HINDI ko magawang kumurap habang titig na titig ako kay Midas habang papalapit siya nang papalapit sa puwesto namin ni Lailani. Ang puso ko, ramdam kong unti-unti ring kumakabog. I admit I am angry with him because he lied to me, but I still love him. He is still the reason my heart beats so fast. Lalo na kapag naiisip ko siya.But I still can’t believe na isa siyang Villa Zapanta. Na anak siya ni Sir Leon at kapatid siya ni Sir Avram. Oh, damn. Ilang beses niya akong sinusundo rito sa trabaho ko kapag uwian na, pero ni hindi niya talaga nagawang ipagtapat sa akin na isa siyang Villa Zapanta at hindi Alleje. And I remember, the night we went on a date at the beach that I was sure he was the owner. He asked me kung bakit sa dinamirami daw ng kumpanyang puwede kong pasukan para magtrabaho, bakit dito pa sa VZCLC ako nag-apply? Iyon naman pala ay anak siya ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.“My God! Bes! Si... Si Midas ang bago nating boss?” dinig kong nauutal na tanong ni La
HALOS masira ko na ang keyboard ng desktop ko sa inis ko kay Midas. Ah! Akala niya siguro pagtitiisan ko siya bilang boss ko? No way! Ganito pala ang ugali niya? Akala ko pa naman mabait siya. Pero napakamasungit at strict naman pala! Magre-resign talaga ako! Ayokong makasama siya rito sa opisina lalo pa’t mukhang lagi kaming magbabangayan. Walang-hiya talaga ang Midas na ’yon! Siya na nga ang may kasalanan sa akin, tapos siya pa ang aasta ng ganoon?My eyes narrowed as I stared at the closed door of his office. Ugh! I still can’t believe it. I’ve been very lethargic for the past few days, maging kanina nang pumasok ako rito sa opisina. Pero ngayon naman ay biglang bumilis ang adrenaline ko nang dahil sa lalaking ’yon. Nang dahil sa inis ko sa kaniya.“Nakakaisi ka talaga, Midas!”Padabog na tumayo ako sa puwesto ko at naglakad palapit sa printer machine. I finished making my resignation letter and I will just print it to give it to him. “Ayos ka lang ba, amiga?” kunot ang noo na
THREE DAYS had passed since I found out that Midas was going to be our new boss. At sa tatlong araw na ’yon, akala ko ay wala siyang ibang gagawin sa akin kun’di ang pagurin ako sa trabaho ko at inisin ako. Pero pagkatapos nang gabing inihatid niya ako sa kotse ko dahil sa pananakit ng mga paa ko, kinabukasan ay hindi naman na niya ako binuwesit. And I thank him for doing that. Naging okay naman ang trabaho ko, although naiirita pa rin ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa kasalanan niya sa akin. “Busog ka na?” tanong sa akin ni Lailani nang itinulak ko ang plato ko palayo.Nasa canteen kami ngayon at naka-lunch break. “Wala na naman akong ganang kumain,” sabi ko.“Jass Anne, ilang araw ka nang walang maayos na kain. Baka mamaya niyan ay magkasakit ka na. Dapat hindi mo pinababayaan ang sarili mo,” ani Lainali.Saglit akong uminom ng tubig bago nagsalita. “Sa wala nga kasi akong ganang kumain, bes. Hindi ko naman puwedeng pilitin ang saril
KAHIT inaantok pa ako at wala pang gana na bumangon mula sa kama ko, pero napilitan na rin akong tumayo nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng unit ko.Ugh! Isturbo naman ng tanong nasa labas! Alas sinco pa lang ng umaga at hindi pa ito oras ng gising ko.“Did you just wake up? You haven’t prepared yet?”Si Midas ang napagbuksan ko ng pinto.Mas lalo akong napasimangot. “Seriously, Midas?” inis na tanong ko sa kaniya. “It’s only five in the morning. Bakit nang-iisturbo ka na riyan?” Napahikab ako habang napapakamot sa ulo ko. Hindi ko pa mabuksan nang maayos ang mga mata ko.“Didn’t I tell you yesterday that we were leaving at five in the morning?” tanong niya ulit. Pumikit ako saglit nang mariin, at pagkatapos ay masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. “You never told me na alis sinco pala ng umaga ang plano mong pag-alis. Kung sinabi mo sa akin, e ’di sana alas dos palang gising na ako para nakapag-prepare na ako.” Mataray na saad ko sa kaniya.“Oh! I’m sorry.”Bumuntong h
NAKASIMANGOT akong makaupo na mag-isa sa isang table na nasa bandang sulok ng restaurant. Kanina pa ako rito at kanina pa rin nai-served sa akin ang order kong pagkain, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ’yon ginagalaw para kainin. Mukhang masarap naman ang pagkain, pero ayaw kong kainin. Kasi sigurado akong hindi ko magugustohan ang lasa n’on.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere at muling inilibot ang paningin ko sa buong paligid. God! Ilang beses ko nang ginagawa ’yon simula kanina nang makaupo ako rito sa puwesto ko. Pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako mapakali. Parang iba ang mood ko ngayon. Maganda naman ang restaurant kasi malaking cottage lang siya. Ngayon lang din ako nakapasok sa isang restaurant na nasa dagat. The ambiance is relaxing. But at the moment, I don’t feel like I should enjoy and relax while we’re on vacation. I mean, it’s not really a vacation at all. May meeting si Midas kaya nandito kami sa Isla Ildefonso.Tapos may part ng restaurant
“JASS ANNE! Where is Sixto?” Lihim na naman akong nairita nang makita ko si Tali na paparating sa puwesto ko. She was wearing a yellow two-piece string bikini. I don’t even want to admit it to myself, but the bikini she’s wearing is perfect for her misteza skin color. Kitang-kita rin ang magandang kurba ng katawan nito. Although pareho naman kaming may magandang katawan. Of course, hindi ko naman puwedeng sabihin na hindi maganda ang katawan ko kung alam ko namang maganda talaga.Nakaupo ako sa telang inilatag ko sa buhanginan. Nasa beach ako ngayon at nagpapahangin. Kanina ko pa sana gustong maligo ng dagat dahil naiinggit ako sa mga nagtatampisaw at naliligo, pero hindi ko naman magawang sumulong sa tubig dahil nag-aalala ako at wala akong kasama.“Mukha ba akong tanungan ng nawawalan ng kalabaw?” tanong ko rito. “What?”“And sabi ko, hindi ko alam kung nasaan siya.”I was going to accompany him to his meeting with Sir Octavio earlier, kasi iyon naman ang sabi niya sa akin, need k
DAHAN-DAHANG iminulat ko ang aking mga mata nang pakawalan ni Midas ang mga labi ko. Nakita ko siyang nakatitig sa akin ng mataman.“I’m sorry if I lied to you, Jass Anne,” sabi niya. “I swear, hurting your feelings wasn’t my intention.”“Midas—”“Please, listen to me first, Jass Anne. I beg you.”Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng pagkakayakap niya sa baywang ko. At dahil nasa dagat kami at natatakot akong bumitaw sa kaniya dahil baka lumubog ako, I did nothing but stare at him and waited for him to speak again. “I really want to explain to you why I didn’t tell you about my real identity right away.” Huminto siya ulit sa pagsasalita at banayad na nagbuntong-hininga. “When I told you that my mother died when she gave birth to me, I lied, too. I also lied when I told you that a couple just adopted me. But the nuns at the orphanage didn’t lie to you, Jass Anne.”Alright. Maybe this is the right time to listen to him. Wala nga namang magandang mangyayari kung hindi ko siya pakik
“OH, MY GOD! Seryoso, bes? Okay na kayo ni Midas?” Malapad ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Lailani. Halata sa hitsura nito ngayon na labis itong natutuwa para sa pagbabalikan namin ni Midas. Sa kabila nang lungkot na nararamdaman ng puso ko hanggang ngayon because I found out yesterday that I’m not pregnant, I forced myself to smile at Lailani. “Nagkausap na kami nang maayos, bes. Naliwanagan na ako sa dahilan niya kung bakit niya nagawang magsinungaling sa akin,” sabi ko.Bumuntong hininga ito nang malalim saka yumakap sa braso ko. “Sabi ko naman kasi sa ’yo, e! Kailangan lang ninyo mag-usap nang mabuti para magkaliwanagan kayo. Ikaw naman kasi. Nagpabebe ka pa.” Kunwari ay umismid ito sa akin. “Lailani, masisisi mo ba ako kung nagpabebe pa ako sa kaniya? Siyempre, kung ikaw rin naman ang nasa posisyon ko, kung nagsinungaling din sa ’yo ang jowa mo tungkol sa totoo niyang pagkatao, magagalit ka rin at masasaktan.”“Ay hindi, bes! I mean, oo magagalit at masasaktan ako kasi n
“HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya
NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang
“OH, I MISSED YOU, HIJA!”Napangiti ako nang malapad habang yakap-yakap ako ni Sir Leon. Isinama ako ni Midas sa bahay ng parents niya dahil kakauwi lang ngayong araw dito sa Pilipinas ang papa niya matapos ang mahigit dalawang buwan na pagpapagamot nito sa Amerika. “Na-miss ko rin po kayo, Sir Leon.”Pinakawalan ako nito mula sa mahigpit na yakap at pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako roon. “You should start calling me papa because you and Midas are about to get married.”“Right, mahal ko,” wika ni Midas sa akin nang tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa.“And do you remember before, kinukulit kitang makipag-date sa isa sa mga anak ko?” tanong nito. Oh, yeah! Noon. I can’t remember how many times Sir Leon told me to accept his offer to me to date his son because he said he wanted me to be his daughter-in-law.“You did, Pa?” kunot ang noo na tanong ni Midas sa papa niya.Bahagya namang tumawa ang matanda at pagkuwa’y umupo ito sa sofa. “I rea
DESPITE the many challenges that arose between Midas and I; in our relationship… But here we are. We’re happy together. I can’t count how many times I’ve silently thanked God for the happiness He gave Midas and me. And I still can’t believe, after all these trials, sa proposal of marriage pa rin kami mauuwi. Although nabanggit na ni Lolo sa amin ni Midas ang tungkol sa pagpapakasal namin bago pa raw lumaki ang tiyan ko, but I still couldn’t stop myself from feeling so much joy and excitement when Midas proposed to me earlier. Nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito.Nakahiga kami ni Midas airbed na nasa loob ng malaking tent na itinayo niya kanina rito sa bandang dulo ng beach. Tapos na kaming mag-dinner. Tapos na siyang uminom ng kape habang ako naman ay ipinagtimpla niya ng gatas. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Madilim na ang buong paligid kaya mas lalong lumamig ang hangin. Pero hindi ko naman iyon masiyadong pin
“OH! This is so beautiful, babe!” nakangiting sabi ko kay Midas habang nakatanaw ako sa malawak at kulay asul na karagatan. Ang buhok kong nakalugay ay bahagyang isinasayaw ng hangin. I was sitting in the wheelchair while Midas was standing behind me. But later, he knelt down next to me. He smiled at me and held my hands. “Do you like it, mahal ko?”Tumango ako habang matamis ang ngiti sa mga labi kong tumitig sa kaniya. It’s been two days simula nang makalabas ako sa ospital at umuwi kami sa condo unit ni Midas. And now dinala naman niya ako rito sa private resort na pag-aari nila. Ang beach kung saan niya ako dinala noon para mag-coffee date kami at kung saan ko siya sinagot para maging boyfriend ko. We are now on the balcony of the rest house and we are both happy as we look at the peaceful ocean. Nag-suggest si Caspian na dapat ay lagi akong lumanghap ng preskong hangin at umiwas na muna ako sa maingay na paligid para mas mapabilis ang pagbalik ng sigla ng katawan. So Midas deci
“I EXAMINED Jass Anne a while ago. And I didn’t see any problem with her. In just a few days, or maybe a couple of weeks, the wound on her stomach will heal completely. So, you have nothing to worry about, bro. She's totally fine. And tomorrow, we can remove the plaster cast from her leg,” wika ni Caspian habang nakatayo ito sa may paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Nakaupo naman sa tabi ko si Midas at hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.Mayamaya, lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. “I’m so happy now that she’s okay.”“And I can’t wait to get home, babe. I mean, I’ve been here in the hospital for over a month. I’m looking forward to going home, resting, and avoiding the scent of any medication.”Bahagyang natawa ng pagak sina Midas at Caspian dahil sa sinabi ko.“Well, I’m not new to hearing such complaints. Almost all my patients here tell me the same thing,” ani nito. “So, paano. Iiwan ko na muna kayo rito. I know you mi
“N-NO!” Umiling-iling siya at dahan-dahang humakbang palapit sa hospital bed habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi totoo ito! Hindi totoong wala na si Jass Anne! He’s only dreaming right now! This can’t be real. Nang mga sandaling mahawakan niya ang hospital bed, bigla niyang naramdaman ang labis na panghihina ng kaniyang mga tuhod at napahagulhol na siya. “No! No! No, Jass Anne! You can’t do this to me, Mahal ko. P-Please you can’t do this to me.”“Sixto, anak!”“Ma! Why? This is not real, Ma. Jass Anne can’t leave me.” Kahit walang sapat na lakas, pinilit niyang yakapin ang malamig na bangkay ng dalaga. “Jass Anne! You promised me hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo lalaban ka. Pero bakit sumuko ka na, mahal ko? You can’t die, Jass Anne. Please! I’m sorry if iniwan kita rito kagabi. Please! Please, Jass Anne, I’m begging you.”“Sixto, calm down!”Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad ng kaniyang ina sa kaniyang likod.Calm down? Paano siya kakalma ngayon
“EVERYTHING will be okay! Trust me!”Banayad ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ni Midas sa ere nang tapikin siya sa kaniyang balikat ng kaniyang kapatid na si Coghlan, ang sumunod sa kaniya. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas mula sa Germany. Mula sa airport, dumiretso agad ito sa ospital para bisitahin siya, lalo na si Jass Anne.“I’m still waiting for her to wake up, Coghlan.”“She’ll be okay. I know babalik din siya sa ’yo.”That’s what he’s been praying over and over for the past month. Yeah. It’s been a month since the accident happened to Jass Anne, since his girlfriend became comatose. But until now, she still hasn’t woken up. There is still no change in her condition. Pinanghihinaan man siya ng loob at tila nawawalan na ng pag-asa dahil walang progress na nangyayari sa sitwasyon ni Jass Anne, pero patuloy pa rin siyang umaasa at lumalaban para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamhal niya. Hanggat hindi sumusuko si Jass Anne, lalaban siya, maghihintay at aasa na gagaling di
NANG makita ni Midas na bumukas ang pinto ng ER, kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit kay Caspian. “Bro, h-how was my girlfriend?” tanong niya. Hindi pa nawawala ang labis na pag-aalala niya para sa nobya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caspian sa ere at pagkuwa’y tinapik siya sa kaniyang balikat. “Magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko sa ’yo ngayon, Midas,” wika nito.Pakiramdam niya, ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman kanina ay mas lalong tumindi dahil sa sinabi ni Caspian sa kaniya.“She’s... She’s fine, right?”“Medyo kritikal ang lagay ni Jass Anne ngayon.”Wala sa sariling napatiim bagang siya kasabay niyon ang pagkuyom nang mariin ng kaniyang mga kamao. Pakiramdam niya, huminto bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso. Kritikal? What will happen to his girlfriend now that her condition is critical? He can’t lose Jass Anne dahil hindi niya kakayanin kapag nangyari ’yon. She has to survive, no matter what. Naramdam