"Cosimo started entering the club since the last 3 months, sabi ng mga bouncer. Nanunuhol pa raw ng pera para makapasok. Wow." Nakangising binalita ni George sa akin. Agad namang nagising ang sistema ko nang marinig iyon. Alas tres na ng madaling araw. May pasok pa ako mamaya pero heto ako at nakikipag-video call kay George. I called to tell him that I was scolded by his sister a while ago. Buti na lang at walang Cosimo na nagpakita sakin ngayon. Nagsawa na siguro. O baka nasa ibang VIP room lang siya at hindi na ako pina-assign sa kwarto niya. But why was he discreetly entering the club despite he's banned? Kaya pala puro mamahalin ang mga gamit ng bouncers sa club. I don't want to assume anything because it will only hurt myself. Ako pa rin ang masasaktan sa dulo kahit ano pang rason niya sa ginagawa niya ngayon. 3 months? Engaged na kaya sila ni Frida noon? Hindi naman siya mahilig p-um-arty. He never been in any bar or club when we were still together before. Or baka puma-party n
Mabilis akong lumingon. "You won't do that." "I can, Liana. And I will." Parang mababasag ang bagang ko sa sobrang diin ng pagkakatiim. "Ano ba, Cosimo!" singhal ko sa inis. He's being too much. Paano niya nalaman iyon? Ah, bakit pa nga ba 'ko nagtatakha. He has his ways. Kahit confidential ang information naming mga strippers dito, kaya siyang mapakain ng sariling imbestigasyon. Pero ang ireklamo at ipakulong si George, ibang usapan na 'yan. Wala 'yang kinalaman sa problema naming dalawa. Ipapasara ang club panigurado. Just because he badly wants us to talk, he's willing to put the job of every employees here at stake. He looks at me in tired eyes. Nakasuot siya ng suit pero wala nang tie at nakabukas ang dalawang butones ng white polo shirt. He must be off from work and went here straight. Marami yatang meetings kaya ginabi na ng out sa opisina pero may lakas pang makipagtalo sakin. "I wanna know how desperate you were to do that kind of scheme so I can validate it." Kumun
"You couldn't?" Kinuyom ko ang mga palad. "Naririnig mo ba ang sarili mo?! Cosimo, ikakasal ka na!" Hindi ko na napigilan ang sarili at pinakawalan na ang galit. Ayaw ko nang laruin pa ang usapang ito. Parang nawawala siya sa sarili. Tiningnan ko ang lamesa kung ilang bote ng alak ba ang binili niya at gaano na karami ang nainom. Kaunti pa lang naman ang nababawas niya sa isang bote ng campagne. Hindi pa siya lasing. Nasa katinuan pa pero parang wala na sa sarili. He looked away. That's already enough for me to know that he's guilty. Totoo ngang ikakasal na siya. Hindi pa ako halos naniniwala sa mga balita ni George sakin pero ngayong kitang-kita ko na sa mukha ni Cosimo ang totoo, this has to stop. Kinalma ko ang sarili. "Alam ba 'to ni Frida?... Na pumupunta ka rito para kausapin ako?" Tinitigan lang niya ang basong nasa harapan na para bang walang naririnig. Hinintay ko siyang sumagot. Hinabaan ko ang aking pasensiya. What if he really couldn't move on... tulad ko? Gusto niya
Ano? Nawawala? 'Yon ba yung kanina pa niya hinahanap? Paano siya makakauwi nito?Hinagod ko ang buhok sa sobrang iritasyon. Bakit ba kasi nangialam pa ako sa kalagayan niya? Pauwi na ako, e, pero umeksena pa ako sa problema nilang dalawa ng sekyu kaya heto ako ngayon. Namomroblema kung papaano siya pauuwiin."Paanong 'di mo alam? Paano nawala?!""Don't know.""Baka nalaglag mo?!" Tinalikuran ko siya para hanapin ang susi sa mga dinaanan niya pero dahan-dahan siyang dumausdos paupo hanggang sa nag-alarm na ang kotse.Ano ba naman 'yan! Mabilis ko siyang binalikan at hinila patayo."Tumayo ka! Umalis ka diyan!" sigaw ko.Nakapikit lang siya. Mukhang wala nang lakas para sumunod pa sa utos ko.Ang bigat niya!Ang ingay!"Cosimo naman!" Inis ko.Tumayo ako para tingnan ang paligid kung agaw atensyon na ba kami. May mga iilang nakatambay sa malayo at napapatingin dito. Sa kabilang banda naman, may papalapit nang sekyu. Hindi siya yung sumita kay Cosimo kanina.Napasapo ako sa noo saka tini
My eyes hurt from the light coming from the windows. Kinusot ko ang mga mata habang bumabangon. I'm feeling so energetic today. It only means that I slept well. Ang lambot naman kasi ng kama."You're now awake."Agad akong nagmulat nang makarinig ng lalaking boses sa kwarto ko. Until I realized where I actually am.Shit! Wala nga pala ako sa kwarto ko."Good morning," bati niya habang binababa ang hem ng t-shirt.He just went out from his walk-in closet after changing. Nakaligo na siya.Nagbaba ako ng tingin sa kandungan ko. Nakakumot pa ako at kumpleto naman ang suot. Wala namang masakit sakin... walang nangyari. Mariin akong napapikit.Ano na naman ba 'to!Namilog ang mga mata ko nang maalala ang oras."Anong oras na?!" Natatarantang tanong ko saka hinanap ang bag.Ayun! Nasa single sofa!Mabilis akong bumaba sa kama para kunin ang cellphone."10:31 in the morning," he casually answered.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Binuksan ko ang cellphone at... at... ayaw magbukas!P*
"Ayaw mo ba 'kong maging kagrupo?" gulat na tanong ni Jansen nang mainis ako sa pagkakasali ko sa grupo nila.Kumakain kami ngayon sa fastfood restaurant hindi kalayuan sa university."Walang pumili sa 'yo kaya sinama na kita sa group namin. Ayaw mo ba?"Ah, oo nga pala. Wala pala akong kaibigan sa mga kaklase ko kaya malamang walang pipili sakin bukod kay Jansen. Siya lang naman ang nakikipagkaibigan sakin simula pa lang noong 1st year. Nanligaw nga lang kaya nainis na ako. Ngayon, wala na raw siyang feelings pero palagi naman akong nililibre ng lunch. Tsk! Style niyang bulok!Wala naman sanang problema sakin kung magkasama kami sa thesis. Iyon nga lang, nangako ako kay Aldrio na iiwasan ko na siya. Syempre dadami na ang oras na magkasama kami bukod pa sa school. Hindi ko na maiiwasan 'yon!Umabsent pa kasi ako kahapon. 'Yan tuloy."May choice pa ba ako? Nakalista na 'di ba?"Tumaas ang mga kilay niya."Bakit parang kasalanan ko pa na sinama kita? You'll do the thesis alone when no o
"Hindi mo na dapat ginawa 'yon!" umpisa ko nang pareho na kaming nasa loob ng sasakyan niya.He started the engine, still raging in anger because of what has happened. His jaw is still clenching and those vines in his arms are now visible as he grips the steering wheel.I let out a loud sigh and just rest my back on the backrest. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana dahil ayaw niya naman akong pansinin. Hinilot ko ang sentido. Hindi ko talaga akalaing kaya niyang umasta ng ganoon."Ibaba mo na lang ako doon sa gilid ng highway."Hinila niya ako at pilit ipinasok dito sa sasakyan niya. Dahil sa kagustuhan kong mapatigil na siya sa pagbugbog kay Hugo at umalis na lang, nagpatianod ako. Nakakahiya na kasi. Ang dami nang mga tao at lumapit na rin ang mga security. Dadalhin pa sana kami sa office pero nagawan ng paraan ni Cosimo. Si Hugo na lang ang dinampot.Nanahimik ako hanggang sa makarating na kami sa parte kung saan ako bababa."Dito na ako!" Naalarma ako nang hindi siya tumigi
"Habang mainit pa ang sabaw, humigop ka, hijo," si Mama na kanina pa binabantayan ang pagkain ni Cosimo. He genuinely nodded and followed what Mama suggested. Kanina pa ako tahimik dahil walang maisip na sasabihin. Minabuti ko na lang na atupagin ang pagkain at hinayaan na silang maging komportable. I could still sense Mama's discomfort on her seat, at the end of the table, beside Cosimo. "Masarap po ang luto ninyo. Katamtaman lang ang asim ng sabaw. Malambot naman ang pagkakaluto ng hipon." Naiirap ko ang mga mata habang sumusubo ako ng kanin. Nakuha pa talaga niyang mambola. Syempre kinatuwa na 'yan ni Mama! "Naku! Buti naman nagustuhan mo! Paboritong ulam 'yan ni Liana." Nag-angat ako ng tingin kay Mama. Nakangiti lang ito habang nakatingin kay Cosimo, nagmamasid. Yumuko na lang ulit ako. Pansin ko naman ang pagtuwid ng upo ng lalaking nasa aking harapan. "Kung ganun po, ipagluluto ko na rin siya ng ganito." Pagsulyap ko, nahanap ko ang mga mata niyang nakatuon sa akin. Inab
Tatlong oras nang naghihintay si Cosimo pero hindi na sa labas ng building. Nakonsensya naman si Liana sa kaniya kaya inabisuhan niya itong pumasok at doon na lang maghintay nang maging kumportable naman siya kahit papaano. Cosimo fought his sleepiness the whole time because of boredom. Kapag nahuhulog na ang kaniyang ulo, ilalabas na niya ang cell phone para aliwin pansamantala ang sarili. Pero hindi naman siya interesado sa telepono kaya sumusulyap-sulyap pa rin siya kay Liana. Tanaw niya lang kasi ang dalaga sa loob ng office dahil glass wall lang ang partition habang siya naman ay nakaupo sa waiting bench. May mga oras na nagtatama ang tingin nilang dalawa. Mas tumatyaga tuloy si Cosimo na maghintay sa pag-iisip na chini-check pa rin siya ni Liana kung kumusta na siya sa kinauupuan. She's busy inside and Cosimo understands that. May kausap siyang isa pang attorney. Palagay niya'y attorney ni Mrs. Thompson iyon. Kausap din nila ang mga tao sa Consulate. Nakasandal, buka ang mg
Dahan-dahang tumayo si Cosimo. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takbuhin ang pagitan nila at yakapin si Liana nang mahigpit, pero nag-aalala siya na baka itulak lang siya nito palayo. He's anxious. Hindi naman siya ganito noon kahit pa iharap sa mga bigating kasyoso sa negosyo. Hindi siya kailanman nag-alala sa kahihinatnan ng gagawing aksyon. Ngayon lang siya nag-ingat sa mga kilos. Pakiramdam niya, konting kibot ay maiirita ito. He couldn't even say a word. Nagbabara ang lalamunan niya. Siguro ay dahil natatakot siya. Lalo na at kakaiba ang naging reaksyon ni Liana. She looks disappointed and mad. Kung talagang hindi siya nito iniiwasan, tumakbo na sana ito para yakapin siya. Pero hindi. Naestatwa si Liana sa kinatatayuan. Nakaparte ang mga labi at namimilog ang mga mata. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa mahinang boses pero may pagbabanta. He swallowed the lump in his throat. It hurts him. Iyon ang unang tinanong sa kaniya imbis na kumustahin siya. Tala
"She left you but you're still looking for her? Are you thinking?!" "She didn't left me! You manipulated her and used your power to push her through!"Encar sneered. "I didn't manipulate her. She asked for something she could benefit from in exchange of leaving you. She asked for money."Tumiim ang bagang ni Cosimo at kinuyom ang mga palad sa sobrang galit. "You're lying!""That's the truth, son. If your love for her is deep, don't expect that she will love you the same intensity as how you do. Her love is shallow," seryosong saad ng ina sa kalmadong paraan ngunit mariin ang tingin sa kaniya. Nawalan ng sagot si Cosimo para roon. Natigilan siya. Masakit ang sinabi ng ina pero ayaw niyang maniwala. Mahal siya ni Liana. Magpapakasal na sila. Ang dapat niyang sisihin sa mga oras na iyon ay ang kaniyang ina. Kung talaga ngang pinagpalit siya ni Liana sa pera, iyon ay dahil sa pagmamanipula. He shook his head in disbelief. Pumatak nanaman ang panibagong luha habang sinisikap niyang maka
It was fulfilling. Lahat ng sakit at bigat ng loob ni Cosimo sa pamilya, gumaan nang makita niya lang si Liana. Ngayong pinagmamasdan niya ang pinakamamahal niyang babae na natutulog sa kaniyang mga bisig, kuntento na siya. Hindi niya maisip kung anong magiging buhay niya kung wala si Liana. Siya lang ang bukod tanging magiging ilaw ng kaniyang tahanan. Siya lang ang kaniyang uuwian at magiging pahinga sa nakakapagod na mundo. He embraces her. Mainit ang pagsasalo ng kanilang mga hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang marinig ang mahinang paghilik ni Liana. "She must be tired," isip-isip niya. Nakailang ulit sila ng gabing iyon pero hindi makatulog si Cosimo. Marami siyang iniisip. He's wondering of what future awaits him but he's so certain that he will do everything in able to give Liana a great future. Kailangan niya lang gawin ay magsimula ulit. He has the skills. Hindi naman masakit sa pride niya kung magsisimula siya bilang empleyado. Kakayanin niya lahat
"The guards are everywhere. How can I do it?!" Cosimo frustrating said as he paced back and forth. Bumuntonghininga na lang si Slayne. Napasapo ng noo si Hateur. Napagplanuhan na nila ito noong isang Linggo pa pero hindi nila inaasahan na may mga bodyguards pa lang ipapadala si Madame Encarnacion. "Aren't Tita being too much? Mahal ka ba talaga ng mommy mo?" tanong ni Slayne. Hindi ito oras para magbiro kaya sinamaan siya ng tingin ni Cosimo. Kailangan nilang mag-isip ng iba pang paraan para maitakas ang kaibigan nilang ayaw magpakasal. Pero bago nila magawa iyon, kailangan muna nilang takasan ang bantay. "Mom's calling." Casnu announced while looking at his phone screen. Napapikit sila nang mariin. "30 minutes before the ceremony." Rubio reminded them. Bumuga ng hininga si Cosimo. Hindi 'to matatapos kapag tumakas siya. Might as well face it. Duwag lang ang tumatakbo sa problema. Sinuot na niya ang kaniyang suit jacket. Naalarma naman ang mga groomsmen. "Woah! Papakas
Para kay Cosimo, nakahanap na siya ng pahinga sa lahat ng pagod niya. It's the life he's been asking for. Kahit na palagi silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan noong una, naging mabuti naman ang pagsasama nila kalaunan. He's contented. Masaya siya na sa wakas may tao nang naghihintay sa pag-uwi niya at magtatanong kung kumusta ang kaniyang buong araw. Cosimo felt whole whenever he's with Liana. It's the tranquility he's feeling as his condo became paradise with only his wife's presence. Kaya ganoon na lang ang naging galit niya nang malaman ang buong pagkatao ng pinakasalan. He felt like a fool for not finding it out. Pakiramdam niya tinraydor siya. Hindi siya makapaniwalang nagpaloko siya sa loob ng anim na buwan. "Cosimo." "Don't fucking say my name, you whore!" He had enough. Lumabas na lang ang masakit na salitang iyon sa kaniyang bibig nang hindi niya inaasahan. He's breathing heavily and even though he's eyes are intense, behind it is regret. He knew that he shouldn't h
Third Person Point of ViewNaghihikahos na pinasok ni Amorsolla ang mansyon ng pamilyang Melgarejo. Kabababa lang nito sa sasakyan, hinihingal at parang madadapa pa sa sobrang pagmamadali. "Nasa office niya po si Madame," turo ng kasambahay. Pinilit niyang lakarin ang opisina ng kaibigan hanggang sa makakaya. Nanginginig siya. Pinagpapawisan na rin nang malamig. Kalaunan, nakarating din siya. Naabutan niya ang kaibigang nagbabasa ng magazine pagpasok niya sa opisina nito. "Oh, Amorsolla?" takha ni Encarnacion nang makita niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila naubos na ang lakas ni Amorsolla at napaupo na ito sa sahig. Tears fell down on her cheek nonstop as if she didn't cry on her way there. Encarnacion got worried and immediately went to pick her up from the floor. She held her shoulders. "What happened to you?!" she asked a bit loud.Ramdam niya ang panginginig nito kaya mas lalo siyang nabahala. Natataranta siya sa kalagayan ng kaibigan pero kailangan niyang huminah
Suot ang caramel trousers at cream long sleeve blouse, tumulak na ako papuntang Casa de Saros. 7 PM pa lang naman. Sasakto ako sa oras ng usapan. Matagal kong pinag-isipan kung pupunta ba ako o hindi. Pakiramdam ko kasi pambabastos kapag hindi ko sinipot ang ginang. Gusto niya akong makausap at maghihintay siya sa akin. Mahal ang oras niya kaya ngayong naglaan siya para sa akin, sino ako para sayangin iyon? Like what I've said, I want to do anything in order for her to be in favor of me. Kung madi-disappoint ko siya ngayon, baka hindi na magbago ang tingin niya sa akin kahit kailan.Hindi naging maganda ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ako naman ang may kasalanan kaya dapat ako ang nakikipag-ayos. Tatanggapin ko ang galit niya kung sakali mang mag-init ang dugo niya sakin ngayon. Gusto ko lang makapag-usap kami bago ako ikasal sa anak niya. Kailangan ko siyang galangin dahil kahit anong mangyari, ina pa rin siya ni Cosimo. "Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng atte
Cosimo gave me assurance that he loves me and will marry me after he cleared his issues with Frida. Kahit na wala siyang pinanghahawakang salita mula sakin na mahal ko siya at umaasa ako sa pinangako niya, alam kong tutuparin niya iyon. Mahal niya ako. Wala na akong dapat pang ipagdalawang isip. Kakalimutan ko lahat. Wala na akong pakialam kung anong pwedeng gawin ng magulang niya sa amin. Balang araw, matatanggap din nila ako. Ipipilit ko ang sarili ko sa kanila. Pagtatyagaan ko. Aayusin ko ang sarili para kahit papaano hindi nila ako ikahiya. Makakatulong din ako sa negosyo nila. Iyon naman ang gusto nila, hindi ba? Someone who can bring something for the growth of their wealth."Magpapakasal kayo?" tanong ni Mama nang makaupo na siya sa hapag. Sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon. Kakaalis lang ni Cosimo kanina at naabutan pa siya nina Mama. Wala rin namang problema dahil nakabihis na siya at paalis na. Kaya lang, nagtagal pa siya rito para makipag-usap kay Mama. Hindi k