NANGINGINIG ang buong katawan ko habang umiinom ako ng tubig. Ang kabog ng puso ko ay sobrang lakas pa rin hanggang ngayon. I couldn’t stop myself from feeling so much fear because of what I saw earlier. Pagkatapos kong uminom ng tubig, inilapag ko sa mesa ang baso na hawak ko at napatitig ulit sa itim na box na nasa dulo ng dining table ko. Who sent me this horrible thing? That’s the question that has been on my mind since earlier.Ang laman ng itim na box na nakita ko kanina sa labas ng condo ay silicon na putol na daliri na puno ng kulay pula na parang dugo. Labis akong natakot at nagulat kanina nang makita ko iyon, kaya bigla kong nabitawan ang box. I have no idea who could send this to me because I don’t have any enemies. Sinong matinong tao ba ang magpapadala ng ganoon para manakot?Habang titig na titig ako sa box na iyon, bigla naman akong nakarinig ng katok mula sa labas ng condo ko. Nagulat ako. Pero nang marinig ko ang boses ni Lailani, nagmamadali akong naglakad papunta
“GOOD AFTERNOON PO, MA’AM JASS ANNE!” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Weland na nasa tapat ng mesa ko. May bitbit na naman itong paper bag na sigurado akong pagkain na naman ang laman. It’s been three days that he keeps coming here to the office with food for me. Nang unang beses, alam kong galing kay Sir Avram ang pagkain na inihatid nito. But in the past three days, Weland said that it was from Midas. Inutusan daw ito ni Midas na maghatid ng pagkain para sa akin. Ayaw kong tanggapin iyon dahil naiinis ako kay Midas, pero wala naman akong magawa dahil lagi akong tinatamad na magpunta sa canteen para doon kumain. Sobra na akong naiinis ngayon kay Midas. Ang sabi niya, isang linggo lang siyang mawawala at babalik agad siya. But it’s been ten days today, but he still hasn’t shown up to me. I asked Weland where his boss is, but he doesn’t want to tell me. I tried to call his phone several times, but his service was unattended. And I even sent him text messages,
“UGH! I really hate you, Midas! Ang sabi mo isang linggo lang. But it’s already two weeks.” Umiiyak na saad ko habang nakapangalumbaba ako sa dining table. Marami ng nagkalat na tissue sa sahig dahil kanina pa ako umiiyak. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil kay Midas. It’s been two weeks, but he still hasn’t come back. I still haven’t received a call or even a text from him. Labis nang nalulungkot at nasasaktan ang puso ko dahil sa ginagawa niya. “Bes! Tumahan ka na riyan!” anang Lailani sa akin. “Hindi niya ako mahal, Lailani,” sabi ko. “Siguro ayaw niya na sa akin kasi nakuha niya na ang gusto niyang makuha sa akin kaya kunwari nagpaalam siyang mawawala siya ng isang linggo. But the truth is...” Huminto ako sa pagsasalita at muling pinunasan ang mga luha ko. “He doesn’t love me, Lailani.”Narinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong hininga. At pagkuwa’y naramdaman ko ang paghawak nito sa likod ko. “Bes, huwag ka na muna mag-isip diyan ng kung an
BIGLA na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko habang titig na titig ako sa mukha ni Midas. Tumigil siya sa paghakbang nang nasa tapat na rin siya ng bar counter—sa mismong harapan ko. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “I’m sorry!”When I heard what he said, I couldn’t stop my tears from falling. Ngayon ko lalo naramdaman ang pangungulila ko sa kaniya nang mahigit dalawang linggo. “Hey!”Hinawakan niya ako sa balikat ko, pero kaagad kong tinabig ang kamay niya. Tumayo ako sa puwesto ko at tumalikod sa kaniya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bar. “Jass Anne! Jass Anne!”Tawag sa akin ni Midas habang nagmamadali rin siyang sumunod sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Pero mayamaya, napahinto ako nang mahawakan niya ang braso ko.“Jass Anne!”“Jass Anne mong mukha mo!” galit na saad ko sa kaniya at mabilis ding binawi sa kaniya ang braso ko. Pero humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa akin. “Let me go!”“I’m sorry!”Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya
“MIDAS!” Bigla akong napabangon at napatingin sa tabi ko. Nang hindi ko makita roon si Midas, muli akong nakadama nang lungkot. Where is he? Hindi ba’t nandito na siya? Bumalik na siya? Pero bakit wala siya sa tabi ko?Inilibot ko ang aking paningin. Nasa kuwarto na ako ngayon. Nagsalubong ang mga kilay ko at pagkuwa’y nagmamadaling bumaba ako sa kama at lumabas sa kuwarto. Sa pagkakaalala ko, nasa sofa ako kagabi katabi ko si Midas. Pero bakit napunta ako sa kuwarto ko.“Midas!” “Yes, Mahal?”Napatingin ako sa bumukas na pinto ng condo ko at pumasok doon ang lalaking hinahanap ko. Nang masilayan ko ang mukha niya, napangiti ako nang malapad at nagmamadaling lumapit sa kaniya. Walang sabi-sabi ay bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.“You’re here!” saad ko.“Mahal, baka mahulog ’yong itlog na binili ko. Mababasag ito.” Dinig kong saad niya. But instead of listening to what he said, nang humiwalay ako sa mahigpit na pagkakayakap ko sa kaniya ay kaagad kong ikinulong sa mga palad
“MUKHANG masaya ka yata ngayon, amiga?” tanong sa akin ni Lailani nang malapit ito sa table ko. “May something bang nangyari para maging maganda bigla ang awra mo ngayon? Kahit hindi ka pa nagso-sorry sa akin sa pang-iiwan mo sa akin sa bar nang isang gabi.”Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang maupo na ako sa swivel chair ko. Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito. Yeah, right. May kasalanan pa nga ako kay Lailani dahil sa pang-iiwan ko rito sa bar nang isang gabi. I forgot to call her yesterday dahil buong araw na magkasama lamang kami ni Midas. Kagabi ko lang nakita ang cellphone ko na halos tadtarin na ni Lailani sa text messages at missed calls nang gabing mawala ako sa Hang Out.Inilapag ko sa table ko ang bag ko. “Well... I’m sorry for that, bes,” wika ko. “But I’m happy right now because he’s back, Lai,” sabi ko.Seryosong tumitig ito sa akin. “Si Midas?” tanong nito.Tumango ako habang hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi ko. “Yes, bes! The night na
“NAG-AALALA na ako nang husto para sa ’yo, bes! Sana kung sino man ang taong ito na gusto kang patayin ay mahuli agad ng mga pulis,” wika Lailani sa akin habang bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala matapos kong ikuwento rito ang nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Mapait akong ngumiti kasabay niyon ang pagpapakawala ko ng banayad na paghinga. “Sana nga, Lai. Even me... I was so scared last night. I thought I was going to die. Buti na lang umalis ang taong ’yon at dumating din agad si Midas.”Lumapit ito sa tabi ko at masuyong hinaplos ang braso ko. “Huwag kang mag-alala, nandito lang din ako para damayan ka.” “Thank you, Lai.” Ngumiti ito sa akin pagkatapos. “By the way... Magle-leave ka raw sa trabaho mo?” mayamaya ay tanong nito.Tumango naman ako. “Oo. Inaaya kasi ako ni Midas na magbakasyon.”“So babawi siya sa dalawang linggo na hindi siya nagpakita sa ’yo?”“Ganoon na nga, bes,” nakangiting sabi ko. “Ewan ko ba. Pero... Excited ako. I don’t want to assume, but I have a
TAHIMIK lamang akong nakatitig sa kawalan habang hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga nalaman ko kanina—ang mga sinabi sa akin nang tumawag sa akin kanina. I still can’t fully comprehend that Midas is not being honest with me about who he truly is. That means, he is not really poor? He comes from a rich family based on the pictures I saw earlier. Unang beses ko pa lamang na nakita siya sa roon sa bar, maayos ang hitsura niya. Maganda ang pagkakadala niya sa simpleng suot lamang niya. Tapos ang pangalawang pagkikita namin, nang pupuntahan ko sana si Madam Nancy, pero binastos ako ng mga tambay roon sa eskwater, then he helped me again. Nang magkita kami that day, kahit nakasuot siya ng medyo maruming damit, pero ang hitsura niya, halatang hindi pang-eskwater lang. Pero hindi ko naman iyon binigyang pansin. At nang nagkakamabutihan na kami, ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa pamilya niya. Or maybe, mayaman ang mga taong umampon sa kaniya?Napabuntong hininga ako nang malalim
“HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya
NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang
“OH, I MISSED YOU, HIJA!”Napangiti ako nang malapad habang yakap-yakap ako ni Sir Leon. Isinama ako ni Midas sa bahay ng parents niya dahil kakauwi lang ngayong araw dito sa Pilipinas ang papa niya matapos ang mahigit dalawang buwan na pagpapagamot nito sa Amerika. “Na-miss ko rin po kayo, Sir Leon.”Pinakawalan ako nito mula sa mahigpit na yakap at pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako roon. “You should start calling me papa because you and Midas are about to get married.”“Right, mahal ko,” wika ni Midas sa akin nang tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa.“And do you remember before, kinukulit kitang makipag-date sa isa sa mga anak ko?” tanong nito. Oh, yeah! Noon. I can’t remember how many times Sir Leon told me to accept his offer to me to date his son because he said he wanted me to be his daughter-in-law.“You did, Pa?” kunot ang noo na tanong ni Midas sa papa niya.Bahagya namang tumawa ang matanda at pagkuwa’y umupo ito sa sofa. “I rea
DESPITE the many challenges that arose between Midas and I; in our relationship… But here we are. We’re happy together. I can’t count how many times I’ve silently thanked God for the happiness He gave Midas and me. And I still can’t believe, after all these trials, sa proposal of marriage pa rin kami mauuwi. Although nabanggit na ni Lolo sa amin ni Midas ang tungkol sa pagpapakasal namin bago pa raw lumaki ang tiyan ko, but I still couldn’t stop myself from feeling so much joy and excitement when Midas proposed to me earlier. Nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito.Nakahiga kami ni Midas airbed na nasa loob ng malaking tent na itinayo niya kanina rito sa bandang dulo ng beach. Tapos na kaming mag-dinner. Tapos na siyang uminom ng kape habang ako naman ay ipinagtimpla niya ng gatas. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Madilim na ang buong paligid kaya mas lalong lumamig ang hangin. Pero hindi ko naman iyon masiyadong pin
“OH! This is so beautiful, babe!” nakangiting sabi ko kay Midas habang nakatanaw ako sa malawak at kulay asul na karagatan. Ang buhok kong nakalugay ay bahagyang isinasayaw ng hangin. I was sitting in the wheelchair while Midas was standing behind me. But later, he knelt down next to me. He smiled at me and held my hands. “Do you like it, mahal ko?”Tumango ako habang matamis ang ngiti sa mga labi kong tumitig sa kaniya. It’s been two days simula nang makalabas ako sa ospital at umuwi kami sa condo unit ni Midas. And now dinala naman niya ako rito sa private resort na pag-aari nila. Ang beach kung saan niya ako dinala noon para mag-coffee date kami at kung saan ko siya sinagot para maging boyfriend ko. We are now on the balcony of the rest house and we are both happy as we look at the peaceful ocean. Nag-suggest si Caspian na dapat ay lagi akong lumanghap ng preskong hangin at umiwas na muna ako sa maingay na paligid para mas mapabilis ang pagbalik ng sigla ng katawan. So Midas deci
“I EXAMINED Jass Anne a while ago. And I didn’t see any problem with her. In just a few days, or maybe a couple of weeks, the wound on her stomach will heal completely. So, you have nothing to worry about, bro. She's totally fine. And tomorrow, we can remove the plaster cast from her leg,” wika ni Caspian habang nakatayo ito sa may paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Nakaupo naman sa tabi ko si Midas at hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.Mayamaya, lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. “I’m so happy now that she’s okay.”“And I can’t wait to get home, babe. I mean, I’ve been here in the hospital for over a month. I’m looking forward to going home, resting, and avoiding the scent of any medication.”Bahagyang natawa ng pagak sina Midas at Caspian dahil sa sinabi ko.“Well, I’m not new to hearing such complaints. Almost all my patients here tell me the same thing,” ani nito. “So, paano. Iiwan ko na muna kayo rito. I know you mi
“N-NO!” Umiling-iling siya at dahan-dahang humakbang palapit sa hospital bed habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi totoo ito! Hindi totoong wala na si Jass Anne! He’s only dreaming right now! This can’t be real. Nang mga sandaling mahawakan niya ang hospital bed, bigla niyang naramdaman ang labis na panghihina ng kaniyang mga tuhod at napahagulhol na siya. “No! No! No, Jass Anne! You can’t do this to me, Mahal ko. P-Please you can’t do this to me.”“Sixto, anak!”“Ma! Why? This is not real, Ma. Jass Anne can’t leave me.” Kahit walang sapat na lakas, pinilit niyang yakapin ang malamig na bangkay ng dalaga. “Jass Anne! You promised me hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo lalaban ka. Pero bakit sumuko ka na, mahal ko? You can’t die, Jass Anne. Please! I’m sorry if iniwan kita rito kagabi. Please! Please, Jass Anne, I’m begging you.”“Sixto, calm down!”Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad ng kaniyang ina sa kaniyang likod.Calm down? Paano siya kakalma ngayon
“EVERYTHING will be okay! Trust me!”Banayad ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ni Midas sa ere nang tapikin siya sa kaniyang balikat ng kaniyang kapatid na si Coghlan, ang sumunod sa kaniya. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas mula sa Germany. Mula sa airport, dumiretso agad ito sa ospital para bisitahin siya, lalo na si Jass Anne.“I’m still waiting for her to wake up, Coghlan.”“She’ll be okay. I know babalik din siya sa ’yo.”That’s what he’s been praying over and over for the past month. Yeah. It’s been a month since the accident happened to Jass Anne, since his girlfriend became comatose. But until now, she still hasn’t woken up. There is still no change in her condition. Pinanghihinaan man siya ng loob at tila nawawalan na ng pag-asa dahil walang progress na nangyayari sa sitwasyon ni Jass Anne, pero patuloy pa rin siyang umaasa at lumalaban para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamhal niya. Hanggat hindi sumusuko si Jass Anne, lalaban siya, maghihintay at aasa na gagaling di
NANG makita ni Midas na bumukas ang pinto ng ER, kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit kay Caspian. “Bro, h-how was my girlfriend?” tanong niya. Hindi pa nawawala ang labis na pag-aalala niya para sa nobya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caspian sa ere at pagkuwa’y tinapik siya sa kaniyang balikat. “Magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko sa ’yo ngayon, Midas,” wika nito.Pakiramdam niya, ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman kanina ay mas lalong tumindi dahil sa sinabi ni Caspian sa kaniya.“She’s... She’s fine, right?”“Medyo kritikal ang lagay ni Jass Anne ngayon.”Wala sa sariling napatiim bagang siya kasabay niyon ang pagkuyom nang mariin ng kaniyang mga kamao. Pakiramdam niya, huminto bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso. Kritikal? What will happen to his girlfriend now that her condition is critical? He can’t lose Jass Anne dahil hindi niya kakayanin kapag nangyari ’yon. She has to survive, no matter what. Naramdam