Hello Dear readers, I just would like to remind you that... Ang ahas libong ulit mang magpalit ng balat ay ahas pa rin! Take care and enjoy reading! - Em Dee C.
POOT ANG AGAD na naramdaman ni Gemma sa muling paghaharap nila ni Roman. Sa paningin niya ay ang lalaking kaharap ang siyang isa sa malaking hadlang at magpapahamak sa kanya. Ito ang taong sisira sa lahat ng kanyang mga plano at kailangang maalis sa kanyang buhay. “Bakit mo sinabi kay Theodore na may relasyon tayo,” usig agad niya sa lalake, “wala taong relasyon! Pinagsamantalahan mo lang ako. Binlakmeyl!” Nginisihan siya ng lalake. “At ganoon din ang gagawin ko ngayon,” nakakaloko ang tingin sa kausap na saad ni Roman, “bablakmeylin kita ulit. Sasabihin ko kay Sir Theodore na ikaw ang mastermind sa nabigong pagkidnap sa kanyang asawa.” Napaghandaan na ni Gemma ang mga isasagot sa mga gagawing pamba-blackmail sa kanya ng head security sa mansion ng mga Rossell. “Pasisinungalingan ko lahat ang sasabihin mo, Roman,” sagot ni Gemma, “sasabihin kong sinisiraan mo lang ako.” “It’s your words against mine,” pakikipag-utakan ni Roman sa kausap, “tingnan natin kung sino ang paniniwalaan
HINDI MATANGGAP NI Gemma ang nagawa niyang pakikipagkasundo kay Roman Romano. Pakikipagkasundong hindi niya ganap na napag-isipan. Gulo ang isip at wasak ang damdamin na nagpatuloy siya sa pagmamaneho patungo sa apartment na kanyang inuupahan sa isang subdibisyon sa labas ng Metro Manila. Nais niya’y makalayo na nang mga sandaling iyon. Takasan ang galit ni Owen at ni Theodore sa pag-aalalang natuklasan na nga ng mag-ama ang buong katotohanan tungkol sa relasyon ng dalawa sa isa’t isa. Kailangan na rin niyang takasan si Roman. Abot ng kaniyang pag-iisip na agad susunggaban ng dating head ng security force ng Rossell mansion ang ano mang magandang pagkakataon na matitiyempuhan nito upang ibagsak at magantihan siya sa paglalaglag niya dito kay Theodore Rossell. Subalit nagdadalawang isip siya. Pinanghihinayangan ang mahabang panahon at mga hirap na isinakripsiyo niya sa pagpapalaki sa kakambal ni Russell. “Ano’ng gagawin ko,” tanong sa sarili, “ganitong alam na ni Owen na hindi ko
HINDI NAG-AKSAYA NG kahit isang saglit si Shelley. Mabilis niyang natapos ang pagpu-proof read ng script na in-email sa kanya ni Owen. At katulad din ng gusto nitong mangyari ay mabilis niya itong nadala sa printing company upang magpa-print ng konting kopya ASAP. “Huwag ka nang makipagtawaran sa halaga ng printing,” saad pa ni Owen sa email nito sa kanya, “mas mahalagang mai-print agad ‘yan, kahit ilang copies lang.” “Bakit kaya apurang-apura ang Russell na ‘to sa pagpapa-print ng book,” tanong niya sa sarili habang binabasa ang email ni Owen na inaakala niyang si Russell, “parang hindi importante sa kanya kung magka-profit man o hindi ang book na ginawa namin.” “Padalhan mo agad ng copy si Sir Theodore Rossell,” bilin pa nito sa kanyang email, “ibig kong siya ang unang makabasa ng librong ‘yan.” “Ano kaya ang connect ng boss niya sa book na kanyang ipinasulat?” Naalala niya ang pagsugod noon sa kanya ng nababalitang fiancée ni Russell Rossell na si Joanne Javier. Ang matinding
“MATAGAL KO NANG hindi nakikita si Roman,” pakikipag-usap ni Solenne sa kanyang bodyguard, habang hinihintay siya nitong pumasok sa loob ng kotse, “alam mo ba kung nasaan siya?” ang tanong. Pakiramdam ni Owen ay nanigas ang kanyang katawan sa pagkakatayo sa tabi ng pintuang bukas, ng kotseng sasakyan ni Solenne, dahil sa narinig. Nanatiling pinid ang kanyang mga labi. “Bakit interesado kang malaman kung nasaan si Roman, Solenne?” Hindi nilingon ni Owen ang nagsalita na kilalang-kilala niya ang tinig. Tinig ni Theodore Rossell. Napigil ang pag-angat ni Solenne sa kanyang mga binti. Nanatili itong nakayapak sa semento. Natitigilang napatitig siya sa asawang palapit sa kanila. “Tinatanong kita, Solenne, ano ang interes mong malaman kung nasaan si Roman Romano?” Lumabas ng sasakyan ang asawa ni Theodore. Taas ang mukhang tumindig at hinarap ang nagtatanong sa kanya. “Wala ba akong karapatang malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa mansion na ‘to,” patanong na sagot, “lalo na sa
KRRIINNGG…KRIINNNG… Inis na binuksan ni Solenne ang ilaw sa lampara na nasa side table ng kama. Dinampot ang teleponong nag-iingay. Unknown number. Ni-reject niya ang tawag. Hindi siya interesadong kausapin ang kahit sinong tumatawag sa kanya na hindi niya kilala. Padabog na ibinalik sa side table ng kama ang phone. Diretsong inihiga ang katawan. Ipinikit ang mga mata. Ngunit hindi pa naglilipat saglit ay nag-ring na muli ang kanyang telepono. “Lintek!” Inis na inalis ang kumot na nakatakip sa katawan. Dinampot ang cellphone. Pinatay. Pabalagbag na ibinalik sa pinagkunan. Tumagilid ng higa. Nakadama ng kahungkagan ang puso nang makitang wala si Theodore sa lugar na higaan nito. Ang totoo, sanay na siyang wala sa kanyang tabi ang asawa. Sanay na siyang may mga bagay na mas mahalaga kay Theodore kaysa sa kanya na asawa nito. Bagay na sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama ay niliwanag na sa kanya ng pinakasalan. “Don’t ever ask me where was I in case you won’t find me besid
“CELINE CAMACHO!” Napaangat ang mukha ni Solenne pagkarinig sa masayang tinig na bumanggit sa kanyang alias. Pinilit niya ang ngumiti. Nanlalamig ang mga paa’t kamay niya habang pinagmamasdan ang papalapit sa kanyang si Domingo Sabado a.k.a. Sandy Samedi. Napagplanuhan na niya na ipagtatapat sa dating naging ka-live in ang tungkol sa relasyon nito kay Brendon. Dahil iyon ang nakikita niyang pinakamagandang paraan upang malaman ang kinaroroonan ng kanyang anak. Na ito ay pagsisikapang hanapin ni Domeng kapag nalaman nito na si Brendon ay anak nila. Subalit nabalutan siya nang walang pangalang takot nang nasa harap na niya ito. Kinatakutan niya ang magiging reaksiyon nito. Hindi niya ipinahalata ang takot na namumuyo sa kanyang puso. Kailangan niyang magpakita ng lakas ng loob at tibay ng damdamin upang seryosohin siya ng lalaking kakausapin. Kumislap ang gintong ngipin ng lalake sa pang-ibabang gilagid nang iyon ay tamaan ng liwanag. Ismid ang ngiting naglaro sa sulok ng bib
“WALA NA SA PILIPINAS si Joanne, Domeng,” pahayag ni Solenne nang abutan ang hinabol na hired killer, “walang makapagsabi kung saang parte ng mundo siya nagtatago ngayon,” dagdag na paliwanag pa. Nangingipuspos na napasandal sa pader si Domingo. “Kay tagal kong pinangarap na magkaanak,” ang nasabi, “saan ko hahanapin ngayon ang katuparan ng pangarap kong anak?” paghihimutok ito. “Marami kang koneksiyon sa underground, Domeng,” pagpapaalala ni Solenne sa naguguluhang isip ng ama ni Brendon, “gamitin mo sila. Pakilusin mo ang lahat ng tauhan mo para matagpuan ang anak natin.” Tinitigan ni Domeng ang dating ka-live in. Naramdaman ni Solenne ang malalim na kalungkutang nasa mga matang nakatitig sa kanya. “Pagud na pagod na ‘ko “Solenne,” pagtatapat nito sa kanya,” matagal ko nang gustong magbagong buhay. Manahimik. Magkaroon ng pamilyang mamahalin at magmamahal sa akin.” Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Solenne na nangingilid ang luha ng cold blooded criminal na kanyang kaha
WALANG PAGSIDLAN SA kaligayahan si Shelley nang tanggapin ang susi ng motorsiklong binili niya nang hulugan. “Suwerte mo, Miss Shelley Silver,” saad ng salesperson na nag-assist sa kanya, “dahil limited lang ang ganyang automatic motorcycle na ibinibenta namin. And now it’s all yours!” “Kahit hindi ko mahulugan?” Pagbibiro niya. Malakas na humalahak ang salesperson. “Magiging amin po ulit ‘yan kapag hindi n’yo nahulugan,” ganting biro nito, “pero hindi naman po namin agad binabatak ang item kapag hindi agad nakapaghulog ng dues on time ang client,“ paliwanag pa, “ nagbibigay naman po kami ng warnings at palugit. Pero kung lagi namang updated ang monthly dues n’yo sa motorcycle ay ibibigay naman namin na free ang last two months na installment n'yo.” Nakangiting tumango si Shelley. Binuksan ang kanyang email sa CP. Nabigla nang mabasa ang mga email sa kanya ni Owen na kilala niya as Russell. “OMG! Pinapa-cancel niya ang pagdidiliber ng book kay Sir Theodore Rossel!” Agad sinak
EPILOGUE: MASAYANG PINANONOOD NI Roman ang ini-edit na mga eksena ng isinapelikulang buhay niya. Ang nais niya'y mapanood ng maraming kabataan ang kanyang buhay, mga pagkakamali at pagsisisi upang magbigay ng aral sa mga manonood niyon. "Alam mo, Roman, hindi mo dapat ipinatanggal 'yung eksenang tumatakas ka,"pahayag ng nagi-edit ng pelikula, "maganda 'yon, e! Exciting. Ang galing pa ng leading man na gumanap bilang ikaw, kahit baguhang artista pa lang." "Exciting pero hindi naman totoo," sagot ng dating sundalo sa editor, "doon lang tayo sa totoo!" "Hindi naman halatang wala kang braso kapag naka-long sleeves ka, e. Ang husay kaya ng pagkakagawa ng artificial arms mo," pakikipagtalo ng editor, "madali namang sabihin na sa aksidente ka naputulan ng mga braso," dagdag pa nito, "at saka magandang pang-come on sa viewer once na napanood sa trailer ang part na 'yon na tumatakas ka!" "E, kaso, tigok naman ako do'n sa eksenang 'yon. Samantalang heto't buhay na buhay ako. E, di magagalit
NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia. “Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”“Sigurado kan
SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon. Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol. “Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor. Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon. “Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili. Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital. “May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse. “Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.” “Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
NABIGLA ANG LALAKING balbon na nakasuot ng sleeveless shirt nang dakmain siya sa batok ng isang pulis at mabilis namang nalagyan ng posas ng isa pang pulis na kapartner nito.“Bakit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.“Sumama ka na lang nang tahimik sa amin at ng hindi tayo magkagulo rito.” Sagot sa kanya ng isa sa magkapartner na pulis.Sa di kalayuan ay nakatanaw si Gemma sa kanila na hindi naiwasan ang kabang naramdaman.“Buti na lamang at hindi agad ako nakalapit sa kanya,” ang nasa isip nito, “dahil kung hindi ay malamang na dalawa kaming nadampot ng mga pulis na ‘yon!”Nagpalinga-linga. Sinuyod ng tingin ang kapaligiran. At lalong kinabahan nang mapansin na may mga taong patingin-tingin din sa kapaligiran na tila may hinahanap.“Mga mukhang pulis din…” ang naikonklusiyon niya, “baka ako ang hinahanap ng mga iyon.”Maingat niyang inayos ang suot na facemask at sunglass na nagtatago sa kanyang mukha.“Baka natingnan na ng mga awtoridad ang mga passenger’s list at nabasa na nil
TULOG.Walang namamalayan si Russell sa mga nagaganap sa kanyang kinaroroonan nang mga sandaling yon,Habang pinagmamasdan siya ni Shelley.Halos hindi na makayang dalhin ng utak ng babae ang mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Hindi niya ganap na maunawaan kung bakit sa ilang mga araw na nagdaan ay naging magulo ang kanyang mundo at ang mga dating pinaniniwalaan niya ay biglang naging iba at ang mga dating totoo ay naging kasinungalingan na.Malalim siyang napabuntunghininga.“Siya ba ‘yong lalake na sinaksak ko?” Tanong niya sa kasama.“Siya ang totoong Russel.”Napalunok ang babae, lalo pa nang marinig ang karugtong na paliwanag ng tinanong niya.“Siya ang nag-iisang anak at tagapagmana ng multi billionaire na si Sir Theodore Rossell. At alam ko kung gaano niya kamahal ang anak niyang iyan. Wala siyang hindi gagawin upang maiparamdam kay Russell kung gaano niya kamahal ito.”“A-alam na ba niya ang nangyari sa anak niya? Na ako ang sumaksak sa kanyang anak?”“Inamin mo na sa
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig."Nag-suicide po si Mrs. Rossell.""Paano...?"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..." Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
ISANG TUSONG NGITI ang naglaro sa mga labi ni Attorney Advincula nang makaharap si Solenne Stevens. Nanlalait ang mga mata nitong tiningnan nang mula ulo hanggang paa ang babae na tila ba ito isang napaka-walang kuwentang nilalang."Ikaw ang abogadong may hawak ng last will and testament ni Domingo Sabado, right?" Tanong ng naging ka-live in ni Domeng na puno ng kumpiyansa sa sarili.Pagkatapos ng kung ilang buwan niyang paghahanap, sa wakas natagpuan din niya ang taong susi upang makamit ang lahat ng kayamanang nauukol sa kanla ng anak niya.Pakiramdam niya'y natagpuan na niya ang treasure ni Domingo Sabado na inialay sa kanyang kagandahan bilang regalo alang-alang sa init ng kanyang pag-ibig na ipinagkaloob sa lalake. Walang sagot ang abogado."Maupo ka muna." Ang saad nito sa babae kasabay sa paglalahad ng kamay nito bilang senyas paturo sa silyang nasa harapan ng mesa na nakapagitan sa kanila.Taas ang mukha, puno nang pagmamalaking naupo si Solenne. Pakiramdam niya'y higit siya
MALAKAS NA IPINILIG ni Owen ang sariling ulo. Pilit na nag-focus sa mga sinabi ni Shelley.Abot ng kanyang isip ang kawalan ng laban ng babaing minamahal sa yaman, kapangyarihan, mga koneksyon at dami ng abogado mga Rossell oras na ihabla ni Sir Theodore ang babae. Siguradong-sigurado niang hihimas ng rehas ang babae kapag kumilos ang multi-billionaire laban sa kausap sa telepono.“Nasaan kayo?” Tanong niya.“Nagtatakbo ako sa labas ng bahay dahil sa sobrang takot ko,” sagot ng kanyang kausap, “nasa loob ng bahay ko ang lalaking nagpapanggap na ikaw.”“Is he dead?” Pag-aalala niya.“Hindi ko alam!” Ang nanginginig na sagot ni Shelley.”“Ang balisong, nasa iyo ba?”“Wala. Hindi ko alam kung saan ko nabitiwan.”Pakiramdam ni Owen ay biglang namaga at namanhid ang kanyang utak . Hindi niya mahagilap saanmang bahagi ng kanyang isip ang paraan na makapagliligtas kay Shelley sa paghihiganti ni Theodore Rossell.“Magtago ka muna,” ang bigla niyang naisip na sabihin sa babae, “mag-hotel ka!
PLANADO NA ANG lahat ng kanyang gagawin, sinimulang ilabas ni Shelley mula sa loob ng bahay ang kanyang motorsiklo.“Kailangang makaharap ko at makausap si Sir Theodore Rossell,” ang nasa kanyang isip, “iyon lang ang paraan upang matuklasan ko ang katotohanan kay Russell. Nararamdaman kong napakarami niyang itinatago sa akin. Napakarami niyang sikreto.”Naguguluhan na siya sa napakaraming pagbabagong nakikita at nararamdaman sa karelasyon.“Pati ang hitsura niya’y malaki ang ipinagbago.”Ipinarada niya sa harapan ng kanyang bahay ang motorsiklo. Binalikan at dinobol- check ang pagkaka-lock ng pintuan ng bahay.Isinuot ang helmet at tiniyak na komportable siya sa pagkakalapat niyon sa kanyang ulo, bago humarap sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan.Nabigla at kinabahan nang makitang may lalake na nakaupo sa motorsiklo niya. Waring nanigas ang kanyang binti at hindi nagawa ang humakbang. Hindi niya matiyak kung gaano katagal siyang natunganga sa lalaking nakaupo sa kanyang motorsiklo bag