HOURS EALIER(Before she broke his nose)"I want you to smile at me when you're sober and not when you're drunk. Tsk." Bulong ni Amelia sa sarili nang makita ang malawak na ngiti sa kanya ni Kraner dahil sa sobrang kalasingan.T*ngina! - mura ni Amelia sa isip habang naglalakad papalapit sa binata. Kung sa pagsusungit pa nga lang nito ay hulog na hulog na s'ya paano pa kaya kung lagi itong nakangiti sa kanya?"Pasensya ka na at ikaw ang tinawagan ko. Hindi ko kasi ma-contact ang kapatid n'ya," pahayag ni Daniel, isang pulis na katrabaho ni Kraner."No. It's fine. Ako na ang bahala sa kanya.""Salamat. Gusto mo bang tulungan na kita sa pagsakay sa kanya sa kotse mo?""Hindi na. Tatagay lang muna ako ng isang basong beer para may energy ako sa lalaking 'to mamaya." Nakangising saad ni Amelia na ikinatawa ng kaharap na binata."Okay. Goodluck to you. Siguradong bubugahan ka n'ya ng apoy bukas kapag nagising s'yang ikaw ang kasama n'ya," pabirong pahayag ni Daniel bago sila nito iw
Mula 35th floor ay ginamit ni Amelia ang exit stair hanggang 25th floor. Hinihingal na s'ya kaya naman napagdesisyonan na n'yang gumamit na ng elevator. Habang naghihintay ay sumandal muna s'ya sa pader para magpahinga. Isa-isa n'yang binilang ang mga CCTV camera sa paligid dahil nakasanayan n'ya na iyon gawin. Ilang establisyemento na rin kasi ang patago n'yang pinasukan habang mag-isang nag-iimbestiga sa kaso ni Lucas at kasama na 'ron ang headquarter na pinagtatrabahuhan ni Kraner. Narinig n'ya ang pagtunog at pagbukas ng elevator kaya naman kaagad s'yang napaayos ng tindig. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makita ang lalaking unang bumungad sa kanya sa loob. Si Kraner. Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Pababa na s'ya kaagad? Ang bilis n'ya naman? Edi sana pala kanina pa ako nag-elevator! - kastigo ni Amelia sa sarili. Hindi s'ya duwag para atrasan o takbuhan ito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa elevator at pumwesto malayo sa binata. Naalala n'ya ang
Hindi pa nakakapasok si Kraner sa kanyang apartment nang mapansin n'ya ang kulay pulang likido sa kanyang fingerprint door access. Hindi 'yon dugo kundi, ketchup? Alerto ang detective ng buksan ang pinto bago pumasok sa loob. Mula sa kanyang duty belt ay binunot n'ya ang kanyang baril. Maingat si Kraner habang umaabante. Sinisigurado n'yang hindi s'ya makakagawa ng ingay para mataranta ang taong naglakas-loob na pasukin ang apartment n'ya.Nang ilibot n'ya ang tingin sa loob ng salas at kusina ay wala s'yang namataang tao roon pero mabilis n'yang itinutok sa tapat ng kanyang kwarto ang baril dahil sa ilang ingay na naririnig n'ya mula sa loob. Tunog iyon nang pagbukas ng kanyang cabinet. Bukod sa mga damit n'ya ay matatagpuan din 'don ang kanyang maliit na vault at ilang mahahalagang papeles.Ipinagpatuloy ng detective ang paglapit sa pinto. Bukod sa mahinang tunog na nagagawa ng kanyang sapatos ay dinig din ng detective ang yabag ng kung sino na nasa kwarto. Dahan-dahang pinihit
"Huwaw! Lakas ng loob pumasok ah! Umaasa ka pa rin bang ga-graduate ka pagkatapos mong mawala ng tatlong buwan sa school? Bwahahaha!" Inakbayan s'ya ng kaibigang si Noah pero kaagad n'ya 'yong inalis kasabay ng malakas n'yang pagsiko sa tagiliran nito. "Ackk! Brutal!" "Stop pestering me! Wala ako sa mood," iritabling pahayag ni Amelia. Wala talaga s'ya sa mood na sabayan ang trip ni Noah dahil sa ginawa sa kanya ni Kraner. Nang magising kasi s'ya kaninang umaga sa apartment ng binata ay nakaalis na ito para sa trabaho pero hindi 'yon ang ikinaiinis n'ya kundi ang pagkuha nito sa notebook n'ya na naglalaman ng mga notes n'ya patungkol sa kaso ng kapatid n'yang si Lucas. Napakaimportante nun sa kanya. Mahigit tatlong taon n'yang inipon ang mga impormasyong nakapaloob 'don para mahanap ang killer ni Lucas pero t*angina lang dahil nakita 'yon ni Kraner. Sinugod n'ya na si Kraner kanina sa headquarters kung nasaan ang opisina nito pero hindi s'ya nito hinarap. Pinadampot pa s'ya
Nang makalabas ng opisina si Kraner kasama ang dalawa nitong katrabaho ay doon na napasigaw si Amelia dahil sa matinding panggigigil. She stumps her foot in irritation while cursing the man she hates and love at the same time. “Ghad! How did you end up falling for him, Amelia? Demonyito naman ‘yon kaya bakit sa kanya pa?” Kastigo ni Amelia sa kanyang sarili. *** YEARS AGO "Mommy!" sigaw ng 11 years old na si Lucas habang tumatakbo papunta sa kanyang ina. "Mommy, nambugbog na naman si Amelia sa school." Nabaling ang atensyon nila sa kakapasok lang na batang babae na pitong taon gulang ang edad. Nakasimangot ito at masama ang tiningin sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung wala lang ang kanyang ina ay baka naibato na n'ya ang hawak n'yang lunch box sa mukha nito. "I just depended myself. Mommy, ang mean nila sa akin 'e," depensa ng batang si Amelia. "A-Amelia! Ikaw talagang bata ka." Nanlaki ang mata ng ina ng bata nang makita ang itsura nang kanyang unica hija. Sabog ang p
"I love it!" sigaw ni Amelia ng makita ang bago n'yang bangs. "Mommy, hindi na kita ang tae ko sa sintido." "Amelia!" suway ng kanyang ina. Humagikgik si Amelia habang inaayos at tinitingnan mula sa salamin ang bago n'yang looks. Pag-uwi sa bahay ay kaagad na tumakbo si Amelia papunta sa kwarto ng kapatid para ipakita ang kanyang bangs pero mabilis s'yang napasimangot nang maabutan ang dalawa n'yang kapitbahay na kalaro ng kapatid. "Kuya," tawag ni Amelia sa kapatid pero hindi s'ya nito binigyang pansin dahil abala ito sa pakikipaglaro ng video game kay Kiel. "Kuya!" muling sigaw ni Amelia. "Bakit ba?" "I want ice cream. Samahan mo akong bumili," pagdadahilan na lang ni Amelia. Ang totoo ay gusto n'ya lang kunin ang atensyon ng kapatid n'ya. "Diba galing na kayo ni mommy sa labas, bakit hindi ka sa kanya nagpabili?" tanong ni Lucas nang hindi pa rin s'ya nilili
PRESENT “Grabe ka naman Lieutenant kay Amelia. Bakit mo naman pinusasan?” natatawang tanong ni Gabriel sa kaibigan. “Dapat lang ‘yon sa kanya. Ang tigas ng ulo,” walang emosyong pahayag ni Kraner. Noon pa man na mga bata sila ay talaga nang lapitin ng gulo si Amelia. Akala n’ya magbabago ito habang tumatanda sila pero mas lalo lang lumala ang dalaga lalo na ng mamatay ang kapatid nitong si Lucas. “Noong nakaraang araw lang ay ikinulong mo s’ya ng limang oras sa silda tapos ngayon naman pinusasan mo sa opisina mo. Anong trip n’yong dalawa?” tanong ni Daniel na isa ring pulis. “Teka, may kinalaman ba ‘to noong iwan kita sa kanya nang malasing ka?” “Luh! Ano ‘yon? Bakit ‘di ko ‘yan alam?” usisa ni Gabriel. “Sh*t! Don’t tell me may nangyari sa inyong dalawa tapos ikaw ‘tong kunwaring pabebe na may ayaw sa steamy night n’yo. P*tangina! No wonder beast mode si Amelia!” Natatawang saad ni Daniel. “G*go ka, Kraner! Wala kang balls! Hindi kita pinalaking irresponsable! Paano kung
Sa paglabas ni Kraner sa opisina ng kan’yang hepe ay kaagad na naagaw ang atensyon n’ya ng mga nagsisitakbuhang mga pulis. “Anyare? May terrorist attack ba?” tanong ni Inigo ng makita rin ang komusyon. “Baka may chicks na bumisita bukod kay Amelia,” pahayag ni Gabriel dahilan para makatanggap s’ya ng masamang tingin mula kay Kraner. “Charing lang!” Pagbawi n’ya sabay iwas ng tingin sa kaibigan. Kaagad na hinarang ni Daniel ang isa sa mga pulis para tanungin kung ano ang nangyayari.“Dadalhin dapat sa interrogation room si Boris, sir pero biglang na lang itong nanlaban kanina.” “May nasaktan ba s’ya? Nasaan na s’ya ngayon?” sunod-sunod na tanong ni Gabriel. “Dalawang pulis ang sugatan dahil sa pagpupumiglas n’ya. Nakatakas s’ya at ngayon nga…” Bumaling ang pulis kay Kraner at doon palang ay nagkaroon na s’ya ng masamang hinala. Hindi na hinintay pa ni Kraner ang sunod na sasabihin ng pulis at kaagad na nagtungo sa kanyang opisina para puntahan ang babaing iniwan n’ya roon. May ka
Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Para akong pinupukpok ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover?Mabilis akong napabalikwas ng mapansin ang hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko ngayon. Chineck ko ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may damit ako pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?!I cursed mentally.Hinalukay ko ang utak para alalahanin ang mga nangyari kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay.“L-Lucas. K-Kasama ko ba talaga s’ya kagabi o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak sa buhok ko. S’ya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw s a isipin ko ang bwat detalye ng gwapo n’yang mukha. Mas naging matured lang s’ya pero s’ya pa rin ‘yon.‘Have s*x with me’Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang ginawa kong pag-offer sa kanya na makipag-s*x sa akin. Siguro ay iniisip na n’yang malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman kasi ng lalaking pwede kong ayain ay s’ya pa tal
Simula ng bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa ng gabing ‘yon sa kaibigan ko dahil kinaladkad na ako ni Alexis paalis. Pagbalik ko ay hindi na ako nagsayang ng oras na alamin ang totoong nangyayari. Kaagad kong kinompronta si dad na sabihin sa akin ang dahilan ng biglaan n’yang pagpapabalik sa akin dito sa State. Nalaman kong hostage s’ya ngayon ng isang gun syndicate na kung tawagin ay Cashmere. Sa loob ng siyam na taon ay wala man lang akong kalam-alam na hawak s’ya ng isang sindikato sa leeg. Supplier si dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. It was a legal business dahil gobyerno na mismo ang kumuha sa kanya para mag-supply ng mga kailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa pero lingid sa kaalaman ni dad na target na pala s’ya ng Cashmere. Kinidnap ng Cashmere si mom para gawing pang takot
NOVA X LUCAS STORY***NOVA BENETTE“Who you?”Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai dahil sa baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at doon nasalubong ng mga mata ko ang mata ng pinaka-gwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko.Holy crap! This man is gorgeous. Mukhang kakatapos lang n’yang maglaro ng basketball dahil sa hawak n’yang bola at suot n’yang jersey. Kahit pawisan s’ya ay parang ang bango n’ya pa ring tingnan, hindi lang ‘yon, mas lalo rin s’yang naging sisig sa paningin ko. Sizzling hot sisig. Yum!Simula ng lumabas ako sa mansion ay marami na akong nakita at nakasalamuhang mga lalaki bukod sa bodyguard ko na si Lexis at trainer ko na si Marco pero ngayon lang ata naka-jackpot ng gwapo ang mga mata ko.S’ya na siguro ang kapatid ni Amelia na si Lucas. Madalas kasi sa akin na ikukwento ng kaibigan ko ang mga away at asaran nilang dalawa ng kapatid n’ya.“Wait. Siomai ko ba ‘yan?” Nagsalubong ang makakapal na kilay ni L
“You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa nobyong kakapasok lang sa kwarto n’ya.“Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits. What do you want to eat?”“Apple,”Naupo sa Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulan ang pagbabalat ng mansanas. Kasalukuyan pa rin s’yang nasa hospital dahil sa masilang kondisyon ng pagbubuntis n’ya. Her unborn child almost died, pero katulad n’ya ay lumaban ito para mabuhay.Sa loob ng isang linggo ay palaging nasa tabi n’ya Kraner para bantayan s’ya. Natatakot itong iwanan s’ya ulit kaya naman naging opisina na rin nito ang kwarto n’ya.Nagi-enjoy naman s’ya sa presensya ng nobyo n’ya sa tabi n’ya pero hindi n’ya mapigilang ma-guilty sa tuwing nai-istorbo n’ya ito sa trabaho. Madalas kasing mag-request s’ya ng mga kung ano-anong pagkain kaya natitingga ang trabaho ni Kraner para lang bilhan s’ya
“Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar sa kanya ang pagmumukha. Sa tabas palang ng pagmumukha nito ay alam na n’yang may hindi ito magandang plano para sa kaibigan n’ya. “I’m asking you,” mariing saad n’ya bago hilahin si Amelia papunta sa kanya. Naagaw ang atensyon n’ya nang pasuray-suray na lakad ni Amelia kanina kaya naman linapitan n’ya na ang dalawa at mukhang tama nga ang desisyon n’yang pakialaman ito. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” Humagikgik si Amelia. Halatang wala ito sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay n’ya ng makitang hindi s’ya matitigan ni Amelia ng diretso. Alam n’yang malakas ang alcohol tolerance ng dalaga at sigurado s’yang hindi wine ang magpapatumba rito. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “Dapat ay nagdasal ka muna na hindi ko nakita ang plano mo sa kaibigan ko bago mo gawin ang bagay na ‘to rito. You messed with a wrong girl, moron!" “Hindi mo ako matatakot! Isang police ca
2 years ago, before we got separated. I remember kissing her in the bar, iyon ang araw ng ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Lucas. I kissed her that night, we cherished each other in bed and became intimate. She thought it was our first kiss and our first time being intimate with each other but it wasn’t.Inakala n’ya rin na iyon ang unang beses kung saan naging open ako sa nararamdaman ko para sa kanya but it was just her presumption because the truth was, that night, way back years ago when we’re just starting to bloom, I already claimed her as mine. She was not in a good state to remember it and I was a coward to tell her everything.***YEARS AGO“Deym! Maganda ka pala kapag naayusan? Nagmumukha kang tao, gurl!” pahayag ni Noah na ikinasimangot n’ya.She’s wearing a sexy long emerald gown. Naka-expose ng kaunti ang dibdib n’ya sapat na para mabastos s’ya ng tignin ngayong gabing ‘to.(Subukan lang nilang bastusin ako ay sisiguraduhin kong magkukulay violet ang talong nila. Mas
“Why are you doing this, Adela?” tanong ni Amelia sa babae habang itinatali nito ang magkabila n’yang kamay sa frame ng kama. “Dahil ba kay Kraner? Desperada ka na ba talagang makuha s’ya, huh?” “Shut up!” asik nito bago s’ya nito hampasin ng baril sa mukha. Napadaing si Amelia dahil sa matinding sakit na dulot ng ginawa ni Adela. Sigurado s’yang mag-iiwan ‘yon ng malaking pasa sa pisngi n’ya. Napadura rin s’ya ng dugo dahil sa nagawang sugat nito sa loob ng labi n’ya. “Huwag mo akong galitin kung ayaw mong tawagin ko ang anak mo na nasa kabilang kwarto lang. I can easily break his neck in front of you, Amelia,” pahayag nito bago muling ipagpatuloy ang ginagawa nitong pagtatali sa kanya. “And to answer your curiosity ay oo at hindi ang sagot ko sa tanong mo. Tama ka, nandito ako dahil kay Kraner pero hindi dahil patay na patay ako sa kanya kundi literal ko s’yang gustong patayin.” “Mukha bang nandito s’ya? You know where he work, bakit hindi ka pumunta ‘ron? Ang bobo mo naman.” Ib
“What if it’s a boy?” tanong ni Amelia kay Kraner. Umayos s’ya sa pagkakahiga sa dibdib nito saka n’ya ito tiningala. Ngayon n’ya na lang ulit nakatabi sa kama si Kraner matapos ang isang linggo dahil naging sobrang busy nito sa hawak nitong kaso. Idagdag pa na pansamantala silang nakatira ng anak n’ya sa bahay ng mga magulang dahil wala silang kasamang lalaki sa bahay n’ya. Natatakot si Kraner na iwanan sila sa bahay n’ya kaya naman napagpasyahan n’yang umuwi na lang muna sa kanila. “Kraner Jr,” sagot nito sa kanya saka ito nagsumiksik sa leeg n’ya na mahina n’yang ikinahagikgik. He’s growing beard is ticklish. Halatang busy na busy ito dahil hindi na nito nagawa pang makapag-ahit. “Ang what if it’s a girl?” “She’ll be our little princess. Princess Arya. What do you think?” “Princess Arya? Ang ganda! Pinag-isipan mo na talaga ang ipapangalan sa anak natin ah. Excited yurn?” “Super. Bukod sa kaso ay okupado rin ang isip ko sa ipapangalan sa anak natin. How about you? May naisi
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng atakihin si Amelia ng knocker pero sa loob ng dalawang linggong ‘yon ay hindi na ulit ito nagparamdam sa kanya. Siguro ay dahil madalas nang matulog sa bahay n’ya si Kraner kaya naman natakot na ito. (Aba dapat lang na matakot s’ya. Kraner won’t hesitate to pull his guts through his mouth kapag pinagbantaan n’ya ulit ang buhay namin.) “Did you changed your body wash or perfume?” tanong ni Amelia nang yumakap sa likuran n’ya si Kraner. “Get off me. Ang baho-baho mo. Mas mabango pa sa’yo ang imburnal kesa sa amoy.” Iritabling pahayag ni Amelia. “I didn’t change my body wash, even my perfume.” Inamoy ni Kraner ang sarili n’ya. Bagong ligo s’ya at fresh kaya naman hindi n’ya mapigilang magtaka sa sinasabi ni Amelia. “Ang bango ko kaya,” giit n’ya. “Nikolia,” tawag ni Kraner sa bata na natigil sa pagsubo ng pancake nito nang iangat ang tingin sa kanya. “Do I smell bad?” tanong n’ya sa bata habang pinapaamoy ang damit n’ya rito. “No po. Bango