Tiningnan niya ang wristwatch niya. Ala-una pa lang ng hapon. Muli siyang nagpaalam sa pamilya ni Clark dahil nasa labas na ang driver ni Jonie at naghihintay sa kanya. Pinasundo siya nito."Mag-ingat ka, iha. Aasahan ka namin bukas ha... Sana hindi magbago ang isip mo..." nagmamakaawang wika ni Tito Amado. Gusto niyang matawa. Ito na ngayon ang nagmamakaawa sa kanya, pero dati ay ang baba ng tingin nito sa kanya dahil wala naman siyang maibibigay na tulong sa political career ni Clark, hindi tulad ni Cindy.Pero kinalimutan na niya iyon dahil nagsisi naman na ito."Opo, Tito. Makakaasa po kayo na babalik ako bukas. At sa pagbalik ko, kasama ko na ang apo ninyo." nakangiting wika niya. Ayaw na niyang pahirapan ang mga ito sa kakaisip kung babalik siya o hindi.Hinatid siya ni Roses sa labas ng ospital. Naka abre-syete ito sa kanya."Alam mo, Ate Fe... Ikaw talaga ang gusto ko para kay Kuya Clark eh. Nakikita ko kasi kung gaano kayo kasaya noon kahit wala kayong relasyon. You both look
Kinabukasan ay dumating na sila sa mansion nina Clark. Doon na sila dumiretso. Bitbit niya si Clarkson habang nakasunod naman ang mga magulang niya sa likod niya."Anak, tama ba itong desisyon mo? Baka matapobre sila at hindi nila tayo matanggap?" tanong ng nanay niya.Natawa siya. Kahit pa sabihing hindi na sila ganoon kahirap tulad noon, masasabing may kaya na rin naman sila sa buhay, pero nananatiling mapagkumbaba ang mga magulang niya. Hindi kailanman pumasok sa ulo ng mga ito na mayaman na sila at dapat na rin silang magmataas."Mababait sila, Nay. Sila ang nag-invite sa atin na dito tayo titira habang patuloy pang unconscious si Clark sa ospital. Gusto rin nilang makita ang apo nila, at hindi ko naman pwedeng ipagdamot iyon.""Sige, anak. Ikaw ang bahala, pero sakaling anuman ang mangyari, andito lang kami ng tatay mo na nakasuporta sa'yo.""Salamat, Nay, Tay," naluluhang wika niya. Malaking bagay ang mga magulang niya para mapagaan at malampasan niya ang mga problemang dumarati
"Oo nga, iha. Napadami ang luto ko. Alam mo na, na-excite ako sa pagdating ni Clarkson. Pero hayaan mo na, madami ang kakain niyan mamaya. Tingnan mo, ubos 'yan mamaya, hahaha!" wika nito saka tinuro ang mga kasambahay na nakangiti. Maging siya ay napangiti na rin. Mabait talaga ang pamilya ni Clark. Hindi ito katulad ng mga pamilyang politiko na matapobre at pakitang-tao lang. Sila ay matulungin kahit sa mga kasambahay nila sa bahay."Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito, Tita?" namamanghang tanong niya."With the help of Yaya Meding, of course. Hindi ko naman kakayanin kapag mag-isa lang ako, hihihi."Umupo na sila sa hapag-kainan. Dumating na rin si Rose galing sa school at nagmano ito sa kanyang mga magulang bago sabay na kumain.Si Tito Amado naman ay hindi kumain dahil nauna na itong pinakain ni Tita Felicia. Iba ang pagkain nito. Hindi siya pwedeng kumain ng maalat at oily na pagkain dahil kagagaling lang niya sa sakit. Naroon lang ito at nakikinig sa mga usapan nila habang mahimbi
"Ate, handa ka na ba?" tanong ni Rosie na biglang pumasok sa kwarto. Agad niyang tinago ang swimsuit sa likod niya."Ah, eh, sige. Pero magbibihis lang ako sandali, okay lang ba?""Sige, doon na muna ako sa cute kong pamangkin ha. Doon na lang kita hihintayin, hihihi…" wika nito saka lumabas ng kwarto.Muli siyang napangiti. Nang tuluyan na itong nakalabas, ay dali-dali niyang inilagay ang swimsuit sa bag niya. Baka bumalik pa si Rosie.Naghilamos lang siya at saka lumabas ng kwarto. Ayaw niyang paghintayin nang matagal si Rosie at gusto na rin niyang makita agad si Clark.Papunta na siya sa sala at naroon si Rosie na buhat-buhat si Clarkson kasama si Tito Amado. Ang mga magulang niya naman at si Tita Felicia ay nasa garden at naglilipat ng mga halaman sa paso."Akin na ang apo ko, Rosie!" inis na wika ni Tito Amado kay Rosie. Sandali siyang tumigil dahil sa pagbabangayan ng mag-ama."Wait lang, Dad. Hindi pa nga ako tapos eh. Pag-alis namin mamaya ni Fe, ikaw naman ang hahawak eh. Ay
"Ay, gusto ko 'yan, Balae... Sige, kapag maayos na ang lagay ni Clark, ay doon naman tayo sa resort ni Fe at ni Jonie."Ate, napatagal na tayo sa kaka-kwentuhan sa kanila. Tara na at baka hinihintay na tayo ni Kuya!" nakasimangot na wika ni Rosie."Sige, umalis na kayo para hindi kayo ma-traffic." sabmbit naman ni Tita Felicia.Pagkatapos nilang magpaalam, ay umalis na sila. Siya ang nag-drive ng kotse. Na-miss niya din namang mag-drive sa Manila. Dumaan muna sila ng flower shop at bumili ng bulaklak at mga prutas para sakaling magising si Clark ay may makain ito.Pagdating ng ospital, ay agad silang pumunta sa kwarto ni Clark. Malayo pa lang ay madami nang nakabantay na mga pulis sa buong ospital, sinisigurado ng management ng ospital at ng gobyerno na wala nang mangyayari kay Clark.Nakita nilang nag-aayos ang nurse sa higaan ni Clark. Kakatapos lang nitong punasan at palitan ng damit si Clark. Lalaki ang kinuha nilang private nurse. Sa laki ng katawan nito, ay hindi ito kaya ng isa
Panandaliang namayani ang katahimikan sa loob ng kwartong iyon."Ahm, Fe... magpapaalam na kami. Baka aalis na din kami dito sa Pilipinas. Sa Australia na kami maninirahan ni Kevin. Doon na lang kami magbagong-buhay kasama ang anak namin. Lalayo muna kami sa mga mapanuring tingin ng mga tao sa akin. alam kong ako ang sinisisi nila sa mga nangyari kay Mayor Clark." malungkot na wika ni Cindy. Wala cyang naisagot dahil totoo naman ang lahat ng iyon. "Hangad ko din ang kaligayahan niyo ni Clark. Huwag kang mag-alala. Makikipagtulungan ko para mapasawalang-bisa kaagad ang kasal namin." dagdag pa nito"Salamat, Cindy. Sasabihin ko yan kay Clark."Nagyakap muna sila ng mahigpit ni Cindy bago ito umalis. Kahit papaano ay gumaan na din ang pakiramdam niya dahil wala na siyang grudge sa puso niya. Aaminin niyang sumama din ang loob niya kay Cindy noon. Ang akala niya kasi ay magiging magkaibigan na sila pagkatapos silang makaligtas sa pagkidnap ni Bryan sa kanila, pero bigla itong bumaliktad
Lumipas pa ang tatlong araw simula nang hawakan siya ni Clark. Akala niya magigising na ito, pero wala pa rin… Nawawalan na siya ng pag-asa. Doon na siya halos nakatira. Ayaw niyang sa paggising ni Clark ay wala siya. Ang gusto niya ay lagi siyang andoon dahil baka hanapin siya ng nobyo."Iha, matulog ka na kaya muna. Ilang araw ka nang walang tulog..." wika ni Tita Felicia sa kanya.Saglit lang siya kung matulog. Baka kasi habang natutulog siya ay saka magising si Clark. Ang dami niyang iniisip na posibilidad hanggang sa umabot ng tatlong araw, pero hindi pa rin nagigising si Clark. Nawawalan na naman siya ng pag-asa."Ako na muna ang magbabantay kay Clark. Umuwi ka na muna at magpahinga. Nanlalalim na ang mga mata mo, baka ikaw naman ang magkasakit!" nag-aalalang wika nito sa kanya."Ayokong umuwi, Tita. Gusto ko dito lang ako. Baka magising si Clark na wala ako. Gusto ko sa paggising niya, ako ang makikita niya."Buhat nang malaman ni Tita Felicia ang insidente sa kanila ni Clark,
"Ahm, Mayor... Ang mabuti pa, magpahinga ka muna. Kakagising mo lang at wala ka masyadong maalala. Take your time, Mayor. Papainumin kita ng gamot para muli kang makatulog at ma-relax ang katawan mo, ha?" magalang na paliwanag ng doktor.Tango lang ang sagot ni Clark.Nang bigyan ito ng gamot, agad namang nakatulog si Clark. Ni hindi man lang ito tumingin sa kanya bago muling nawalan ng malay... nalungkot siya doon."Doc, ano po ang nangyari kay Clark? Bakit di nya ako kilala?""Ito ang kinakatakutan ko. Hindi ko muna sinabi sa inyo na may posibilidad na magkaroon siya ng amnesia dahil nagkaroon siya ng fracture sa skull noong hinampas siya ni Counsilor Bryan sa ulo ng baril. Dagdag pa ang pagkabaril sa ulo nya, kahit pa daplis lang iyon.""P-Paano yan, Doc... Hindi na ako maalala ni Clark? Si Cindy ang naaalala niya?""Wag kang mawalan ng pag-asa, Ma'am Fe. Habaan pa natin ang pasensya natin at magtiwala lang tayo. Papasaan ba at gagaling din siya." wika ni Doc saka tinapik cya sa ba
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba