Natigilan si Grant. Kanina pa niya pinipihit ang sendura ng pinto pero hindi niya mabuksan. Gustong pumasok ni Kian para puntahan ang Lolo nito, kaya naman ng sabihin nito sa kanya na hindi nito mabuksan ang pinto ay siya na ang nagbukas. Pero tulad ng sinabi ng anak niya ay hindi 'yon mabuksan. Mukhang hindi gusto ng mga ito na ma-istorbo.Hindi niya gustong magpunta sa hospital na ito kundi sinabi ni Kier na malubha na ang lagay ng ama nila.Oo nabigla siya. Hindi niya akalain na hindi niya tunay na ama si George.Napakabuti ng Papa niya. Wala itong pinakita at pinaramdam kundi pagmamahal sa kanila ng Mama niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na hindi ito ang tunay n'yang ama. Ang nakakagulat pa ay siya pala ang tunay na kapatid nila Kier at hindi si Kiara.Humawak siya sa dibdib. Kumirot iyon ng maalala ang babaeng mahal niya. Sana ay dumating ang panahon na mapatawad siya nito.Dinukot niya ang cellphone ng marinig na may nag-message sa kanya. Nanlaki ang mata niya."Kiara
[Kiara]'Sorry, Kiara... Sana balang araw ay mapatawad mo ako'Tumulo ang luha niya habang binabasa ang sulat na iniwan ni Bea para sa kanya. Inamin ng kaibigan ang pakikipagsabwatan kay Grant para lang sa mahal nito—Ang Kuya Kier niya.Hindi niya mapigilan ang umiyak ng umiyak. Nawala na ang Daddy niya, hindi sa sakit kundi dahil pinaslang 'to ni Tanya, na Greta pala ang tunay na pangalan. Kapatid pala ng ina ni Grant si Tanya, ang babae na nakita niya sa Spain.Tapos ngayon wala na rin si Bea... Bakit sabay pang nawala ang isa sa mahalagang tao sa buhay niya? Yumakap ang Mama niya sa kanya. Napansin n'ya na parang wala sa sarili ang Kuya Kier niya simula ng mawala si Bea. Gusto tuloy n'yang isipin na mahal nito ang kaibigan niya kahit alam n'yang hindi naman.Nag alisan na ang lahat ng nakipaglibing, maliban sa kanila nina Dina at Klea...Natigilan siya....Naiwan din pala ang Kuya Kier niya."B-Bakit naman iniwan mo kami, Bea. Kainis ka, alam mo 'yon? Dahil lang ba sa hindi kaya
[Kiara]Rinig pa niya ang isang beses na pagtawag nito bago siya tuluyang makapasok sa bahay nila. Sumandal siya sa pinto at tinakpan ang bibig gamit ang kamay. Baka mamaya ay makita ni Kian ang pag iyak niya.Sinasabi niya sa sarili na hindi na siya iiyak pero heto siya, nasasaktan pa rin... Gaano man niya gustong pigilin ang nararamdaman ay hindi niya magawa.Masyado n'yang mahal si Grant.Di bale, malapit na rin naman silang lumipat uli ni Kian sa bahay ng mama niya. Tiyak na hindi na siya pupuntahan do'n ni Grant.Dahan-dahan siyang sumilip sa bintana para makita kung nasa labas pa si Grant. Hindi niya ito makita dahil sa halaman na nakaharang. Umusod siya pakanan para makita ang asawa pero—"Anak." Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Mabilis na tumuwid siya ng tayo."M-Ma." Alanganin na sambit niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ah, m-may sinisilip lang ako, hehe." Syempre hindi siya aamin na si Grant ang sinisilip niya— "Pwede mo naman siyang papasuk
Hirap na hirap siya habang inaalalayan si Grant na ipasok sa loob ng kwarto niya. Paano ba naman ay ang laki ng katawan nito. Lumabas uli siya para balikan ang tasa na iniwan lang niya sa tabi ng sasakyan nito. Pagkabalik sa loob ng kwarto ay hinubad niya ang suot nitong medyas. Nakagat niya ang labi.Kailangan n'yang palitan ito ng damit dahil pawis na pawis ito.Mahina n'yang tinampal ang pisngi. Paano ay namumula siya! Daig pa niya ang isang teenager na nakita ang katawan ng crush niya!Hinuburan niya si Grant. Dahil wala naman siyang damit ni Grant dito sa bahay nila ay isinuot niya rito ang paborito n'yang tshirt na napakalaki, na isang Hello Kitty character design. Gustong-gusto niya itong suotin kapag matutulog na siya noon, bukod kasi sa napakalaki ay presko pa.Napangiti siya. Mabuti nalang at nagkasya rito ang tshirt niya. Matapos bihisan ay agad na kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Kailangan n'yang punasan ang katawan ni Grant, para mabawasan ang taas ng lagnat nito.An
[Kiara]Bakit ang bango? Bakit ang sarap yakapin ng unan niya ngayon? Siniksik niya ang ulo sa mabango at mainit n'yang unan. "Lola, akala ko po ba galit si Mi kay daddy?" Boses ni Kian."Shhh, wag kang maingay. Hayaan na muna natin sila." Boses ng mama niya. Narinig pa niya ang pagsara ng pinto. Hayaan daw sila? Sino sila? Siniksik niya ang ulo sa unan niya—teka, bakit may naririnig siyang tibok sa unan niya?Dumilat siya at tumingala.Nanlaki ang mata niya ng makita ang nakapikit na si Grant. Sa taranta ay napa-atras siya dahilan para malaglag siya sa kama."A-Ang sakit! Bwìsit!" Nakahawak sa balakang na umupo siya—pero agad ding napaatras.Paano ay gising na si Grant at masyadong malapit ang mukha nito sa kanya!"G-Good morning." Tabingi ang ngiti sa mukha na bati niya."Good morning, mahal. Ano ang ginagawa mo d'yan?"Isip, Kiara! "A-Ah.. kasi wala ng matutulugan kagabi kaya dito nalang ako sa lapag natulog.. H-Hindi kita tinabihan ha!" Kinagat niya ang dila. Baka mamaya ay m
[Kiara]Habang sakay sila ng kotse ay tahimik lang siya. Si Kian naman ay panay ang kwento sa Daddy nito. Halatang masayang-masaya ito na nakasama ang ama ngayon.Noong nakaraan kasi ay pansin niya na matamlay ito, hindi katulad ngayon. Lumabas na naman ang kadaldalan."Bye, daddy! Bye, Mi!" Kumaway si Kian sa kanila bago pumasok ng gate.Nang mawala si Kian sa paningin ay kinuha niya ang bag sa loob ng kotse ni Grant."Ihahatid na kita." Sinamaan niya ng tingin si Grant."Hindi na, Grant." Naiinis siya kapag naaalala ang nangyari kanina.Syempre nahihiya din siya! Iyon talaga ang number one na rason! Alam pala ng loko na tumabi siya sa higaan, tapos tinanong pa siya kung ano ang ginagawa niya sa lapag?"Magta-taxi nalang ako." Aniya. "Please, Mahal. Hayaan mo na ihatid kita." Nakataas ang kilay na tumingin siya kay Grant. Akala yata ay madadaan siya sa pa-mahal-mahal nito. No way! Hindi naman siya marupok, no!Few minutes later...Gusto n'yang kutusan ang sarili! Paano ay natagpuan
[Kiara]Pagkabalik niya sa Shop ay hindi nawala ang tanong ng mama niya sa isip niya.Handa nga ba siyang patawarin si Grant?Bumuntong-hininga siya. Ang totoo n'yan ay hindi niya alam. Kapag naaalala niya kasi ang ginawa ni Grant ay nasasaktan siya ng husto. Pinagkatiwalaan niya ito. Minahal ng sobra. Tapos malalaman niya na ito pala ang taong sumira ng buhay niya.Ang sakit.Natigil siya sa pag iisip ng makita si Grant na nakatayo sa harap niya. "Ang sabi ko naman sa'yo wag mo na akong sunduin." Ang kulit naman. Kaya naman n'yang umuwi mag isa. "Iisa lang naman ang bahay na uuwian natin kaya bakit hindi pa tayo magsabay?" Todo ngiti na sabi ni Grant.Napasimangot siya. "Oo nga pala, no! Salamat sa'yo ha, ang galing mo kasi." Nakairap na sabi niya. "Anong ginawa ko?" Si Grant.Maang-maangan pa! E, pwede naman kasi itong tumanggi sa anak nila pero ang loko hindi ginawa!"Pwede ba, Grant, wag kang pa-kunwari d'yan. Kasalanan mo 'to, e!" Kinuha niya ang sling bag at nauna ng lumabas
[Kiara]Dilat na dilat ang mga mata niya. Hindi siya makatulog. Paano siya makakatulog kung kasama niya si Grant sa iisang kwarto. Oo, ilang beses na silang nagtabi. Ilang beses na nga silang naagtalik— Iyon na nga ang problema!Paano siya masasanay na malayo kay Grant kung ganito ang set up nila ngayon? Galit nga siya di'ba? Paano naman niya mapapangatawanan ang galit niya kung magkasama sila sa iisang kwarto at gustong-gusto niya na makatabi ito?!Oo! Inaamin niya! Gustong-gusto niya na katabi si Grant! Sinasabi niya lang na hindi siya marupok, pero anak ng tokwa! Sino ang niloloko niya?Umusod siya palapit sa kinahihigaan ni Grant. Hindi kalakihan ang kwarto niya kaya alam niya na hindi ito kumportable sa pwesto nito. Naglatag lang kasi ito ng makapal na comforter sa lapag. Pilit n'yang inaaninag ang mukha ni Grant.Kainis naman! Bakit kasi pinatay nito ang ilaw! Hindi tuloy niya makita ang mukha nito!Umupo siya sa kama—"Mahal?" Nagmamadali siyang humiga at nagtulog-tulugan
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko