"Oh, bakit nakasimangot ka diyan? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong ni John, na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kanya."Ahm, hindi na," sagot niya, pilit na itinatago ang inis."Hey, Bevs, I have a dress that suits you. Try this one!" sabi ni Stella, dala ang isang pulang gown.Its a dazzling spaghetti strap red long gown, its a figure-hugging that will highlight her curves. Napangisi siya, agad na na-inlove sa damit. Mukhang may ambag din pala si Stella sa kanya, akala niya’y pasakit lang ito."Bagay sa’yo ‘to, Bevs. You should try it!" masayang sabi ni John. Agad siyang tumayo, kinuha ang damit, at pumunta sa fitting room. Na-excite siya... siguradong siya ang magiging pinakamaganda mamaya sa okasyon. She will slay the nigh!Pagkatapos niyang isuot ang gown, napangiti siya sa salamin. Tama ang hinala niya... bagay na bagay ito sa kanya. Pilit niyang isara ang zipper sa likod para mas makita ang kurba nito sa kanyang katawan, pero hindi niya magawang maabot.Narinig nya
Maingay ang magkakapatid habang nasa biyahe sila pauwi. Nagtatawanan at nagkukuwentuhan sila ng kung anu-ano. Halata talagang malapit ang samahan nila at sabik na sabik dahil sa matagal na hindi pagkikita.Siya naman ay tahimik na nakaupo sa likod, nakatingin sa labas ng bintana. Binuksan niya ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Napapikit siya habang ninanamnam ang dampi ng hangin sa kanyang pisngi. Ginugulo ng hangin ang kanyang buhok na lagpas-balikat ang haba, at napapangiti siya dahil ang sarap ng pakiramdam nito.... parang dinadala rin ng hangin ang kanyang mga alalahanin, palayo sa kanya.Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na iwaksi ang mga gumugulo sa isip niya na tungkol sa kanila ni James. Oo, masaya siya dahil nagkita silang muli. Miss na miss niya si James. Masaya ang puso niya dahil binibigyan ulit siya nito ng atensyon, kahit alam niyang hindi naman talaga siya mahal nito. Masaya siya kahit pa alam niyang ang habol lang nito ay ang katawan nya. Masaya c
"Hey, Bevs!" Masayang sinalubong siya ni Tita Evelyn at binigyan ng beso."I'm glad dumating na kayo. Nababagot na ako dito kakahintay. Kung alam ko lang na magsho-shopping kayo, sana sumama na ako!""Sorry po, Tita. Biglaan lang din po ang alok ni John kanina. Don’t worry, mag-shopping na lang tayo next time, tayo lang dalawa," nakangiti niyang sagot."Yes, we’ll do that, iha. Na-miss ko na rin mag-shopping na iba ang kasama. Ang mga boys kasi, laging nagmamadali kapag namimili... nakakainis!" biro ng ginang sabay tawa. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Ang pagiging magiliw ni Tita Evelyn ay nakatulong para maibsan ang mga gumugulo sa isip niya tungkol kay James."What about me? Hindi niyo ba ako isasama sa shopping, Tita?" sabat ni Amber habang lumapit sa kanila, na sinundan naman ni James."O-of course, Amber. You can join us," alanganing sagot ni Tita Evelyn, pero halata ang kawalan ng sigla sa tono nito.Napansin niya ang reaksyon ng ginang at napangiti siya ng lihim. "H
"Hindi bale, darating din tayo diyan. Ang mahalaga ngayon ay nagmamahalan kayo ni John. Nakikita ko sa inyo na mahal n'yo ang isa't isa, at masaya ako para doon." Huh? Gano'n ba ang tingin ng mga tao sa kanila? Na mahal nila ni John ang isa't isa? Lalo siyang nakonsensiya. Paano na niya sasabihin sa ginang na wala talaga silang relasyon ni John? Maya-maya, may kumatok at pumasok si John. "Ano ang pinag-uusapan n'yo dito? Parang seryoso kayo ah." "I was just telling your girlfriend that I like her so much, anak." "Ang swerte ko sa girlfriend ko, 'di ba, Mom?" sabi ni John, sabay halik sa labi niya. First time nitong ginawa iyon at sa harap pa ng ina nito. Hindi siya nakagalaw. Hindi niya alam ang gagawin... itulak si John o magpaubaya. Natigil lang ang halik nito nang may narinig silang nabasag. Si James, nakatingin sa kanila mula sa labas ng kwarto. Nanlisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Tila wala itong pakialam kahit andoon ang ina at kapatid na nakatingin din sa k
Nang umalis na si James ay naiwan na naman sya doong nakatulala. Ang init ng pakiramdam niya, hindi dahil sa galit kundi dahil sa halo-halong emosyon na nananatiling nakasiksik sa dibdib niya. Naiwan siyang nakahiga sa kama, naguguluhan sa mga nangyari... Galit at hiya ang nararamdaman nya. Pero hindi niya maitanggi... isang bahagi ng sarili niya ang tila nasasabik sa muling makaniig si James. Pero hindi dapat ganito. Hindi tama. Hinila niya ang kumot at niyakap iyon nang mahigpit, pilit pinipigilan ang sarili na muling balikan ang init ng mga sandali kani-kanina lang. "Ang kapal ng mukha niya!" bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luhang di niya namalayang tumulo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto ni James sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginawa nito, isang bahagi niya ang tila nasisiyahan sa atensyon nito. Ngunit kasabay nito, naroon din ang galit at sakit... lalo na tuwing maaalala niyang may iba na itong babae. "Hindi ako dapat magpapaapekto. Ta
Narinig na niya ang ingay ng mga bisita—ang mga halakhak at kwentuhan ng mga ito. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan, nakahawak sa handrails dahil baka mahulog siya sa taas ng takong ng sapatos niya.Nakafocus siya sa pagbaba kaya hindi niya namalayan na biglang tumahimik ang paligid. Napaangat siya ng ulo. Sa kanya pala nakatuon ang atensyon ng lahat, tila manghang-mangha ang mga ito sa kanyang ganda. Bigla siyang nahiya.Agad niyang hinanap ng mga mata ang kinaroroonan ni James. Nakatayo ito kasama si Amber. Hindi siya magsisinungaling.... ang ganda rin ni Amber sa gabing iyon. Naka-white laced long gown ito na may v-neck, na lalo pang nagpa-emphasize sa malulusog nitong dibdib. Amber is indeed hot. Bagay na bagay ang suot ng dalaga.Biglang umurong ang buntot niya, pero hindi siya magpapahalata.Si James naman ay naka-white suit... very dashing as usual. Matagal na niyang napapansin na magaling talaga itong manamit. Papasa nga itong modelo kung sakali.Sa suot ng dalawa, para bang
Pero bago pa siya makahakbang, hinawakan siya ni John sa bisig. "Where have you been, Bevs? Kanina pa kita hinahanap," tanong nito. Namumula ang mukha nito at namumungay ang mga mata... halatang lasing na."Babalik sana ako sa kwarto para magpahinga. Medyo napagod ata ako," pagdadahilan niya habang pilit tinatago ang lungkot at inis niya kay James."The night is still young. Come, let's have a dance," wika ni John saka siya hinawakan sa bewang at dinala sa gitna ng dance floor. Nandoon na rin pala sina Amber at James na sumasayaw.Ngumisi nang nakakaloko si Amber sa kanya, parang nanalo sa lotto. Tila sinasadya nitong asarin siya dahil ito ang kinampihan ni James"Bitch..." bulong niya sa isip. Tapos, si James naman ang tinutukan niya ng pansin. Ang damuho, mukhang enjoy na enjoy sa pakikipagsayaw kay Amber. Kitang-kita pa niya kung paano pinagmamasdan ni James ang dibdib ng dalaga."You’re so beautiful tonight, Bevs. Hindi talaga ako nagkamali na isama ka dito. Sobrang saya ng mga ma
"John..." pukaw niya sa lalaking nasa tabi niya. Tumigil na sila sa pagsasayaw dahil natuon ang atensyon nila kanina sa announcement ng mga magulang ng mga ito. Nakatayo lang sila roon ni John sa tabi."Yes, Bevs?" malambing na sagot nito sa kanya.Muli siyang napatingin kay James. Kitang-kita ang saya nito sa mukha. Ni hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin kung masaya ba siya o hindi. Wala talaga itong pakialam sa kanya. Marahil ay kailangan na rin niyang mag-move on... Masakit man sa puso niya pero ito ang dapat na gawin. Lihim na namang tumatangis ang puso nya."John..." muling sambit niya. Naghihintay lang si John sa maaaring sasabihin niya."John, sinasagot na kita," wika niya. Ang hirap bigkasin ang mga katagang iyon, pero nakayanan niya."Really, Bevs?" masayang wika ni John, tila hindi ito makapaniwala. Tumango siya."Yes!!! sigaw nito. Hindi naman ito kumuha ng atensyon ng mga bisita dahil abala ang mga ito sa pagbati kay James at Amber. "I love you, Bevs. I promise
*************************BUMALIK CYA SA KASALUKUYAN....Muli niyang tinungga ang alak na iniinom. Hindi niya tuloy malalaman kung pangarap nga ba niya ang pagiging public servant o pangarap ng papa niya. Sa sobrang masunurin niya, pati ang lovelife at kaligayahan niya ay naisantabi na niya.Napahawak siya sa kanyang ulo. Ang sakit na. Lasing na lasing na siya. Naubos na rin niya ang isang bote ng whiskey niya.Dahan-dahan siyang humiga sa sahig. Hindi na niya kayang umakyat pa sa kama. Pumikit siya at doon na natulog.Maya-maya, naramdaman niyang parang bumukas ang pinto ng kwarto niya.“Clark, what are you doing? Bakit ka ang lasing? Damn, bro!” sigaw ni James sa kanya saka tinulungan siyang umakyat sa kama.“Ano ba ang problema niyan?” si Jonie ang nagtanong. Doon niya narealize na nandoon pala ang lahat ng kaibigan nila sa kwarto niya. Gusto niyang imulat ang mata at tingnan kung nandoon din si Fe, pero hindi niya maimulat ang mata dahil sa kalasingan.“Ako na lang ang bahala sa k
"What if totohanin natin to, mag-date kaya tayo?" muling tanong nya.. "Hmp! Puro ka lang naman dada, wala ka namang gawa!""Hahaha... pag ba niligawan kita, sasagutin mo ako?""Depende sa panliligaw mo. Hahaha!"Normal na lang sa kanila ang ganoong usapan. Masyado na silang komportable sa isa’t isa."Tayo na lang kaya?" muling sabi nya"Ano? Walang ligaw-ligaw? Masyado ka naman atang sinuswerte!""Alam ko naman na love mo ako eh.""Hahaha... kapal mooo!"Ganun ang usapan nila hanggang sa makarating sila sa hotel. Lahat ng naroon ay napagkamalan silang mag-jowa. Ngiti na lang ang sagot nila sa mga nagtatanong.Pagkatapos ng party, dinala niya si Fe sa bahay nila. Ayaw pa daw nitong umuwi kaya doon muna sila."Hi, Ate Fe!" pasigaw na salubong ni Rosie saka yumakap dito. Nakababatang kapatid niya si Rosie, sampung taon ang tanda niya dito kaya kahit 21 na ito, baby pa rin ito ng pamilya nila."Uy, Rosie... Pagpahingahin mo muna ang Ate Fe mo at pagod ‘yan galing sa party!" saway nya sa
Habang lango-lango na cya sa alak ny inalala niya kung gaano sila ka-close ni Fe dati...**************FLASHBACK:May convention siya kasama ang mga mayors noon sa isang hotel. Wala siyang kasama kaya si Fe ang inimbitahan niya."Ano ka ba? Alanganin naman ang pag-imbita mo sa akin. Kita mong busy ako eh!" wika nito habang abala sa pag-aayos ng mga papel sa desk nito at pinapagalitan siya. Nakaupo lang siya doon sa opisina nito sa Miller Steel Corp."Sige na! Sabado naman bukas at wala kang pasok.""Kailan ba 'yan?""Mamaya!""What?! Mamaya agad? Eh maghahanap pa ako ng isusuot ko diyan sa party na 'yan! Nakakahiya kung pucho-pucho lang ang damit ko samantalang mga first lady ang mga kasama mo doon!""First bestfriend naman kita eh. Sige na!" nakangising wika niya.Tiningnan siya nito ng masama. "Kung hindi lang talaga kita mahal!""Mahal mo ko?""Che... bilang kaibigan! 'Wag kang ano diyan! Kapal ng mukha mo!""Hahaha... sige na, bestfriend. Samahan mo na ako mamaya." muling pangung
Tumayo siya at sumakay ng kabayo niya. Babalik na siyang mag-isa sa palasyo. Hindi na niya kayang magtagal pa doon sa batis habang ang lahat ay masaya at siya ay malungkot. Ayaw niya ding sirain ang kasiyahan ni Fe. Hindi ito lubusang masaya kapag andoon siya. Sinabi nito mismo sa kanya na mag kanya-kanya na sila.“Saan ka pupunta, Clark?” Pasigaw na tanong ni Ken.“Ahm, sa palasyo na. Parang masama kasi ang pakiramdam ko at gusto kong magpahinga.” pagsisinungaling niya. Nakita niyang nakatingin si Fe sa kanya. Alam nitong nagsisinungaling lang siya.“Sige, mag-ingat ka ha... uuwi na din kami maya-maya!” sabi ni James.Tumango lang siya sa mga kaibigan at pinatakbo na ang kabayo niya.Habang nangangabayo ay hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Pabalik-balik sa utak niya ang lahat ng sinabi ni Fe na sana maging masaya siya kung ano ang kahahantungan ng buhay nito. How can he do that kung ang gusto niyang kahahantungan ng buhay nito ay patungo sa kanya?Kabaliktaran ang gusto ni Fe...
"Clark, come on, let's swim!" sigaw ni Ken sa kanya."Dito lang ako, bro," sagot naman niya habang nakaupo sa malaking bato, hindi inaalis ang mata kay Fe at Callum na masayang naliligo. Kinuyom niya ang kamao, parang gusto niyang lusubin si Callum at pagsusuntukin ito sa mukha.Maya-maya, hindi niya namalayan na nakalapit na sina James at Ken sa kanya. Umupo ang mga ito sa tabi niya."Bro, napansin namin na kanina ka pa tahimik. Is there something bothering you?""N-nothing," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang i-open up ang tungkol sa kanila ni Fe dahil siguradong magagalit ang mga ito sa kanya. "Akala mo ba hindi namin napapansin na panay ang lapit mo kay Fe? Bro... akala ko ba ikakasal ka na? Bakit ka pa lapit nang lapit kay Fe?" sambit ni James Yumuko siya. Akala niya ay walang makakapansin sa kanya. "I love her, bro. Na-realize ko na hindi ko pala kayang magpakasal kay Cindy dahil si Fe ang gusto ko." "That's a big problem, Clark! Isa kang public image sa Pilipinas at na-anno
****************CLARK'S POV:"Damn! Why are you doing this to me, Fe? Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon na makausap ka. What is happening to you?" wika niya habang tinitingnan itong nakasakay sa kabayo ni Callum. Parang gusto niya itong pababain doon. Napakasexy ng damit nito at paminsan-minsan ay nabubunggo ang boobs nito sa likod ni Callum na ikinabaliw niya."Fuck!" sigaw niya sa isip. Selos na selos siya. Galit pa din ba si Fe sa kanya? Pero kung galit ito, bakit nito ibinigay ang sarili sa kanya kanina? Tapos ngayon ay babalewalain lang siya? kung kailan na desidido na siyang hindi ituloy ang kasal kay Cindy?Ang kailangan niya lang naman ay makausap ito ng masinsinan para masabi dito ang nilalaman ng puso niya. Pero mukhang iniiwasan talaga siya ni Fe.At eto ngayon, nagseselos pa siya dahil hindi ito sumakay sa kabayo niya. Gusto niyang basagin ang pagmumukha ni Callum dahil nakikiagaw ito sa atensyon ni Fe sa kanya.Sa kakaisip nya ay hindi niya napansin na andoon na pal
Nagpatiuna siya sa paglakad pabalik sa mga kasama nila. Nakasunod lang si Clark sa kanya."Fe, where have you been?" nag-aalalang tanong ni Bebe."Sa kwarto lang. Medyo masakit pa kasi ang bali ko kaya pinahinga ko muna. But I’m okay now," pagsisinungaling niya. Pinilit niyang maging normal ang boses. Ayaw niyang mapansin ng lahat ang namamagitan sa kanila ni Clark."Hindi mapakali si Clark eh. Kanina pa siya pabalik-balik sa kwarto mo." tudyo ni Ken.Tiningnan niya si Clark na nasa tabi na niya. Mariin din itong nakatingin sa kanya pero hindi siya nagpakita ng anumang emosyon saka agad na binaling ang tingin kay Bebe."Bebe, bakit di tayo magswimming sa batis? Sulitin na natin ang bakasyon natin dito total aalis na kami." nakangiting wika niya para maiba ang usapan."Huh? Akala ko ba maiiwan ka muna?""Huh? Ah, eh... Sige na, maligo na tayo. Excited na akong makita ang pinagmamalaki mong batis niyo dito." pag-iiba nyang usapan."Sure, bestie! Hihihih... I’m sure you’re gonna love it.
"Makakaalis ka na..." wika ni Fe nang matapos ang kanilang pagniniig. Kinuha nito ang kumot at tinakip sa katawan nito. "Ahm, can we talk?" wika niya. Handa na siyang aminin dito ang nararamdaman. Mas lalo niyang minahal si Fe nang maangkin niya ito. Virgin pa ang dalaga, at siya ang unang lalaki sa buhay nito. Lalo lang nitong pinatunayan sa kanya kung gaano siya nito kamahal. "Pagod ako, Clark..." wika nitong hindi nakatingin sa kanya. "Okay, sige... magpahinga ka muna pero mamaya mag-uusap tayo." Tumayo siya saka inayos ang suot na damit. Hindi nakatingin si Fe sa kanya, nanatili lang itong nakatingin sa kisame. Ewan pero bakit parang natatakot siya sa pananahimik ni Fe. Muli siyang lumapit kay Fe at hinalikan ito sa noo. "Rest well, baby. We'll talk later." nakangiting wika niya ppero walang reaksyon si Fe. Napabungtong hininga nalang cya, hahayaan niya muna ito saka lumabas ng kwarto. Bumalik siya sa garden kung nasaan ang mga kaibigan nila. Ayaw niyang magduda ang mga i
But damn! Hindi ko pwedeng iwan si Fe dito kasama si Callum. Magkakaroon lang ang dalawa ng pagkakataon na maging close sa isa’t isa, at baka mawala ang atensyon ni Fe sa akin! "Dito na lang din muna ako..." agad na sagot niya. "Why? I thought nagmamadali kang umuwi para sa kasal n’yo ni Cindy?" nagtatakang tanong ni James "That can wait. I need time for myself. Hindi basta-basta ang pagpapakasal, at kapag umuwi na ako ng Pilipinas ay magtatrabaho lang ako doon nang magtatrabaho. I need to recharge." pagsisinungaling nya Nagulat man ang lahat sa desisyon niya, pero wala namang magagawa ang mga ito. "Bueno. Asikasuhin na namin ang pag-uwi ng Pilipinas. Maiwan na muna kayo ni Fe dito. Total dumating lang kayo dito sa araw ng kasal ni James at Bebe. Hindi n’yo pa nae-enjoy ang Scotland." sabi ni tita Beth "Ahm, excuse me. Punta lang ako ng CR..." paalam ni Fe, pero alam niyang umiiwas lang ito sa kanya. Tiningnan niya ito habang papalayo sa kanya. Tila wala namang nakapansin sa mg