"Clark! Clark! Wag mo akong iwan. Nangako ka kagabi na hindi mo kami iiwan ni Clarkson… Gumising ka jan, huhuhuhu..." Malakas na iyak niya habang inaalog ang nobyo.Maya-maya ay bigla itong nagising na ikinagulat niya. Hindi agad siya nakagalaw dahil mukhang wala namang nangyaring masama kay Clark. "What is happening... Di ba nabaril ka?" nagtatakang tanong niya sa nobyo. Ngayon niya lang napansin na wala palang dugong lumabas sa nobyo. "Ini-expect ko na mangyayari ito, babe... kaya nagsuot ako ng bulletproof." nakangising sabi nito. Nung una ay hindi pa pumapasok sa utak niya ang sinabi nito. Pero nang hinubad nito ang polo ay nakita niyang nakasuot nga ito ng bulletproof. "Oh God, thank you... Akala ko ay nabaril ka na naman. Akala ko ay iiwan mo na ako, huhuhuhu..." Ang lakas pa din ng iyak niya kahit pa alam niyang ligtas na si Clark. Hindi pa din nawawala sa dibdib niya ang takot at kaba."Shhh… don’t cry, baby... we're safe now." Lumapit si Clark at mahigpit na yumakap sa ka
Kasalukuyan silang nasa resort sa Iloilo para magbakasyon. Doon sila sa paboritong pwesto nila sa ilalim ng puno at naglatag ng banig. Nakaupo siya habang nakahiga si Clark sa kanyang binti. Marahan niyang hinahaplos ang buhok nito habang inalala ang karanasan nilang dalawa.It's a roller coaster ride ang relasyon nila ni Clark. And now, ay masasabi niyang finally na dumating na sila sa puntong okay na ang lahat.Kasama na nila si Clarkson na nakatira sa Manila. Pabalik-balik na lang siya sa Iloilo para tingnan ang resort na pagmamay-ari niya.Nanalo na din si Clark sa pagka-gobernador. Landslide ang pagkapanalo nito dahil wala naman itong kalaban. Na-grant na din ang annulment nito kay Cindy. Nakipag-cooperate naman si Cindy at hindi na pinahirapan pa si Clark. Advantage din iyon para kay Cindy dahil masaya na itong naninirahan sa Australia kasama ang bago nitong asawa na dating bodyguard nitong si Kevin. Nanganak na din ito ng isang bouncing baby boy.Nagpahayag din ng pagbati si Ci
ARAW NG KASAL:Dumating na ang araw na pinaka-hinihintay nila... ang kasal nila ni Clark.Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, pinagmamasdan ang sarili. Nabanaag sa kanyang mukha ang kasiyahan na matagal na niyang inaasam.Suot niya ang isang puting gown na likha ng isang sikat na designer... si Clark mismo ang pumili nito para sa kanya. Gusto nito na siya ang pinakamagandang babae sa araw ng kanilang kasal. Napangiti siya at kinilig nang maalala ang sinabi ng nobyo."Finally, magiging Mrs. Almonte na ako… o di kaya, ‘the Governor’s wife’" na pabirong tawag ni Clark sa kanya.Tumayo siya at sumilip sa bintana. Sa tabing-dagat ay abala ang mga tao sa pag-aayos ng venue. Beach wedding ang tema ng kanilang kasal. Puting-puti ang mga bulaklak na nakapaligid sa paligid, habang may pulang carpet na nakalatag sa dadaanan niya mamaya.Excited na excited na siya. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa.Tapos na siyang ayusan, hinihintay na lang niya ang tawag para magsimula ang kasa
"Hi..." Mahinang wika ni Clark nang makarating na siya sa harap nito. Nahihiyang yumuko siya. Parang matutunaw siya sa mga titig ni Clark sa kanya.'Hi..." mahina ding sagot nya.Hinawakan nito ang kamay niya at humarap na sila sa pari na magkakasal sa kanila."Handa na ba kayo?" tanong ng pari na nakangiti sa kanila.Nagkatinginan silang dalawa. Tumango siya ng marahan. Pilit na pinipigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Habang sinasambit ng pari ang panalangin nito ay naramdaman niya ang hangin na dumadampi sa kanyang mga pisngi. Tumingin siya sa langit at tahimik na nagpasalamat.... sa lahat ng pagsubok na dumaan sa kanila ni Clark... sa bawat luha at sakit na kanilang nalampasan."Gov. Clark Almonte, tinatanggap mo ba si Fe na maging kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa?"Opo, Father... nakangiting sagot ni Clark habang nakatingin sa kanyang mga mata. Marahan nitong pinisil ang kanyang kamay. Hindi siya nito binitiwan simula pa kanina."Fernanda Alcantara, tinatangg
BOOK 4:GRAYSON MILLER ENRIQUEZ & ROSABEL DIMAKULANGAN:****************GRAY'S POV:Sakay ng kanyang sports car ay bumaba siya sa university kung saan siya nag-aaral. Isa 'yun sa pinakamalaking unibersidad sa bansa at isa ang mga magulang niya sa shareholder doon kaya sikat siya sa kanilang paaralan.Pagkababa ng kotse ay nakita niya agad na nagsitinginan ang mga estudyante sa kanya. Ang mga babae ay kinikilig at nagbubulungan samantalang ang mga lalaki naman ay nagsitago na parang takot na takot. Nagkibit-balikat na lang siya... Bully kasi siya sa school nila.Napangiwi siya sa pagtawag sa sarili niya na bully. Mahilig lang siya mang-trip ng ibang tao kaya akala ng iba ay bully siya. Pero ang totoo ay katuwaan lang naman niya iyon."Psst!" tawag niya sa isang estudyanteng nerd na tumatambay doon sa parking. Agad naman itong lumapit sa kanya.“B-boss Gray, may kailangan po kayo?” nauuutal nitong sabi "Bitbitin mo itong bag ko." utos niya saka nagpatiuna na sa paglakad. Nakasunod sa
Hindi siya nagsasalita, focus lang siya na mailabas ang init na nararamdaman niya. Hindi siya mahilig sa mabagal, gusto niya lahat ay mabilisan. Hindi din siya nakikipag-s*x nang walang proteksyon. Mahirap na, baka mapikot pa siya.Alam niyang madami ang humahangad ng ganun sa kanya, lalo na sa katayuan niya sa buhay, at isa na dun si Bianca. Pero sorry na lang sila dahil wala siyang planong magseryoso sa mga panahon na 'yon. Why marry kung matitikman niya naman ang lahat ng babaeng magugustuhan niya? At saka bata pa siya, He has all the time in the world.“Ohhh… yess babyy… more Gray... Fuck me more!”Sa kasarapan ng kanilang pagtatal*k nang biglang may kumalabog sa labas ng cubicle.“Who the fuck was that?” Napatigil siya sa ginagawa. “Sino ang pumasok nang walang pahintulot ko?!” sigaw niya. Naiinis siya dahil inistorbo nito ang pagse-s*x nila ni Bianca.“See me at my office, Mr. Enriquez!” sigaw din ng nasa labas na tao saka muling lumabas ng locker room.Bigla siyang natigilan..
Hindi siya sumagot... makaka-dagdag lang sa galit ni Coach kapag pumalag siya. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita."I just talked to your mother, sabi niya ay ako na ang bahala sa parusa na ipapataw ko sa’yo. Simula ngayon ay tanggal ka na sa team."What!" gulat na sabi nya "Matagal ka na ding sakit sa ulo ko, Gray… ang dami ko nang ginawang pagtatakip sa mga kasalanan mo, ang dami kong naririnig sa mga pambu-bully mo sa mga estudyante dito, sa mga pananakot mo sa kanila... Malaki ang naitutulong ni Mr. and Mrs. Enriquez sa team natin at sa school na ‘to kaya nagbingibingihan ako sa lahat ng mga kabalastugan mo. Pero this time ay napuno na ako… ayaw ko na ng sakit sa ulo.""Coach naman!... ‘wag mo naman akong tanggalin!..." pakiusap niya."Kahit maglumuhod ka pa diyan ay wala kang magagawa. Hindi ka rin tutulungan ng mga magulang mo dahil sa akin sila papanig dahil mukhang suko na din sila sayo. Ibigay ko daw sa’yo ang karampatang parusa na nababagay sa’yo."
ROSABEL DIMAKULANGAN's POV:Sakay siya ng bus papuntang Manila, galing siyang Baguio. Pinapapapunta siya ni Mam Jenna sa mansion sa hindi niya alam na kadahilanan. Mayordoma sa mansion ng mga Enriquez ang nanay niya. Ang mga Enriquez din ang nagpapaaral sa kanya sa kolehiyo at nagpapasalamat siya dahil doon.Mababait si Mam Jonie at Sir Ken sa kanya. Hindi ito matapobre kahit pa sabihing hindi parehas ang mga katayuan nila sa buhay. Mabait din ang mga ito sa nanay niya at tinuring na isang pamilya.Bitbit lang niya ay isang backpack para sa ilang araw na pamamalagi niya doon. Kapag wala siyang pasok sa school ay nagbabakasyon siya sa mansion para makatulong sa nanay niya. Okay lang naman sa mga Enriquez na tumutuloy siya doon kapag bakasyon. Sa katunayan ay natutuwa pa ang mga ito dahil may kachikahan na naman si Lilly, ang bunsong anak ng mga ito. Sa tantiya nya ay nasa high school pa lang ata si Lilly. Ate ang turing ni Lilly sa kanya. Nagkapalagayan agad sila ng loob dahil bunsong
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba