Share

Kabanata 348

Author: Blue Silver
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Naramdaman nila ang walang hanggan na panganib mula sa dagat. Ang maliwanag na buwan ay tila naglalabas ng kapangyarihan na pumipigil sa mga kakayahan nila.

Nagliliyab ng spiritual flame si Weston sa sandaling yun. Maraming mga rune ang lumabas din sa spear niya. May malaking halaga ng spiritual pressure ang pumalibot kay Wilbur.

Ito ang kapangyarihan ng isang Domain. Ang lahat ng nasa lugar ay ipinasok sa Domain na ginamit ng isang Saint level cultivator.

Ang kapangyarihan ng gumamit ng Domain ay mas magiging malakas sa loob nito, habang ang kapangyarihan ng iba ay mapipigilan.

Ito ang rason kung bakit makapangyarihan ang isang Domain.

Si Wilbur ang main target ni Weston, kaya ang lahat ng kapangyarihan ng Domain ay nakapokus lang sa kanya. Ang kahit anong cultivator na mas mababa sa isang Saint level cultivator ay siguradong mamamatay sa ganitong sitwasyon.

Ang iba ay nadamay sa Domain. Hindi sila makakilos dahil sa pressure. Patay na sana sila kung kalaban nila si Weston.

Sum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 349

    Hawak ni Wilbur ang cleaver gamit ang parehong kamay habang kaharap ang mabangis na atake. May malaking spiritual flame na lumabas sa thunder cleaver, kasama nito ang pagsabog ng kulog at kidlat.Ang Dragon Crystal sa loob niya ay umikot ng mabilis. May malaking halaga ng spiritual energy na lumabas at pinapunta niya sa kanyang thunder cleaver.Ang thunder cleaver ay agad na naging isang flaming thunderball na may spiritual flames at nakakatakot itong tingnan, may lumalabas na pambihirang lakas.Hindi pa ito tapos. Ang dragon head mark sa likod niya ay umilaw at ang Dragon Power sa loob niya ay gumana. May malakas na kapangyarihan na napunta sa cleaver. Umilaw ito ng nakakasilaw, may pulang radiance ito.Ang thunder cleaver ay naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan sa sandaling yun. Ang buwan ay tila madilim kumpara dito.Ang spear ay nasa harap ni Wilbur, at ang malakas na pwersa nito ay nakatutok sa dibdib niya.Sumigaw si Wilbur at hinampas niya ang kanyang cleaver.Lumub

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 350

    Naglakad si Wilbur papunta sa entrance habang nagsasalita siya. Sumunod sa likod si Weston, at inutusan niya ang Anne clan na maghintay sa labas.Ang Anne clan ay sobrang nagulat para magsalita.Ang elder nila ay isang Saint level cultivator, ngunit para bang natalo siya. Hindi nila ito matanggap.Ang kanyang Domain, The Moon Rises Over the Sea, ay lubos na makapangyarihan at engrande. Hindi nila inaasahan na ang elder nila ay matatalo.Masigasig si Skyler sa sandaling yun. Sumunod siya kay Wilbur mula sa likod at sinabi niya, “Pre, sundan mo ako at ako ang magbibigay daan sayo.”“Hindi ka na ba natatakot?” Ang tukso ni Wilbur.Seryosong sinabi ni Skyler, “Hindi ko alam kung ano ang takot simula noong makilala kita, pre.”Walang masabi si Wilbur sa pagiging walang hiya ni Skyler.Umiling siya at dumating siya sa entrance. Nilagay niya ang kamay niya sa bangin at ang spiritual energy niya ay nagbunyag ng isang pinto.Sumigaw si Wilbur ng hindi nagdadalawang isip. Ang spiritual

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 351

    “Kung ganun, magiging mayaman na tayo!” Tuwang tuwa si Skyler. Basta’t may natitira sa ancient cave na ito, maaaring magamit nila ito para sa cultivation.Sa sandaling yun, tumunog ang isang malakas na sigaw at nabigla silang tatlo.May isang higanteng nilalang na lumabas mula sa mataas na damuhan, bumukas ang malaking bibig nito at sinubukan nitong kagatin si Wilbur.Nilabas ni Wilbur ang thunder cleaver niya, lumaban agad siya.Ang thunder cleaver ay tila may tinamaan na isang metal na bagay.Ang nilalang na ito ay umatras at nakahiga sa lupa habang nagalit ito kela Wilbur.Sa sandaling yun, doon lang nila nakita kung ano ang nilalang na yun, isang higanteng python na higit dalawampung metro ang haba.Ang python ay may bright red color kaya mukhang umaapoy ito. May isang sungay ito sa ulo at dalawang pakpak sa likod ng bibig. Umiilaw ito ng may pulang spiritual glow, tumingin ito na para bang gusto nitong patayin sina Wilbur.Nabigla talaga si Skyler. “Ano yan?”“Sigurado ak

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 352

    Sina Skyler at Weston ay nagkatinginan sa isa’t isa nang makita ang walang tigil na mga atake ni Wilbur sa flame serpent.Masyadong malupit ito.Ang flame serpent ay umungol sa galit dahil sa mga atake ni Wilbur, lumingon ito at nagbuga ito ng apoy na pinalibutan ang katawan ni Wilbur.Ang mga puso nila Skyler at Weston ay lumubog. Klaro na ang mga power ng flame serpent ay fire-based, at walang kahit sino sa kanila ang kayang makaligtas sa atake ng mga apoy sa bibig nito.Gayunpaman, nang mawala na ang mga apoy, nakatayo pa rin si Wilbur na parang hindi apektado. May isang layer ng armor na gawa sa spiritual energy sa paligid niya, protektado siya sa kahit anong panganib.Si Skyler at Weston ay hindi maitago ang pagkabigla nila. Hindi lang malaki ang spiritual na kailangan para gumawa ng armor, kailangan din nito ng malalim na kaalaman tungkol sa spiritual energy. Kahit ang karamihan sa mga Sanctuary level cultivator ay hindi ito kayang gawin.Sa sandaling yun, tumawa si Wilbur

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 353

    Ang flame serpent ay natalo na pagkatapos ng walang tigil na mga atake. Kumilos ito na para bang humihingi ng awa kay Wilbur.Huminto na si Wilbur, hinagis niya sa lupa ang serpent at tumitig siya dito.Wala na ang pagiging bayolente at agresibo ng flame serpent. Nakahiga ito sa paa ni Wilbur ng tahimik.“Umaamin ka na ba ng pagkatalo?”Ang flame serpent ay tila naintindihan kung ano ang sinasabi ni Wilbur, tumango ito ng masunurin.Ngumisi si Wilbur. “Mabuti. Ilalagay na kita sa ibang lugar sa ngayon. Kakausapin kita kapag may oras ako.”Binuhat niya ang flame serpent at hinagis niya ito papunta sa kanyang demiplane.Pagkatapos, ang flame serpent ay naglaho sa paningin nila. Natulala sina Weston at Skyler, hindi alam kung ano ang nangyari.Sa sandaling yun, sinabi ni Wilbur, “Tingnan natin kung may makita tayong mga treasure.”Alam nila Weston at Skyler na ito ay isang sikreto ni Wilbur at hindi na sila nagtanong habang sumunod sila sa likod ni Wilbur.Ang tatlong lalaki ay

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 354

    Hindi nagtagal, naging sobrang saya ang ekspresyon ni Weston. “Senior, ang cultivation method na ito ay parang magic! Hindi pa ako nakakita ng ganitong bagay. Sigurado ba kayo na ayos lang na gamitin ko ito?”“Hindi ko pwedeng hayaan na pumunta ka dito para sa wala, hindi ba?” Tumawa si Wilbur. Ang cultivation method ay wala lang kumpara sa Dragon’s Chant, ngunit siguradong isa itong malaking tulong ito sa isang taong tulad ni Weston. Mukhang hindi talaga ganun kalakas ang Anne clan.Lumapit din si Sklyer para tumingin sa daan. Wala siyang sinabi.Ang bawat cultivator ay may kanya-kanyang paraan ng pagsasanay sa mga cultivation method, at ito ay base sa pagsisikap at talento nila.Kung ang dalawang tao na ito ay gustong matuto, sino ang pipigil sa kanila?Sampung minutong minemorize nila Weston at Skyler ang cultivation method, ngunit yun lang ang tanging nagawa nila. Kailangan nila itong pag aralan ng mabuti pagkatapos nilang bumalik upang mas maintindihan pa nila ito.Sa oras n

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 355

    Tumingin si Wilbur sa lalaki at babae habang nakakunot ang noo. “Kayo ba ang may ari ng lugar na ito?”“Hindi, pero hindi ko gusto na may ibang tao sa paligid kapag kumakain ako! Nawawala ang gutom ko,” Ang mayabang na sinabi ng lalaki. Ang babae sa tabi niya ay mayabang din, makapal ang makeup nito. Tila tuwang tuwa siya sa pagiging mayabang ng lalaki.Sasagot na sana si Wilbur nang ang owner ng cafe ay lumapit. Binulong niya kay Wilbur, “Dude, umalis na lang kayo. Hindi niyo siya dapat galitin. Wag niyo hayaan na mapunta kayo sa gulo.”“Hindi ako natatakot sa gulo,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.Kumunot ang noo ng may ari ng cafe. Magsasalita pa sana siya nang lumapit ng mabilis ang lalaki. Ang lalaki ay tinaas ang mga manggas nito na para bang naghahandang lumaban.Ang may ari ng cafe ay natakot at tumakbo siya para magtago agad. Tumingin si Wilbur kay Skyler, na siyang naiintindihan ang intensyon ni Wilbur. Tumayo si Skyler at lumapit siya sa lalaki.Nakaramdam ng pagkahilo

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 356

    Suminghal si Skyler, sumugod siya sa madla, sumuntok siya ng sunod sunod. Sa loob ng ilang minuto, ang mga gangster ay bumagsak sa sahig at umuungol sa sakit.Ang lalaki ay walang masabi, tumitig siya ng tulala kay Skyler.Papunta na si Skyler sa lalaki. “Ano ang problema mo? Hindi ba pwedeng wag kang makialam sa iba sa cafe? Hindi tama kung hindi ko bugbugin ang mga taong tulad mo.”Nataranta ang lalaki nang makita ang ginawa ni Skyler at tumalikod siya para tumakbo palayo habang sumisigaw, “Maghintay ka lang! May mga tao pang darating!”Susundan sana siya ni Skyler nang tinawag ni Wilbur si Skyler para bumalik. “Dude, talaga bang hahayaan mo lang siya ng ganun?” Ang tanong ni Skyler.Sinabi ni Wilbur, “Sa tingin ko ay mas marami pa siyang mga tauhan na pupunta, kaya maghintay tayo. Nag aalala ako na ang cafe na ito ay ipapasara kapag hindi natin sila pinabagsak lahat.”Tumango si Skyler, pagkatapos ay umupo ulit siya sa tabi ni Wilbur para kumain.Sa oras na yun, ang may ari n

Pinakabagong kabanata

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 433

    Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 432

    Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 431

    ‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf

DMCA.com Protection Status