spiritual flame si Weston sa sandaling yun. Maraming mga rune ang lumabas din sa spear niya. May malaking halaga ng spiritual pressure ang pumalibot kay Wilbur.Ito ang kapangyarihan ng isang Domain. Ang lahat ng nasa lugar ay ipinasok sa Domain na ginamit ng isang Saint level cultivator.Ang kapangyarihan ng gumamit ng Domain ay mas magiging malakas sa loob nito, habang ang kapangyarihan ng iba ay mapipigilan.Ito ang rason kung bakit makapangyarihan ang isang Domain.Si Wilbur ang main target ni Weston, kaya ang lahat ng kapangyarihan ng Domain ay nakapokus lang sa kanya. Ang kahit anong cultivator na mas mababa sa isang Saint level cultivator ay siguradong mamamatay sa ganitong sitwasyon.Ang iba ay nadamay sa Domain. Hindi sila makakilos dahil sa pressure. Patay na sana sila kung kalaban nila si Weston.Sum
Hawak ni Wilbur ang cleaver gamit ang parehong kamay habang kaharap ang mabangis na atake. May malaking spiritual flame na lumabas sa thunder cleaver, kasama nito ang pagsabog ng kulog at kidlat.Ang Dragon Crystal sa loob niya ay umikot ng mabilis. May malaking halaga ng spiritual energy na lumabas at pinapunta niya sa kanyang thunder cleaver.Ang thunder cleaver ay agad na naging isang flaming thunderball na may spiritual flames at nakakatakot itong tingnan, may lumalabas na pambihirang lakas.Hindi pa ito tapos. Ang dragon head mark sa likod niya ay umilaw at ang Dragon Power sa loob niya ay gumana. May malakas na kapangyarihan na napunta sa cleaver. Umilaw ito ng nakakasilaw, may pulang radiance ito.Ang thunder cleaver ay naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan sa sandaling yun. Ang buwan ay tila madilim kumpara dito.Ang spear ay nasa harap ni Wilbur, at ang malakas na pwersa nito ay nakatutok sa dibdib niya.Sumigaw si Wilbur at hinampas niya ang kanyang cleaver.Lumub
Naglakad si Wilbur papunta sa entrance habang nagsasalita siya. Sumunod sa likod si Weston, at inutusan niya ang Anne clan na maghintay sa labas.Ang Anne clan ay sobrang nagulat para magsalita.Ang elder nila ay isang Saint level cultivator, ngunit para bang natalo siya. Hindi nila ito matanggap.Ang kanyang Domain, The Moon Rises Over the Sea, ay lubos na makapangyarihan at engrande. Hindi nila inaasahan na ang elder nila ay matatalo.Masigasig si Skyler sa sandaling yun. Sumunod siya kay Wilbur mula sa likod at sinabi niya, “Pre, sundan mo ako at ako ang magbibigay daan sayo.”“Hindi ka na ba natatakot?” Ang tukso ni Wilbur.Seryosong sinabi ni Skyler, “Hindi ko alam kung ano ang takot simula noong makilala kita, pre.”Walang masabi si Wilbur sa pagiging walang hiya ni Skyler.Umiling siya at dumating siya sa entrance. Nilagay niya ang kamay niya sa bangin at ang spiritual energy niya ay nagbunyag ng isang pinto.Sumigaw si Wilbur ng hindi nagdadalawang isip. Ang spiritual
“Kung ganun, magiging mayaman na tayo!” Tuwang tuwa si Skyler. Basta’t may natitira sa ancient cave na ito, maaaring magamit nila ito para sa cultivation.Sa sandaling yun, tumunog ang isang malakas na sigaw at nabigla silang tatlo.May isang higanteng nilalang na lumabas mula sa mataas na damuhan, bumukas ang malaking bibig nito at sinubukan nitong kagatin si Wilbur.Nilabas ni Wilbur ang thunder cleaver niya, lumaban agad siya.Ang thunder cleaver ay tila may tinamaan na isang metal na bagay.Ang nilalang na ito ay umatras at nakahiga sa lupa habang nagalit ito kela Wilbur.Sa sandaling yun, doon lang nila nakita kung ano ang nilalang na yun, isang higanteng python na higit dalawampung metro ang haba.Ang python ay may bright red color kaya mukhang umaapoy ito. May isang sungay ito sa ulo at dalawang pakpak sa likod ng bibig. Umiilaw ito ng may pulang spiritual glow, tumingin ito na para bang gusto nitong patayin sina Wilbur.Nabigla talaga si Skyler. “Ano yan?”“Sigurado ak
Sina Skyler at Weston ay nagkatinginan sa isa’t isa nang makita ang walang tigil na mga atake ni Wilbur sa flame serpent.Masyadong malupit ito.Ang flame serpent ay umungol sa galit dahil sa mga atake ni Wilbur, lumingon ito at nagbuga ito ng apoy na pinalibutan ang katawan ni Wilbur.Ang mga puso nila Skyler at Weston ay lumubog. Klaro na ang mga power ng flame serpent ay fire-based, at walang kahit sino sa kanila ang kayang makaligtas sa atake ng mga apoy sa bibig nito.Gayunpaman, nang mawala na ang mga apoy, nakatayo pa rin si Wilbur na parang hindi apektado. May isang layer ng armor na gawa sa spiritual energy sa paligid niya, protektado siya sa kahit anong panganib.Si Skyler at Weston ay hindi maitago ang pagkabigla nila. Hindi lang malaki ang spiritual na kailangan para gumawa ng armor, kailangan din nito ng malalim na kaalaman tungkol sa spiritual energy. Kahit ang karamihan sa mga Sanctuary level cultivator ay hindi ito kayang gawin.Sa sandaling yun, tumawa si Wilbur
Ang flame serpent ay natalo na pagkatapos ng walang tigil na mga atake. Kumilos ito na para bang humihingi ng awa kay Wilbur.Huminto na si Wilbur, hinagis niya sa lupa ang serpent at tumitig siya dito.Wala na ang pagiging bayolente at agresibo ng flame serpent. Nakahiga ito sa paa ni Wilbur ng tahimik.“Umaamin ka na ba ng pagkatalo?”Ang flame serpent ay tila naintindihan kung ano ang sinasabi ni Wilbur, tumango ito ng masunurin.Ngumisi si Wilbur. “Mabuti. Ilalagay na kita sa ibang lugar sa ngayon. Kakausapin kita kapag may oras ako.”Binuhat niya ang flame serpent at hinagis niya ito papunta sa kanyang demiplane.Pagkatapos, ang flame serpent ay naglaho sa paningin nila. Natulala sina Weston at Skyler, hindi alam kung ano ang nangyari.Sa sandaling yun, sinabi ni Wilbur, “Tingnan natin kung may makita tayong mga treasure.”Alam nila Weston at Skyler na ito ay isang sikreto ni Wilbur at hindi na sila nagtanong habang sumunod sila sa likod ni Wilbur.Ang tatlong lalaki ay