Sa sobrang kasarapan nila, hindi nila napansin na naabot na pala nila ang dulo ng Cruise. Sobrang busy siya sa kanyang pagpikit-pikit habang pinapaliguan ng halik ni Rhayan ang kanyang katawan, kaya hindi niya alam na tumayo ito at nadulas ang paa sa sahig kaya nalaglag ito mula sa Cruise. Napaiyak pa siya ng hindi na niya ito mahagilap. Maging ang kapitan ng Cruise at mga staff tumulong na rin sa paghahanap. Alam kasi niyang nalaglag ito sa dagat dahil naabutan niyang parang may bumagsak. Ang kainaman lang ng ginawa nila ni Rhayan dahil may naidudulot na maganda ang nangyaring iyon sa kanila. Ang pagbagsak nito sa tubig ang naging dahilan kung bakit ito muling nakaalala. Kagabi lang napagod sila sa kanilang paghaharutan kaya mabilis silang nakatulog. Ngunit nagising siya ng madaling araw dahil sa biglang pagsigaw ni Rhayan at panay ang banggit nito ng pangalan ni Nashmin. Umiyak pa siya dahil noong una, hindi siya nito naalala ng gumising na ito, Si Nashmin lang ang binabanggit nito,
Si Don Fernan ay biglang nagkaroon ng kayabangan sa katawan dahil sa halaga ng regalo ng anak niya. Sa lahat ng mga apo ni Madame Motsha na nandito ngayon sa loob, tanging anak lamang niya ang nagbigay ng regalo na sobrang laki ang halaga. Tuwang-tuwa si Madam Motsha na kinuha ang cellphone mula sa kamay ni Vian. What the fuck!” Napamura si Jed ng makita ang regalo ni Hera. Nagtaka siya kung saang bangko ang pinsan niya nangungutang. Kaya naman agad siyang nakaisip ng paraan. “Siguradong baon ka na sa utang pinsan dahil sa dami mong gastos simula ng nag-asawa ka.” Napatingin si Madam Motsha kay Hera. “Apo, inutang mo rin ba ang niregalo mo sa akin?” tanong ng Madame. “Hindi po Lola, pera po ni Dwayne ang ginastos ko, riyan.” nakangiting sagot ni Hera. Napuno muli ng halakhak ang buong Hall. Tila sa lahat ng joke ni Hera, ito ang pinaka nakakatawa. Si Don Fernan ay [parang natutunaw na. Okay na sana kanina ang yabang niya sa sarili. Ngunit ngayon, tila bigla na naman siyang matuna
“Woooooow! Woooow!” napasigaw ang lahat ng makita naman si Vian sa harapan ng gold nitong sasakyan. Isa itong Mercedes-Benz 300 SLR Gullwing Uhlenhaut. Alam ng ilan sa kanila kung magkano ang halaga ng sasakyan na ito, dahil nasaksihan nila ang pagbili nito sa auction ng lalaki na sinasabi nilang isang Zillionaire. Hindi nila nakita ang mukha nito, dahil alalay lang nito ang nagbayad sa entablado. Nagkakahalaga lang naman ito sa 142.5 million dollars sa auction. Ito ang pangarap na sasakyan ng mga lalaking Harrigan dahil mahilig sila sa Race cars. Hinablot ni Alex ang susi mula sa kamay ni Vian at sinuri ito ng mabuti kung peke o hindi. Mahilig siya sa mga Luxury Cars kaya alam niya kung peke ito. Napaawang ang labi niya habang nakatingin kay Dwayne. Ayaw niyang isipin na ito ang nakabili ng sasakyan sa auction dalawang taon ang nakalipas. Si Dwayne, alam na niya kung ano ang iniisip ni Alex habang nakatingin sa kanya. Wala siyang naisip na e-regalo kay Madame Motsha, kaya nang ma-bu
“Boss, nakasara po ang opisina ni Ma’am Hera,” umangat ng mukha si Don Fernan matapos marinig ang sinabi ng kanyang tauhan.“Nakasara?” takang tanong niya.“Yes, Boss. Mag-iisang linggo na raw sabi ng guwardiya na nakausap ko roon.”Nakasalubong ang dalawang kilay ng Don. Isa lang ang nasa isip niya. Malamang nalugi na ang kumpanya ng kanyang anak dahil sa laki ng ginastos sa birthday ng lola nito. Lihim siyang napangiti. Alam niyang hindi magtatagal at babalik na rin si Hera sa kanila. Iiwanan nito si Dwayne at kapag nangyari iyon, hindi pa naman huli para sa anak niya na makakita ng lalaki na pwedeng ipagmalaki. “Huh, akala talaga ng lalaking iyon, makahuthot na siya ng pera sa anak ko, Hindi ko hahayaan na mangyari iyon.” Sa loob-loob niya. Muli niyang binalingan ang tauhan.“Alam mo ba kung bakit nagsara ang kumpanya nila?” tanong niya. Gusto pa rin niyang malaman ang dahilan kung bakit nagsara ang kumpanya ng mga ito.“Ang sabi ng guwardiya Boss, lumipat raw sila ng kumpanya. Sa
"Fernan pwede ba, umupo ka naman? Kanina pa ako nahihilo sa'yo. Hindi ako makapag focus dito sa pinanonood ko." Iritadong wika ni Donya Hailey sa asawa. Kanina pa kasi niya ito napapansin na hindi mapirme sa inuupuan nito. Mayroong tatayo at maglalakad ng konti tapos babalik na naman sa pag-upo. Nahihilo na siya kaya niya sinaway ito. "Ano ba ang problema mo?" Naisip niyang itanong.Umupo si Fernan sa couch at humarap sa asawa. "Nagdududa kasi ako sa gagong Dwayne na iyon. Hindi ko alam kung ano ang sikreto niya bakit sya nagkaroon ng malaking kumpanya at pinangalan sa anak mo.""Hanggang ngayon ba iyon pa rin ang pinoproblema mo? Jusmeyo, Fernan, isang guwardya lang ang nagsabi no'n sa'yo at nagpapaniwala ka naman. Maniwala ka lang kung may ipakita silang dokumento na nagsasabing si Dwayne nga ang may-ari ng kumpanya na iyon. Pinaimbestigahan na natin siya noon pa simula ng maging body guard siya ng anak mo, may nakalap ka bang impormasyon na mayaman ang pamilya nila? Wala di ba? Isa
Labag man sa kalooban ni Donya Hailey ang pakiusap ng asawa niya, wala syang magagawa kundi sundin ang kagustuhan nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero ng anak. Kasalukuyang nakahiga sa kama ang mag-asawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Hera sa bedside table. “Love, sandali may tumatawag.” inawat ni Hera si Rhayan nang akmang hahalikan muli siya nito. Napahagikhik siya ng muli nitong kiniliti ng halik ang leeg niya. "Rhayan, my goodness, stop it." Medyo tumagal pa ang paghaharutan nila sa isa’t-isa hanggang sa tumigil na ang pag-ingay ng ringtone ng cellphone niya. “Love, kanino kaya mag mamana si baby?” excited na tanong ni Hera. Binuhat siya ni Rhayan at ipinatong sa ibabaw ng katawan nito, sabay yakap ng mahigpit. “Malamang sa’yo magmamana sa kagandahan pag baby girl ang anak natin.” nakangiting sagot ni Rhayan. “Feeling ko lalaki ang Baby natin, kaya sa’yo talaga magmamana sa kagwapuhan—” napahagikhik siya ng bigla na naman siyag kiniliti nito sa lee
KINABUKASAN, unang pumunta si Hera sa Harrigan Corp. upang tingnan kung ano ba talaga ang nangyari. Nagkasabay pa ang meeting nila with investors kaya napagkasunduan nila ni Rhayan na ito na muna ang makipag meet-up sa mga investors at siya na lang ang pupunta sa Harrigan Corp.“Mag-ingat ka Love, tawagan mo ako, kung sakaling magkaproblema ka.” Hinapit nito ang baywang niya at mainit na siniil ng halik sa labi. Ang simpleng halik na iyon ay tumagal dahil tinugon niya iyon. Tila nasarapan ang asawa niya ngayon sa labi niya kaya naman halos ayaw nitong bitawan. “Remember, ingatan mo ang tagapagmana ko.” nakangiting sabi nito at muli siyang siniil ng mabilis na halik.“Masusunod po, master,” nakangiti niyang sagot rito dahilan upang bahagya nitong pisilin ang ilong niya.Hinintay muna ni Rhayan na makapasok ang ang asawa sa loob ng sasakyan, bago sinenyasan si Lendon na lumapit sa kanya. “Lendon, siguraduhin mong mababantayan mo ng maayos ang asawa ko. Baka naman ang mga mata mo manana
“The audacity of you na pumunta rito!” Galit na hinagis ni Ramy Harrigan ang pinirmahan na dokumento sa harapan ni Hera, ngunit agad naman itong sinalo ni Lendon.“At ikaw, uncle, anong tawag sa ‘yo? Your face is too thick to take my father's seat.” madiin na wika ni Hera. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo nito dahil sa sinabi niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.“Nagpunta ka ba rito upang bawiin ang posisyon ng daddy mo? Hah! Manigas ka, dahil ako na ngayon ang bagong presidente ng kumpanya. Walang karapatan ang Daddy mo lalo na ikaw, dahil kampon kayong lahat ng mga magnanakaw. Hinayaan ng Daddy mo ang asawa mo na nakawin ang limang bilyon na profit share ng kumpanya. Hindi nakapagtataka kung nakapag patayo kayo limampung palapag na building dahil nanggaling iyon sa pagnanakaw!”“Uncle Rammy, kung marunong ka. Kung talagang matalino ka, bakit hindi ka marunong mag compute kung ilang bilyon ang nagastos namin sa limampung palapag na building na sinasabi mo? Limang bilyon kamo
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba