"I told him not to talk so that the problem would not get worse. He doesn't deserve that--"
"So now you do?" He cut me off.
Seryoso ko siyang tinitigan, habang siya'y naman ay binalikan ako ng kabaliktaran nito. Napatingin ako sa kanyang labi nang nilaro niya ito gamit ang daliri. His lips pursed so I returned my eyes on him.
"What do you think?" Tanong ko rin, malumanay at nananatiling may tono ng pagrespeto sa kanya. After all, he was my master and I was one of his servants.
"What's your thought, Gualin? Does Irish deserve to be fired?" Reu looked at his friend with a naughty smirk.
Tuwid ang tayo, dalawang kamay sa likuran, tinignan ko si Gualin na mayroon ding ngisi sa labi, katulad na katulad sa matalik na kaibigan. When our eyes met, I looked away. Hindi dahil takot ako sa kanya, kundi alam ko ang kanyang takbo ng isipan.
"Of course."
I knew it.
"As if papayag ka." Gualin chuckled, and so his friend.
"Right, of course I won't..."
Tumawa silang dalawa habang ako naman ay seryoso silang tinitigan. Na pahinto lamang ang mga ito sa ginagawa nang umalingawngaw ang tunog ng telepono sa loob ng library, nasa dulong bahagi ng silid.
Hindi nawawala ang ngisi sa labi, Reu rose from his seat. "You can't convince me with that straight face of yours." He playfully shook his head, mocking me.
Tinikom ko ng mabuti ang mga labi.
Naglalakad ito, at bago pa man makalayo sa amin, I heard him saying something without facing us.
"Please me more. I might change my mind, Irish."
Nawala ang tingin ko sa likod ni Reu ng marinig na naman ang halakhak ng naiwan na lalaki. He was looking at his phone and smiling like an idiot.
"Tss. He deleted it...So greedy. Ayaw talagang may kahati." He smirked.
Umiling ako at aalis na sana nang pinigilan niya ako.
"You give up?"
Sa lahat ng taong nakasalamuha at nakilala ko, Gualin was the most dangerous among them all. He was very cunning and very intelligent...katulad na katulad ni Reu. Ngunit dahil sa mas lalong mapaglaro ito, hindi mo mapapansin at hindi mo na lamang namamalayang pinaglalaruan na pala nito ang iyong buhay. He was a carefree lad, but he was more than that. Playful, yet dangerous.
Alam na alam ko, kaya maingat ako sa kanya. Ngunit mas lalong maingat siya sa akin. This man...hindi mo aakalain sa likod ng magandang mukha, kaya kang paikutin sa mga salita. Very unique gift, but also a very dangerous one. Pag mali ang pagkakahawak, maaaring marami ang maloloko at mamamatay.
"Giving up means you stop." Tumalikod ako ng tuluyan. "I'll take a rest but will never stop."
"But you choose to rest at the wrong time." I heard him stand up and walked towards me. "The wound is still fresh. How can you cure it if the time has already passed?"
Natigilan ako ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanya na tama ang sinabi niya. Kung hindi ko masolusyonan ngayon, maaaring makalimutan ito sa pagdaan ng panahon...Maaaring hindi na mabuksan ang kaso ni Harold kung hahayaan kong masara ito ngayon. Maaaring...mawalan ako ng pag-asang ibalik siya sa trabaho.
"This is a perfect opportunity. Don't you wanna grab it?" He chuckled again. "What a waste, pretty girl."
"I'll make an opportunity for me, Gaulin." Matigas kong saad, hindi tanggap na naisahan niya ako.
"Who are you again? You seem like you need memory plus gold." Still smirking at me.
My lips became thin.
"Yes, you can make opportunities, but you can never make fate be on your side. That's not your decision to make, Ery." He tilted his head. "And one more thing, favors are only for those who have the power living inside of them. In your case, you are not in favor. You are in bad shape but still act like the situation is your slave. "
I hated to admit this, but he was right.
"You are intelligent, but still lack of understanding. You need to understand the situation before you decide for something, pretty girl." Tinapat niya sa aking mukha ang likod ng iPhone na hawak. Sa pag-iwas ko ng tingin, ang pagdinig ko naman ng tunog ng camera.
"Side view again." Sabay tingin sa ninakaw nitong larawan.
Matalim ko siyang tinitigan. "How much is the cost of my photo?"
Hindi ko talaga gusto ang mga nagnanakaw ng hindi sa kanila.
"Why, you want to buy this from me?" Hulakhak siya at umiling. "Drop it. You can't afford it, anyway."
My lips pursed. "Are you mocking me, Gualin?"
Nilapit niya ang mukha sa akin. "I dare to say the truth."
"Then say the price, honest boy."
Natigilan siya at unti-unting sumilay ang ngisi sa labi. Inilayo ang sarili, tumayo siya ng matuwid sa aking harapan. "The value of one picture is a sport car, pretty girl. And the fact is," He showed me my photo. "Reu can only afford this, not you."
Hayop.
"Why you sell my picture to young master?" Nagtataka kong tanong.
"Because he likes dogs? And he is rich. Sports cars are just nothing to him."
Do I look like a dog to him?
Kahit marami mang tanong sa isipan, isinawalang bahala ko nalamang ito at inilahad ang kamay sa harap niya. Tumaas ang kilay niya.
"Give me your phone."
"You want to buy a toy sports car and will give it to me as a payment?"
Nangunot ang noo ko.
Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Or you want to delete your picture?"
I snatched his phone.
Sa tingin ko expert na ako sa bagay na ito.
"Don't make me mad, Ery. You won't like it." Malamig niyang sabi, hindi gusto ang naging akto ko.
I stopped and looked at him. Ang laro sa mga mata nito ay hindi na makikita, at tanging malamig lamang na mga titig ang mababakas.
Kahit kinakabahan sa biglaan niyang pagbabago, nag patuloy pa rin ako sa ginagawa. I opened the front camera, slightly smiled, and took a selfie on his phone.
Mabilis akong nag seryoso at ibinalik ang cellphone niya. "If my photo has a value...then give that to the young master for an exchange of Harold...Give that to him if he'll agree to take him back."
Unti-unting bumalik ang mapaglaro niyang mga titig at ngisi."Now, you are the boss?"
"No. I dare not, Gualin." Ngumisi rin ako. "But aren't you the one who's stealing here? You're educated, but you act like a criminal. You are rich, but act like you live in a slum. Aren't you ashamed of yourself?"
Sa halip na magalit ito sa aking sinabi, mas lalong lumawak ang kanyang ngisi na unti-unting naging halakhak.
"Very well, then."
Tumalikod ako sa kanya at hindi na muling nilingon pa.
"You really got my attention, pretty girl."
That was the last thing I heard before I closed the door.
A day had passed and Gregore was no longer sick.
"Here." Inabot ko sa kanya ang isang binder.
Walang imik niya naman itong kinuha.
Lumipas ang isang araw at bumalik na ulit sa kaayusan ang lahat.
"You were absent yesterday. You missed Sir Arthur's and Ma'am Shine's quizzes. I already issued a letter so you can take special quizzes later this afternoon." Tinignan ko siya sa rare-view mirror. She was scanning the content of the binder.
Ang kabayaran ng pagiging Maurus ay ang pagiging angat nito sa lahat ng bagay. Walang may maiiwan, walang may mahuhuli sa anong aspeto. Lahat ng kabilang sa angkan nila ay dapat na manguna, dahil dala-dala nila ang imahe ng isa't isa. One small mistake, and it will stain the perfect image of the whole Maurus clan.
"Study all of it. It contains yesterday's lessons and also for advanced learning. You are already left behind." I added.
"This is too much." Maarte niyang saad.
I looked straight at the road, not minding her complaints.
"What about your scores?" She asked, pertaining to the quizzes.
"Just the same."
Padabog niyang inilagay ang binder sa kanyang bag.
"Drive fast, Harold." Maarte pa rin ang pagkaka-utos.
"It's raining, Gregore." Agap ko.
Nagkatinginan kami ni Harold. I shook my head.
"I don't care. I want to study in the library now, Ery. So hurry up, Harold!"
"No." Tinignan ko si Harold ng mariin. Don't do the same mistake, you old man.
He looked troubled.
"Argh! I will tell dad about this--”
"Tell him, then."
"Ery!" Sigaw niya sa loob ng sasakyan. Hindi ko naman inalis ang tingin sa maulan na daanan. "This is for my own good--can't you see? Loosen up. Don't be so nanay, Ery."
"Your safety comes first, Gregore."
Hindi ito nagsalita muli ngunit lahat ng galaw niya sa likuran ay padabog at nagmamaktol. Alam na alam niyang hindi mababali ang prinsipyo ko lalong lalo na sa trabaho.
Huminto ang sasakyan. Inabot ko naman ang jacket kay Gregore. She rolled her eyes and acted like I was an air.
"Do you want to catch cold again?" I asked coldly. "Sure. Dagdagan natin ang laman ng binder mo. Dagdagan natin ang pag-aaralan mo."
"You evil witch..." Bulong nito at sinuot ang aking binigay.
Inayos ko ang suot na jacket at nangunot ang noo nang nanguna sa paglabas ng sasakyan si Gregore, hindi na ako hinintay pa.
"Salamat pala, Ery."
Napatingin ako sa kanya.
"You didn't consider the situation, Harold." Nakakunot pa rin ang noo, ngunit hindi na dahil kay Gregore, kundi dahil sa kanya. "It was the young master Reu. Sino ba ang nagpapa sweldo sa'yo? Sino ba ang mas nakakaangat at bakit mas pinili mong makinig sa akin? You could disregard what I've had said to you. It was young master. Our young master! Ako ba ang mas importante--"
Mabilis siyang umiling. "Nagulat ako na ang young master ang humarap sa akin...Hindi ako makapagsalita hindi dahil sa mas sinusunod kita...kundi d-dahil..."
Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya.
He was in his mid-20s. Huwag niyang sabihing natinag siya ng bata?
Ngumisi ako. Oo nga naman. Sino bang hindi matatakot sa anak ng bilyonaryo at makapangyarihang pamilya na kaya kang patayin sa isang salita lamang?
"I hope this won't happen again, Harold. Because I'm no savior. There is no next time anymore...Remember that." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan at hinabol ang babae.
"You're late." Bulong niya at umisog. Walang imik akong tumabi sa kanya. Inayos ko ang bag at kumuha ng isang ballpen at notebook. Tinignan ko ang harapan at nagsimulang kopyahin ang nasa projector, penepresenta ng isang guro. "I'll give you my notes." She whispered again and slid her notebook. I stopped. "I already spent my allowance. I cannot afford it." And continued writing. Unti-unti niyang binawi ang notebook at bumuntong hininga. "Bad news." Umiling nalamang ako at hindi siya pinansin. "Hey," She
Dala-dala ang isang baso ng gatas, tinahak ko ang mahabang hagdan, layunin ay mapuntahan ang silid ni Gregore. "Is that for Gregore?" Tumango ako kay Arden na aking nakasalubong, isang babaeng mayodrona na naka assign naman para sa assistance ng Señorito. "Here. Bring this to Señorito," Nangungunot man ang noo, kinuha ko pa rin ang inabot niyang baso ng gatas. "I did everything. Señorito is still refusing to open his door for us." Kung ang mayodrona na mismo ang kumatok at hindi pinagbuksan, paano na lamang pag ako na? Kung lahat ay nagawa na niya, edi ano pa ang silbi ng pag-uutos niya ngayon sa akin? Tinignan ko ang gat
Sinira ko ang libro at sinandig ang likod sa upuan, pinaikot ang panulat sa mga daliri at nag-isip ng mataimtim. Gregore was spoiled. And hard headed, yes. Kung anong gusto niya, papanindigan niya. Kung anong ayaw niya, mananatiling ayaw niya. She doesn't like the idea of clubs nor booths. At isa pa, isasama ito ng ama sa isang business trip, maagang pag hahasa sa kanya. Kung wala akong gagawin, siguradong hindi mapipigilan ang pag-angat ni Austin. Perfect plan, indeed. She knew Gregore won't participate...At alam niya rin mismong pagkakataon na niya ito. Siguradong mapapanalo niya ang tatlong patimpalak. She was a genius and competitive after all. Hinarap ko si Merelle at mag sasalita na sana nang sinalubong ako nito ng kanyang palad. "I know, I k
"Hindi ka na bumalik kanina, Ery! Argh! You're so...so..." Tumaas ang kilay ko sa kanya. "So hot?" "So irritating!" Padabog niyang pinagkrus ang mga braso sa d****b. "Did you know I'm so thirsty I feel like I'm going to die--" Tahimik kong ipinatong ang paper bag sa kanyang hita at kinabit ang seatbelt nito. Inayos ko ang kanyang nagulong damit at tinignan siya ng seryoso. Bumilog ang kanyang bibig ng nakita ang laman nito. "My vanilla..." Sinira ko ang kanyang pintuan at dumeritso sa likod, kong nasaan naman nag aayos si Harold ng mga gamit. "Kay young master Reu na naman ba 'to?" Mabilis akong umiling. "Mine."
Tanging ako lamang ang batang nagtatrabaho sa Mansion. Babae, malapit sa edad ni Gregore, at may kakayahang humawak ng responsibilidad sa batang edad kaya naman naatasan akong maging alipin ng isang Maurus.At halos lahat ng kasambahay ay ayaw sa akin. Isang dahilan ay ang pagiging masakit kong mag salita. Walang respeto sa nakakatanda, walang respeto sa kanila. I meant no harm. But they didn't see that. They were too focus on me being harsh on them. They forgot to check the reason why I was being harsh to them.Instead of looking at their mistakes and correct it, nag bulag bulagan ang mga ito, tingin ay mga perpekto ang sarili. Porket matanda na, hindi na marunong makinig sa sasabihin ng iba, lalong lalo na sa katulad kong bata. But then, if they were wise, hearing corrections would make them wiser. But for the fools...Nevermind.
"Next week na yung intramurals." Pambungad ni Merelle sabay upo sa aking tabi.Hindi ko siya pinansin at tahimik na binabasa ang hawak na libro."I invited a few friends. Punta kami roon sa Board Games Club." Ramdam ko ang pag dikwatro niya. "First day ang match mo, right?""What's your plan this time?" Sinulat ko sa notebook ang importanteng impormasyon na nabasa."Ouch!"Hindi ako tumingin sa kanya. Halatang umaarte."You bruised my ego. Plano agad? Hindi pwedeng support support lang ako sa gilid mo? Hello, a supportive friend here..."Hindi ako umimik."Okay!" Humalak
After I tapped my id on the scanner, bumukas ang glass door at agad na bumungad ang mahinhin at malumanay na boses sa mikropono. Pumwesto ako sa pinakadulo ng silid, kung saan ang madilim na parte. Piniling tumayo at tahimik na nakatanaw sa harap. "All who want to join the event, please fill up this form..." Tinuro nito ang pink na papel. "And those who just want to facilitate, please fill up this one..." Showing the red forms. Ang clubs sa paaralang ito ay hindi tulad ng sa iba. Ang mga miyembro ay galing sa iba't ibang baitang, ngunit lahat ay kalaban parin. Tila tinawag lang itong club hindi para bumuo ng relasyon sa isa't isa, ngunit para tipunin ang magagaling sa partikular na larangan at paglabanin ang mga ito upang makita ang mas nakakaangat at ang hindi.
"Done with your exam?" I asked while arranging her uniform for tomorrow."Yeah. Kay Ma'am Daiza nalang kulang. She'll give the test paper to me the day after tomorrow." Tamad nitong sagot.Kinuha ko ang isang binder sa bag ko at binigay sa kanya. Nakahiga sa sariling kama, kinuha niya ito at binasa."Study its whole content. That's the summary of her lesson.""Last week, you also gave me three binders. Are you planning to kill me, Ery?""Stop complaining and start studying. And if I want to kill you, I'd kill you with a knife, not with a binder. Use your head."Nauna
You are at the final chapter. Sorry, I did not proofread some of the published chapters (The reason why this story has so many grammatical and typographical errors, misspelled words, etc., etc.). Nevertheless, I would like to thank you for reaching this far. Thank you for allowing me to share my thoughts through this. It means a lot to me. I hope you like my first story. God bless! – Pumayag ako na manatili sa loob ng kwarto, pero siya ang lumabas para tumulong sa paghahanap kay Roel. Hindi pa nakalipas ang sampong minuto, agad kong narinig ang pag galaw ng doorknob. Agad akong tumayo at lumapit sa pintuan. Bakit siya agad na bumalik? "May nakalimutan ka ba-" Agad akong napahinto at na estatwa sa kinatatayuan. Hindi si Reu ang bumalik kundi ang kanyang panganay na kapatid. “Can you prepare tea for me?” He scanned the whole room before finally setting his eyes on me. “I’m a guest.” "M-Master Rei..." I stuttered. Agad siyang pumasok, sumunod ang apat na lalaking naka uniporm
After we calmed down, Reu decided to get a room at the nearest motel. We were in a remote area, so he really had no choice but to sleep in a cheap room. His bodyguards were outside and roaming around, of course. Naging tahimik kaming dalawa matapos ang eksena sa terminal. Tanging mumunting pagmasid lang ang nakuha ko mula sa kanya, habang ako ay umaaktong hindi napapansin ang parati niyang pagbaling sa aking direksyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa maliit na sofa. Siya na nakatayo sa bintana habang may katawagan ay mabilis na pinagmasdan ako. Binaba niya ng kaunti ang cellphone niya hanggang sa pinatay niya na ito. Sinundan ko ang kamay niya nang pinasok nito ang gadget sa kanyang bulsa. Nangunot ang noo ko. Sigurado akong hindi pa tapos ang usapan ng kanyang kausap. “Where are you going?” Inangat ko ang tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. “G-Gusto kong pumunta ng banyo para maligo.” Natigilan siya at tumango ng dahan dahan, para bang n
“Liyan,” Mabilis akong nilingon ng dalaga. Namula ang mga pisngi niya at mabilis na iniwas ang mga mata sa akin. “B-Bakit, Ken…” Mahina ang boses nito, tila nahihiya sa akin. Apat na taon. Apat na taong pagtatago ang ginawa ko simula nang araw na iyon. At sa apat na taong nagdaan, hindi ako kailanman tinantanan ng mga tauhan ng mga Maurus. Rason kung bakit sa apat na taong iyon, natuto akong mabuhay sa kabundukan para lang hindi mabilis na matagpuan ng mga Maurus. Mahirap mataguan ang lugar, mahirap ang pasikot sikot- tama lang na pinili kong manatili sa kabundukan para mabuhay lang. I made sure I didn’t stay long in one location, I jumped from one place to another. I also frequently change my name for my safety. Nanatili ring lalaki ang identidad ko sa mga tao, pero minsan, nahihirapan din ako dahil sa mga sitwasyong…tulad nito. “Hindi pa ba nakabalik ang kuya mo mula sa bayan?” Mataman kong tanong sa kanya, isinawalang bahala na ang reaksyon niya. Umiling ito ng ilang beses.
Hindi ako makapaniwala. Patay na ang ama ko at ako ang dahilan. Gusto ko nang mamatay at hindi na umahon mula sa tubig na kinabagsakan ko. Pero ang boses niya na nagpapaalala sa akin na maging malaya ay siyang nag patigil sa akin mula sa pagkalunod. Umahon ako at nag baluktot sa lupa dahil sa sobrang pagod, umubo ng paulit ulit dahil sa nainom na tubig. Masakit ang buo kong katawan mula sa pagkakabagsak at sa ilang oras din na pagtakbo. Nanghihina pa ako pero pinilit kong tumayo dahil namataan ko ang nagkukumpulang mga trabahador sa itaas ng tulay, tinitignan ako at nag uusap na sa isa’t isa. Probably talking about how to get down the bridge and capture me. Mabigat pa rin ang loob at nagdadalamhati sa nangyari sa ama, tumakbo ako habana bumubuhos ang panibagong batalyon na luha. Tumakbo ako sa mga damuhan, hindi alintana ang mga nadadaanang mga putik, ang ilang beses kong pagkadapa dahil sa mga bato, ang mga paa kong maraming sugat dahil sa naaapakan na mga matutulis na kahoy- tuma
Isang iglap, namalayan ko nalang ang sarili na nakasakay sa sasakyan. “Lock the door.” Matigas niyang utos sa driver.“P-Paolo, hindi ako ang may gawa! Nakita ko si Consi, kakaalis lang sa villa ni Gregore-”Nakita kong nandilim ang paningin niya. “Kasama ko si Consi kanina pa, Ery. Hindi siya nagtagal sa villa ni Gregore.”“Pero…” Mas lalong lumakas ang tambol ng dibdib ko, hindi na alam ang totoo. “N-Nakita ko talaga siya-” “Don’t let her out.” Putol niya at pinalo niya ang sasakyan, takda na dapat na kaming umalis. “Paolo!” Galit na sigaw ko habang tumatakbo na ang sasakyan. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Galit, pighati, pagsisisi…parang buong mundo na ang pasan ko at sobrang bigat na, wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa, nagbabakasakaling matawagan si Consi at humingi ng saklolo para maligtas si Gregore. Pero kahit anong hanap ko, wala akong may makapa. Hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan
I read somewhere that the price of wisdom is beyond rubies. Neither gold nor crystal can compare with it, nor can it be had for jewels and gold. Even corals and jasper are not worthy of mention. Wisdom is more precious than anything else. Without wisdom, you will never be happy…satisfied…and be complete. Ang karunungan ang siyang gabay mo sa lahat ng desisyon mo. Dahil kung wala ito, hindi mo alam ang patutunguhan mo. Kung wala ito, hindi mo alam kung ano ang magiging magandang desisyon para sa ikabubuti mo.Tulad na lang ng sitwasyon ko ngayon. Alam kong wala na. Hindi na dapat. Pero…Fool. I’m such a fool.Malalim akong bumuntong hininga at tinignan ko ng matagal ang screen ng cellphone ko at ang binuo kong mensahe. I groaned when I realized I couldn't find the courage to hit the send button. I wanted to greet him a happy birthday. I know I already wished him a happy birthday last week, but it's... different today. Ito ang araw ng kaarawan niya talaga. Gusto kong batiin siya, dah
Nakatulogan na lamang ni Gregore ang pag iyak sa kotse. Hanggang sa makarating kami sa resort at kahit na sinalubong kami nila Consi, ang disposisyon ni Gregore ay hindi pa rin nagbabago.Wala pa rin ito sa mood at walang gana sa lahat ng bagay. Ang excitement niya kaninang umaga ay napalitan ng madilim na aura. Nakahawak sa likod ng aking upuan, inilapit ni Paolo ang bibig niya sa aking tenga kahit sobrang lapit na ng aming posisyon. “Do you want lemonade or tea?” Tinignan ko si Gregore sa aking harapan na walang ganang nakikipag-usap kay Consi na siyang katabi niya rin. Hindi pa siya kumakain, wala ring laman ang tiyan niya ng kahit na ano. She must be thirsty. “Lemonade sweet tea. How about that?” Sabay baling ko sa kanya. Agad kong nahuli ang pagbaba niya ng tingin sa aking labi at ang pagbalik ng mga mata sa akin. He licked his lips. It instantly became red. “That’s…a nice choice.” He said hoarsely. Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa pinagkainan. Nakarinig naman ako ng
Sa oras na aalis na sana kami, gano’n din ang oras ng pagdating ni Colan sa Mansion. Huminto ang sasakyan niya sa daan mismo, kaya wala kaming nagawa ni Gregore kundi ang bumaba sa sasakyan at salubungin siya. Yumakap si Gregore sa kanya, habang ako at si Harold ay na nasa likod lang ni Gregore. Yumuko kami at binati siya. “Where are you going?” Ang walang ekspresyong mga mata ni Colan ay napasulyap sa amin ni Harold, huling binalingan si Gregore. Magsasalita na sana ako ngunit agad akong tinignan ni Gregore gamit ang nanlilisik na mga mata. Napatikom ako ng bibig. “Consi’s beach resort.” Ngumiti ng matamis ang dalaga. Nangunot naman ang noo ni Colan. “You know it’s kuya’s birthday today.”“And you know our grandparents hate to see me.” Umikot ang mata niya. “At isa pa, dadalo ang pamilya ni Papa.”“Genoughver will not touch you, Gregore.” “Hindi lang naman si Genoughver, ah! Kasama na rin ang kapatid niya-”“Na kapatid mo rin-”“I don’t want to address them as my brothers and si
Tahimik ang naging byahe namin pabalik sa paaralan. Walang sino man sa kanilang dalawa ang nangahas na mag salita at magtanong sa akin tungkol sa nangyari kanina. At iyon ang pinasasalamatan ko.Lumipas ang mga minuto at bumaba kami sa isang park, malapit din sa paaralan. Nag-usap ng sandali si Merelle at Gualin, bago tuluyang umalis si Gualin at iniwan kaming dalawa sa bleacher. Inabutan ako ni Merelle ng tubig na agad ko namang tinanggap. Umupo siya sa aking gilid, sinamahan ako sa pagtanaw sa mga batang naglalaro at naghahabulan. Tinabihan niya lang ako, hindi siya nagsalita…gustong ipaalam sa akin na nandiyan lang siya. Ngumiti ako. I thought I was lonely, I forgot…I still have someone. I didn’t acknowledge Merelle as my friend…pero hindi ko nalang namamalayan, naging kaibigan ko na pala siya…at ang presensya niya ngayon ay isang malaking bagay na sa akin- kahit hindi ko man aminin.“I wish I was like them.” Uminom ako ng tubig. “Ang alin, ang madapa sa lupa dahil sa katangahan