Thank you for reading 📚 ❤️
Palinga-linga si Olivia habang hila-hila ang dalang maleta. Dalawang araw na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente. Ngayon nga ay paalis na siya papunta ng England para doon magtago.Alam niya na malalaman ni Grant ang ginawa niya. Makapangyarihan ang pamilya ni Grant. Sa oras na mahuli siya ay tiyak na hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. At tiyak siya na kahit ang pamilya niya ay walang magagawa para tulungan siya.Huminto siya sa paglalakad ng may kalalakihan na humarang sa daraanan niya. Takot na napaatras si Olivia ng ipakita ng may edad na lalaki ang hawak na lisensya kasabay ng warrant."Miss Cruz, arestado kayo sa salang attempted murder sa biktimang si Mrs. Graciela Saavedra. May karapatan kang manahimik at kumuha ng abogado." "Let me go!" Hiyaw ni Olivia habang pilit na nagpupumiglas ng hawakan siya ng dalawang pulis sa braso. "Wala akong kasalanan! It was an accident!" Patuloy na hiyaw niya kaya naman halos karamihan ng nakarinig at nakakitang mga tao ay nakatingin
[Kiara]'She's safe for now'Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Grant sa sinabi ng doktor. Sigurado na matutuwa din si Kian kapag nalaman na ligtas ang Lola nito. Sa ngayon.Wala parin kasing kasiguraduhan kung kailan magigising ang ina ni Grant. Hinaplos niya ang buhok ni Kian na nakatulog nalang kaiiyak sa bisig ni Grant."Mahal, magpahinga ka na muna." Hindi pa natutulog si Grant. Pagkagaling nito ng office ay dinala agad nito si Kian rito. Kita niya ang pagod sa mukha nito."Ikaw ang magpahinga, mahal—""Mahal, wala naman akong ginagawa rito sa hospital kaya ayos lang ako." Putol niya sa asawa. "Ikaw ang kailangan magpahinga sa atin. Sabay-sabay mong ginagawa ang lahat, baka mamaya ay ikaw naman ang magkasakit." Nag aalala na siya kay Grant. Paano kung ito naman ang magkasakit?Hinaplos niya ang buhok ni Kian. "Matulog ka muna, Mahal. Samahan mo si Kian, sabihin mo sa kanya na ligtas na si Mama pagkagising niya." Tumango si Grant. Hinalikan siya nito sa labi bago umalis.Hin
[Kiara]"Mahal!" Agad na lumapit si Grant sa kanya at yumakap. Bakas ang tuwa sa mukha nito. "Si Mama nagising na!" Tumulo ang luha niya sa narinig. Ramdam niya ang tuwa ng asawa niya. Alam niya na masayang-masaya ito. Pero hindi niya mai-singit ang tuwa sa puso niya ngayon. Mas lamang ang takot at awa...Takot dahil baka kapag nalaman nito ang ginawa ng daddy niya ay mas lalo lang siyang hindi nito matanggap para kay Grant. Natatakot din siya na baka maging siya ay kamuhian ni Grant dahil sa ginawa ng ama niya.Naaawa rin siya sa ginang... Dahil alam niya ang pakiramdam ng gahasain.... Nakakatakot at masakit sa dibdib...Pero hindi maaari na hindi niya sabihin rito ang totoo. Hindi siya mananahimik.... Hindi niya pagtatakpan ang ginawa ng Daddy niya! Hinding-hindi!"Mahal, bakit namumutla ka?" Hinaplos ni Grant ang pisngi niya. "Halatang pagod na pagod. Ihahatid kita mamaya—"Matamlay siyang umiling. "Hindi na, Mahal. Gusto kitang samahan rito para samahan si Mama." Tanggi niya."W
Umawang ang labi ni Grant sa sinabi ng ina. "Ma, ano ang ibig mong sabihin? Hindi 'yan totoo!" Mapait na tumango ang ina ni Grant. "Totoo ang sinasabi ko, Grant... George is not your biological father.... Mahal na mahal niya ako kaya inako niya ang pinagbubuntis ko kahit na hindi niya naman ito tunay na anak." Parang sasabog ang dibdib niya sa lahat ng nalaman niya.Si Grant pala ang tunay na anak."K-Kaya hindi kayo pwede ni Kiara... Isang malaking kasalanan na nagmahalan kayo..." Humagulhol na sabi pa ng ina ni Grant.Kinalas niya ang pagkakayakap ni Grant sa hita niya."Wala kang dapat ikabahala, Ma.... Hindi naman ako isang Somana... Dahil ampon lang naman ako." Bumakas ang pagkalito sa mukha ng mag ina. Si Aling Josia naman ay halatang nabigla."I'm filing for annulment... Gusto kong maputol kung anuman ang ugnayan na mayro'n tayo, Grant... Gamitan mo ng koneksyon para mas mapadali ang proseso." Aniya bago lumabas ng silid na 'yon."H-Heart...." Natigil siya sa paghakbang ng m
[Scene thirty-two years ago]"Ate, paano na tayo ngayon na wala na sina Nanay at Tatay?" Umiiyak na tanong ng labing tatlong taon na si Paul sa kapatid na si Graciela na labing pitong taong gulang naman."Shh, wag kang maingay... gusto mo ba na umiyak din si Greta kapag nakita niya na umiiyak ka?" Saway ni Graciela sa kapatid habang masuyong hinahaplos ang buhok ng sampong taong gulang na si Greta. Kamamatay lang ng mga magulang nila. Na-aksidente ang mga ito habang lulan ng tricycle. Bumangga ang tricycle sa isang malaking dump truck ng basura na ikinasawi agad ng buhay ng mga 'to.Bilang panganay ay pinakita ni Graciela ang katatagan, kahit ang totoo ay natatakot siya....Tama si Paul... Paano na sila? Sapat ba ang pagtitinda niya ng mga kakanin para buhayin ang dalawa n'yang kapatid? Wala silang kamag anak na mahingian ng tulong... Labing pitong taong gulang pa lang siya at tanging pagtitinda lang ng mga kakanin ang alam niya... Noong nabubuhay pa kasi ang magulang nila ay hindi
[Scene thirty-two years ago]Binaboy siya ng lalaki. Paulit-ulit. Kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi siya nito pinakinggan...Itinali siya ng lalaki sa kama... Duguan ang hubad na katawan at luhaan ang mukha.Nakikita din niya ang pangsingkot nito ng kulay puti na tila ba tawas na nabibili sa tindahan. Hindi rin nito inaalis ang maskara na suot."T-Tama na po! Maawa ka!" Paulit-ulit siyang nagmamakaawa pero bingo ito. Minsan naisip niya na mabuti pa na mamatay nalang siya... Pero kapag naiisip niya sina Paul at Greta ay gusto niya pang lumaban. Kailangan n'yang mabuhay para sa mga kapatid niya...Matapos gamitin ng marahas ay tulala siyang nakatingin sa kawalan. Rinig niya ang malakas na boses ng magkakaibigan. Halatang nagkakasiyahan ang mga ito.Ilang araw na ba siya rito? Lima? Anim?Takot na niyakap niya ang sarili ng makarinig ng yabag. "A-Ate..." Agad na tumulo ang luha ni Paul ng makita ang kalagayan niya. Lumapit agad ito sa kanya para alisin ang tali sa pulsuhan niya na
[Kiara]Isang buwan na mula ng lisanin nila ang mansion ng mga Saavedra. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay napansin niya ang pagiging tahimik ng anak n'yang si Kian. Palagi itong nakatingin muna sa malayo.Hindi man nito sabihin ay alam niya na namimiss nito si Grant.Pinahid niya ang luha na agad naglandas sa pisngi niya ng maalala si Grant. Hanggang ngayon ay parang dinudurog ang puso niya sa sakit. Dito muna sila nanirahan sa lugar kung saan lumaki si Aling Josia. Nang sabihin niya na magpapakalayo - layo siya ay nag suggest ito na dito muna sila tumuloy. Gawa sa buho at kawayan ang bahay ni Aling Josia. Hindi man kalakihan ay kumpleto naman sa kagamitan at kumportable silang mag ina.Natigil siya sa pagsampay ng makita ang paghinto ng mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila.Kumunot ang noo niya ng makita ang Kuya Kier niya na bumaba mula roon.Ano ang ginagawa ng Kuya niya dito? Saka paano nito nalaman kung nasaan siya?Pinunas niya ang kamay sa magkabilang g
Hindi si Kiara nakagalaw sa pagkabigla ng lumapit sa kanya si Aling Josia—Ang tunay n'yang ina!"Anak!" Bumuhos ang masaganang luha ni Josia... Ang ilang taon na pangungulila ay natapos na. Ngayon ay yakap na niya ang kanyang anak na napakatagal n'yang hinanap...Hindi namalayan ni Kiara ang dahan-dahan na pagpatak ng luha.Si Aling Josia pala ang kanyang tunay na ina! Simula ng malaman niya na ampon lang siya ay sumagi sa isip niya kung makikita pa ba niya ang tunay n'yang mga magulang. Ang daming tanong sa isip niya.May kapatid ba siya? Ano ang mukha ng mga magulang niya? Hinanap ba siya ng mga ito? O pinaampon siya dahil hindi siya mahal?"Aling— M-mama na po ba ang itatawag ko sayo?" May luha sa mata na lumayo siya rito.Sunod-sunod na tumango si Josia sa anak. "Ang sarap sa pandinig na tawagin mo akong 'Mama, anak." Hinawakan nito ang kamay ni Kiara. "Sobrang tagal kitang hinanap. Ang tagal akong umasa na makikita kita ulit anak. Hindi ako sumuko, kahit isang beses, naniniwala
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko