[Kiara]"Sinasabi ko na nga ba at isang pùta ang babaing 'yan, Grant! Tingnan mo at ikaw na mismo ang humusga!" Ano ba ang nangyayari? Bakit ang ingay ng ina ni Grant? Bumangon siya at dahan-dahan na minulat ang mata. Nakita niya ang ina ni Grant na masama ang tingin sa kanya, si Olivia ay may pang uuyam na ngisi sa labi. Si Grant naman ay walang emosyon sa mukha.Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng pagyakap ng lamig sa katawan niya. Gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya ng mapagtanto na wala siyang saplot maski isa! Ang kinalaki ng mata niya ay hindi siya nag iisa sa kama! Katabi niya si Cyrus!"Tang'na ka!" Mabilis na sinugod ni Grant si Cyrus at pinagsusuntok, kaya naman napatili siya sa gulat. Lumapit si Aling Josia sa kanya at sinuotan siya ng dala nitong roba, niyakag siya ng matanda sa gilid.Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Tumingin siya ng masama kay Olivia. Ang huli n'yang natatandaan ay sobrang nahihilo siya dahil sa ininom n'yang cocktail drink na binigay ni Ol
[Kiara]Huminto siya sa paglalakad ng makita ang ina ni Grant sa malawak na garden ng mansion. Sa nakalipas na dalawang buwan ay napansin niya na palagi itong naglalaan ng oras para magpinta.Dalawang buwan na ang lumipas. Alam niyang hindi pa rin siya tanggap ng ina ni Grant. Palagi kasi itong naka-ismid sa kanya, hindi rin siya nito kinakausap. Pero ayos lang, ang importante ay hindi na ito gagawa ng bagay na ikasisira nila ng asawa niya. Kahit hindi siya nito gusto ay sinusubukan niya gumagawa ng hakbang para magustuhan siya nito. Pinagluluto niya ito minsan, pinaghahandaan ng tea, at dinadalhan ng meryenda. Tulad ngayon, may dala siyang tray ng meryenda para rito.Dala ang tray ng meryenda ay nilapitan na niya ito. "Ma, para po sayo." Aniya.Katulad ng dati, hindi siya nito kinakausap. Aalis na sana siya ng mapansin niya na hindi katulad ng nakikita niya, hindi blangko ang canvas na nasa harapan nito ngayon. May nakapinta do'n na isang makamandag na ahas na naka-pinta sa letrang-S
[Kiara]"Mi, pwede na po ba akong mag-girlfriend?"Muntik na siyang masamid sa tanong ng anak. Nang tingnan niya si Kian ay wala sa pagkain ang atensyon nito. Nangalumbaba ito habang tulala na para bang malalim ang iniisip."Baby, masyado ka pang bata para sa bagay na 'yan, saka hindi ka pa nga tuli e," Gusto n'yang matawa ng sumimangot ang mukha ng anak. "Mi!" Ngumuso 'to at tumingin sa paligid na para bang nahihiya na baka may makarinig na iba.Pareho tuloy silang natawa ni Grant sa inakto nito. "Tama ang mommy mo, Son, masyado ka pang bata." Segunda ni Grant sa kanya."Paano 'yan, Dad? Gusto ko po kasi na akin lang siya, hindi po ba siya pwede na ikulong sa room ko?" Ang laki ng pinagbago ng anak n'yang si Kian. Madalas na itong seryoso ngayon, minsan ay tila may sarili na nga itong mundo. Hindi katulad noon na mayamaya siyang tatawagin kung may kailangan 'to. Ngayon ay mas gusto nitong ginagawa ang mga bagay ng mag isa. At sa nakikita niya ngayon sa anak niya ay walang bakas ng
Si Manny na ang naghatid sa kanya sa GS building. Ito na ang naghahatid o nagsusundo sa kanya kapag sobrang busy ni Grant."Ay Ma'am, wala po si Sir ngayon. Kasama po niya sila Mr. Fuentes at Mr. Somana." Pag imporma sa kanya ng secretary ni Grant.Napangiwi siya. Hindi kasi siya nagmessage kay Grant para ipaalam na pupunta siya rito. Gusto niya kasi na supresahin ito."Gano'n ba. Hmm, ayos lang. Hihintayin ko nalang siya sa loob." Nakangiting sabi niya bago pumasok sa office ng asawa. Agad na nilapag niya ang dala sa maliit na mesa na naroon. Inunat niya ang braso, nangalay siya sa dami ng dala niya. Hindi na kasi siya nagpatulong kay Manny na dalhin ang iba, pinauwi na niya ito dahil kay Grant siya sasabay pauwi.Napangiti siya habang nakatingin sa malaking wedding portrait nilang mag asawa na nakasabit sa wall. Lumapit siya ro'n at hinaplos ang pisngi ni Grant. Sino mag aakala na magkakatuluyan silang dalawa? Eh, hindi naman niya pangarap si Grant noon."I'm really sorry, Ma'am. Y
"I'm sorry, Mahal. Na-drain ang battery ng phone ko, even my power bank, kaya hindi ako nakapag - message sa'yo." Paliwanag ni Grant pagkapasok palang nila ni Kiara sa kwarto.Nawala ang inis niya ng yakapin siya ni Grant sa bewang. Nakakapanghina naman kasi kung maglambing 'to. Gwapo ba naman e."Wag ka na magtampo, hmm?" Hinalik-halikan pa ni Grant ang tenga niya.Nanghihina tuloy ang tuhod niya!Inis na binaklas niya ang kamay ni Grant at naniningkit ang mata na tiningnan 'to. Naalala niya ang babae na nakita niya sa office nito. At talagang naiinis siya!"Mahal, naman... Wag ka na magalit." Parang bata na samo nito sa kanya. Iniwas niya ang tingin. Ang gwapo talaga!Tumikhim muna siya. "Galing ako sa office mo ng tanghali, nabanggit naman siguro ng secretary mo 'yon." Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib. "May babae do'n kanina, maganda siya ha, morena, matangkad." Pumilig ang ulo ni Grant habang nakikinig sa kanya."Naka-wheelchair siya." Nakita niya kung paano dumilim a
HINDI niya mapigilan ang mapangiti habang nagluluto siya. Paano ay nagtatalo na naman sina Consing at Joy. Nagtatalo sa maliit na bagay."Mas gwapo nga sabi ni Senyorito Grant!" "Mas gwapo si Sir Kier!" Hindi nagpapatalo na sabi ni Joy."Bakit ba nagtatalo kayong dalawa d'yan? Bakit hindi nalang natin tanungin si Senyorita?" Sumulyap sa kanya si Mercy. "Sino ba ang mas gwapo sa dalawa, Senyorita? Di'ba mas gwapo si Sir Tyler?"Napabunghalit na siya ng tawa. May kanya-kanya naman palang manok ang mga 'to. "Tumahimik nga kayong tatlo! Si Sir Dimitri ang pinakagwapo sa lahat!" Sabay ni Lylia na kadarating lang galing sa pagdidilig ng mga halaman, katulad ng tatlo ay kasambahay din 'to mansion.Tumatawa na sumandal siya sa sink at tumingin sa mga 'to. Siya pa talaga ang tatanungin. Syempre ang asawa niya ang isasagot niya!Eh si Grant lang naman ang pinakagwapo sa paningin niya wala ng iba."Syempre ang asawa ko ang pinakagwapo sa lahat." Pround na sagot niya. Napangisi si Consing, saman
Kinabukasan ay maaga siyang nagising.Gusto niya sanang sabihin agad sa ina ni Grant ang tungkol sa tattoo symbol ng mga Somana. Pero pinili niya na huwag muna sabihin. Kausap kasi nito si Tito Paul, ang kapatid nito. "It's been thirty-two years. H-Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa pagkawala niya." Natigil siya sa pagpasok sa sala ng marinig ang basag na tinig ng biyenan niya. Hindi niya alam kung dapat ba niya na ihatid pa ang dala-dala n'yang meryenda para sa mga 'to gayong seryosong nag uusap ang dalawa. Hindi niya gustong makaabala."Ate, patawad dahil kahit naging detective ako ay wala akong nagawa para hanapin siya... W-Wala akong nagawa para mabigyan ng hustisya ang pagkawala niya." Bakas ang sakit sa tinig ni Tito Paul.Nagmamadali na bumalik siya sa kusina. "Senyorita, bakit dala mo uli 'yan? Ayaw ni Senyora?" Tanong ni Lylia ng makita ang dala-dala niya.Inilingan niya ito. "Mamaya ko nalang ihahatid 'to, busy pa sila e." Aniya.Hindi niya mapigilan na isip
"My God, Kiara! Look at you! You're so blooming! Alaga sa dilig?" Nginisihan niya si Klea. "Inggit ka?" Ngumuso 'to. "Of course not!" Nakairap na sagot nito. "Mas mabuti na 'tong single ako. Kaysa umiyak ako, katulad ng isa d'yan." Pasaring nito kay Dina na kanina pa umiiyak. Halos naubos na nga nito ang tissue sa harapan."Bwisit na lalaking 'yon! May asawa na pala ang hayòp! Ginawa akong kabit ng hindi ko nalalaman!" At umatungal na naman ng iyak si Dina.Napailing nalang sila ni Klea habang tinatapik ang magkabilaang balikat nito. Sawi na naman 'to sa pag ibig."Ayan na si Bea." Nguso ni Klea sa pinto ng Coffe Shop.Natigilan siya ng tuluyan makalapit si Bea. Alam niya na hindi lang siya ang nag aalala. Gano'n din si Klea at Dina. Napahinto pa nga si Dina sa pag iyak ng makita namin si Bea.It's been five months simula ng huli nilang nakita si Bea.Payat na si Bea noon, pero mas lalo na ngayon. She looked like haven't eaten for a year. Nanlalalim din ang ilalim ng mga mata nito."