Thank you mga Rising Pips. Tatlong chapters po ang dinagdag ko ngayon. Salamat sa maraming gems. na binigay ninyo. Sana uwag nyo rin kalimutan na silipin si Amazing Twins. Maraming salamat.
PAST MIDNIGHT na ngunit wala pa rin si Drake. Kanina pa siya pabiling-biling sa higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ito umuwi. Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone nito ngunit hindi nito sinasagot. Nagring pa ito kanina, ngunit ngayon out of coverage na. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ang sabi nito kanina, susunduin siya sa opisina ngunit hindi naman nito ginawa. Pinasundo lang siya kay Tim at ito na lang ang naghatid sa kanya pauwi. Tinanong niya si Tim kung nasaan si Drake, ngunit sinagot lang siya na hindi raw nito alam. Kung si Gavin naman ang tatawagan niya at tanungin, ganun ang sagot at halata na umiiwas ito sa mga tanong niya. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Naghalo na ang kaba at pag-alala niya na baka nalaman na ni Drake ang kinakatakutan niyang mangyari."Dii, saan ka na ba? Masyado na akong nag-alala sayo." Hindi na niya kayang bilangin kung ilang te
“Dii, kailan lang nangyari ang mga pictures na iyan!" Sigaw niya rito. Lalo lang sumikip ang dibdib niya. Nakita niya ang pag-iling nito. Hindi pa rin ito naniniwala sa kanya. "Freya kakalipat lang sa akin sa Cleveland sabay na nangyari yan! Paano mo ako papaniwalain na akin ang batang yan, gayong magkatugma ang buwan na nawala ako at kung ilang buwan na ang batang iyan!" "Drake, matatanggap ko pa na sabihan mo ako ng puta o kung ano man ang gusto mong itawag sa akin. Pareho nating binuo ang batang ‘to, bunga ng pagmamahalan natin sa isa’t-isa, ngunit hindi ko matanggap na hindi mo siya kilalanin bilang anak mo. Maraming nangyari sa atin bago ka pa binaril. At malinis ang konsensya ko na hindi ako ginalaw ng lalaking…" "Tangina, Freya kumbinsihin mo pa ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano pa ang paniniwalaan ko! Alam mo bang maraming mga katanungan ngayon sa isipan ko? Ano kaya ang buhay ko kung hindi kita nakilala? Sana nga hindi na lang kita hinanap upang hindi ko maramdaman
Samantalang matagal na nakatitig si Drake sa singsing na hawak niya. Naalala niya ang mga pangako na binitawan niya noong inalok niya ito ng kasal. “Fuck!” pinasok niya ang singsing sa loob ng bulsa ng pantalon niya at patakbong tumungo sa pintuan. “Freya!” sigaw niya rito at patakbong pumasok sa silid ni Nathan. Ngunit walang Freya siyang naratnan sa loob. Tiningnan niya ang anak, mag-isa lang itong naglalaro sa loob ng crib. “Dada..momma..momma,” bigkas ni Nathan habang nakatingala itong nakatingin sa kanya. Parang hiniwa ang puso niya, ng maisip na baka nga tinohanan ni Freya ang pag-alis. Patakbo siyang lumabas ng silid. “Freyaa!”malakas na sigaw niya habang tumatakbo na palabas ng gate ng palasyo. Narinig naman ni Dustin at Rihanna at malakas na sigaw ni Drake, kaya napabalikwas rin sila ng bangon at inalam kung ano ang nangyari. Naabutan ni Dustin na ilang beses sinuntok ni Drake ang dibdib nito, kaya agad niya itong pinigilan. “Bro, kakaopera lang ng dibdib mo, at hindi pa
Maririnig pa ang pag ngitngit ng makina ng sasakyan ni Drake ng biglang niyang pinaharurot iyon. Saka pa lang nakahinga ang chairman ng makitang nakaalis na ito. Direktang tinungo ni Drake ang pinakamalapit na kulungan kung saan maaring dinala si Freya. “Ah.. Miss Stanley, Kapapasok lang niya rito sa loob ng kulungan sa salang pagpatay kay Vince Aldeguer.” wika ng pulis na nakausap niya. “Gusto kong palabasin ngayon din ang asawa ko!” matigas na utos niya rito. Dahil takot ang lahat sa kanya at kilala na siya bilang tagapagmana ng kaharian ng Wales, hindi na kumontra pa ang pulis. ‘Yan din ang dahilan kung bakit iniba nila ang kulungan ni Freya. Nalaman nila na parang itlog ang pag-iingat ni Drake sa asawa nito, kaya, special din ang treatment nila kay Freya. Ilang minuto ang nakalipas, lumabas ang pulis. “Sir, gusto kong palabasin si Maam Freya ngunit ayaw po niyang lumabas. Tumanggi po siyang makausap ka.” Parang pinipiga na naman ang puso ni Drake dahil sa narinig. Naiintindih
“Pasensya na po Sir. Ngunit tumanggi pa rin siyang kausapin kayo.” Bumagsak ang balikat ni Drake, dahil sa sinabi ng Jail guard. Pang ilang buwan na ba ito? Nakalimutan na niya. Kasi hindi naman buwan ang binibilang niya sa tuwing pumupunta siya rito. Halos araw-araw, wala siyang absent sa pagpunta rito. Kahit nagkaproblema sa kumpanya dahil napabayaan na niya, wala pa rin sa bokabularyo niya na unahin iyon dahil nangako siya sa sarili na hindi susukuan si Freya. Sabi ng Doctor, 7 months na ang pinagbubuntis nito. Natakot siyang baka dito planong ipabalas ni Freya ang pangalawang anak nila. Bumaba ang tingin niya sa mga pagkain na niluto niya kanina. Gaya ng dati, may dala na naman siyang mga paborito nitong pagkain. “Drake,” sandali siyang natigilan sa paglabas ng mga pagkain mula sa malaking basket na dala niya ng marinig na may tumatawag sa pangalan niya. Lumingon siya at nakita niya ang ama ni Freya habang inalalayan ni Sam. Mabilis siyang tumayo at sinalubong ito. Emosyonal ni
“Sam, ikaw ba talaga ang nagluto lahat ng iyan?” tanong niya sa kapatid. Tumayo siya at isa-isang tinitigan ang mga ito.“Oo naman ate, bakit hindi ka naniniwala?” Sagot ni Sam at umupo na rin sa harap ng mesa upang makikain. Akmang kukuha na siya ng kutsara ng hinampas ng ate niya ang kamay niya kaya napatingin siya rito.“Huwag mo akong lokohin! Paanong ikaw nagluto ng mga iyan, hindi ka naman marunong magluto! Di ba Daddy?” Binalingan pa ni Feya ang kanyang ama at tinanong ito. Kinumpirma kung si Sam ba talaga ang nagluto.“Ahhh.. Ahhmm..” Hindi alam ni Mr. Stanley ang isasagot, pati si Sam, ngayon lang din narealized na hindi pala siya marunong magluto kaya nahuli siya ng ate niya. Masyado kasi siyang natatakam sa luto ng brother in law niya at gusto na niyang kumain. Hindi pa naman sila nakakain ng Daddy niya dahil nagmamadali na itong puntahan at ate niya.“Sam, aminin mo nga sa akin, sino ang nagbigay sa’yo ng mga pagkain na ito?” nagdududa na tanong ni Freya.Nakamot ni Sam, a
“Welcome home, Freya.” Niyakap ni Rihanna si Freya ganun din si Queen Alice at King Rhiannon. Si Dustin lang ang hindi yumakap baka masapak pa siya ni Drake. Alam niyang siya ang inaabangan nito kung susunod rin siya sa pagyakap kay Freya. Kaya nagbisibisihan na lang siya sa pagkarga ng kambal niya. “Si Nathan?” tanong ni Freya at hinanap ng kanyang mga mata, ang anak. “Nandito po si prince Nathan ma’am,” sagot ni Mylene at lumapit kay Freya upang ibigay ang anak rito. “Mom..Mommy..” pautal-utal na bigkas ni Nathan. Turning two years old na ito. Naluluhang niyakap ng mahigpit ni Freya ang anak at pinaulanan ito ng halik sa mukha. “I missed you, my prince.” hindi mapigilan ni Freya ang muling maiyak habang yakap ang anak niya. Isa rin ito sa tiniis niya ng ilang buwan na hindi makita. “Sorry, baby,” pabulong niyang wika rito. Ilang sandali pa napansin niya si Mylene. “Mylene, paano ka nakabalik rito? Anong nangyari sa’yo?” takang tanong niya. Kinuwento naman ni Mylene ang nangya
KINABUKASAN nagising si Drake sa magkasunod na tunog ng cellphone niya. Dahan dahan ang kanyang paggalaw sa takot na baka magising si Freya. Masyado nilang namiss ang isa’t-isa kagabi at nakailang rounds pa sila sa kama. Hindi na nga niya ma-bilang kung nakailang posisyon na sila sa loob ng kanilang silid. Gusto lang nilang sulitin ang unang gabi na muli silang nagkasama. Kahit anong ingat niya na hindi magising si Freya, wala na siyang magawa dahil nagising na rin ito. Hindi muna niya pinansin ang tawag, dahil nang-aakit na mukha ng asawa niya ang pumipigil sa kanya.. Niyakap muna niya ito at siniil ng mainit na halik sa labi. “Good morning Mii…” nakangiti niyang bati rito. “Goodmorning Dii..” ganting bati rin ni Freya habang nakangiti. Ilang buwan rin siyang gumigising sa kulungan na nangangarap na sana si Drake ang una niyang masisilayan sa paggising niya. At ngayon sobrang saya niya na hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa. Napansin niya ang patuloy na pagtunog ng ce