Marahan siyang hinahaplos ni John doon. Naninindig ang mga balahibo niya dahil pakiramdam niya at chinachansingan na siya nito."You're so sexy, Bevs..." sambit ni John saka akmang hahalikan siya nito sa labi nang biglang pumreno ang kotse na sinasakyan nila."Ouch, kuya! Ano ba? Dahan-dahan namang mag-drive!" reklamo ni John habang hawak ang ulo nitong nauntog sa upuan. Maging siya at nauntog din, pero pinapasalamatan niya iyon dahil hindi natuloy ang paghalik ni John sa kanya."May biglang tumakbo na aso sa daan kaya iniwasan ko," pagdadahilan ni James. Palinga-linga siya sa paligid, pero wala naman siyang nakitang asong tumatakbo.Tumingin siya sa lalaki, pero nakatingin din pala ito sa kanya. Matalim ang mga tingin na pinukol nito sa kanya. Umiwas na lang siya ng tingin. Alam niyang galit na si James, at kahit papaano ay natatakot siya sa galit nito. Kahit anong gawin niya at pilit iwaksi sa isip na hindi siya dapat matakot dito, pero hindi pa din mawawala ang takot sa puso niya.
Maya-maya, napansin niyang papalapit si James sa kanya. Inirapan niya ito at nagkunwaring hindi pinansin, pero umupo ito sa tabi niya.“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong nito sa kanya.“Umusog ka nga doon!” reklamo niya, inis na inis dahil sobrang lapit nito sa kanya. Tiningnan niya sina John at Stella na abala pa rin sa pagpili ng damit. Magaling din sumakto si James sa mga pagkakataong tulad nito.“Are you jealous?” tanong nitong may ngisi sa mukha.Muli niya itong tiningnan ng masama. “Why would I be jealous? Napaka-kapal na ata ng mukha mo at lagi mong ini-insist na nagseselos ako. Baka ikaw ang nagseselos sa amin ni John?” balik-asar niya rito.“Oh yeah?” tugon nito, saka bigla siyang hinapit sa bewang. Muling naramdaman niya ang init ng palad nito sa kanyang balat. Pinilit niyang pigilan ang kilig na nagsisimulang kumalat sa kanyang katawan.Napapikit siya at pilit na kinakalma ang sarili. Alam niyang mapanganib ang ginagawa ni James sa kanya, lalo na sa harap ni John at Stella.
"Oh, bakit nakasimangot ka diyan? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong ni John, na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kanya."Ahm, hindi na," sagot niya, pilit na itinatago ang inis."Hey, Bevs, I have a dress that suits you. Try this one!" sabi ni Stella, dala ang isang pulang gown.Its a dazzling spaghetti strap red long gown, its a figure-hugging that will highlight her curves. Napangisi siya, agad na na-inlove sa damit. Mukhang may ambag din pala si Stella sa kanya, akala niya’y pasakit lang ito."Bagay sa’yo ‘to, Bevs. You should try it!" masayang sabi ni John. Agad siyang tumayo, kinuha ang damit, at pumunta sa fitting room. Na-excite siya... siguradong siya ang magiging pinakamaganda mamaya sa okasyon. She will slay the nigh!Pagkatapos niyang isuot ang gown, napangiti siya sa salamin. Tama ang hinala niya... bagay na bagay ito sa kanya. Pilit niyang isara ang zipper sa likod para mas makita ang kurba nito sa kanyang katawan, pero hindi niya magawang maabot.Narinig nya
Maingay ang magkakapatid habang nasa biyahe sila pauwi. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan sila ng kung anu-ano. Halata talagang malapit ang samahan nila at sabik na sabik dahil sa matagal na hindi pagkikita.Siya naman ay tahimik na nakaupo sa likod, nakatingin sa labas ng bintana. Binuksan niya ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Napapikit siya habang ninanamnam ang dampi ng hangin sa kanyang pisngi. Ginugulo ng hangin ang kanyang buhok na lagpas-balikat ang haba, at napapangiti siya dahil ang sarap ng pakiramdam nito.... parang dinadala rin ng hangin ang kanyang mga alalahanin, palayo sa kanya.Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na iwaksi ang mga gumugulo sa isip niya na tungkol sa kanila ni James. Oo, masaya siya dahil nagkita silang muli. Miss na miss niya si James. Masaya ang puso niya dahil binibigyan ulit siya nito ng atensyon, kahit alam niyang hindi naman talaga siya mahal nito. Masaya siya kahit pa alam niyang ang habol lang nito ay ang katawan nya. Masaya c
"Hey, Bevs!" Masayang sinalubong siya ni Tita Evelyn at binigyan ng beso."I'm glad dumating na kayo. Nababagot na ako dito kakahintay. Kung alam ko lang na magsho-shopping kayo, sana sumama na ako!""Sorry po, Tita. Biglaan lang din po ang alok ni John kanina. Don’t worry, mag-shopping na lang tayo next time, tayo lang dalawa," nakangiti niyang sagot."Yes, we’ll do that, iha. Na-miss ko na rin mag-shopping na iba ang kasama. Ang mga boys kasi, laging nagmamadali kapag namimili... nakakainis!" biro ng ginang sabay tawa. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Ang pagiging magiliw ni Tita Evelyn ay nakatulong para maibsan ang mga gumugulo sa isip niya tungkol kay James."What about me? Hindi niyo ba ako isasama sa shopping, Tita?" sabat ni Amber habang lumapit sa kanila, na sinundan naman ni James."O-of course, Amber. You can join us," alanganing sagot ni Tita Evelyn, pero halata ang kawalan ng sigla sa tono nito.Napansin niya ang reaksyon ng ginang at napangiti siya ng lihim. "H
"Hindi bale, darating din tayo diyan. Ang mahalaga ngayon ay nagmamahalan kayo ni John. Nakikita ko sa inyo na mahal n'yo ang isa't isa, at masaya ako para doon." Huh? Gano'n ba ang tingin ng mga tao sa kanila? Na mahal nila ni John ang isa't isa? Lalo siyang nakonsensiya. Paano na niya sasabihin sa ginang na wala talaga silang relasyon ni John? Maya-maya, may kumatok at pumasok si John. "Ano ang pinag-uusapan n'yo dito? Parang seryoso kayo ah." "I was just telling your girlfriend that I like her so much, anak." "Ang swerte ko sa girlfriend ko, 'di ba, Mom?" sabi ni John, sabay halik sa labi niya. First time nitong ginawa iyon at sa harap pa ng ina nito. Hindi siya nakagalaw. Hindi niya alam ang gagawin... itulak si John o magpaubaya. Natigil lang ang halik nito nang may narinig silang nabasag. Si James, nakatingin sa kanila mula sa labas ng kwarto. Nanlisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Tila wala itong pakialam kahit andoon ang ina at kapatid na nakatingin din sa k
Nang umalis na si James ay naiwan na naman sya doong nakatulala. Ang init ng pakiramdam niya, hindi dahil sa galit kundi dahil sa halo-halong emosyon na nananatiling nakasiksik sa dibdib niya. Naiwan siyang nakahiga sa kama, naguguluhan sa mga nangyari... Galit at hiya ang nararamdaman nya. Pero hindi niya maitanggi... isang bahagi ng sarili niya ang tila nasasabik sa muling makaniig si James. Pero hindi dapat ganito. Hindi tama. Hinila niya ang kumot at niyakap iyon nang mahigpit, pilit pinipigilan ang sarili na muling balikan ang init ng mga sandali kani-kanina lang. "Ang kapal ng mukha niya!" bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luhang di niya namalayang tumulo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ni James sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginawa nito, isang bahagi niya ang tila nasisiyahan sa atensyon nito. Ngunit kasabay nito, naroon din ang galit at sakit... lalo na tuwing maaalala niyang may iba na itong babae. "Hindi ako dapat magpapaapekto. Ta
Narinig na niya ang ingay ng mga bisita—ang mga halakhak at kwentuhan ng mga ito. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan, nakahawak sa handrails dahil baka mahulog siya sa taas ng takong ng sapatos niya.Nakafocus siya sa pagbaba kaya hindi niya namalayan na biglang tumahimik ang paligid. Napaangat siya ng ulo. Sa kanya pala nakatuon ang atensyon ng lahat, tila manghang-mangha ang mga ito sa kanyang ganda. Bigla siyang nahiya.Agad niyang hinanap ng mga mata ang kinaroroonan ni James. Nakatayo ito kasama si Amber. Hindi siya magsisinungaling.... ang ganda rin ni Amber sa gabing iyon. Naka-white laced long gown ito na may v-neck, na lalo pang nagpa-emphasize sa malulusog nitong dibdib. Amber is indeed hot. Bagay na bagay ang suot ng dalaga.Biglang umurong ang buntot niya, pero hindi siya magpapahalata.Si James naman ay naka-white suit... very dashing as usual. Matagal na niyang napapansin na magaling talaga itong manamit. Papasa nga itong modelo kung sakali.Sa suot ng dalawa, para bang
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba