Salamat sa palaging pag-antabay sa aking update. Pasensya na at akoy nagkaproblema. Maraming salamat po.
"Dustin," namamaos ang boses ni Rihanna, habang nakakapit pa rin sa batok ni Dustin. Nagkahiwalay na ang kanilang mga labi, ngunit nararamdaman pa rin niya ang tamis ng labi nito."Rihanna," siniil muli siya ng halik ni Dustin sa labi. "I love you, at hindi ko hahayaan na iwanan mo ako." Buhat pa rin siya nito hanggang sa bumukas ang elevator."Dustin, hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa natin, pareho nating alam na magkapatid tayo, ngunit mas pinili pa rin natin na ipagpatuloy ito. Ayoko lang na mas lalong lumala ang sitwasyon natin.Ang kapakanan lang naman ni Rhayan ang iniisip ko," waring gusto na naman kumawala ng mga luha ni Rihanna.Pinahiga siya nito sa kama, nagtaka siya kung bakit nasa loob sila ng silid na pinaayos nito para daw sa maging kambal nila. Tumabi rin ito sa kanya sa paghiga at pinaunan ang ulo niya sa braso nito habang mahigpit siyang niyakap. Narinig niyang muli itong nagsalita."Wife, mahal na mahal kita, maaaring isa lamang akong asawa sa paningin mo
"Hindi ko alam, in-assume ko na lang na baka dahil kay Drake kaya niya nalaman ang result," sagot ni Rihanna habang nakapikit."Hmmm, parang may mali eh, isipin mo luv, paano nalaman ni Drake na nagpa DNA test tayo? Hindi naman natin sinabi sa kanila ang plano natin. Tapos ito pa, bakit sobrang coincidence naman ng lahat. Ka-kuha lang natin ng result ilang oras lang nandun na kaagad sa wales? Ano yon, pinadala ng INtech?"Sabay silang nagkatinginan ng naisip ang huling sinabi ni Dustin."Tang'na, 'wag lang nila akong subukan na linlangin, mapapatay ko sila!" madiing wika ni Dustin. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo niya. Sa lahat ng pinaka-ayaw niya, ang tinatraydor siya.Tila naiintindihan naman ni Rihanna ang naging reaksyon ni Dustin. Nanlalabo ang kanyang mga mata na hinawakan ang pisngi nito."Sorry luv, nagkulang ako ng tiwala sa 'yo. Paano pala kung mayroong sumabotahe sa result ng DNA natin? Ibig sabihin hinayaan ko sila na tuluyan tayong maghiwalay."Niyakap siya ng mah
"Luv, may problema ba?" nagtataka na tanong ni Rihanna habang papalapit kay Dustin na kasalukuyang nakaupo sa veranda ng mansyon. Mahaba ang tulog niya, kaya alas singko na ng hapon, siya nagising. Nakita niyang malalim ang iniisip ni Dustin, lumapit siya at umupo sa tabi nito.Binalingan siya ng asawa at niyakap ng mahigpit, inamoy-amoy pa ang leeg niya, waring nagpapalambing."Iniisip ko lang luv, kung sino ang nagpapatay kay Jax sa kulungan," sagot nito.Gulat na kumalas si Rihanna mula sa yakap ni Dustin."What? Wala ka namang inutusan upang patayin siya hindi ba?" takang tanong niya."Bakit ko naman gagawin 'yon, kung wala naman sa kanya ang hinahanap natin? Wala pa sa plano ko na ipapatay siya."Kakatapos lang magsalita ni Dustin ng dumating si Mr. Stuart."Master, I'm sorry kung ngayon lang po ako dumating, hinanap ko pa kasi ang katawan ni Jax," bungad agad ni Mr. Stuart. Halatang hinihingal ito sa pagsasalita."Anong nangyari?" tanong ni Dustin."Master, ang sabi ng mga pulis,
Walang nagawa si Dustin, kundi ang isama si Rihanna sa lungga ng Black Dragon. Panahon na rin para malaman nito ang ilan sa mga nakatagong identity niya at kung saan ang lungga ng Black dragon. Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil alam na nito ang tungkol sa pagiging Black Mamba niya.Pagpasok nila sa loob ng dungeon, agad na bumungad sa kanila ang walang malay na matandang Doctor habang nakahandusay ito sa sahig. May tali ang mga kamay nito at paa."Kanina pa ba, walang malay 'yan?"Sabay na lumingon ang lahat na mga miyembro ng Black Mamba, matapos marinig ang boses ni Dustin. Mabilis silang lumuhod, at yumuko, tanda ng kanilang paggalang sa kanilang master."Master, mahigit isang oras na po siyang walang malay," sagot ni, Deadly Scythe."Ikuha mo ako ng malamig na tubig," utos ni Dustin."No, sa palagay ko, mainit na tubig ang kailangan mo," singit ni Rihanna.Napabaling si Dustin sa kanyang asawa ng marinig ang sinabi nito."Wife, hindi kaya mapaso ang bihag natin, kapag maini
"Dustin! Seryoso ako, ang baho ng dungeon mo!" naiiritang sigaw ni Rihanna ng makita na tumatakbo si Dustin upang iwasan ang mga batong hinahagis niya rito."Bakit ka kasi pumasok, kung alam mo naman pa lang mabaho, sana nagpa-iwan ka na lang dito sa labas kanina," sagot rin nito."Iyon na nga ang rason kung bakit hindi ako nagreklamo kanina eh. Dahil alam kong hindi ka papayag na isama ako sa loob!" sigaw niya habang hinahabol si Dustin. Malapit na sila sa tabing dagat, sa kakahabol niya.Parang iiyak si Rihanna, hindi niya alam kung bakit gusto niyang patulan ang pang-iinis ni Dustin. Gustong-gusto niyang inisin ito, ngunit siya pa ang unang nainis. Wala pa sana siyang balak na sabihin rito na buntis siya dahil gusto niyang e-sorpresa ito mamaya. Kanina bago sila pumunta rito, alam na niyang buntis siya dahil nag pregnancy test siya loob ng bathroom habang naliligo. Ngunit gusto na niyang makaganti, at makita ang inis sa mukha ni Dustin."Dustin! Kapag hindi ka lumapit dito, habang b
Pagdating ng mansyon, hindi na hinayaan ni Dustin na humawak ng mga mabibigat na bagay si Rihanna. Ultimo ang pagsuot ng bedroom slippers nito, si Dustin pa ang nagpapa-suot sa paa ni Rihanna dahil ayaw nitong nahihirapan ang asawa niya."Luv, akin na ang suklay, ginawa mo naman walang silbi ang kamay at paa ko eh," saad ni Rihanna. Kakatapos lang nilang mag shower ni Dustin. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa harap ng salamin ng kanilang walk-in closet at nakatayo naman si Dustin sa kanyang likuran habang sinusuklay ang kanyang buhok. Ingat na ingat pa ito sa pagsusuklay ng buhok niya, sa takot na baka ma-hila at masaktan siya. Ngayon niya pa lang napansin ang pagiging sweet ni Dustin. Simula ng nalaman nito na buntis siya sa pangarap nitong kambal, mas lalo pa siya nitong minahal. Kanina pa niya inaagaw ang suklay, ngunit ayaw nitong ibigay sa kanya."Luv, pwede bang kahit dito man lang, hayaan mo akong pagsilbihan ka? Sa dami ng sakripisyo mo sa akin noon, hindi pa sapat itong gin
"Put***ng… tang 'na naman Blade! Ilang beses ko bang sabihin sa inyo, na pinaka ayaw ko sa lahat ang umaalis kayo na walang paghahanda! Palibhasa masyado kayong nagyayabang sa mga sarili ninyo na kaya n'yo na lahat! Na porket isa kayong Black Dragon, wala ng mangahas na kalabanin kayo! Hindi porket dumaan kayo sa mga madugong training at marami na ang napatay ninyo, napaka untouchable n'yo na! Nakalimutan n'yo na bang tao rin kayo? Pagkakamali lang ng isa, pwedeng madamay lahat ng kasamahan ninyo sa operasyon. Hindi ako gumastos ng bilyon sa training n'yo ng ilang taon para lang maging walang silbi dahil hindi n'yo naman ginagamit ang mga utak ninyo! Hindi ko ito sinasabi kay Scarlet Blade lang ha, lagi nyong tandaan, lalo na kayong mga leader ng team ninyo. Ang kaligtasan ng mga tauhan nyo, laging nakasalalay sa mga mga balikat n'yo! Kaya be responsible! Bilang leader, you'll first need to master yourself. Kailangan sa sarili mo palang leader ka na. Paano ninyo pamunuan ang maraming
"Luv, saan ka galing?" namamaos na tanong ni Rihanna ng nararamdaman na humiga si Dustin sa tabi niya. Sinulyapan niya ang antigong orasan sa wall, alas onse na nang gabi. "Hindi ka pa ba natulog mula kanina?" dagdag niyang tanong. Binalot siya ng hubad na katawan ni Dustin kaya naramadaman agad ang init ng katawan nito ng masagi sa balat niya. Nakasuot lang siya ngayon ng silk spaghetti strap na night dress kaya ramdam na ramdam talaga niya ang init ng makulong siya sa mga bisig nito. Siniil siya ni Dustin ng mainit na halik sa labi bago ito sumagot."Nagpahangin lang ako sa labas luv. Sorry, nagising ba kita? Bumalik ka na muna sa pagtulog." Malambing nitong sabi at muli siyang pinaunan sa bisig nito habang niyayakap. "Hindi na ako makatulog." gumanti na rin siya ng yakap. Hinalikan ni Dustin ang tungki ng ilong niya, tila nagustuhan naman niya ang paglanghap ng mabangong hininga nito. Bahagya siyang bumangon at itinukod ang siko sa unan. Nagtataka si Dustin kung ano ang ginagawa
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an