“Baka gusto mong tumabi sa akin na umupo sa harapan, my future wife. Nakakahiya naman kasi kung dito ka lang sa likuran.” Nakangising wika ni Hector. “Excuse me Ma’am, kayo po ba si Engr. Hera Harrigan?” Nabaling ang atensyon nila sa isang naka unipormeng babae na kung hindi sila nagkakamali, isa sa mga staff ng Dome. “Yes,” tipid na sagot ni Hera. “Pwede po ba kayong sumama sa akin? Isama n’yo na rin po ang bodyguard ninyo. May ilang katanungan lang po tungkol doon sa Bid proposal na, na-submit ninyo.” Tumingin si Hera kay Dwayne, ngunit nagkibit-balikat lang ito. Hindi niya alam na may ideya na si Dwayne kung bakit sila ipinatawag. “Huh, mukhang hindi na kayo makakasali, Hera. Tsk. tsk. Kawawa naman ang pinagpuyatan mo.” “Hera, tandaan mo, huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng kumpanya, kapag tinanong ka nila, kumpanya mo lang ang sasabihin mo.” Humihingal na wika ni Don Fernan. Kararating lang ng mga ito. Halatang nahihiya ito sa ibang mga contractors na sumali rin sa b
“Love, thanks God at gising ka na.” Nanatili pa rin siyang tulala ng niyakap siya ni Hera. Matagal siyang nakatitig sa pisngi ng dalaga, habang nakasandal ito sa dibdib niya. Kumalas ito ng yakap sa kanya at umangat ng mukha upang titigan siya. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. “Nashmin?” sambit niya dahilan upang mag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Nakita niyang nanlabo bigla ang mga mata nito dahil sa namumuong luha. “Love, Ano ba ang nangyari sa’yo? At sino si Nashmin? Babae ba siya sa nakaraan mo? O, pinagsabay mo lang kami?" Napakurap siya ng mga mata at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya, natulog siya ng mahabang panahon at ngayon lamang nagising. Si Nashmin ang huling babaeng nakita niya sa kanyang panaginip, kaya napagkamalan niya si Hera na si Nashmin. Inikot niya ang paningin at nakita niya sina Rheniel at Nathan na nakatingin lamang sa kanya. Tinapunan niya ito ng makahulugang tingin, at naintidihan naman ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Mabilis na lumabas ng
“Magpahinga ka na, Hera. Bukas na natin ituloy ang pag-uusap.” wika ni Don Fernan, ng makita na umalis na si Hector. Labis ang tuwa sa mga mata ni Hera na sumulyap kay Dwayne. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata, at silang dalawa lang ang nagkakaintindihan kung ano ang nais nilang ipahiwatig sa isa’t-isa.“Dwayne, pakidalhan na lang ako ng pagkain sa silid ko.” utos niya sabay talikod sa mga ito.“Teka, bakit si Dwayne, ang magdadala ng pagkain mo? Andyan naman ang yaya Rosita mo." Saway kaagad ni Donya Hailey."Mom, ano oras na, ayaw kong nanggigising pa ng katulong para dalhan ako ng pagkain." dahilan niya sa ina."Okay lang po, Ma'am may mga binili po kasi kaming pagkain sa restaurant kanina. Hindi na ni Ma'am Hera nakain dahil nagmamadali na siyang umuwi. Ito na lang po ang ihain ko para sa kanya." Itinaas niya ang bitbit niyang plastic bag na may mga laman na pagkain.Ilang beses pang nag palipat-lipat ng tingin si Donya Hailey sa kanilang dalawa, waring nagdududa."Halika
"Ahhhhh! Lapastanganan!" SLAP! SLAP!"Love!" Buong lakas na tinulak ni Dwayne ang mga bodyguard na may hawak sa kanya at mabilis na hinatak si Hera upang yakapin ito. Naawa na siya dahil sa pamumula ng mukha nito dulot ng pagsampal ng mga ito mula pa kanina. "Men, get her!" "Sige, subukan n'yo, kung gusto nyong lalabas ng silid na ito na wala ng buhay!" Matapang niyang wika sa mga bodyguard na akmang kukunin na si Hera mula sa mga yakap niya.Nang makita ng Don na nag-aalangan ang mga tauhan niya, galit niyang sinigawan ang mga ito at tinutukan ng baril."Ano pa ang hinihintay niyo! Kunin n'yo ang anak ko o kayo ang papatayin ko!"Mabilis naman na sumugod ang mga ito kay Dwayne na kasalukuyang nasa pintuan na upang ilayo si Hera.Ngunit sa bawat lapit ng mga tauhan ng Don, isang malakas na sipa ang ginagawa niya at sinisiguro niyang matatamaan niya ang pinakamaselan na parte ng mga katawan nito upang hindi na makatayo pa. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nadagdagan ang galit ng Don k
“What?” Hindi makapaniwala si Hera sa na e-report sa kanya ng tauhan mula sa kanyang opisina. Kakagising niya lang at tumawag ito sa kanya. Binalita na pumunta ang kanyang Daddy sa opisina niya ng maaga pa upang kunin ang lahat ng files na pinaghirapan niya upang makuha ang bilyon na project ng SmithCom. Kahit ang kontrata na kapwa nila pinirmahan ng SmithCom kahapon pagkatapos ng bidding, ay kinuha rin ng Ama. “Hindi nila pwede makuha ang bilyon na projects na iyon.” dagdag na wika niya sa sekretarya na si Suzete. “Iyon na nga po Ma’am. Pero pinagpipilitan talaga ng Daddy mo na kunin ang files dahil hindi mo raw kaya na simulan ang malaking projects” paliwanag nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Lumalabas na ang pagiging unreasonable ng kanyang ama. Gusto talaga nitong pahirapan siya upang mapilitan siyang bumalik sa poder ng mga ito. “Sige, maraming salamat.” Tinapos niya ang pag-uusap nila ng sekretarya dahil wala naman na itong magagawa pa. Nagmamadali na siy
Sabay silang pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ni Dwayne ang 5th floor kung saan naroon ang opisina ni Judge Lenon. "Love, kinakabahan ako," humigpit ang kapit ng mga kamay ni Hera sa braso ni Dwayne. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan, sa bagay na hindi naman dapat dahil ikakasal na siya sa lalaking laman ng puso niya. Siguro talagang ganito ang pakiramdam kapag ikinakasal, bongga man o, simple, pareho lang na kinakabahan. Nararamdaman niyang pinisil ni Dwayne ang nanlalamig na kamay niya."Calm yourself love, araw natin 'to, kaya dapat masaya tayo." Hinaplos nito ang pisngi niya bago sila lumabas ng elevator."Good Morning Ma'am, Sir," nakangiting bati ng secretary sa kanila ng makarating na sila sa harapan ng pintuan ng opisina ni Judge Lenon. "Goodmorning," nakangiti rin na bati nilang dalawa."Kanina pa po sila naghihintay sa inyo sa loob, Sir." Hindi mawala ang ngiti sa labi ng sekretarya.Binalingan ni Hera si Dwayne ng marinig ang sinabi ng babae. "Love, m
"Hera, sana mahalin mo ang anak ko. Hindi ko masasabing isang perpektong asawa ang anak ko, ngunit masasabi kong isa siyang mabuting tao. Aasahan ko na mamahalin mo siya, kahit pa malaman mo ang dark side niya. Alam kong mahal na mahal ka ng anak ko, kaya ikaw ang babaeng pinili niyang makasama habang buhay.""Pinapangako ko pong mamahalin ko si Dwayne..ah.. si Rhayan ng buong puso, tita.""Mommy, Just call me Mom. Miyembro ka na ng pamilya ko, kaya itinuturing na rin kitang anak." Pagtatama ni Rihanna sa daughter in law niya.Napaluha siya dahil sa sagot nito. Aaminin niyang sobrang bait ng pamilya Crawford sa kanya, dahil mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga ito."Oh, bakit ka umiiyak? Baka sabihin ng anak ko, kung ano na ang sinabi ko sa'yo at pinaiyak kita." Nakangiting wika ni Rihanna."Sorry, Mom. Hindi ko lang kasi maiwasan. Sobrang nahihiya po ako sa pamilya n'yo, lalo na sa inyo ni Dad. Aaminin ko pong hindi naging maganda ang trato ng mga magulang ko sa anak niyo. Hindi sila
"Love, gusto mo, hindi muna tayo uuwi? Ipapasyal muna kita. Honeymoon natin ngayon at gusto kong ipasyal kita kahit saang lugar mo gusto." Nakangiting wika ni Rhayan. Binalingan siya ni Hera ng may pagdududa kung totoo ba ang sinasabi niya. "Saan mo naman ako ipapasyal?" Halata ang pagpipigil nitong mapangiti. "Saan ba ang pangarap na puntahan ng asawa ko?" Pinagsalikop niya ang palad nilang dalawa habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada. Sinulyapan niya ang asawa. Nakita niyang sandali itong nag-isip. Makikita ang tuwa sa mga mata nito ng bumaling sa kanya. “Sige nga, kung seryoso ka. Gusto kong dalhin mo ako sa lugar sa South Africa kung saan aakyat tayo ng Treehouse na napapalibutan ng maraming ilaw. Hihiga tayo sa loob ng tent at sabay na panoorin ang mga nagkikislapan na mga bituin sa langit.” Napangiti siya habang tinitingnan ang papikit-pikit na mga mata ng asawa habang iniimagine ang sinasabi nito na lugar sa kanya. Nagdilat ito ng mata at sumimangot na tiningnan siya
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an