Mag-log inJOE POV:“Fuck!” sigaw niya nang hindi na ma-contact ang mga tauhan na inupahan niya para kidnapin sina Aria at Lovely.Bakit kaya nakapatay ang telepono ng dalawang iyon? Hindi pa naman siya pwedeng pumunta sa bakanteng bahay na pinagdalahan kina Aria dahil makikita siya roon. Hindi pwedeng malaman ng mga ito na siya ang nagpakidnap. Dapat ay maging maayos pa rin ang kanilang relasyon bilang family friend, at hindi dapat malaman ng mga ito na siya ang mastermind. Ano ngayon ang gagawin niya?Nang hindi pa rin matawagan ang mga tauhan ay si Ben ang tinawagan niya.“Hello, Dad?”“Nasaan ka?” uminit kaagad ang kanyang ulo nang sumagot ito. Parang wala lang kay Ben ang mga nangyayari samantalang siya ay napapraning na.“Andito lang ako sa bahay ng kaibigan ko, Dad.”“Nakuha mo pang makipag-party samantalang ako ay halos magkandarapa na dito kung paano natin masasalba ang kompanya natin?” sigaw nya“Pero ginawa ko na ang ipinag-utos mo, Dad! Nasa sa’yo na si Aria, pinakidnap mo na siya. S
CLARKSON'S POV:Paroo’t-parito siyang naglakad sa opisina ni Aria. Hindi niya alam ang gagawin. Ilang araw na pero wala pa rin balita sa kanyang nobya. Hindi rin nila makita ni Phern ang kinaroroonan ni Ben.“Umupo ka nga, Sir Clarkson. Sumasakit ang ulo ko sa’yo!” naiinis na sabi ni Phern.“Hindi ako mapakali, Phern. It’s been days pero wala pa rin tayong balita kay Aria. Natatakot na ako, wala naman kasi tayong contact sa kidnapper kundi si Ninong James lang.”“Huwag kang mag-alala, sir. Tatawag si Sir James kapag may balita na.”Umupo siya sa sofa sa harap ni Phern. Mabuti na lang at nandoon ang sekretarya ni Aria na tumutulong sa kanya.Napaupo siya nang tuwid nang makitang nag-ring ang cellphone niyang nasa lamesa. Tumayo agad siya saka dinampot iyon… si Ninong James ang tumatawag.“Hello, Ninong James?”“Hello, Clarkson iho. Nakausap ko na ang kidnapper. Sinabi ko na ikaw ang magbibigay sa kanila ng ransom money in behalf of us.”“Sige po, Ninong. Gagawin ko po ang lahat na mail
“Sige. Babayaran ko rin ang ransom niya.”Unti-unti itong ngumisi. “Hahaha… salamat naman kung gano’n, Miss Blacksmith.”“Akin na ang bag ko,” sambit niya. Agad namang umalis ang lalaki at pagbalik nito ay dala niya ang bag niya.Kinuha niya ang kanyang checkbook at sinulat ang malaking halaga para sa ransom nilang dalawa ni Lovely. Pinunit niya iyon sa checkbook at ibinigay sa lalaki. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang halaga.“Hahaha… mayaman na kami! Bakit hindi ko ’yon naisip kanina? Bakit pa ako makikihati kay Mr. Joe kung makukuha ko naman ’yon sa ’yo?”Lihim siyang nanggigil. Nadulas ang lalaki sa pagsambit ng pangalan ni Tito Joe. Tama nga si Lovely, ang Daddy ni Ben ang nagpakidnap sa kanila.“Diyan na kayo. Bahala na kayo sa buhay n’yo. Aalis na kami ng kasama ko.”“Wait! Puwede bang ihatid mo kami sa hotel?”“Ano kami, baliw? Paano kung may pulis na nakaabang doon? Edi timbog kami? Wala sa usapan na ihahatid pa namin kayo. Bahala na kayo sa buhay n’yo!” sambit nito s
ARIA’S POV:Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng kidnaper at ng kanyang Daddy sa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita, pinagbawalan siya. Pero ramdam niya ang matinding kaba sa dibdib. Alam na ni Clarkson ang tungkol sa pagkakakidnap sa kanya. Alam na rin ng Daddy niya na naroon si Clarkson sa Scotland. Isa-isang naglalabasan ang mga lihim dahil sa pagkawala niya.Nakangisi na ang kidnaper matapos nitong makipag-usap sa kanyang ama. “Madali naman pala kausap ang Daddy mo, Miss Blacksmith. Magbibigay siya ng pera,” sabi nito saka umalis na.Napaisip tuloy siya kung magkano kaya ang hinihingi ng mga ito sa ama niya?Napapitlag siya nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang tauhan ng mga kidnaper, at may kasama itong isang babae. Halos buhat na buhat nito ang kawawa. Agad siyang naawa... halatang mahina, namumutla, at hirap na hirap huminga.Ito na siguro ang buntis, naisip niya.Pero may isang bagay na ikinagulat niya... naka-uniporme ito ng hotel staff niya?! Bakit…? Kilala
ARIA'S POV:Hindi niya alam kung ilang oras na siya doon sa kama, nakaupo habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Parang takot na takot ang mga ito na makatakas siya. As if naman may magagawa siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kung tawagin ng iba ay "boss."“Kain ka na,” sabi ng nito saka nilagay ang tray ng pagkain sa kanya. Naka-plastic lang ang kanina at ulam na malamang sa karenderia lang binili.“Paano ako makakaain kung nakatali ako?” inis na sabi niya.Walang nagawa ang lalaki kundi kinalagan siya.“Kain ka na,” muling sabi nito nang makuha na ang pagkakatali nya. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang kamay. Marahan niya itong minamasahe ang namumula niyang pulsuhan.“Nakausap na pala namin ang mga magulang mo. Madali naman pala silang kausap, magbibigay agad sila ng pera...hahahah.”“Napakawalang hiya nyo!”“Hahaha. Pasensya na Miss Blacksmith, trabaho lang at napag-utosan.”Natigilan siya. Ibig sabihin may boss pa ang mga ito? Ang akala niya ay ang la
Nanigas siya. “Are you sure?” siya na ang nagtanong.“Yes, sir.” sagot mng nurse na palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Walang pasyente na Ben at walang aksidenteng nangyari!?Kasabay noon ay may pumasok na tanong sa isip niya... kung wala si Ben dito, nasaan si Aria?Agad silang bumalik sa kotse at tinawagan muli ang cellphone ni Aria. Out of coverage area. Mas lalo siyang kinabahan.“Putang in*! saan mo dinala si Aria, Ben?” napamura siya ng makapasok na sa kotse.“Sir… nasaan si Ma’am Aria? Sinasabi ko na nga ba na walang gagawing matino si Sir Ben. What are we going to do now?”“I don’t know, Phern. Hindi ko pa naman kabisado dito sa Scotland. Paano natin hahanapin si Ben?”“Bakit di mo sabihin sa mommy at daddy ni Ma’am Aria, sir? Alam nila kung saan nakatira si Sir Ben. Baka matulungan nila tayo.”“Pero hindi nila alam na andito ako sa Scotland. Baka magkaroon ng malaking problema.”“Pero sir, paano natin ngayon hahanapin si Ma’







