Thank you sa pag-aabang ng story. Please sana makita ko rin kayo sa Amazing twins na story ko. Maraming unexpected turn of events ang mangyayari at mas mahaba nga lang ang story non kaysa kay Love Game pero worth po siyang basahin. Maraming salamat sa pagbibigay ng gems. Sana bigyan nyo na rin ng gems si Amazing twins ko, para ma promote din ni GN, Kasali rin kasi iyon sa contest. Maraming salamat.
"Put*ng Ina Vince, ano na naman ang ginawa mo!?" Bulyaw ni Chairman Aldeguer sa anak, parang gusto na niyang sapakin ito. "T..teka Dad, bakit?" Nagtataka na tanong ni Vince habang nakatingin sa galit na anyo ng ama."Magtatanong ka pa!? Iyan! Tingnan mo ang malaking project na dapat sana sisimulan na ngayong araw ngunit binasura ng mga investors dahil sa utos ng SmithCom!" Sabay hampas ng kanyang ama ng mga dokumento sa mukha niya. Paano naman pag initan ng SmithCom ang kumpanya nila gayung comatose ngayon si Drake? tanong niya sa sarili."Ngayon, nakapag nilay ka na!? Alam mo bang sa ginawa mo, ang pinakahuling proyekto na pag-asa natin upang makabangon, ay naging bato pa!?" Galit na galit ang kanyang ama habang nakapamewang sa harapan niya."Dad, alam mo naman na pinag-iinitan tayo ng SmithCom di ba?""Dahil yan sa kagagawan mo, Gago ka!" Singhal ulit nito sa kanya dahilan upang mapaatras siya sa kinatatayuan ng akma siyang suntukin ng kanyang ama."Putang anak ka Vince, punong-puno
ONE MONTH LATER"Welcome back bro," nakangiting bati ni Dustin kay Drake, habang hinihintay ang pagpark ng private jet nito mula sa runway."Thanks bro," tipid na ngiti ni Drake at bakas sa mukha ang excitement. Ngayong nandito na siya sa Wales pakiramdam niya nabuhay lahat ng lakas niya. Nagagalak na talaga siyang makita ang kanyang mag-ina. "Diiiiii..!" umangat siya ng mukha, pagbaba niya ng private jet narinig niya kaagad ang malamyos na boses ng babaeng mahal niya. Karga nito ang kanilang anak na pakiramdam niya isang taon siyang nawala dahil bigla itong lumaki. Mahigit isang buwan lang siya napalayo sa mga ito ngunit tila marami ng nagbago. Kumaway siya at patakbong sinalubong ang kanyang mag-ina. Magbago man ang lahat isa lang ang tinitiyak niyang hindi magbago—at iyon ang pag-iibigan nila ni Freya. "Miiii.." mabilis niyang niyakap si Freya. Kinuha niya si Nathan at niyakap rin ito. Sandaling nag-usap ang mga mata nila Freya, at ramdam nila ang pagka sabik sa bawat isa. "I miss
“Ano ang kailangan mo?” galit na tanong ni Mr. Stanley sa kanya, pagpasok niya sa opisina nito. Kahit hindi siya nito inalok ng upuan, siya na ang kusang nag welcome ng sarili niya at umupo sa upuan sa harapan ng table nito. “Mr. Stanley, nandito ako, upang hilingin sa’yo na gusto kong pakasalan ang anak ko mo.” “Huh, at sa tingin mo ganun lang kadali iyon? Huwag kang umasa na papayag akong maikasal sayo ang anak ko. Lagi kong sinasabi kay Freya, kahit na ikaw pa ang pinakamayamang lalaki dito sa Wales, wala akong interest na ipakasal sayo ang anak ko, kaya nag-aaksaya ka lang ng pagpunta mo rito!” tutol agad nito sa gusto pa sana niyang sabihin. “Alam kong tutol po kayo sa akin para sa anak ninyo Mr. Stanley. Ngunit maari ko bang malaman kung bakit ganun na lang ang galit mo sa akin? Nagmamahalan po kami ng anak ninyo. Basbas nyo na lang po ang kailangan namin para matuloy ang pagmamahalan namin dalawa. Gaano ba kahirap para sayo na ibigay sa amin iyon?” “Itatanong mo pa? Ng dahil
"Paano mo pala napapayag si Daddy na magpakasal tayo?" tanong ni Freya habang nasa byahe sila papuntang opisina. Nakalimutan n’yang tanungin si Drake kagabi, pagkatapos nilang umalis sa venue kung saan ito nag propose ng kasal sa kanya. Umuwi naman sila ng palasyo ngunit sa sobrang pagod kaya nakalimutan niya rin itanong at agad na siyang nakatulog. Inakbayan siya ni Drake habang ang isang kamay nito ay naka hawak sa kamay niya. “Pinuntahan ko siya sa opisina niya kahapon. Decided n kasi ako na gawin ang lahat upang pumayag siya na pakasalan kita. Noong una ayaw niyang pumayag ngunit siguro na realized n’ya rin na its time naman na hayaan n’yang ikasal tayong dalawa. Kaya pumayag siya na magpakasal ka sa akin.” Nakangiting wika nito at hinalikan siya sa noo. Masaya si Freya dahil sa wakas pumayag na rin ang Daddy niya. Ang daddy lang naman niya ang inaalala niya dahil ayaw nito sa kasal nila ni Drake. Ngunit ngayong pumayag na ito, lubusan na niyang pinakawalan ang sama ng loob sa ka
Naisipan niyang tawagan si Freya sa cellphone nito. “Mii..umalis ka ba?” tanong nya ng sinagot nito ang tawag. “Yes, Dii, may emergency meeting lang ako sa business partner ko,” sagot rin ni Freya. “Bakit hindi mo sinama ang grupo ni Tim? Alam mo naman nag-iingat lang ako di ba?” may himig tampo ang boses niya. “Dii, ‘wag kang mag-alala, walang mangyayari sa akin, okay? Ayoko lang na matakot ang business partner ko sa dami ba namang bodyguard na nagbabantay sa akin.” masiglang sagot nito sa kanya na pinaniniwalaan naman niya. “Sigurado ka ba? Saan ka ba ngayon?” tanong niya. “Ahhh, Dii, wait , nandito na kasi ang business partner ko, mamaya na tayo mag- usap sa bahay, okay? I Love you.” “I love you too,” sagot na lang niya, kahit pa na parang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ito sa kanya. Ngunit wala na siyang magawa kundi pagkatiwalaan ang sinabi nito. Alam niyang hindi magsisinungaling si freya sa kanya. Napag-usapan na nila ito. Kailangan nilang pagkatiwalaan ang isa’t-isa.
Malalaki ang mga hakbang niya, at pansamantala siyang nag palinga-linga kung may humahabol sa kanya. Panay ang buhos ng luha niya habang tumatakbo, Buong buhay niya, hindi niya inakala na darating ang araw na ito sa buhay niya. “Taxi!” humihingal na sigaw niya at agad naman itong huminto sa harapan niya. “Wales, Palace,” wika ni sa taxi Driver. Habang nasa biyahe, pinapraktis na niya ang sarili na maging kalmado. Hindi pwedeng malaman ng mga tauhan sa loob ng palasyo ang ginawa niya. Alam niyang malaking kasalanan sa palasyo ang pumatay. Hindi siya katulad ni Dustin, na makapangyarihang tao sa balat ng lupa, kahit pumatay ito, hindi ito kayang hulihin ng mga pulis dahil sa impluwensya nito. Ngunit siya isa lamang ordinaryong mamamayan ng Wales, at alam niyang mabilis lang siyang mahuli ng mga pulis kapag malaman ng mga ito ang ginawa niya. Humiram muna siya ng pera sa guwardiya ng palasyo at iyon ang pinambayad niya sa taxi. Nagmamadali na siyang umakyat sa kanyang silid. Mabuti
PAST MIDNIGHT na ngunit wala pa rin si Drake. Kanina pa siya pabiling-biling sa higaan ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ito umuwi. Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone nito ngunit hindi nito sinasagot. Nagring pa ito kanina, ngunit ngayon out of coverage na. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ang sabi nito kanina, susunduin siya sa opisina ngunit hindi naman nito ginawa. Pinasundo lang siya kay Tim at ito na lang ang naghatid sa kanya pauwi. Tinanong niya si Tim kung nasaan si Drake, ngunit sinagot lang siya na hindi raw nito alam. Kung si Gavin naman ang tatawagan niya at tanungin, ganun ang sagot at halata na umiiwas ito sa mga tanong niya. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Naghalo na ang kaba at pag-alala niya na baka nalaman na ni Drake ang kinakatakutan niyang mangyari."Dii, saan ka na ba? Masyado na akong nag-alala sayo." Hindi na niya kayang bilangin kung ilang te
“Dii, kailan lang nangyari ang mga pictures na iyan!" Sigaw niya rito. Lalo lang sumikip ang dibdib niya. Nakita niya ang pag-iling nito. Hindi pa rin ito naniniwala sa kanya. "Freya kakalipat lang sa akin sa Cleveland sabay na nangyari yan! Paano mo ako papaniwalain na akin ang batang yan, gayong magkatugma ang buwan na nawala ako at kung ilang buwan na ang batang iyan!" "Drake, matatanggap ko pa na sabihan mo ako ng puta o kung ano man ang gusto mong itawag sa akin. Pareho nating binuo ang batang ‘to, bunga ng pagmamahalan natin sa isa’t-isa, ngunit hindi ko matanggap na hindi mo siya kilalanin bilang anak mo. Maraming nangyari sa atin bago ka pa binaril. At malinis ang konsensya ko na hindi ako ginalaw ng lalaking…" "Tangina, Freya kumbinsihin mo pa ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano pa ang paniniwalaan ko! Alam mo bang maraming mga katanungan ngayon sa isipan ko? Ano kaya ang buhay ko kung hindi kita nakilala? Sana nga hindi na lang kita hinanap upang hindi ko maramdaman